CHAPTER 71
Matapos ang conference na halos wala akong naunawaan dahil sa lumilipad ang isipan ko. Mabuti na lang at more on lecture ang nangyari kanina. Tinalakay lang naman ang mga pangpinansiyal na bahagi ng bawat health center at pampublikong hospital, kung paano makakakuha ng maayos na suply pang medisina at kung paano naman ikukunsumo ito. Sinabi rin na kung may mga pribadong tao na maaring makatulong sa mga ganitong establishment.
"Guys nasa ‘kin na yung mga susi ng room na pag tse-check in -an natin," sabi ni Sir Adrian sa amin.
"Well three rooms para sa girls, at two rooms lang para sa'ting mga boys." Lumakad na ito pagkasabi sa amin upang sumunod naman kaming lahat.
Kaya lang ay mabilis akong nagsabi, "Sir, hindi na po ako dito mag-stay," Napalingon naman silang lahat, at si Erika na nakataas pa ang kilay.
"Ay nako... umarte na naman,"
"Hindi ako umaarte, may apartment po yung friend ko at gusto niya na do’n muna ako."
"E, paano bukas?" mahinahong tanong ni Sir Adrian. At tila nag-aalala ito para sa ‘kin.
"Okay lang po, nandito napo ako bago mag-start ang conference," paliwanag ko pa kay Adrian. Tumango na lamang siya at ako naman ay tumalikod na sa kanila. May pagtataka naman si Mica na nabubuo sa isip niya.
"Bakit na naman?" tanong ni Joy.
"Wala lang pakiramdam ko kasi kabisado niya ang buong hotel," nag-aalangan nasambit ni Mica.
"Ano!? Ha, nakakatawa ka talaga Mica. Kung ano-ano ang sinasabi mo d’yan." Lumakad na ito at naiiling pang bumulong.
------------------------------------
Samantalang ako ay kasalukuyan nang nakasakay sa isang taxi patungong timog Quezon City. Kung nasaan ang apartment ko na alam kong sa ‘kin na ipinangalan ni Dave. Sabi ni Marvin no’ng huli kaming magkita ay halos puno na ang mga nangungupahan sa buong building. Ngunit mahigpit kong ipinagbilin sa kanya na ‘wag na ‘wag pauupahan ang apartment namin ni Dave. Kaya naman naisip ko na doon na mag-stay kaysa sa hotel. Wala na akong gagawin kundi ang umiyak. Ayaw ko namang makita nila akong ganon.
Nang makababa ako ng taxi ay agad na akong nagbayad sa taxi driver. Mabilis akong nakalakad patungo sa building ng apartments. Alam kong nakita ako ng mga gwardia at balak nila akong sitahin.
"Hello po ma'am, am saan po punta ninyo ma'am?" tanong ng isang security guard sa ‘kin. Patakbo pa itong lumapit sa ‘kin dahil sa tumapat na kaagad na ako sa elevator.
"Tenant ako dito." Sabay labas ng sarili kong susi. Nakita naman ng guard ang numero ng apartment na nakasabit bilang keychain sa susi ko.
"Ah, okay ma'am kayo po pala." Tumalikod na ito at bumaliks sa pwesto. Ako naman ay tuluyan nang sumakay na sa elevator.
Ilang minuto lang ay nasa 2nd floor na ako at nasa harap ng apartment ko. Sinusian ko ito at bahagyang nabuksan at itinulak ko na upang mabukasan. Nang biglang napansin ko na may dumating din sa floor, dumeretso siya sa katabing pintuan. Nakita kong binubuksan niya ang pintuan. Matangkad na lalaki, malapad ang likuran at mabalbas ito at mabigote. Medyo mapuputi na rin ang buhok nito na mahaba, mga hanggang balikat. Hindi ako nakatiis at hinarap ko siya nagsalita pa ako. "Ah, Excuse me, ang alam ko kasi hindi ko pinapaupahan ang apartment na yan.…" natigilan siya at lumingon ito, nagtama ang mga mata namin.
