Chapter 51

** Nina Chiara's Pov **

Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa mga taong nandito sa harapan ko habang dala dala nila ang kanya kanya nilang mobile phones at camera habang nire-record ang mangyayari ngayon. Sandali kong pinikit ng madiin ang aking mga mata ay parang sa isang iglap ay nagbalik lahat ng alaala kung saan nagsimula ang lahat.

Ang alaalang isa lamang akong fan noon na umaasang mapapansin ng idol nya at naniwala sa sarili na sya na ang girlfriend ng idol nya na pinagkalat sa buong mundo na sila at wala ng makakapaglayo sa kanilang dalawa. Umani ng pambabatikos at panlalait ang ginawa nya pero pinangwalang bahala lang 'yon dahil ang nasa isip nya lang noon ay 'inggit lang sila dahil ako ang girlfriend ng idol nila'

Hindi naglaon ay may nag-email na isang broadcasting network para kapanayamin sya at nagpaunlak naman sya. Marami ang nagalit at nainis sa kanya pero meron namang mga taong natuwa at naging idol sya. Marami ang humanga at iba naman ay nainis sa kanya. Hindi na lang nya pinansin 'yon dahil ang akala nya noon kagaya ng ulan ay lilipas lang ang lahat.

Pero hindi natapos 'yon dahil may isang sikat na artista ang nagalit sa kanya , nagkaroon sya ng kaibigan na isa ring sikat na artista, nakilala nya ang mga kaibigan ng idol nya hanggang sa umikot ang mundo at ngayon ay naging isa na rin syang sikat na artista na ni minsan ay hindi nya inaasahan sa buong buhay nya.

Huminga muna ako ng malalim at muli kong minulat ang aking mga mata. Ni-ready na rin ng mga reporter ang kanilang mga camera at mga mobile phones at ung iba naman ay microphone ang dala.

I guess this is the end.

Sinabi ko sa kanilang lahat na I'm quiting my showbiz carrer. I know, naisip kong magla-lie low ako pero naisip kong kung gagawin ko yun ay may posibilidad paring magkita kami ni Ethan at magbalik lahat ng hinanakit dito sa puso ko kaya nakapagdesisyon akong mag-quit na lang ako.

Pinaliwanag ko sa kanila ang reason ko pero sinikreto ko ang totoong rason ng pag-alis ko. Ayokong malaman pa nila ang pinagdadaanan ko ngayon. Ayoko ng magkamali kagaya nung ginawa ko nung una na ipagkalat sa buong mundo na ako ang girlfriend ng isang artista na kailanman ay hindi naman ako nakilala. I don't want to make that same old mistake again.

Pagkatapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin ay umalis na kami at sumakay na ako ng kotse. Sinabi ko sa driver na idiretso ako sa bahay nila Ate Charen. I want to officially bid my goodbye to them. Napasinghap ako ng maramdaman kong isa isa na palang nagsibagsakan itong mga luha ko.

Mahirap palang ipakita na malakas ka kahit ang totoo naman ay hinang hina ka.

Lalo lang akong napaluha ng nagring ang phone ko at nung kinuha ko un sa may bulsa ko ay napahagulgol ako. Tumatawag si Ethan and this is his 50th time. Marahas ko munang pinunasan itong mga luha ko at marahas kong ni-reject ang call nya at muling binalik ang phone ko sa bulsa ko at tahimik na humihikbi.

____

"Are you sure, you want to do this?" malungkot na tanong sakin ni Ate Charen habang hawak hawak nya ang dalawang kamay ko. Alam kong hindi nya gusto itong desisyon ko pero ito lang ang naisip kong paraan para completely makapagmove on ako.

Pasimple lang akong ngumiti at tumango na naging tungo dahil nagsimula na namang magsibagsakan itong mga luha ko. Peke ko lang nginitian si Ate Charen nung tumango ako at sinabing ...

