Chapter 10 Awaken
A girl was being followed and being chased by someone on that night. She was so tired that she just wanted to stop and surrender her life to that person who's chasing her. That person was holding a gun, and he's so determined to kill and end her life that time.
Someone fired a bullet.
3 gunshots and she dies.
Tila sirang plaka na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang katagang 'She dies'. I felt how my lips curve into a smile. Because, finally, I die.
No more pain
No more betrayal
I feel more at peace now than before. Ganito ba ang feeling pagkatapos mong mamatay?
Binuksan ko ang mga mata at isang nakakasilaw na liwanag ang unang bumungad sa akin. Am I in heaven now? Hindi ko alam kung anong klima ba ang meron sa langit pero in fairness ang lamig.
Itinaas ko ang kamay para pagmasdan ang suot ko. Nakasuot ako ng white longsleeve dress?
Tantsa kong mahaba ang suot kong damit dahil nararamdaman ko naman kung hanggang saan ang sukat ng telang umabot sa katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapaisip. Sino kaya ang gumawa nito at nagpalibing sakin?
Napanguso ako. Hindi kaya si Ash? O si Ford na rin?
Mentioning his name makes me cringe. Naramdaman ko ang pagbabago ng mood ko.
Will he be at peace too now that I'm gone and dead?
Natawa ko sa naisip. Of course he does!
Kung ako lang ang tatanungin, mas gugustuhin ko na lang talaga ang mawala ng tuluyan kaysa ang mabuhay pa ulit at makasama pa ang isang katulad niya.
Para ano? para saktan at takutin ako nito ulit? I'd rather die, than to live with him.
He betrayed and hurted me a lot, me, as a human being and everything about me!
He killed me and I'm his damn best friend! More specifically, his ex-best friend.
I'll never forget what he did and I will never forgive such a traitor!
Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Teka, umiiyak ba ang patay na?
I don't think so. This can't be real.
Did I just... survive?
Tuluyan akong napaayos ng upo at napansing ang liwanag na unang bumungad sa akin kanina ay galing lamang pala sa ilaw na na nangga-galing sa tuktok ng kinahihigaan ko. And I'm still wearing an oxygen mask at makikita kung paano lumabas ang ibinubuga kong hangin mula rito. And my hands.. May mga nakatusok pang karayom sa dalawang kamay ko.
I unprofessionally removed it at agad kong naramdaman ang kakaibang sakit dahil sa ginawa. Hinayaan ko lang lumabas ang dugo mula rito.
This can't be happening. Why do I still feel pain? and my emotions..
Bakit, ganito?
Akala ko.., akala ko patay na ako?
Mabilis akong bumababa sa kinahihigaan. Nawalan ako ng balanse sa katawan kaya agad akong bumagsak sa malamig na semento.
Hindi ko napigilang mapadaing ng unang tumama ang mga tuhod ko sa matigas na semento. Nanghihina pa ang katawan ko.
Muli kong sinubukang i-angat ang sarili gamit ang nanginginig kong mga kamay. Humawak ako sa kahit anong bagay na makita kong pwedeng hawakan para sumuporta sakin sa pagtayo. Hanggang sa mapadpad ako sa harap ng salamin.
I was so shock to see myself in front of the mirror. Napadpad ang kamay ko sa mukha ko.
My face... is different.
Hindi ko makilala ang babaeng nasa harapan ngayon ng salamin. I can't see me on that mirror. Ibang mukha ang nakikita ko.
I know it's me, it's my own body. Pero ang mukhang nakikita ko ngayon sa salamin ay hindi sa akin. Hindi ko ito pag-aari.
Someone change it, someone change my face.
But why? Why did they do it?
---
Third person P. O. V
Kahit nanghihina ay sinubukan paring maakalis ni Eashie sa lugar na iyon.
She doesn't know why she's there. And who owns that place.
Wala namang tao at nagbabantay noong mga oras na iyon. Sa tingin niya nga ay isa lang itong vacation house.
