CHAPTER 77
Dave's pov:
"Ano!" malakas kong sabi. Na siyang ikinagulat ng lahat kong kasama ng mga oras na iyon.
"Bakit Sir?" tanong ni Alvin.
"Wala na! Alam na ni Don Fabian kung nasaan ang pamilya ko! Alam na rin niya na ako ang kumikilos para kalabanin siya. Tiyak na kikilos na iyon para kunin ang buong pamilya ni Annie, na alam niyang mahalaga din sa akin. Nabaril si Shiela, ang kaibigan ni Annie!" Naiiling akong lumakad sa papunta sa drawer ko at kinuha ang ilang kagamitan ko. Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan kaming nasa Japan.
"Mag-ready na kayo! Wala na tayong dapat pang pagtaguan dahil nabunyag na tayo, nang dahil sa mga maling desisyon mo Charls," sabi ko uli. Lahat naman sila ay ngsimulang mag empake ng mga gamit nila. Sinabihan na rin ang iba pang grupo namin na ihanda ang lahat ng mga gmit dahil nga sa pagbabalik sa Pilipinas.
Nang makapag-ayos na ang lahat ay pinahuli ko si Charls sa paglabas. "Mag-usap tayo Charls." mahinahon kong sabi. Tahimik lang ito na nagpaiwan sa mga Kasama.
"Alam mo kung anong unang rules ko? Iyong ayaw kong may traydor sa grupo ko." Lumakad ako patungo sa bintana ng silid upang makita ko kung naka ayos na ang lahat.
"Ano ngayon gagawin mo? Papatayin mo ako? Ako na matagal mo nang kasama! Ako na mula pa noon kaibigan mo na?" pagalit na sumbat nito sa akin, ngunit mahinahon lang ang pagsasalita.
"Alam mo pala yan? Kaibigan! Alam mo ba ang salitang ‘yan Charls? Hindi mo lang ako amo! KAIBIGAN mo rin! Kaibigang nagawang trydorin!"
"Dahil pinili mong magpakatanga! TANGA KA! Ililigtas mo ‘yong taong nagpahamak sa'yo at sa pamilya mo! Kung napahamak ngayon ang pamilya mo ikaw ang may kagagawan!"
"Charls, hindi mo naiintindihan! Wala tayong karapatang humusga at kumitil ng buhay! Ayoko nang may magbuwis pa ng buhay! Sana sinabi mo kaagad sa akin na taliwas sa paniniwala mo ang adhikain ko bilang isang tao! Ikaw! Saan ba kita pinulot! Diba isa ka rin sa mga taong gumawa ng masama sa akin! Hinusgahan ba kita! Second chance! Every body deserve that! Kahit gaano ka pa kasama!" sa sinabi kong iyon ay napatulala siya "Hindi kita sinusumbatan! Pinapaalala ko lang sayo na sana matuto ka ring magbigay ng second chance sa iba. Kaya ngayon maiwan ka na lang dito sa Japan, diniposite ko na sa account mo ang pera mo, five million. Sabihin mo lang kung kulang pa, pero sana tigilan mo na ang pagre-report mo sa amin," matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya sa silid na iyon na tulala lamang.
Ako naman ay malungkot na umalis. Para sa akin ay hindi ko na kayang makisama pa sa isang taong hindi ko na kayang pagkatiwalaan. Pagkasakay ko sa Van ay nagsalita pa ako, "kayong lahat, nauunawaan niyo ba ang ginagawa natin? Kung mayroon nang hindi naniniwala sa mga ipinaglalaban natin. Magsalita na, maari na kayong umalis! Isa lang ang hiling ko sana ay mamuhay ng tahimik at kalimutan ang mga bagay na ginawa niyo kasama ko." Walang umimik kahit na isa, "Wala bang magsasalita sa inyo?" Wala pa ring umiik ni isa. "Kung gano'n tayo na." At pinaandar na nga ni Alvin ang sasakyan patungo sa airport ng Japan.
Samantalang naiwan si Churles na umiiyak. At tila nagsisisi sa kanyang ginawa.
