Chapter 8: Family Dinner
"SALAMAT po, manong," saad ko nang makalabas ako ng kotse.
"Walang ano man, hija."
Matamis akong ngumiti kay manong bago siya talikuran.
Papasok na sa ako sa bahay nang mapansin ko si Ate Rosanna na nakatayo sa may mayabong na hardin. Lumapit ako sa kanya. Napatigil ako nang marinig ito na tila may kinakausap.
"Zypher, 'wag tahol ng tahol, okay?"
I secretly smiled. Si Zypher lang pala ang kinakausap. Or should I say pinapagalitan.
Hindi ko naman narinig na tumahol si Zypher kaya hindi ko alam na kasama niya ito.
Muli, tumahol si Zypher. Zypher was a german shepherd, a panda colored. Despite of his intimidating appearance, he's gentle and intelligent dog. Seb gave him to me as his present on my eighteenth birthday.
"Naku, ang tigas din ng ulo mo, no? Huwag ka na kasing tumahol, gabi na, oh!" naiinis nitong saad.
Tumahol kasi ulit si Zypher. Kaya naman pala pinapagalitan iniisip lang pala ni Ate Rosanna ang mga kapitbahay. Halos hindi ko mapigilan ang pagtawa sa nakikita.
"Kasing tigas ng ano po ba?" halos hindi ko mapigilang magpakawala ng tawa.
"Ay asong nagsasalita!" Muntik pang mabitawan niya ang hinahawakang pamaypay.
Magpakawala ako ng malapad na ngiti bago siya batiin. "Good evening, ate Rosanna."
Napahawak ito sa didib. "Diyos ko! Akala ko naman ay iyong aso na ang nagsalita."
"Si ate talaga. By the way dumating na po ba si Daddy?"
"Ang Daddy mo? Naku, wala pa, hija."
I nodded. Naiintindihan ko naman masyadong busy si Daddy. Kaya minsan hindi na kami nagkakakitaan sa bahay.
"Pero alam mo ba kung sino ang nasa loob?" Salitang nagbaba-taas ang kanyang mga kilay.
"Sino po?" I cluelessly asked.
"Ang Mamita at Papi mo." Ate Rosanna announced.
I instantly got excited.
"Really? Then, I need to get inside, ate Rosanna."
"O sige, pumasok ka na. Siguradong miss na miss ka na nila."
Nagpaalam na ako at tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Tinakbo ang hagdan para mabilis kong marating ang main door. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay kaagad na akong sumigaw. "Mamita!"
Hinagilap ng mata ko sina Mamita at Papi.
"My apo!"
I automatically smiled widely. Tumakbo ako papunta kay Mamita. I hugged and gave her a kissed on the cheek.
"Anong oras po kayo dumating?" I gently asked.
"Actually kahapon pa kami nakauwi. But you know that we're not young anymore. Madali na kaming mapagod ng lolo mo kaya we decided to rest muna before going here. "
"It's okay, Mamita. Ang importante ay narito na po kayo ngayon." I said to express that I really understand.
"I miss you so much, apo."
"I miss you too, Mamita." Again, I embraced her tightly that made her chuckle softly.
Napabitaw lang ako kay Mamita ng makarinig ako nang pagtikhim sa likuran.
"How about me, hija? Don't you miss your Papi?"
Naabutan kong nagtatampong mukha ni Papi. Kunyaring napabuga ako ng hangin kaya napayuko ako. As I lifted up my head, a smile crept into my lips and I pouted.
"Papi, of course I miss you too."
Lumapit ako at binigyan rin si Papi ng isang mahigpit na yakap.
"Parang hindi naman 'ata, eh."
Tiningnan ako ni Lolo habang hindi kumakalas sa yakap.
"Of course, kaya." Sabay pout ko ulit ng labi.
"Dahil na miss mo kami, we have something for you." Papi said.
"Talaga? You have pasalubong for me?" Tiningnan ko si Mamita na naka-ngiti lang sa amin ni Papa.
"But before that. Go to your room first and change your clothes."
My eyes widen and I immediately nodded my head.
"Noted! I'll go upstairs na po."
I kiss their cheeks before I went upstairs.
"Make it faster, ija. Sa hapagkainan ka na lang dumiretso."
I looked back at them. Napatango ako ng ilang beses at halos takbuhin ko na ang hagdan. Napangisi na lang ako ng marinig ko ang pagsaway sa akin ni Mamita na magdahan-dahan lang.
"Here."
Tiningnan ko ang naka-extend na kamay ni Papi na may hawak na kulay itim na box.
Binalingan ko nang tingin si Mamita. She was already staring at me. I saw her smiled and nodded. Sa asta niya ay inuudyok niya akong tanggapin ko ang ibibigay sa akin ni Papi.
"What is this?" tanong ko nang sa wakas ay nahawakan ko na ito.
"Buksan mo kung gusto mong malaman."
Sinunod ko naman ang utos ni Papi. Nagningning ang mga mata ko ng bumungad sa akin ang regalo nila. I don't expect things like this coming from them. Akala ko ang pasalubong na sinasabi nila ay simple lamang.
"A key... Don't tell me—I can't accept this Mamita, Papi. Hindi pa po ako ina-allow ni Daddy mag-drive," pagdadahilan ko. Umiling-iling ako at minadaling ibinalik ko ulit ang susi sa kahon.
Mali na kotse ang ine-regalo sa akin nina Mamita at Papi. I know Dad, I know he won't allow me.
"You're in legal age to drive cars. Drivers license na lang ang kulang."
