Chapter 9: Cold Treatment

PAGKATAPOS kong mag-half bath ay dumiretso kaagad ako nang higa sa kama. Nakatihiya ako at napatingin sa kisame. Napakagat ako sa labi. I remember how are lips met. I could even clearly recall it.

"Seb was my first kiss." Sabay hawak sa mga labi ko.

A smile slowly crept into my lips. I touched it. Kung may tao man akong gusto makakuha ng first kiss ko, it would definitely be Sebastian. He's my first crush, first love, fist kiss and I want him my firsts in everything. Kaya hindi ako nagsisisi na he's my first kiss. Maaaring nagulat lang ako kanina kaya parang galit o stiffened ang reaksyon ko.

Nang hindi ko na kaya ang kilig, I rolled on my bed. Umikot-ikot ako sabay padyak ng mga paa ko. Para tuloy akong uod sa ginagawa ko.

Nang magsawa na ako, I felt like I drained all my energy. Nanghina ako at bigla kong nadama ang antok.

I yawned. "Sana, kausapin na ako ni Seb bukas." I lowly whispered as I slowly closed my eyes.

KINAUMAGAHAN maaga akong gumising. Kailangan ko maging maaga para maabangan ko si Seb sa labas ng school. Maaga siyang gumigising kaya maaga siyang pumupunta sa university.

"Goodmorning po," saad ko sabay kuha ng bacon at hotdog sa lamesa.

Nagtatakang tiningnan ako ni Ate Rosanna.

"Goodmorning, pero ba't ang aga mo naman 'ata, hija? “

"Gusto ko lang po. Mabuti na iyong mas maaga keysa ma-late," palusot ko.

Sabay kuha nang dalawang piraso ng pan at kinain ito.

"Tama ka nga naman. Oh, sige na. Umupo ka na at nang makapag-breakfast kana."

Patango-tangong saad nito habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"I'm full na po. Iinomin ko na lang po ang gatas." Kinuha ko naman ang basong may lamang gatas at kaagad ininom.

"Sigurado ka ba? Baka gutomin ka sa eskwelahan."

Napatango ako bilang sagot. "Please tell Mamita and Lolo that I went to university early."

"Sige, nando'n na naman si Manong Pedro sa labas. Nire-ready na iyong kotse."

"Sige po, mauuna na po ako," pagpapaalam ko. Niyakap ko muna si Ate Rosanna bago tuluyang umalis.

"Good morning, bestie!" bati ko kay Kolin ng makita ko siyang naglalakad nang mag-isa sa hallway.

Nang makalapit ay niyakap ko siya at nagbeso kaming dalawa.

"Good morning. Ang aga mo 'ata?" Ang magiliw niyang mukha ay biglang naging kuryuso.

"Bakit? Maaga karin naman, ah," pasuplada kong sagot. I even arched my brows at her.

Bakit hindi ba puweding maaga rin akong pumunta sa school?

Tatarayan niya na sana ako nang matigil ito at tumingin sa likuran ko.

"Good timing. Sabay na tayong tatlo nina Seb." she excitedly said.

My body stiffened. Hearing Kolin words made my heartbeat fast. Hindi ko alam if haharapin ko ba siya or mauuna ako? Hindi naman ganito ang ine-expect ko. I'm not well prepared. Parang umurong 'ata ang dila ko.

Nanatiling nasa ibang direksyon ang tingin ko at hindi ko hinayaang l-um-anding iyon sa kanya.

Halos hindi ako maka-hinga when I saw him on my peripheral vision. Malapit na siya sa amin. Minadali kong yumuko na para bang may pinagtataguan.

"I can't go with you. May kailangan pa akong puntahan," he said in a firmed voice. Ibang-iba ang boses at awra niya ngayon kumpara sa mga araw na magkasama kaming dalawa.

"O-okay," nagtatakang saad ni Kolin. Wala nga pala siyang alam. Nasisigurado kong nakatingin na ito sa akin ngayon.

Nang maramdaman kong nakaalis na si Seb, ay saka ko itinaas ang tingin.

'Hmmp! hindi man lang ako tinitigan!"

