Chapter 12

"Guys! Si Clark may binubugbog sa likod ng lumang building." Napatingin kaming lahat kay Daryl na nasa pintuan at hingal na hingal.

"Sino?" Sabay na tanong ng mga classmate namin.

"Hindi ko kilala eh, kawawa na sa kakasuntok 'yong lalaki." Pagkwento pa ni Daryl.

"Tara puntahan natin." Wika nila at saka nagmamadaling lumabas ng classroom.

"Bumabalik na naman siya sa dati niyang ginagawa." Umiiling na sabi ni Sandy.

"Puntahan natin?" Aya ko kay Sandy.

"Tara." Sagot niya at hindi na nagdalawang isip pa.

Lakad-takbo naman ang ginawa namin ni Sandy marating lang ang lugar kung nasaan si Clark.

"G*go ka!" Paulit-ulit niyang sigaw sa lalaki habang sunod-sunod na sinisipa sa tiyan ang lalaking nakahiga at punong-puno na ng dugo ang mukha.

"Hindi man lang ba nila aawatin?" Tanong ko kay Sandy.

"Walang sinuman ang nagtatangkang umawat kapag ganiyan si Clark." Sagot naman niya.

"Puwes ako ang gagawa." Sabi ko at nakipagsiksikan sa mga tao para lang makalapit kay Clark.

"Enough!" Sigaw ko at buong puwersa siyang tinulak. "Bugbog sarado na nga 'yong tao ayaw mo pa ring tigilan?" Ani ko, matalim naman niya akong tinignan.

Mabilis naman siyang lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. It's hurt but hindi ko pinahalata na nasasaktan ako.

"Wala kang alam kaya 'wag kang mangingi-alam." Seryosong saad niya.

"Kahit na, mali pa rin itong ginagawa mo sa kaniya. Napakasama mo talaga, wala kang puso." Sumbat ko.

"Bakit, sino ka ba sa akala mo ha? Transfer student ka lang kaya huwag kang umasta na parang kilalang-kilala mo ako." Sabi niya at saka tinulak ako.

Mabuti na lang at mabilis na nakalapit sa akin si Sandy at sinalo ako. Parang bigla akong nanghina noong makita ang galit na itsura ni Clark. Nakakatakot siya.

"T*ngina!" Inis na sigaw niya at isang beses pang sinipa ang lalaki bago umalis sa lugar.

"Paki-dala naman po siya sa clinic para magamot na siya." Mabilis namang kumilos 'yong apat na lalaki upang pagtulungang buhatin 'yong binugbog ni Clark at dinala na sa clinic.

"Dapat kasi hindi mo na ginawa 'yon." Wika ni Sandy nang makabalik kami ng classroom.

"If I didn't do that, ano sa tingin mo ang magyayari roon sa lalaki? Hindi mo ba nakita 'yong itsura niya kanina? Halos hindi na maaninag 'yong mukha niya sa dami ng dugong nasa mukha niya." Litanya ko.

"Alam ko, nakita ko 'yon pero kasi nag-aalala lang ako sa 'yo. Paano kapag ikaw na naman 'yong ma-tripan ni Clark?" Huminga naman amo nang malalim.

"Kaya ko ang sarili ko, okay? So don't worry about it." Usal ko.

"Pero kasi—" hinawakan ko naman ang mag kabilang braso niya.

"Trust me, I can handle myself." I tapped her shoulder para sabihing nagsasabi ako nang totoo.

Nang magsimula ang klase ay hindi pumasok si Clark hanggang sa mag uwian na.

"Ang tapang noong koreana kanina, 'no?" Dinig kong sabi noong dalawang babaeng nasa bandang gilid ko.

"Oo nga eh, pero alam mo na ba 'yong talagang dahilan kung bakit 'yon ginawa ni Clark?" Tanong naman noong isang babaeng kasama niya.

"Ano raw 'yon?" Tahimik lang akong nakikinig sa dalawa.

