Chapter 18: Push And Pull
“I-I’m sorry about Reina back there. She was… a bit rude.”
Narinig ni Rowan na nagsalita si Lucian habang nagmamaneho ng kotse nito. Ilang minuto na kasi ang lumipas ay hindi niya ito inimik.
“You don’t have to be sorry. There’s nothing to be sorry about.”
“I-I’m not really sure why, but she’s usually not like that. She’s a nice person.”
Nilingon niya ito. “O? Talaga? Huwag mo na siyang depensahan, Lucian. Besides, I know what she’s thinking, and I can’t blame her.”
“Rowan…”
“I-I think I just want to go home. Huwag na tayong pumunta sa concert.” Napaiwas na siya ng tingin mula rito. “Pakihatid mo na lang ako sa bahay.”
Naramdaman niya ang pagbaling nito sa kaniya nang saglit saka narinig ang pagbuntong-hininga nito.
“Okay, if that’s what you want,” tanging nasabi nito.
Alam niyang wala ito sa posisyon upang mamilit sa kaniya kahit gustuhin nito.
“Reina’s been a good friend for years,” wika ng lalaki.
“I see,” matabang niyang saad.
“About the concert, are you sure⸺”
“I’m sure,” agaw niya. Kahit paborito niya pang banda ang magpe-perform ay nawalan na siya ng gana.
‘Hindi, natatakot ka lang. Natatakot kang may iba pang mga taong makakakita sa inyo saka huhusgahan ka at ang inyong relasyon kahit wala pa naman,’ bulong ng isip niya.
Masakit para sa kaniyang isipin ito. Masakit harapin ang anumang pang-iinsulto o kaya panghuhusga at pagdududa kahit na wala naman siyang ginagawang masama.
‘Pero bakit ba ako magpapaapekto kung wala akong ginagawang masama?’
Nalilito siya at nagdedebate ang kalooban niya⸺utak laban sa puso niya.
Napalunok siya nang huminto ang kotse sa tapat ng gate niya. Agad na lumabas si Lucian upang ipagbukas siya ng pinto bago pa man siya makaibis ng sasakyan.
“Salamat sa paghatid. And… thank you for the movie and early dinner. I loved it, truly,” marahang wika niya sa lalaki nang nakatayo na sila sa may gate ng kaniyang bahay, magkaharap.
Napalunok ang lalaking napatingin sa kaniya nang seryoso. Halatang medyo nahihirapan ito. “Rowan…”
“I-I’ll just see you tomorrow, Lucian.” Inunahan na naman niya ito. Hindi niya kasi alam kung ano talaga ang sasabihin nito at natatakot siyang hindi niya magugustuhan iyon.
May gusto pa sana itong sabihin ngunit pumasok na siya sa gate at sa kabahayan. Nang sinilip niya ito sa bintana ay nakatitig ito sa kaniyang bahay. Natulala.
Naaawa naman siya sa lalaki ngunit kailangan niyang mag-isip ng tamang desisyon, ng dapat na gagawin niya, ng para sa kanilang dalawa.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita niyang mabagal itong tumalikod at saka sumakay na sa kotse nito. Nakaupo lang ang lalaki sa loob ng kotse nang ilang minuto. Nag-iisip. Ng ano, hindi alam ni Rowan. Siguro ay kasama na siya roon.
Ilang sandali pa ang lumipas bago nito pinasibad ang kotse at siya naman ay napahugot ng isang malalim na hininga.
‘Ano ba ‘tong ginagawa ko?’
***
“What? Your first date went wrong?” alunignig ni Lee sa sinabi ni Lucian habang nag-uusap sila sa library ng bahay ng kaniyang kapatid.
Nasa kuwarto ng bata si Raya at nanonood ng cartoons kasama si Lucas. Kasama sana roon ngayon si Lee kung hindi siya sumulpot sa bahay nito. Subalit gusto niya kasing may mahingahan tungkol sa kabiguan niya.
“I-it was great at first. But I think it’s because of Reina that something went wrong. Rowan did not talk much after that. I wanted to explain, but she was not ready to hear it, I guess. She didn’t even want to watch the concert with me anymore. May tickets na sana ako sa paborito niyang banda.” Ipinakita pa niya kay Lee ang dalawang tickets ng concert ng isang local band.
“Ibigay mo na lang ‘yang tickets na ‘yan sa amin ni Raya, Uncle. Matagal-tagal na ring hindi kami nakapag-date ng asawa ko,” ngising anang Lee.