Bumaling ako kay Kolin. Nakataas ang kilay at nakapa-meywang ito habang nakatingin sa akin. See, as I expected.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Maglalakad na sana ako para maiwasan ang tanong niya nang pigilan niya ako. "Hep! Hep! What happened? Mukhang hindi kayo nagpapansinan ng pinsan ko."

"No we're not. Pero hindi ko alam kung anong problema ng pinsan mo," paghihimutok ko.

Tama naman kasi. Minsan hindi ko mainditihan si Seb. Hindi niya naman kasi directly sinasabi kong anong problema. Kaya nagugulat na lang ako na hindi na ito namamansin o kung bakit halos magtagpo na ang dalawa nitong mga kilay.

"Seriously?" Tipid akong tumango.

"Okay, akong bahala. I'll talk to him later."

Muli, napatango na lang ako dahil sa dami kong iniisip. At lahat ng iyon ay tungkol lang kay Seb.

HINDI ko alam kong paano ako humantong sa sitwasyong ito ngayon. Napatianod na lang kasi ako ng biglaang hinila ako ni Kolin papunta dito sa canteen.

Muntik pa nga akong umatras ng makita ko ang likuran ng lalaking naka-upo sa lamesang lagi naming inuupuang magkakaibigan.

"Kolin..." Impit na saad ko. I slightly pinched her arm that made her gasped a bit.

"Oo na, sorry na. This is the best way lang kasi na naisip ko."

"Best way? Ewan ko sa iyo." Inismidan ko siya at tinalikuran. Dahil wala naman akong magagawa, I'll just go with the flow.

I almost jump out when I met his brown eyes. Tumigil ako sa kinatatayuan ko. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Pailalim niya akong tinitigan na siyang ikinagulat ko. He never looked at me that way. This is the first time!

Iniwas ko na lang ang tingin ng hilahin ulit ako ni Kolin. Tahimik akong umupo.

Nagtinginan kami ni Kolin. Ninguso nito ang bibig sa direksyon ni Sebastian na busy  sa kakalikot sa phone. Ano kayang pinagkakaabalahan niya?

"Sige, ako na lang bibili ng pagkain natin." Kolin volunteered.

Before she left, she looked at me and gave me a wink. And I know what she meant. She really planned all of this.

I sighed. Fine, even I don't know what his problem with me, I'll talked to him first. Hindi ko naman kasi siya matitiis. Ganito talaga siguro kapag mahal mo iyong tao.

I inhaled deeply and breathe out. I was like doing the proper breathing method. Mukha na nga akong baliw dito pero hindi niya pa din ako napapansin. I'm not just a display her. I was like invisible for him.

My lips twitched. I'm getting annoyed. Hindi ko na kaya ang hindi niya pagpansin sa akin. Padabog kong ibinaba ang phone ko sa lamesa. But still I doesn't got any reaction from him. I don't like him giving me this cold treatment.

"Talaga bang hindi mo ako kakausapin?" medyo naiinis na tanong saad ko.

Nang hindi niya pa din ako tinapunan ng tingin, umalis ako sa upuan ko at umupo sa pwesto ni Kolin.

"Hey, What's wrong? Ano ba kasing problema?"

He flinched when I touched his left arm. Nagulat naman ako kaya agad kong inilayo ang kamay ko.

"Ikaw ang gumawa. So, figure it out yourself," he said with a cold voice.

I was dumbfounded of his words. Kaya hindi ko na ito na pigilan nang tumayo ito at tuluyang iniwan akong mag-isa.

I scoffed. That Sebastian! How dare him! Siya na nga kinausap ko ako pa itong iniwanan niya. I can't believe him! Paano niya na nagawa sa akin ito?

"Nasaan na siya?" nagtatakang tanong ni Kolin. Hawak na nito ang mga inorder niya para sa amin.

"I don't know. Figure out yourself," nanlulumo kong saad. Pero sa kaloob-looban ko ay naiinis ako. Parang gusto ko nang sumabog at umiyak.

Mas lalong nagtaka si Kolin sa inasal ko. Sa huli, tahimik na kinain na lang namin ang mga in-order nito. Hindi na naman siya nagtanong na siyang pinagpasalamat ko.