"May minamanyak daw kasi 'yong lalaking 'yon at nakita ni Clark kaya 'yon." Sagot noong isa.

Agad naman akong nakaramdam ng guilt nang marinig ko 'yon.

"Ay ganoon? Nasabi ba kung sino 'yong babae?" Tanong ulit noong babae.

"Iyong babae kanina sa gilid na medyo gulo ang buhok." Sagot naman noong babae.

May napansin akong babae kanina kaso hindi ko lang siya pinansin dahil na kay Clark ang buong atensyon ko.

Naka-alis na 'yong dalawang babae habang ako ay nakaupo pa rin at hindi ko alam kung magso-sorry ba ako kay Clark o ano.

"Bakit narito ka pa?"

Pero paano kapag hindi niya tinanggap 'yong sorry ko?

"Min-jo?" Nabalik naman ako sa ulirat nang may tumapik sa balikat ko.

"You're spacing out, are you okay?" Tanong ni Neron.

"Uhmm yeah, sorry hindi kita napansin." Paumanhin ko.

"It's okay, bakit narito ka pa?" Tanong niya.

"Ang tagal ng jeep eh," sagot ko.

"Huh? Kakaalis lang noong isang jeep." Saad naman niya.

"What?! May susunod pa bang jeep mamaya?" Tanong ko.

"Mayroon pa naman, 'yon oh," turo niya sa paparating na jeep.

Nakahinga naman ako nang maluwag. "Thank God."

Humarap naman ako sa kaniya upang mag paalam na.

"Una na ako ha?" Ani ko at nang akmang tatalikod na ako ay hinawakan niya ang kamay ko.

"May ibibigay saglit ako," ika niya.

"What is it?" Takang tanong ko.

May nilabas naman siyang isang hindi gaanong kaliit na teddy bear.

"Here, nalimutan ko kasing ibigay sa 'yo kahapon." Sabi niya at binigay sa akin 'yong teddy bear.

"Thank you," nakangiting sabi ko.

"You're welcome, sige na baka maiwan ka ulit ng jeep." Natatawang sabi niya.

"Okay, ingat ka sa pag-uwi." Ani ko at kinawayan siya.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong nilagay sa ibabaw ng study table ko 'yong teddy bear na binigay sa akin ni Neron.

Nagbihis na ako ng pambahay bago lumabas ng kuwarto.

"Saan po si lolo, la?" Tanong ko kay lola nang mapansin kong wala si lolo.

"May inutos lang ako sa kaniya, narito na 'yon mamaya." Tumango-tango nalang ako at bumalik muna sa kuwarto ko para magbasa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang tawagin na ako ni lola upang kumain. Niligpit ko muna 'yong ibang libro bago lumabas ng kuwarto.

"Kumusta ang araw mo, apo?" Tanong ni lolo.

"Okay lang naman po, lo." Sagot ko.

Hindi na muling nagtanong pa si lolo kaya naman mabilis ko nang inubos ang pagkain ko at tumayo na.

"Good night po, lola, lolo." Sabi ko at hinalikan sila pareho sa pisngi.

Nag-half bath muna ako bago mahiga sa kama.

Habang nanonood ako ng movie ay may nag-pop sa messenger ko.

Neron Cardinoza

Good evening, pretty.

Si Neron lang pala.

Minjo Yoon

Good evening din sa 'yo

Pagka-send ko noon, maya-maya ay may reply na siya agad.

Neron Cardinoza

Kumain ka na ba?

Anong ginagawa mo rn?

Bakit ang ano?

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Minjo Yoon

Ano 'yong ano mo?

Agad naman siyang nagtipa ng mensahe.

Neron Cardinoza

Wala, nvm. Wrong send lang.

So, kumain ka na ba?

Minjo Yoon

Yeah, tapos na.

Neron Cardinoza

Good to know.

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano hanggang sa pareho na kaming magpaalam sa isa't-isa.

Neron Cardinoza

Good night minjo

Sweet dreams

Sineen ko na lang iyon at nag out na. Maaga pa ako bukas eh.