Malawak ang bahay at kumpleto ang mga gamit sa loob ngunit wala naman itong katao-tao at tanging siya lamang ang naroon.
Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. She's so unfamiliar with the place.
Mabuti na lang at may credit card itong nakita sa kwarto na kinaroroonan niya at iyon ang ginamit nito para maakalis sa lugar.
Hindi na niya nagawa pang makapagbihis pa dahil gustong gusto na talaga nitong makaalis. Kahit hindi pa nito alam kung saan ba siya pupunta.
Nakarating na siya sa labas ng gate. Pinagmasdan niya ang paligid. Wala talaga itong ideya kung nasaan siya.
Muli itong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalayo na ito sa mismong bahay. Nakakita ito ng jeep at agad iyong pinara.
Ramdam niya ang mga tingin ng mga tao sa loob ng jeep nang tuluyan na itong makasakay. Sa isip niya ay, baka iniisip na nilang isa itong takas mental dahil sa suot at itsura nito.
Iwinakli na lang nito ang nasa isip at sinubukang ibaling sa iba ang atensiyon.
"Saan ka miss?" maya-maya'y tanong ng driver sa kaniya.
Napatingin muna sya sa mga kasama sa loob bago sumagot dito. "K-kung hanggang saan lang po ang ruta niyo ay hanggang doon na lang din po ako."
Hindi agad nakasagot sakanya ang driver. "S-sige." sa huli ay napatango na lang ito sa kaniya.
Hindi naman kasi talaga niya alam kung saan ito pupunta gayong hindi naman nito alam kung nasaang lugar ba siya.
Mahigit 1 hour and 30 minutes ang itinagal ng biyahe bago tumigil ang jeep at sabihing hanggang dito na lang daw ang ruta nito. Tumango siya at ini-abot ang hawak na credit card. Tinignan lamang iyon ni manong driver.
"Aanhin ko iyan, neng? Wala ka bang kahit na anong dala jan? Jeep lang itong sinakyan mo."
"W-wala po akong dalang pera at tanging ito lang po ang dala ko.." nahihiyang wika nito.
Napapakamot ulo ang manong driver na tumingin at tumango sa dalaga at sabihing huwag na lang itong magbayad. Libre na lang daw ito.
"Next time, totoong pera na ang idala mo ha? hindi ko kasi magagamit iyan at hindi ko naman alam gamitin." aniya na tinanguan agad nito. Masaya itong nagpasalamat sa kaniya.
"Teka, hindi ka ba taga rito, ne?" biglang pigil nito nang maglakad na sana paalis si Eashie. Mabilis itong umiling bilang tugon.
"Mahaba pong kwento, pero nagising na lang akong nasa lugar na hindi naman pamilyar sa akin. Hindi po ako pamilyar sa lugar na ito, hindi ko nga rin po alam kung paano pang makakabalik saamin." Paliwanag niya.
Parang tinamaan ng awa ang manong sa sinabi ni Eashie. Tinanong nito kung taga saan si Eashie, sinabi nito ang address at agad naman siyang tinulungan ng driver na maghanap ng bus pauwi. Iyon lang ang tanging naisip nito na maaring sakyan ng dalaga pauwi sa lugar nito.
"Maraming salamat po! Hindi ko na po alam ang gagawin kung hindi dahil sa tulong niyo. Salamat po talaga ng marami!"
"Walang anuman, ne. Basta mag-iingat ka!" wika ng jeepney driver sakaniya bago tuluyang sumakay sa bus na sasakyan niya pauwi. Sa wakas ay nagamit na rin niya ang dalang credit card sa pagbili ng ticket sa bus.
Nang makaupo ay hindi niya napigilan ang sariling mapangiti sa kabutihan na ipinakita ng driver na iyon sa kaniya. Akala niya ay wala ng taong ganon.
Isinandal nito ang leeg sa headrest ng kinauupuan bago napapikit.
"May mga natitira pa rin pa lang anghel sa lupa, akala ko kung naging FORDa demons na ang lahat."