Chapter 26: Surprise
Ilang minuto pa ay tumigil na sila sa isang parking lot ng isang Italian restaurant. Akmang lalabas na si Lucian para ipagbukas si Rowan ng pinto nang pigilan niya sa braso ang lalaki. Hindi niya akalaing maskulado rin pala iyon. Ang tigas lang kasi.
Binasa ng kaniyang dila ang mga labi bago nagsalita, “Lucian…”
Pumihit ito at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kaniya. Napababa siya ng tingin at kinabahan.
“What you said… to my mom… at her grave…”
“I meant it. Rowan, I love you so much! At maghihintay ako⸺”
Hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili. Hindi niya alam na nilukob na siya, ang buo niyang pagkatao, ng kaniyang pagmamahal at pagnanasa sa lalaking mahal niya. Bigla na lang niya itong hinalikan sa labi kung kaya’t natigil ito sa pagsasalita.
And her tummy felt the butterflies flutter, which she had never felt before. Ang puso naman niya ay halos nakabibingi ang pagtibok nito dahil sa sobrang lakas. At ang sarap ng kaniyang nalasahan ngayon nang magkalapat ang kanilang mga labi ni Lucian.
She felt him kissing her back. The kind of kiss that awakened every sense that she had in her body. It was indescribable for her. It was delicious, poignant, warm, and sweet. All at the same time. She had never tasted something like this before.
Curious.
Ni hindi niya ito nalasahan noong sila pa ni Riff.
Sa isip niya ay napapilig siya ng ulo. Ayaw niyang isipin ang lalaking iyon. He could never ever hold a candle for Lucian. Sinaway niya rin ang sarili na dapat hindi niya ikukumparang muli si Lucian sa kahit na sino. After all, the man she was with right now was incomparable to any other man. Kilala man niya o hindi.
His hands cupped her face gently but firmly. “Oh, God! Rowan, I so love you!” anas ng lalaki at dumiin ang paghalik nito sa kaniya.
Iginawad niya ang pagtugon dito ng halik na kasing-init ng nadarama niya. “And I do love you, too, Lucian!” mahinang tugon niya nang saglit siyang tumigil sa paghalik upang iparating dito ang tunay niyang damdamin.
Their emotion-filled eyes met.
“D-does this mean…?” Ibinitin ng lalaki ang tanong na alam na alam niya kahit hindi nito isaboses iyon.
Ngumiti siyang tumango sa lalaki saka hinalikan siya nitong muli. Napatawa pa siya nang paliguan din nito ng halik ang kaniyang mukha at leeg.
“Hoy! Sumusobra ka na yata,” natatawang saway niya sa lalaki.
“I’m sorry. I’m just so happy and excited!”
“I think we have to get out now or they’d wonder why we’re still in here,” himok niya.
Napahigit ito ng hangin. “You’re right. Of course, we have to get out of my damned car!” ngising anito at hinalikan siyang muli sa labi. Nang banayad.
Tinugon niya ito nang marahan, sa parehong paraan. Tila naaadik na siya rito ngayon pa lang. Ang sarap lang kasi ng mga labi nito. Malambot, mainit, sobrang tamis. Gusto pa niyang namnamin nang namnamin. Kaso nga lang, kailangan na nga nilang bumaba ng sasakyan upang makipag-dinner sa pamilya ng lalaki.
Magkahawak ang kanilang mga kamay na dumalo sa pamilya nito sa loob ng restoran para maghapunan.
“You don’t need to apologize for joining us late,” pasaring ni Raya na nakatingin sa kaniya nang pilya. Nahalata yata nitong nagnakaw sila ng panandaliang mga halik ni Lucian sa kotse nito bago bumaba kaya naman ay uminit ang kaniyang magkabilang pisngi.
Nang maghinang ang kanilang paningin ni Lucian ay lalo lang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at nandoon ang ngiti sa mga labi nito habang nanunudyo ang mga matang nakatitig sa kaniya. Tuloy ay conscious na conscious siyang kumain habang katabi si Raya at ang anak nitong sinusubuan.
***
Hindi masukat at walang mapaglalagyan ang sayang nadarama ni Lucian nang sagutin na siya ni Rowan. Ang sumunod na mga araw ay naging masaya at matamis para sa kanilang dalawa.
“I didn’t know you were coming,” bungad niya sa dalaga nang nakangiti. “At least, not this early.”
“Surprise visit,” ang sagot nito sa kaniya na bumaba sa sasakyan. Napatingin ito sa lawn at sa mga tauhan nitong gumagawa ayon sa plano nito. Binati nito sina Mang Isidro at ang iba pa sa pamamagitan ng pagwagayway ng kamay sa mga ito na tinugon din ng mga tauhan. “Gusto ko kasing makita ang progress ng landscaping,” saka bumaling ito sa kaniya nang nakangiti. “And, of course, to surprise my boyfriend. Gusto kong makitang wala siyang ibang bisita rito sa bahay niya habang hindi pa kami magkikita ngayong gabi. Supposedly.”
Napangisi ito nang halikan niya sa pisngi. “Lucky you. I love surprises!” bulong niya sa tainga nito. Hinila na niya ito papasok sa loob ng malaking bahay. Doon sa loob ay niyakap niya ito nang malaya at hinalikan sa labi nang walang nakasaksi.
Agad na uminit ang kaniyang buong katawan dahil sa pagtugon nito. Mapusok din iyon. Abot-abot ang kaniyang pagpipigil sa sarili kahit na binangon na nito ang kaniyang pagnanasa.
“I guess we need to go somewhere… more not private?” suhestiyon pa niya at napatawa ang kasintahan.
“Sa tingin mo ba ay pinuntahan kita rito sa bahay mo on a Saturday afternoon to seduce you?”
Umiling siya. “Oh, no, no! Of course not. You don’t need to seduce me, sweetheart. I’m afraid it’s the other way around.”
Lalo itong napatawa saka hinalikan siya nito sa baba, nakatingala sa kaniya. “Really? Hindi kita kailangang i-seduce? I’m quite crushed, Lucian!” Napalabi pa ito.
Natawa naman siya at hinalikan ito sa labi nang sobrang banayad. “Bakit?”
“Gusto kasi kitang akitin.” May himig pang pagtatampo sa boses nito. Kita niya ang pagnguso nito habang nakatitig na ngayon sa kaniyang labi.
Hinalikan niya ito sa noo. “The way you give me hot looks is seduction itself, so don’t pout.” Pagkasalita ay hinalikan niya ang sulok ng labi nito.
“Oh… that’s so sweet! I so love you, my sugar!” mahinang wika nito.
Napangisi pa siya sa endearment nito. “Sugar talaga?”
“Yup. I love my sugar! My Sugar Daddy!” pilyang dagdag pa nito at tumakbo na ito patungo sa kaniyang library.
“What? What did you say?” natatawang aniya nang masundan ito sa loob at awtomatikong nag-lock ang pinto. “Your Sugar Daddy, huh?” Nakapamaywang pa siyang napangisi sa kabila ng pagsalubong ng kaniyang dalawang kilay.