Unang nagbaba ng tingin ang lalaking noong una ay hindi ko nakilala. Agad itong nagtangkang bumaba sa hagdan. Ngunit agad ko itong sinigawan, "Sige umalis ka! Pero ito ang tandaan mo, sa oras na ihakbang mo ang mga paa mo palayo sa ‘kin, kakalimutan na kita! Kahit bumalik ka pa sa buhay namin ay hindi na kita tatanggapin!" pagkasabi ko noon agad akong pumasok sa loob ng apartment ngunit iniwan kong bukas ang pinto. Dahil sa hindi ko na namalayan ang mabilis na pag-agos ng mga luha ko. Napaupo ako at mahinang humikbi. Alam kong may dahilan siya, pero manuba namang magpaalam siya sa akin. Minsan na niya kong iniwan nang wala manlang paalam. And it's about the time and chance to say goodbye, but he doesn't want to say! Malakas akong napahagulhol sa iyak.
Nang bigla na lang may yumakap sa akin. Napatayo ako ngunit nanatiling nakatalikod. Mahigpit pa rin ang yakap ng mga bisig niya sa akin. Napasinghap na lang ako ng muli ko na namang maamoy, ang kakaibang pabango niya na ewan ko, kung bakit hindi na nawawala sa isip ko ang amoy niyang iyon. Marahil ay lubusan nang kilala ng puso ko ang amoy niya. Siya nga! At wala nang iba, si Dave Santivaniez! Ang mahal kong asawa!
"Can you do that? Can you forget me?" bulong nito na nanggagaling mula sa likoran ko. Habang mariin niya akong yakap-yakap.
"Yes! I will do that! If your not back here now!" sabi kong nan lalambot ang buo kong katawan, nanginginig akong humarap sa kanya. Tinitigan ang mukha niya na napakalaki ng pinagbago. Marahil gaya ko ay nag-disguise din siya sa lahat ng mga tao. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at hinawakan ang dalawang pisngi niya. Hindi ko na napigilang halikan siya.
Grabe! Miss na miss ko siya. Mahal na mahal ko siya, parang gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang saya ng makita ko siya ngayon ng harapan. Para bang nalulunod ako at hindi makapaniwala sa kaganapan ngayon.
Napatunayan kong may awa pa pala talaga ang Diyos para sa aming dalawa. Kami na tunay na nagmamahalan at kaunti lamang ang oras na naging masaya. At ang oras na iyon ay pinaniniwalaan kong bigay sa amin ng Diyos. Bilang mag-asawa na nanabik sa isa't isa.
"Anie, I can't live without you! So please don't say that words again!" sabi ni Dave, na may diin sa tinig kahit pa kapwa kami hinihingal sa aming halikan. Tiningnan niya akong muli at siya naman ang muling humalik sa akin. Binuhat niya ako at sa C. R imbis na sa kwarto kami napunta.
Doon ay binuksan niya ang shower at kapwa kami nagpakabasa. Habang nakakuyapit ang dalawa kong kamay sa batok niya ay patuloy pa rin nakalapat ang aming mga labi sa isa't isa. Ramdam kong pananabik niya sa akin at ako rin ay patuloy na nangangatal habang isa-isang inaalis ni Dave ang aking saplot. Muling tumambad sa harap ng aking asawa ang aking kabuuan. Nakita kong walang pagsidlang ligaya ng kanyang mga mata at ang puso niyang malakas na kumakabog. Dahil ang oras na iyon ay ang muling pagsasanib namin bilang isang mag-asawa.
Tapos noon ay siya naman ang tinanggalan ko ng saplot. Ang t-shirt niya at pantalong suot ay nahubad ko na. Mabilis niya akong niyakap at sabay naming dinama ang agos ng tubig mula sa shower. Mabilis niya akong binuhat muli at hindi na pinakawalan pa. Habang buhat niya ako ay ginagawa na niya ang dapat niyang gawin. Ako naman ay parang mababaliw dahil sa kakaibang sarap na ipinaparanas niya sa akin sa mga oras na iyon.