"Nakapagdesisyon na ako, Ate Charen, I want to completely forgot everything about Ethan. Alam kong imposibleng malimutan sya ng puso ko pero sa pamamagitan ng utak ko ay pipilitin ko syang kalimutan, maski anino nya ay gusto kong malimutan" and for the nth time ay napaluha na lang ako. Napasinghap at napahagulgol ako, naramdaman ko na lang niyakap na pala ako ni Ate Charen habang si Kuya EJ naman ay malungkot na nakatingin samin.

"Chiara ..." bigkas ni Ate Charen sa pangalan ko.

"Ate Charen, kaya ko, kakayanin ko. Kahit isang taon lang, isang taon lang naman akong mawawala. Buburahin ko lang sya dahil pakiramdam ko walang available na pambura dito sa pilipinas para sa alaala na iniinda ko ngayon. Ung eraser na gagawin kang manhid sa lahat ng sakit at hinanakit? Bibili lang ako ng ganun dun at kapag sa loob ng isang taon ay effective ung eraser ay uuwi na ako dito sa pilipinas at babalik ako sa normal life. " lumuluha kong saad. Nagpakita ako ng isang reassuring smile kahit sa loob loob ko ay masakit itong ginagawa ko.

Later that day ay umuwi na rin ako ng bahay para maghanda na. Nung araw kasing nakipaghiwalay ako kay Ethan ay agad akong nagpabook ng flight sa Singapore. Pinaghandaan ko na ang lahat, ang mga bagahe ko ay nakaready na , ung passport ko, ung visa , halos lahat sila ay nakahanda na. Sarili ko na lang ang hindi.

Sinabi ko na sa sarili kong kakayanin ko ang lahat. Pupunta lang naman ako dun para magmove on at maghanap ng taong makakabuo muli ng puso kong winasak ng sakit at pighati. Pupunta ako dun para kalimutan at itapon lahat ng alaala ko kasama at kapiling ko sya.

Hanggang ngayon na nakaupo na ako dito sa upuang nakalaan para sakin dito sa eroplano ay hindi ko parin natigil ang pag-iyak. Bat ba kasi ako nasasaktan ng ganito? Bakit ba kasi ako nagmahal pa ng taong hindi naman pala ako mahal? Bakit kailangan ko pa syang mahalin kung may mahal naman syang iba? Bakit pinahintulan ko pa ang sarili kong magpakatanga sa kanya kung panakip butas lang naman ako?

~~~~

** Nicholas Ethan Evans' Pov **

Halos mabaliw ako sa kaiisip kung anong ginawa kong mali. Kung anong ginawa kong masama kung bakit sya nakipaghiwalay sakin. Halos ilang gabi akong puyat at umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Halos hindi na rin nakakausap ng matino. Ang gusto ko lang gawin ay makausap sya at makipagbalikan sa kanya.

Ilang beses ko syang tinawagan pero lagi nyang nire-reject ang bawat tawag ko. Dahil na rin sa frustrations ay nakailang phones na ako dahil sa twing naiinis ako dahil sa hindi nya pagsagot ay wala sa sariling binabato ko ang phone ko sa pader o kaya sa sahig. At pagkatapos ay mapapasalampak ako sa sahig habang umiiyak. Minsan ay sinusuntok ko ang pader bilang paninisisi sa sarili kung ano bang ginawa kong masama para iwan ako ng babaeng mahal na mahal ko.

Masyado ko na bang kinalimutan ang presensya nya ng dahil kay Charisse?

Nitong mga araw na lumipas ay iniiwasan ko na rin si Charisse dahil maaaring sya ang rason kung bakit ako iniwanan ni Chiara. Alam kong nagalit sya sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin 'yon at mas pinili ko na lang si Chiara kaysa sa kanya.

"Wala na ba talaga ako para sayo, Ethan?" maluha-luha nyang tanong sakin. Natigilan ako at sandali ko syang nilingon. Nakatayo lang sya habang nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Charisse, time has passed, tapos na ang panahon para sa atin nagbago na ang lahat, maging tibok ng puso ko ay iba na ang sinisigaw. Si Chiara na ang sinisigaw nito at hindi na ikaw Charisse" nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. Well, maging ako ay nabigla na rin sa sinabi ko, ganito na ba pagmamahal na nararamdaman ko para kay Chiara? Pagmamahal na halos ibabaliw ko ngayong iniwan na nya ako?

Isa isa na ring nagsibagsakan ang luha nya. Sandali nya itong pinunasan at mapait nya akong tiningnan.

"Siguro nga mali na 'tong pinasok ko. Mali na pumayag ako sa alok ni Jana na makipagbalikan sayo kapalit na sya ang pumalit sa kasikatan nyong dalawa ni Chiara. Masisisi mo ba ako? Umaasa lang naman ako na mahal mo parin ako at hindi mo mahal si ---" hindi na nya natuloy ang sinasabi nya ng tinakpan nya ang mukha nya gamit ang dalawang kamay nya at humagulgol.

Napa-isip ako sa sinabi nya. Kasalanan 'to ni Jana? Si Jana ang may rason nitong lahat? Bigla na lang uminit ang ulo ko at wala sa sariling niyugyog ang balikat nya.

"Anong ginawa ni Jana? Anong ginawa nya para masira ang relasyon namin ni Chiara?" halos pasigaw na sabi ko sa kanya dahilan para mas lalo pa syang mapaluha.

"Wa-wala akong alam. Wala syang sinabi sakin. Kung may alam ay maaaring si Reecee yun dahil nitong mga nakakarang araw ay si Reecee ang kasama ni Jana –" hindi ko na pinatapos ang sinabi nya dahil agad akong umalis papunta sa sasakyan at pinaharurot ko ito papunta sa condo ni Reecee.

