Chapter 11
"Kumpleto na ba kayo lahat?" Tanong ng adviser namin.
"Wala pa po sina Clark at Greg, ma'am." Sagot ni Harold.
"Okay, hintayin muna natin sila." Sagot naman ni Ma'am.
Ngayon na ang field trip namin at imbis na bumabiyahe na kami ngayon ay narito pa kami sa room at hinihintay na dumating 'yong dalawa.
"Omg! I can't wait na makapunta tayo lugar kung saan tayo magfi-field trip." Bulong sa akin ni Sandy.
"Me too," sang-ayon ko.
After few minutes, halos sabay na dumating 'yong dalawa kaya pinapila na kami ni ma'am sa labas at saka pinalakad na papunta sa bus na sasakyan namin.
"Tabi tayo, ha?" Wika ni Sandy habang ikinawit ang braso niya sa braso ko.
"Sure, wala namang sitting arrangement eh." Sagot ko.
Mas naunang sumakay si Sandy at sunod naman ako.
"Dito tayo sa pinakalikod, Min-jo." Tumango na lang ako at saka naglakad na papunta sa kaniya.
Nang makapuwesto kami ni Sandy ay tinitignan nalang namin 'yong iba pa naming kaklase na sumasakay at naghahanap ng mapupwestuhan.
"Don't tell me, rito 'yan uupo." Bulong ko kay Sandy nang makitang naglalakad si Clark palapit sa puwesto namin ni Sandy.
Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya sa tabi ko.
"Dito nga," balik na bulong ni Sandy.
Kung minamalas ka nga naman.
"Attention please," sabi ni ma'am nang makapasok na lahat ng kaklase namin. "Medyo malayo ang pupuntahan natin kaya maaari kayong matulog muna kung inaantok kayo." Pagtutuloy niya.
"Matutulog ka pa?" Tanong sa akin ni Sandy.
"It depends, ikaw?" Balik na tanong ko.
"Depende rin." Sagot naman niya. "Ay, may dala pala akong stick-o rito, gusto mo?" Binuksan niya ang bag niya at kinuha niya rito ang isang garapon ng stick-o.
"Gusto mo nga? Tinakas ko lang 'to sa tindahan ng lola ko." Alok niya.
Natawa naman ako. "Lagot ka,"
"Okay lang 'yan. Close naman kami ni lola kaya hindi ako pagagalitan no'n." Sagot naman niya.
Pareho naming pinagsaluhan 'yong dala niyang stick-o at nang maubos namin ay pareho rin kaming nakaramdam ng antok.
Naalimpungatan ako nang may naaninag akong liwanag. At nakita ko ang isang kaklase namin na kinuhanan ako ng litrato habang nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Clark? The fudge?! H-How?
Mabilis akong umusog kay Sandy at inayos ang sarili ko.
"Bagay kayong dalawa. Look oh, para kayong couple." Wika noong classmate naming babae na kumuha ng litrato sa amin ni Clark.
"Delete that." Tipid ngunit seryosong sabi ni Clark.
"O-Okay, ito na." Takot na saad noong babae.
Matapos 'yong ganap na 'yon ay tumingin na lang ako sa labas. Tulog na tulog pa rin si Sandy kaya hinayaan ko muna siyang matulog. Saka ko lang siya gising noong makarating na kami sa una naming pupuntahan. Ang museum.
"Ang ganda, mii!" Mahinang tili ni Sandy nang makapasok kami sa loob ng museum.
Nakasunod lang kami sa tour guide namin habang pinapakita sa amin 'yong mga naka display roon.
Sobrang ganda at sobrang lawak ng museum na ito. Bukod siguro sa amin ay marami na rin siguro ang pumupunta rito upang bumisita.
"Alam niyo naman siguro kung sino ang nagpinta nitong napaka gandang obra na ito hindi ba?" Tanong sa amin ng tour guide namin habang nakaturo sa painting ni Mona Lisa.
"Sa mga nakaka-alam, sino ang Mona Lisa sa totoong buhay?" Natahimik naman kaming lahat.
"Lisa del Giocondo." Napalingon naman kami sa nagsalita.
Damn, papaano niya alam 'yon? Oh God! I forgot, may Google nga pala.