"What about, Dad? You know I can't stand against him." I worriedly asked.
Isipin ko pa lang na kalabanin si Dad ay hindi ko na kaya. Masyadong strikto ito at pormal. Kaya gano'n na lang ang takot ko na kalabanin siya.
"Kami ng bahala sa Daddy mo. He can't utter a word once kami na ang nagsalita. Iyong car nga pala nasa mansyon pa. Saka ko na lang ipapadala dito kapag nasabi ko na sa Daddy mo," pinal na saad ni Papi. Tila ba siguradong-sigurado ito sa sinasabi.
Kaya sa huli, pumayag na lamang ako. Alam ko naman na hindi ako papabayaan nina Mamita at Papi. Sila lang naman kasi ang palaging kakampi ko sa lahat ng bagay. Kapag may gusto kasi ako at ayaw ni Daddy, nakukuha ko parin iyon dahil sa kanila. But not all the times.
"I'm expecting a usual pasalubong to receive but a not car. Thank you so much, Mamita and Papi."
I walked towards them. I gave them a kiss on the cheeks and a hug.
"Kamusta nga pala si Sebastian, hija?"
Napatigil ako sa pag-upo. Tumikhim ako at umupo ng maayos. Sinimulan ko na ding galawin ang mga pagkain sa harapan ko.
"He's fine as always, Mamita. Iyon nga lang medyo may tampo sa akin ngayon," pag-aamin ko. Bukod sa mga kaibigan ko, isa si Mamita sa mga taong sinasabihan ko ng mga hinaing ko at mga nangyayari sa buhay ko.
Si Papi ay patuloy lang sa pagkain ngunit alam kong nakikinig din ito.
"Ganyan talaga mga lalaki. Hayaan mo at kakausapin ka din niyan." Mamita gave me a reassuring smile.
'I know, Mamita.' I gave her a thumbs up and grinned.
"I don't think you need a drivers lesson anymore," biglaang sabi ni Papi.
Sabay kaming napatingin ni Mamita sa kay Papi.
"Fernando, hindi pa marunong magmaneho ang apo mo. Kaya kakailanganin niya ng magtuturo sa kanya."
"I know... What I'm trying to tell is bakit hindi na lang si Sebastian ang magturo kay Amara? Instead of hiring someone to tuitor her." Papi looked at me with a questioning look.
Tanging ngiwi lang ang naisagot ko. Hindi ba narinig ni Papi? Kakasabi ko lang na nagtatampo nga sa akin iyon.
"That's a good suggestion. Ano sa tingin mo, ija?" Mamita asked. Pati ba naman si Mamita?
Inaabangan nila ang sagot ko. So the best way to answer them to avoid disappointment is...
"I'll think about it po muna. Seb's has a lot of things to do. Malapit na din po kasi ang finals." I reasoned out.
Totoo naman kasi. Ayokong maisturbo si Seb. I really want him to teach me how to drive pero saka na siguro.
"I understand, ija. But I do hope he could spare some time with you."
I nodded at Mamita.
Ilang minuto rin ang lumipas at tumahimik kami. Tanging mga tunog lang ng mga nagsasaltikang kutsara at tinidor ang maririnig sa buong hapagkainan.
"Having dinner without me?"
Awtomatikong natigil ako sa paglunok ng kinakain.
"My son, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mamita kay Daddy.
Ilang segundong hindi ko narinig ang sagot ni Daddy kaya kuryusong tumagilid ako ng upo. Sakto naman na nagsalita ito.
"Nanggaling ako sa meeting, Ma." Daddy tiredly answered.
Inalis nito ang suot na coat na kinuha kaagad ng kasambahay. Sa pag-angat nito ng tingin ay sumalubong ito sa akin.
"Dad," tipid kong saad. It was in low voice that was almost a whisper. Ni hindi ko nga siya mabati ng 'good evening' sa takot na baka mautal ako.
Dumaan lang 'ata ang mata nito sa akin dahil hindi niya naman ako pinansin. Nadismaya man ako ay wala akong magagawa. Ganito naman talaga siya palagi. Para bang hindi ako nage-exist sa buhay niya hanggang sa nasanay na lang ako.
"What are you talking awhile? At mukhang seryoso kayo."
Nag-simula itong maglakad na siyang inkinaayos ko ng upo. Mahirap nang mapagalitan kahit iyon lang ang tanging paraan para mapansin niya ako.
"We're talkinga about, Seb." This time, si Papi ang sumagot.
I actually held my breath for a seconds. Akala ko kasi iyong sasabihin ni Papi ay iyong about sa regalo nila ni Mamita na kotse.
"What about him?" he non-chollantly asked.
Nag-kape lang ito habang nagbabasa ng libro with his eyeglasses.
"Well, kinakamusta ko lang siya kay Amara, " sagot naman ni Mamita sabay baling nang tingin sa akin.
"How's your day, young lady?"
Dinig kong tanong ni Daddy. Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong baso sa lamesa. My heart beat fast.
Kabadong-kabado ang nararamdaman ko ngayon. Ganito ba talaga ang feeling kapag hindi kami masyadong nag-uusap at nagkikita ng Daddy?
"As usual, okay naman po," parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang naka-sagot ako ng hindi man lang nauutal.
"Good to hear that."
Iyon lang ang sinabi niya. I'm expecting him to say or asked me something about regarding to school or whatever stuff but to my disappointment, he didn't.
Hanggang matapos ang hapunan at umakyat na si Daddy sa itaas, hindi niya na ako kinausap o tinaponan man lang nang tingin.