Chapter 49

• Nina Chiara's Pov •

After weeks ay napagdesisyunan ko na rin syang i-text. Though it's hard for me dahil nandun parin ang sakit kapag naaalala ko ung pangyayaring 'yon na kahalikan nya si Charisse sa condo nya at kahit hindi nila ginagawa nung bagay na 'yon ay alam ko sa sarili kong duon na rin ang patungo ng halikang 'yon.

Napasinghap ako at napatakip ng bibig ng matanggap ko ang reply nya sakin dun sa tinext ko sa kanyang pwede ba kaming magkita ngayong araw.

' Chiara? I miss you so much. Baby, I love you. Sige, magkita tayo saan? '

Madiin kong pinikit ang mga mata ko para mapigil ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Sandali ko ring kinagat ang lower lip ko para mapagilan ang pagluha ko. At nilakas ko ang loob kong magreply sa text message nya na walang halong lungkot. Gusto kong mabasa nya ang reply ko na wala lang sakin at wala akong alam tungkol sa halikan na naganap.

'Ethernal Cafe at 8 pm'

Yun lang ang nireply ko at pagkatapos ay basta ko na lang binato ang phone ko sa may kama at pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kamang nasa likuran ko at pagkatapos ay nagsimula ng umiyak. Napapikit ako ng madiin habang yakap yakap ng mahigpit ang unan na malapit lang sakin. Lalo lang akong napahagulgol ng maalala ko ung pangyayaring 'yon. Isang paalala na hindi kami ang para sa isa't isa at isa lang akong extra sa buhay ng nila na hindi kailanman dapat maging bida.

Nanatili lang akong umiiyak hanggang sa hindi ko na namalayan na nilunod na pala ako ng antok. Naalipungatan ako at nagising around 6:30 pm, pagkagising ko ay agad akong naghilamos para hindi mahalatang namamaga ang mga mata ko. Ayokong isipin nya na iniyakan ko sya. Ayokong isipin nyang nasasaktan ako. Ayokong isipin na masyado akong mahina para iyakan ang isang tulad nya.

Pagkatapos kong ayusin ang mukha ko ay sandali akong nagbuhos at pagkatapos ay sinuot ko na ung dress na hinanda ko para sa araw na 'to. Isang black v-neck dress. Black dahil this is the end of my lovestory na in the first place ay wala naman talaga dahil isa lang naman akong extra na nag-assume na maging bida sa love story ng iba.

Exactly 8pm ako nakarating sa napag-usapan naming Cafe. Masaya syang nakaupo dun habang ako ay seryoso at walang emosyon lang na nakatingin sa kanya. Nakangiti pa syang tumayo at gentleman nya pa akong pinaupo. Sandali akong nagpasalamat sa kanya at umayos ng pag-upo.

"O-order na ba tayo?" masaya nyang sabi. Pero umiling lang ako at tinanggihan ko sya. Pero sa pagtanggi kong 'yon ay hindi naalis ang mga ngiting 'yon sa mga labi nya. Marahil siguro ay masaya sya dahil nakasama na naman nya si Charisse at maaaring nakakatunog na syang makikipaghiwalay na ako sa kanya kaya ganyan syang kasaya.

"Kumusta ka na?" masaya nyang saad. Hindi ko na lang pinansin ang tanong nyang 'yon at agad inabot ang isang baso ng tubig na malapit lang sakin at ininom ko 'yon. Iniiwasan ko rin na tingnan sya. Ayokong makita nyang nasasaktan ako. Ayokong makita nyang iiyak ako. At ayokong makita nyang hindi ko kayang iwan sya.

"Hindi ka pumunta sa graduation ceremony ko, may nangyari ba? Tinanong ko si EJ kung may sakit ka ba pero sabi nya ay hindi ka nya nakakausap ..." Hindi ko muling pinansin ang sinabi nya bagkus ay huminga ako ng malalim at unti unting nag-construct ng sentences para sa sasabihin ko mamaya.

"Nitong mga nakakaraan mga araw ay hindi na kita naabutan sa shooting, tinanong ko si Direk sabi nya ayaw mo daw magsabi, may proble--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at basta na lang akong sumabat. Pakiramdam ko kasi pag pinatagal ko pa 'to, lalo lang akong mahihirapang makipaghiwalay sa kanya.

Bago ako nagsalita ay muli akong huminga ng malalim. "Ang laki na pala ng pinagbago mo ngayon, Ethan--"

"Alam mo naman--" hindi na uli sya pinatapos ang pananabat nya at tinapos ko ang sinasabi ko.

"Ganyan na pala ang nagagawa ng pagbabalik ng taong mahal mo nu? Nagiging madaldal ka? Nagmumukha kang sabik?" I paused just to see the emotion in his eyes. "Ganyan na ba talaga ang pagbabago mo ngayong nagkabalikan na kayo ni Charrisse?" I saw shock in his eyes. Marahil nabigla sya dahil alam ko na ang sikreto nya. But still I continue. " Ganyan na ba? Ethan, hindi ako manhid. Hindi ako manhid para hindi maramdam na hindi mo ako mahal at isa lang akong rebound. Ginawa mo akong glue na pinaramdam mong makakalapit tayo pero ang ginawa mo lang naman ay buuin ang sarili mo samantalang ako ay sirain mo. Sana nuon pa lang ay sinabi o pinaramdam mo na sakin na wala akong halaga. Sana sinabi mo nuon pa 'Chiara, wala kang halaga sakin at hindi kita mahal dahil isa ka lang rebound'. Ethan, kaya kong tanggapin ang sasabihin mo, kaya kong tanggapin, kaya kong ngumiti kahit alam kong wasak na wasak na ang puso ko. Kaya kong maging masokista, kaya kong ipakitang natutuwa pa ako kahit sa loob loob ko ay bang sakit sakit na." I paused para sandaling punasan ang mga luha kong patuloy lang sa pagbagsak.

Kitang kita mo sa mga mata ang sakit. Marahil ay maging sya ay hindi nya inaasahan ang sasabihin. Marahil siguro ay iniisip nyang sasakay parin ang mga trip nya sa buhay. Nakakatuwang isipin na napakagaling nyang actor para paniwalain ang isang katulad kong naniwala at nagpalinlang sa sinasabi nya.

"C-chiara, hindi kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?" pagkatapos ng ilang minuto ay na-compose na rin nya ang sarili nya at nakaya nyang itanong sakin ang mga katagang 'yon. May panginginig sa kanyang boses sign na maaaring pinipigilan nyang maluha.

"A-are you breaking up wi-with me?" pagtutuloy nya sa sinasabi nya.

Marahas ko lang pinunasan ang mga luha ko at seryoso ko syang tiningnan at masakit sa loob kong sinabing ...

"Ethan, I'm setting you free ..."