"Very good, Mr. Benavidez." Ika noong tour guide namin.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang tumama ang tingin niya sa akin.
Pagkatapos namin sa mga paintings ay sunod naman naming tinignan 'yong mga fossils na naroon.
Twelve noon na noong matapos kami sa paglilibot sa buong museum kaya kumain muna kami sa malapit na fast food restaurants.
"Sa tingin mo ano 'yong sunod na pupuntahan natin?" Tanong ni Sandy bago uminom ng tubig.
"I have no idea." I shrugged.
Nang matapos kaming kumain ni Sandy, sabay kaming nagpunta ng cr upang mag hugas ng kamay.
"Pogi noong tour guide natin 'no?" Naningkit naman ang mata ko.
"Akala ko ba kay Sir Jeron ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
"Napopogian lang ako, masama ba 'yon?" Sagot niya habang nagpapatuyo ng kamay.
Pabiro ko naman siyang inirapan. "Tara na nga, mamaya maiwan pa tayo ng bus eh." Ani ko at naunang lumabas ng cr.
Nahinto ako nang magkasalubungan kami ni Clark. Tumingin lang ako sa baba at nagpatuloy na sa paglalakad nang hindi siya pinapansin.
"Himala at hindi ka binuwisit no'n." Wika ni Sandy.
"Mas okay nga 'yon eh," sagot ko.
Nagkibit-balikat naman siya. "Sabagay."
Lumipat kami ng upuan ni Sandy dahil pareho kaming nahihirapan doon sa una naming pinag-upuan.
Pareho lang kaming nakatutok sa cellphone namin at nag-uusap lang kapag magtatanong sa isa't-isa.
Saka lang namin tinigil ang pagsi-cellphone nang sabihin ng teacher namin na malapit na raw kami sa next and last destination namin.
Inayos na namin ang sarili namin nang huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng isang amusement park.
"Oh my! Dream kong makapunta rito, alam mo ba 'yon?" Tanong ni Sandy habang inuuga ako.
Hindi naman ako agad nakasagot dahil sa seventeen years kong nabubuhay ay ngayon lang ako nakapunta ng amusement park.
Pinababa na kami ng bus at nag kaniya-kaniya nang direksyon dahil wala naman na kaming tour guide. Magkasama kami ni Sandy at saka pumila kami sa ferris wheel.
"Ang taas yata, mii." Wika ni Sandy habang nakatingin sa harapan namin.
"Hindi 'yan, tara na!" Ani ko at hinila na siya.
Nang makasakay kami ay hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Sandy dahil ramdam ko ang panginginig niya.
"Relax ka lang, okay? Hindi naman tayo mahuhulog eh," natatawang usal ko.
"Medyo takot kasi ako sa matatas eh," sabi niya.
"Back out na tayo?" Tanong ko, umiling naman siya.
"Huwag na, narito na tayo eh. Kaya ko 'to, whoo!" Mahina naman akong tumawa.
Magkahawak pa rin ang kamay namin nang mag simula nang umandar itong sinasakyan namin.
"Huwag ka na lang tumingin sa baba para hindi ka malula or matakot." Sabi ko.
"Hindi na nga ako tumingin sa baba eh," sagot naman niya.
At nang matapos 'yon, inaya ko naman siyang sumakay sa carousel.
"Ano tayo, bata?" Nakangiwing tanong niya sa akin.
"Kapag inaya ba kita sa viking papayag ka?" Tanong ko.
"Sabi ko nga sa carousel na lang," sagot naman niya.
Ride all you can naman 'yong mga ticket namin kaya lahat ng rides na gusto naming sakyan ay masasakyan namin.
At pagpatak ng alas singko ng hapon ay lahat kami ay tulog na tulog na bus.
"Bye Min-jo, mag-iingat ka." Paalam ni Sandy.
"Mag-iingat ka rin." Ani ko at kinawayan siya pabalik.
Pagka-uwi ko sa bahay ay sinabi ko kina lola na hindi na ako kakain dahil kumain na kami bago umuwi.
"O'sige, magpahinga ka na at alam kong napagod ka ngayong araw." Nginitian ko nalang si lola bago pumasok sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay at nang matapos ay humiga na sa kama at natulog na.