Chapter 25: Sementeryo
Napahugot ng isang malalim na hininga si Rowan habang nakatitig sa itim na lapida ng kaniyang ina. Ria T. Dalida. It was ironic. Dala ng kaniyang ina ang apelyido ng ama sa kamatayan nito. Hindi Tondoc na siyang apelyido nito sa pagkadalaga.
‘Hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad si Tatay Mel sa ginawa niya sa ‘yo, ‘Nay. Pasensiya na po. I’m still hurting inside. I don’t know if I’d ever get past this… this rage toward him. I thought that I have already forgiven him when he asked my forgiveness before he died, before you both tried to come on my graduation day. And I thought that I’d not be haunted by all the bad things he had done to us both. Pero bakit? Bakit hanggang ngayon ay masakit pa rin? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya napapatawad?’
Napalingon na lang siya sa kaniyang katabi nang makita niya ang isang puting panyo na lumitaw sa kaniyang harapan. Hindi niya pala namalayang umiiyak na siya.
“L-Lucian?” pabulong na sambit niya.
Humakbang ito para mas mapalapit sa kaniya at nang nasa harapan na niya ito. Tenderly, he wiped her tears away.
“I thought you’d need some company, so I bailed on my own family, but they understand. Lucky me, huh?” mahinang wika ng lalaki.
Napalunok siya at niyakap siya nang marahan ni Lucian. Bigla siyang natuod dahil sa ginawa nito. Hindi niya inasahan iyon.
“I didn’t need to twist Marion’s arm just to know where you are right now. So, you don’t have to ask how I found you,” dagdag ng lalaki.
Napangiti tuloy siya dahil sa sinabi nito. And how she loved his familiar scent and his warmth. Parang gusto niyang doon na lang mamalagi sa yakap nito.
Humiwalay rin ito sa kaniya upang humarap sa puntod ng kaniyang ina at inilagay ang isang pumpon ng puting rosas. Itinabi nito yaon sa sariling alay na white lilies at puting kandilang sinindihan. Sumayaw ang apoy nang dahil sa ihip ng hangin sa hapong iyon.
“Hi, Rowan’s mom… Ria. I’m Lucian Ganadan. And… I’m here with her because I want to tell you that I love your daughter. So much!”
Marahang napakurap ang dalaga at tumulo ulit ang mga luha niya. Subalit nakangiti naman siya dahil sa kaniyang narinig mula sa binata. Napatingala siya rito. He looked gorgeous and imposing at the same time. Tila ayaw mapuknat ng paningin niya mula rito.
Seryoso itong nakipag-usap sa kaniyang ina na parang nakikita nito iyon. At ang puso niya ay parang lumubo. Hindi sa ibang damdamin kundi dahil ngayon ay napagtanto niyang mahal na niya rin pala ito. All those times that she only thought she liked him because she might have needed a rebound… hindi lang pala iyon ang dahilan. Kundi mas malalim pa. Mahal na niya si Lucian nang totoo pero ngayon niya lang ito napagtanto at inamin sa sarili.
Lumakas ang pagpintig ng kaniyang puso habang nakatitig sa lalaki. Tila nag-ipon-ipon ang lahat ng kaniyang dugo sa kaniyang pisngi habang nakatunghay sa binatang kinausap pa rin ang puntod ng kaniyang ina. Sa paligid nila ay hindi niya alintana ang mga taong abala sa kani-kanilang binisitang puntod. Naglagay ng mga bulaklak sa tabi ng lapida o kaya ay ipinatong doon at saka nag-alay ng sinindihang kandila at dasal para sa mga mahal nila sa buhay na yumao na.
Siya man ay napausal ng dasal nang tumahimik na si Lucian.
Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na silang dalawa sa libingan ng ina.
“So, where’s your father’s grave? I haven’t noticed it here.”
