Chapter 32: Pained Heart, Closed Mind
“Ah, ang biyuda pala na ‘yon ang kasama mo,” tiim-bagang na ani Rowan na nakatitig kay Lucian, nanlilisik ang mga mata. “Kaya pala sinabi mong sa restaurant na lang tayo magkita dahil sina-sideline mo pala ang biyuda na ‘yon!” patuloy na akusa nito.
Nagpanting ang kaniyang tainga. “You’re out of line, Rowan! I never cheated on you, and I never will!”
“Really? Niyakap mo pa nga siya, ‘di ba? And God knows what else you did!” Saka itinulak siya nito papalayo. “Now, get out! I don’t ever wanna see you again!”
But he held his ground. “God, Rowan! You’re just jealous! You’re thinking unreasonably.”
“I’m not jealous! I just saw what happened there. You can’t convince me that there was nothing between you and Reina! Why else should she be there at your office, huh? Nagyakapan pa kayong dalawa!”
“Let me explain, Rowan. Please,” pagsusumamo niya. Hindi niya hahayaang maging ganito na lang ang lahat.
“Didn’t you hear what I said? I don’t want to see you again!” bulyaw sa kaniya ng babae.
Parang kinuyumos ang kaniyang puso dahil sa sinabi nito. Ang sakit-sakit para sa kaniya. Ayaw man lang siya nitong pakinggan. Sarado na rin ang utak nito at ayaw man lang siyang tingnan.
“Why are you saying these cruel words to me? Not to see you ever again?”
Napayuko ito habang nakatalikod sa kaniya at galit na pinahid ang mga luha.
“I swear on the names of the people I care about that I never cheated on you, never lied to you, and never looked at any woman the way I look at you… ever since I laid my eyes on you, Rowan.”
He was ready to take out the small box out of his slacks’ pocket, but his hand went still.
Tinakpan nito ang dalawang tainga. “I don’t want to hear any more of your lies, Lucian!” sigaw nito. “Get out! Get out of my life!”
Hindi niya namalayang tumulo na rin pala ang kaniyang luha. Naramdaman na lang niyang namasa-masa ang kaniyang pisngi at sumikip ang kaniyang dibdib.
Umiiyak pa rin si Rowan na galit na lumingon sa kaniya. How could he make her see, listen, and understand when she refused to do it? Hindi niya puwedeng puwersahin itong makinig sa kaniya. Hindi niya puwedeng ipagpipilitan ang nais niya sa ngayon dahil baka mauuwi lang din sa wala. Naisip niyang bigyan na lang muna ito ng oras at espasyo sa mga oras na iyon.
Laylay ang mga balikat ay umalis siya ng opisina ng dalaga. Nabunggo pa siya ng isang tao ngunit hindi man lang siya nag-sorry at pati na ang bumunggo sa kaniya. Suminghal lang ito at umalis din pero hindi niya iyon binigyang-pansin. Wala na siya sa tamang huwisyo.
Sumakay siya sa kaniyang kotse. Hinugot niya mula sa kaniyang bulsa ang maliit na kahon kung saan naroroon ang singsing na gusto sana niyang isuot sa daliri ni Rowan kagabi. Alam niya sa sarili na para talaga iyon sa dalaga at gagawin niya ang lahat upang maisuot nito yaon. Kaso, baka matagal pa bago mangyari iyon. Ang importante lang para sa kaniya ay hindi niya susukuan ang babae.
‘Right. I should just give her some space and time ‘til she cools down. She loves me anyway. Hindi naman niya siguro ako matitiis…’
***
Nakita ni Lucian ang sasakyang mini-van ni Rowan na pumasok sa kaniyang gate. Lumakas ang pintig ng puso niya. Kasalukuyang nandoon siya ngayon sa balkonaheng nakaharap sa lawn ngunit nang makita niya kung sino ang bumaba at hindi si Rowan kundi si Marion ay ang laki ng pagkadismaya niya. Ang akala pa naman niya ay handa na siyang harapin nito.
All the same, he went down to meet and talk to Marion. Umaasa pa rin siyang may mensahe ito para sa kaniya mula sa kaibigan nito.
Pasko na sa susunod na linggo. Ginagawa na nina Mang Isidro ang final touches ng landscaping sa lawn niya. Gaya nga ng ipinangako sa kaniya dati pa ni Rowan ay matatapos iyon bago magpa-Pasko.
Umiling sa kaniya nang malungkot si Marion.
“She still doesn’t want to see you. She won’t even listen to me kahit ipinaliwanag mo sa ‘kin ang nangyari noon at sinabi ko sa kaniya. Kesyo dahil mayaman ka at gusto kita para sa kaniya at kesyo ang galing mong mambola, and etcetera, etcetera.” Napailing ang babae at bumuga ng hangin.
Napatiim-bagang siyang napatingin sa lupa. Masakit pa rin hanggang ngayon ang binitiwang mga salita ng dalaga. Inakusahan lang siya nang basta-basta. At ang mas masakit pa roon ay kahit nagpaliwanag siya ay hindi man lang siya nito pinakinggan at naging matigas sa paniniwala nitong nag-cheat talaga siya.
“Despite that… I still love her, Marion. Sa tingin ko, hihintayin ko na lang na kusa siyang makinig sa akin na magpaliwanag… someday.” Nag-angat na siya ng paningin para tingnan sa mukha ang kausap. “Hihintayin ko na lang kung kailan siya handang makita at makausap ako. J-just… tell her that I’ll be here… I’ll be around… waiting for her no matter how long it takes.”
Napaiyak naman si Marion sa mga sinabi niya. Mabilis nitong pinalis ang mga luha. “I-I’m so sorry, Lucian. She… she is just too stubborn to listen! Dahil na rin sa pinagdaanan niya kasi, eh. She was hurt before. Nadadala na siya. I think you know that. Her father… Riff… her boyfriend before Riff, and now, she thinks that you’re the same as the other three men in her life, in the past. Alam kong… mahal mo talaga ang kaibigan ko. At… ako na ang humihingi sa ‘yo ng despensa. Pagpasensiyahan mo na siya, ha? Kahit na nahihirapan ka sa kaniya… kapit ka lang, ha? Sigurado akong mapagtanto niya ring mali siya. Malay mo bukas o sa makalawa, makikipag-usap na iyon sa ‘yo.” Awkward man ay tinapik siya nito sa braso at napaingos ito.
Tumango siya sa babae at pilit na lumunok dahil sa naninikip na lalamunan.
“I-I’ll just double check everything with Mang Isidro. Then, I’ll do the rechecking of the inventory. Bilin kasi ng boss ko,” pagpaalam nito.
Tumango siya ulit at sinundan na lang ang babae na lumapit kay Mang Isidro. Kinausap din nito ang iba pang tauhan ng Organic Gardens na naroroon. Kinunan nito ng larawan ang lawn saka ipinadala sa boss upang makita nito kung ano na ang hitsura.
Siya naman ay napatingin sa kalangitan. Makulimlim iyon. Katulad ng kaniyang nadarama.
Muli ay pinakawalan niya ang hangin mula sa kaniyang baga.
‘Will You do me a favor? Just give her back to me, please… Nagmamakaawa ako sa ‘Yo,’ panalangin niya.