---------------
NAIA ARIPORT:
Nang makarating kami sa airport ay sumalubong ang lahat ng bodyguard ko. Ngayon ay alam na nang lahat na buhay pa ako at pinaanunsiyo ko na rin na ako ang nagmamay-ari ng isang bagong news program na umeere sa lahat ng mga kilalang chanelle sa telibisyon. Kaya hindi kagulat-gulat na naroon ang napakaraming news reporter, maging mga reporters ng mga tabloid at news paper at magazines. Naroon silang lahat upang kunin ang panig ko dahil sa nabalitang patay na ako at nawawala. Ginawa ko na rin iyon upang maging proteksiyon sa kalaban ko. Sa kanya ko lang din nakuha 'yon ang magtago sa madla. Ang kaibahan lang namin ay mabuti ang intensiyon ko.
"Mr. Santivaniez gaano katotoo na isang malaking sindikato ang kinakalaban mo ngayon?"tanong ng isa sa napakaraming reporter na naroon. Ikinagulat ko iyon at hindi ko akalaing may magtatanong ng ganoon. Ngunit minabuti ko nang sagutin iyon.
"Abangan niyo sa news ang mga balitang 'yan. Sa ngayon hindi na muna ko magbibigay ng statement sa inyo." Pagkasabi ko ay dere-deretso akong lumakad at ang mga stuff ko kasama ng sanlibo kong body guard. Hinahabol at sinusundan ako nang mga reporters hanggang sa limusin car na nakaahanda na para sa akin. Ang mga stuff ko ay may kanya-kanya na ring sasakyan.
Annie's Pov:
Samantalang sa ospital ay naka-confine si Shiela at hindi pa bumabalik ang malay. Ako ay hindi umalis doon simula ng madala ro’n si Shiela hanggang sa ma-confine. Malalaking pasasalamat ko at nare-vibe ng mga doktor si Sheila at ako na mismo ang nagbabantay sa kanya. Samantalang nasa condo unit na ni Marvin ang buong pamilya ko. Alam naming mag-aalala ang pamilya ni Shiela kaya hindi pa namin pinaalam ang nangyari dahil na rin sa pag-iingat sa kanila na hindi na sila madamay pa. Habang nasa ospital ay balitang-balita sa lahat ng television ang pagbabalik ni Dave Santivaniez sa Philipinas, galing sa mahabang pagkawala nito. Na lingid naman sa kaalaman ko ang balitang ito. Naririnig kong siya ang laman ng usapan ng lahat ng mga tao sa buong hospital. Kaya naman labis akong kinabahan sa mga narinig ko lalo na sa mga dati kong kasamahan sa ospital.
"Annie, alam mo bang may super hero na bumaba galing sa alangit!" Exaggerated na wika ni Joy. Lumabas kasi ako para kumuha ng tubig na nasa harap ng nursings station.
"Ha... ah, w-wala sino naman 'yon?" medyo napangiti kong tanong sa kanya. Ngunit may lungkot pa rin sa aking mga mata.
" Si Mr. Santivaniez!" Na hindi ko alam ay naglalakad ma pala sa pasilyo ng ospital malapit na sa amin.
"Ay! Siya nga!" kinikilig pang sambit ng ibang nurse doon. Samantalang tulala kami ni Joy. Si Joy na halos malaglag ang panga sa pagkatulala. At kinikilig din dahil sa akala niya'y siya ang lalapitan nito.
Habang naglalakad ito palapit sa ‘kin ay tila slow motion ang bawat sigundo. Gwapong-gwapo itong naka suot ng black suit at ang dati niyang mukha noong huli kaming magkita ay nabago na. Hindi na mukhang matanda, kundi ‘yong dati niyang mukha na napaka gwapo at hindi magmumukhang kwarentay anyos na. Bumalik na ang dating Dave na nakilala ko. At heto siya ngayon palapit sa akin. Ngunit ng nasa malapit na siya ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. Shock ang lahat sa nakita nila, hindi nila akalaing ako ang asawa ni Dave. Laglag panga ang lahat sa nakitang exsena.
Kagabi lang nadala si Shiela sa ospital na iyon, at kagabi lang ay halos hindi ako makahinga dahil sa pag-aalala sa matalik kong kaibigan. Tapos ngayon ay heto siya dumarating na animo ‘y super hero. May karapatan ba akong sumaya? Sa mga oras na iyon, si Shiela ay nasa bingit ng kamatayan nang dahil sa pagsagip sa aming anak.
Bumitiw ako sa pagkakayakap niya sa akin, ni hindi ko siya nagawang tingnan ng mga oras na iyon, pakiramdam ko ay mabigat at malaking bato ang nakapatong sa dibdib ko. At ang makita siya, ang siyang lalo pang nagpapabigat sa puso ko. Tinalikuran ko siya at bumalik na sa silid ni Shiela.