Chapter 22: Push
Hindi masyadong nakatulog si Lucian nang bumalik siya sa sariling mansion pagkatapos umuwi nina Raya at Lee galing concert. Kaya kinaumagahan ay kumain siya ng apple at uminom ng isang basong malamig na tubig. Ang kombinasyong ito ay mas malakas kaysa kape ayon sa nabasa niyang study. Kaya ito ang madalas na ginagawa niya kapag kulang siya sa tulog katulad ngayon.
Habang nag-e-exercise siya sa sariling gym ay nag-iisip siya nang mabuti kung paano lalapitan si Rowan. Bumalik sa isipan niya ang “push and pull” na sinabi ni Lee sa kaniya. Kaya nag-order siya ulit ng isang basket na red carnations para ipa-deliver sa opisina ni Rowan at naisip niyang huwag pumasok sa trabaho kaya naghabilin siya sa kaniyang PA para i-forward sa kaniya ang anumang kailangang-kailangang aasikasuhin o kaya ay tawagan na siya nito upang mas mapadali.
Mabilis na siyang nag-shower at nagbihis upang dumaan sa isang flower shop. Bumili siya ng mimosa sa isang mamahaling flower shop na on the way sa opisina ng dalaga. At heto na nga siya ngayon, kumakain ng pananghalian kasama ang dalaga at ang kaibigan nito. Kahit papaano ay gusto niya ang kaibigan ng dalaga. Pang-fillers talaga ang mga banat nito habang tahimik lang silang dalawa ni Rowan.
Kanina pa siya nagagalak na masilayan ang iniirog kahit hindi siya pinapansin nang dahil sa subsob ito sa trabaho. Bawat galaw nito ay inoobserbahan niya at walang patid ang kasiyahan niya na hinayaan siya roon ng dalaga na panoorin ito kahit alam niyang conscious na conscious ito sa kaniya.
Wala pa talagang babae na nagpaparamdam sa kaniya ng ganito. Masaya na siya kahit nakatunghay rito. Masaya na siya kahit sa panakaw na pagsulyap nito sa kaniya upang tingnan din siya. Pasimple lang din itong nakikinig sa bawat salita niya habang may kausap sa cell phone, si Rhenn. May ilang bagay lang itong kinukumpirma sa kaniya ukol sa trabaho.
Bigla ring tumawag sa kaniya si Lee. “Uncle! I heard you’re not in your office today,” bungad nito sa kaniya sa kabilang linya. “I was going to drop by, but Rhenn told me not to bother.”
“Yes, I’m out of the office today.”
“Are you sick?” Medyo nag-alala ang tono nito. “Do you need me to go to the hospital with you?”
“What? No! I’m not sick. I’m with her,” pabulong na sagot niya.
“Oh! You’re with your girl!” Saka napatawa ang pamangkin.
Napabuga siya ng hangin, sinulyapan si Rowan na nakatitig sa kaniya. Ngumiti siya sa babae na sinuklian din nito ng ngiti. Parang sinipa ng elepante ang puso niya at tumambling nang paulit-ulit. Ang sarap lang sa pakiramdam na nagkabanggaan ang kanilang paningin ng babae at malaking bonus pang ngumiti ito sa kaniya. Para siyang nakalaklak ng pulut-pukyutan.
“Yeah. Need me to repeat myself?”
Tumawang muli ang kaniyang pamangkin. “Whoa! I got it, I got it. Okay. I’ll not bother you. For now! Good luck getting your girl then, Uncle Lucian! I’m happy you made a move at last! Hindi lang iyong binibigyan mo siya ng mga bulaklak at maliliit na notes,” kantiyaw ng pamangkin.
Napamaang siya sa sinabi nito. “How did you…?”
“I have eyes and ears, Uncle Lucian. Don’t forget that,” natatawang saad ni Lee sa kaniya.
“Fine!” Saka nag-hang up na siya. Nakakaloko talaga ang panunukso sa kaniya ng kaniyang pamangkin.
‘Maybe it’s his way of getting back at me for what I did to him in the past,’ sa loob-loob niya at napabuga ng hangin.
