KABANATA 38

“Umalis ka na,” nanginginig ang boses na pagpapaalis ko kay Bellisimo.

Although nothing happened pagkatapos niyang gawin iyon sa aking katawan, I am forcing him now to leave kahit na kanina lang ay ungol na ungol ako sa ginagawa niya. I am such a hypocrite, but I couldn’t let him change my decisions now. I am making him leave not because I wanted to, but because this is what’s the best for the both of us right now.

“How could you easily say that, Mila?” hindi makapaniwala niyang ani. “Don’t you love me?”

Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa driver’s seat kung nasaan siya. Mahigpit ang hawak ng mga kamay niya sa kaniyang steering wheel at mula sa pagkatitingin sa harap ay dumapo sa akin ang kaniyang paningin. My heart clenched at the sight of his bloodshot eyes, almost looked like he would cry any minute now. Halata sa mga mata niya ang pagod at muntik na akong bumigay kung wala lang akong malaking pagpipigil sa aking sarili. Mabilis akong nagbawi ng tingin.

“We can’t be together,” I answered, dodging his last question. “Isa pa, hindi ba at masaya ka na rin ngayon? Why are you even here?”

Humigpit ang pagkakuyom ko ng aking mga kamay na nakapatong noon sa itaas ng aking mga hita. Habang patagal nang patagal ay hindi na ako mapakali, most especially that I could still feel my wetness between my thighs. Gusto kong pukpukin mismo ng bato ang sarili kong ulo.

I heard him snort. “Masaya? Mukha ba akong masaya ngayon, Jamila? I can’t believe you’re saying that.”

Napapikit ako nang mariin nang naramdaman ko ang nagdaang sakit sa aking puso. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Bonita noong araw pagkatapos na makalaya si Kuya Jamile sa kaniyang kaso. That was the last news I heard about him at akala ko ay masaya na siya ngayon kasama ang babaeng nililigawan niya. It was already months since then and I was living everyday with that pain in my heart. Kaya bakit hindi na lang niya sabihin ngayon na ganoon nga dahil sanay na rin naman ang puso ko na iyon ang alam? Why now? After all this time! After everything that had happen!

“Umalis ka na lang,” pagupumilit ko pa rin sa kaniya. “Please, Bellisimo.”

I could almost taste the bitterness in my mouth. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi para lang hindi kumawala ang aking mga hikbi. Nanginig ang katawan ko dahil sa labis na pagpipigil ng aking emosiyon. I just wanted to run away from him right now.

“After you surrendered to me earlier?” Mababaw siyang natawa ngunit ramdam ko ang pait doon. “Give me a reason why I should. Tell me you don’t love me anymore straight in my eyes then I would disappear from your sight, Mila.”

Gulat mula sa narinig ay muli kong tinignan si Bellisimo. Hinanap ko sa mga mata niya ang pamilyar na pagmamahal na lagi kong nakikita sa mga mata niya noon para sa akin, ngunit ngayon ay wala na. It was blank. It was like how the sky turned darker when a storm was about to come or how a plant withers from the lack of caring from its owner. Well, it was expected. Pagkatapos ng mga pinagsasabi at ginagawa ko ngayong ito sa kaniya.

Pero ito ang dapat.

“I don’t love you anymore. I’m sorry,” halos pabulong kong ani.

I saw how his jaw clenched and how hard he gritted his teeth. Bumuntonghininga siya bago nag-iwas ng tingin. Nakita ko rin kung paano nag-relax ang kanina ay mahigpit na pagkahahawak niya sa kaniyang steering wheel.

“So this is how rejection felt like, huh?” May tipid na ngiti na kumawala sa kaniyang mga labi. “Ikaw lang ang nakagawa at nakapagparamdam sa akin nito, Mila. You really… really got me so bad.”

He sadly smiled at me at ni hindi manlang umabot sa mga mata niya ang ngiti na iyon. Kung hindi ko lang minahal si Bellisimo, tiyak na pagtatawanan ko siya ngayon at sasabihin na nararapat lang ito sa babaerong kagaya niya, na karma niya ito sa pananakit ng maraming babae noon. But I couldn’t even laugh because it was hurting me so bad knowing that I’ve hurted him. He got me so bad, too. So bad that it brokes my heart.

“I’m sorry…”

“Get out now,” bigla niyang sabi. “I promise I wouldn’t show up in front of you ever again.”

All that I heard after that was the harsh slamming of his car door at ang mabilis na pagharurot paalis ng kotse niya sa harap ko. The sound of people around and the scorching heat of the sun that was prickling my skin came back at my senses. Noon ko lang nahanap sa aking sarili ang huminga. Napahawak ako sa dibdib ko at natanto na hindi pa rin kumakalma ang puso ko sa malakas na pagkabog noon. Nawala na rin ang init at kiliti na binalot ni Bellisimo sa aking katawan. All that remained at me was pain. Nothing but pain. Everything was gone.

Hindi ko napansin na humihikbi na pala ako habang umuuwi. Mabuti na lang at mabait ang driver ng nasakyan kong tricyle at nanahimik lang habang sakay niya ako. Marahan ang pagpapatakbo niya, marahil ay naisip na makatutulong sa akin na pagmasdan ang mga mararaanan namin para bahagya akong kumalma. It was the worst feeling ever. Never did I know that I would shed tears for Bellisimo Alexis Ferrer. Dati ay siya lang ang lalaki na hindi ko pinapansin at pinaglalaanan ng oras sa aking araw. I never liked him because of his reputation. But here I am right now, being miserable because I loved him so bad. I wonder how I could unloved him now. Paano ko mababalik ang pagkawalan ko ng halaga sa kaniya noon?

Mababaw akong natawa sa aking sarili.

“Paano ka na mag-mo-move-on ngayon, Jamila?” I whispered at myself while looking at the wide rice fields in front.

I wouldn’t lie to myself, I would hate it if one day, I would see Bellisimo with someone new but, that’s for the better. Wala na kaming future na dalawa. Maybe, we’re just really not meant to be.

I’ll manage somehow.

“I’m sorry, Bellisimo,” ang tanging huling nasabi ko sa hangin.