~~~

"'Tol, anong ginaga—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya ng basta ko na lang syang sinikmuraan at sinuntok sa mukha dahilan para bumagsak sya sa sahig at mapahawak sa tyan nya.

Masama ko syang tiningnan at kinuwelyuhan ko sya. "Anong ginawa nyo ni Jana para maghiwalay kami ni Chiara?" napatungo sya at hanggang sa namalayan ko na lang isa isa ng bumagsak ang mga luha nya.

"It's all my fault. Mas pinili ko ang babaeng mahal ko kaysa sa kaibigan ko" Unti unti kong binitawan ang magkakahawak sa kwelyo nya habang sa tuluyan ko na syang bitawan.

"Bro, hindi mo ako masisisi, umasa ako sa taong akala ko ay mahal din ako pero in the end ay ginamit lang pala ako ..." mahabang lintanya nya. Kahit labag sa loob ko ay pinakinggan ko na lang ang sinasabi nya.

Lumuluha sya habang sinasabi ang mga salitang parang mga kutsilyong humihiwa unti unti sa puso nya.

"Aksidenteng nakita ni Chiara kayo ni Charisse na naghahalikan sa condo mo" natigilan ako sa narinig ko. Napasuntok ako sa pader ng ma-realize kong kasalanan ko pala ang lahat kung bakit kami naghiwalay ng babaeng mahal na mahal ko.

Hindi ko napansin na ako pala mismo sa sarili ko ang nagtulak sa kanya para kusang iwanan ako.

---

This is the 50th time na tinawagan ko sya ngayong araw pero kagaya ng dati ay lagi nyang nire-reject ang call ko. Naluluha na ako, iniwanan na nya ang showbiz at ang mas masakit pa nito ay hindi nya sinabi ang tunay nyang dahilan. Ang tunay na dahilan kung bakit ay sinaktan ko sya.

I was the main reason why the girl I loved so much was forced to leave me.

Sinubukan ko syang puntahan sa bahay nya pero nakalocked ito dahilan para hanapin ko sya. I searched for her everywhere. Pinuntahan ko ang lahat ng lugar na inaakalang kong nanduon sya pero no luck, wala sya dun.

Wala sa sariling pabagsak kong pinaupo ang sarili ko sa isang woodeng bench na malapit at hindi ko napigilang mapaluha.

Chiara, binibitawan mo na ba talaga ako? Ako kasi, hanggang kaya ko hindi ko bibitawan ang pag-asang magkabalikan tayo.