***
“Mauna na ako sa inyo. ‘Andyan na si Tommy ko. Bye!” masayang paalam ni Marion sa kanila nang makita ang nobyo sa labas pero pumasok ito saglit para batiin sila ni Rowan. Pagkatapos niyon ay umalis din kaagad ang magkatipan upang bigyan daw sila ng “privacy” ng dalaga na ikinatawa nilang dalawa.
“You can stay longer if you need to finish up some things,” sabi niya kay Rowan nang sila na lang dalawa ang naiwan sa opisina nito. Nginitian pa niya ito.
“Talaga? Okay lang sa ‘yo? Maghapon ka rito, ah. Hindi ka ba nababato?” alala namang tanong nito.
“I’m great, Rowan. Sabi ko naman sa ‘yo gusto kong igugol ang araw na ito na kasama ka, hindi ba?”
“It’s just that… nako-conscious ako sa ‘yo at nag-aalala ako sa ‘yo,” sabay kumpas pa nito na medyo napangiwi.
Lumapad ang ngiti niya. “I think those are good things.”
Napatawa ito nang marahan, litaw ang pamumula ng pisngi. “Lucian, I really appreciate that you kept your word. Really. I’m… I’m more than flattered! Pero ayoko namang maging pabigat sa ‘yo⸺”
Nilapitan niya ito nang halos magkadikit na ang kanilang katawan. “Hey! Don’t ever say that!” marahang saway niya rito. “Hinding-hindi ka magiging pabigat sa ‘kin, Rowan. M-maybe I am.”
Napalunok ang dalaga at nagkatitigan pa silang dalawa. Ilang saglit din iyon. Halos pintig lang ng puso at hininga nila ang kanilang maririnig, maliban sa medyo umuugong na air conditioning.
“I… I think we have to go now, have dinner… at my house this time,” nakangiting anyaya nito sa kaniya. “But! Take note, I have no chef or a cook like Lini. Kailangang pagtitiisan mo ang luto ko. Deal or no deal?”
Napatawa siya sa sinabi nito. “Absolutely! It’s a deal! Kakainin ko kahit ano pa ang ilalapag mo sa mesa. Kahit na ikaw…”
‘F*ck! Why did I say that?’
Lalong namula ang pisngi ng dalaga. Hinampas siya nito sa kaniyang braso. “Ikaw, ha? Hindi ko naisip na malandi ka pala. Lahat siguro kayong mga lalaki ang lalandi talaga, eh, ‘no?”
“What? Of course not. Sa ‘yo lang ako lumalandi, promise.”
Umismid sa kaniya ang dalaga. “Sige na, halika na. Baka kung anu-ano pa ang maririnig ko mula sa ‘yo.”
***
Napangiti si Lucian na napatingin sa paligid ng masinop na bahay ng dalaga. Naliliitan siya sa bahay nito dahil nasanay siya sa kaniyang mansion pero maganda naman ito. Gawa sa kahoy ang ilan sa mga gamit, pati ang sahig na napakakintab dahil sa floor wax. Semento naman ang dingding na kinulayan ng light yellow. Ang bubong nito ay gawa sa yero at may kisame naman iyon na pininturahan ng puti.
Nakita niya ang isang wedding picture ng mga magulang nito at ang isang picture frame ng dalaga noong grumadweyt ito ng college. Nakapatong ang mga ito sa ibabaw ng malaking TV na may kalumaan na pero halatang inalagaan ito.
Napangiti siya na kinuha ang solong larawan ng dalaga habang nagbibihis ito sa kuwarto. Tinitigan niya ang magandang dalaga na nakangiti sa camera. Naalala niya ang kuwento nitong namatay ang mga magulang nito sa mismong araw ding iyon kaya nalungkot siya para kay Rowan.
Nang lumabas ito sa silid ay nakasuot na lang ito ng shorts at sleeveless top. Litaw na litaw ang magandang hubog ng katawan nito kaya napalunok na lang siya.
“Magluluto lang ako, ha?” pagpaalam pa nito habang tinatalian ang mahabang buhok.
Nabato-balani siya sa kaniyang kinatatayuan. He never felt so dumbstruck by a woman who merely catches her hair up. Nakangiti kasi ito sa kaniya nang matamis habang ginagawa iyon.
“Are you okay?” tanong nito nang hindi siya makapagsalita.