Bumuga siya ng hangin. Ibinigay nga niya iyon dahil masasayang lang kung hindi magagamit. Napasulyap ang pamangkin sa relo nito saka ngumising napatingin sa kaniya.
“You, be the ‘manny’ of Lance, kasama si Daddy. Raya and I will go to the concert. Thanks, Uncle!” ngising wika pa nito.
“You’re such a heartless bastard for a nephew,” reklamo niya na nawalan ng lakas habang napaupo sa isang sofa sa loob ng library. Malungkot siyang napasulyap sa mga shelves na puno ng libro. Halos nabasa na rin niya ang lahat ng iyon, maliban na lang sa mga bagong biniling libro nina Raya at Lee. Nadagdagan din iyon ng mga children’s books. Kita niyang nakahilera ang mga ito sa isang panig ng shelf na dedicated para kay Lance.
Ngumisi ulit sa kaniya ang pamangkin. “I know, right? But tell you what? Give her some time, some space to think. She’ll get around if she really likes you, Uncle Lucian.” Tinapik nito ang kaniyang balikat.
Napahigit siya ng hangin at napailing. “I just don’t get it. Nagseselos ba siya kay Reina or what? Hindi ko kasi siya mabasa, Lee.”
Napatitig sa kaniya ang pamangkin. “Alam niyang biyuda si Tita Reina?”
“No,” nakasimangot na aniya. “Misis nga ang pagpakilala ko kay Reina, eh, para malinaw.”
“Well, then… baka kulang ka pa sa push and pull, Uncle.” Kumibit si Lee.
“Push and pull?” tigagal na aniya sa pamangking nakatayo pa rin sa harap niya.
Lee pulled his mouth down. “Push… Hindi ka siguro nagsasabi sa nararamdaman mo. Hindi mo ipinaliwanag ang totoong standing ni Tita Reina sa buhay mo. And pull… Well… you need to charm Rowan. Seduce her, if necessary, Uncle Lucian! You’re far older than to play coy at this point of your life. Just be brave! I don’t need to say this, but be a man, Uncle Lucian. You can do it!” Ngumisi pa ito at tinapik siya nitong muli sa balikat bago nagmamadaling umalis.
‘Gago ‘to. Nagmamadali na talagang umalis, ah. May dalawang oras pa naman siya para maabutan ang concert,’ reklamo ng isip niyang sinamaan ng tingin ang nakatalikod na si Lee.
Narinig niyang tinawag nito si Raya na may excitement sa boses kaya wala na siyang choice ngayon kundi ang pumanhik sa itaas, sa kuwarto ni Lance upang bantayan ito kasama si Lucas habang magdi-date ang mag-asawa.
Buti pa ang dalawa at mag-e-enjoy mamaya, sa halip na siya at si Rowan ang mag-e-enjoy sa concert. Pakiramdam niya ay ang malas niya sa araw na ito.
Hinalikan siya ni Raya sa pisngi at nagpaalam na nang nakabihis na ito. Hinalikan din nito sa pisngi ang anak at ang father-in-law.
“You look like hell, Lucian,” bulong ni Kuya Lucas niya. Nang-uuyam pa itong ngumisi sa kaniya habang pinaupo nito ang apo sa kandungan nito.
Lucian felt like he just shot himself dead. “You don’t have to rub it in, Kuya Lucas,” inis na pakli niya.
“That’s why I retired the dating scene,” anitong nambubuska pa rin.
Tumalim ang paningin niya sa kapatid. “You wouldn’t even date even after your wife’s death, so don’t give me that crap.” Humina ang boses niya sa huling salita. Ayaw niyang marinig iyon ng anak ng pamangkin.
Tumingala sa kaniya na nakatawa si Lance. Bumukas ang mga bisig nito, senyales na sa kaniya na naman ito magpapakarga imbes sa sarili nitong lolo.
Ngumiti na lang siya sa apo nila ng kapatid at kinarga ang bata. Agad itong yumakap sa leeg niya at kinagat-kagat ang kaniyang tainga kaya napaungol siya sa sakit. Tumawa lang naman si Lance at ang lolo nito. Bilang ganti sa bata ay pinupog na lang niya ito ng halik sa leeg habang tawa nang tawa ang bata dahil nakikiliti.
“You think you’re the only one who can attack me, huh? Ito ang nababagay sa ‘yo, little Lance!” aniya sa bata at kiniliti ito gilid.