Nasa parking lot na sila nang magtanong si Lucian sa kaniya. Nag-taxi lang siya dahil batid niyang magsisiksikan at ayaw niyang ma-trap ang sasakyan nang ilang oras.
“Um… H-hindi ako pumupunta roon.”
“Ano? Bakit?” Binuksan nito ang pinto ng sasakyang dala. Buti naman at hindi na-trap ang sasakyan nito. Ngunit napuna niyang malaki ang ibinigay nito sa tagabantay. Ngayon ay nakuha na niya kung bakit.
Napilitan na lang siyang ikuwento ang lahat ng pinagdaanan nilang mag-ina sa kanilang ama habang tumatakbo ang sasakyan ng binata.
“So, it means you still hate him,” kongklusyon nito.
Hindi siya nakapagsalita.
“Do you mind if we go to the memorial park kung saan nakalibing ang parents ko? Doon din nakalibing ang sister-in-law ko.”
“Hindi naman. Okay lang, kaya sige.” Kumibit siya ng balikat at ibinalik sa daan ang paningin.
“Are you okay?” tanong nitong sinulyapan siya.
Nilingon niya itong muli at tumango siya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay nang marahan kaya lumipat ang paningin niya sa kanilang kamay.
“I hope one day you’ll find it in your heart to forgive your late father no matter what he did to you and to your mom,” ang mahinang wika ng lalaki. “I believe that as a daughter, you would. I’m not saying that you should, because I didn’t know and would never know how much you’ve suffered… but then again, you must move on, Rowan. To do that, forgiveness will free you from the past.”
Napalunok ang dalaga sa sinabi ng lalaki at nanubig na naman ang kaniyang mga mata. Napaingos siya at napaiwas ng mukha.
***
Hindi akalain ni Rowan na makikilala ang pamilya ni Lucian doon sa sementeryo. Naratnan nilang dalawa na nandoon pa ang mga ito. Pati ang anak ng pamangkin nitong si Lance.
“Well, we thought you’d never make it, Uncle Lucian,” ang nasabi ng pamangkin nitong si Lee. Guwapo rin itong katulad ni Lucian at di-hamak namang maganda ang asawa nitong si Raya.
Nagsindi na ng kandila si Lucian habang tahimik na sila. Binasa niya ang tatlong lapida ng nakahanay na puntod. Bawat isa ay may kandilang sinindihan si Lucian. Kasama na roon ang iba pang malapit nang maupos dahil pinatay ng hangin.
“Why don’t you join us for dinner?” imbita sa kaniya ni Lee pagkatapos mag-alay ni Lucian ng dasal sa mga mahal nito sa buhay na yumao na.
“Oo nga naman, Rowan. We never dined together with Lucian’s girlfriend before,” dagdag ng Kuya Lucas nito. “Well, it’s because he had no steady girlfriend in the past,” dagdag nitong napatawa.
Bahagyang siniko ni Lucian ang kapatid nito. Napangiti naman siya sa mga Ganadan. Tumango siya sa mga ito.
“Salamat po sa imbistayon ninyo.”
“I’m sorry about that. They just presumed you’re my⸺” umpisa ni Luican na magpaliwanag nang nasa loob ulit sila ng sasakyan nito. Tumikhim ito at hindi tinapos ang pangungusap.
Kasalukuyang sumusunod sila sa minamanehong kotse ni Lee na patungo sa isang restoran para mag-dinner.
“Your girlfriend.” Tumango si Rowan na may matipid na ngiti.
“Right.”
“I never brought anyone to my parents’ graves,” paliwanag nito.
“Alam ko na. Sinabi mo, eh,” tugon niya.
Nagbukas-sara ang bibig nito at napahagikhik siya nang mahina.
“Uy, ayos lang. Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” tudyo niya sa lalaki. ‘Okay na akong tawagin mong girlfriend,’ dagdag ng isip niya. Hindi niya naman mailabas sa kaniyang bibig sa kung anong kadahilanan.