Chapter 33
"Maraming salamat sa paghatid" saad ko at pagkatapos ay napatungo ako dahil lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hinayaan ko na lang sya at niyakap ko rin sya.
Pagkatapos ng ilang segundo ay kumalas na sya ng yakap at tiningnan nya ako at sandaling hinaplos ang pisngi ko. Napangiti naman ako.
"Good night" nakangiti nyang saad.
"Good night din" tugon ko. At pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.
Diretso kwarto agad ako at basta na lang sumalampak sa kama at mahigpit kong niyakap ang unan ko habang tumitili tili pa. Kulang na lang ay magtatalon pero hindi ko na ginawa dahil inaatok na rin ako, siguro bukas na lang ako tatalon.
-----------------
Ilang mga araw at linggo pa ang lumipas at dumating na rin ang araw ng graduation ko. Inaamin ko, nahirapan ako ngayong taon dahil mahirap pagsabayin ang pag-a-artista at pag-aaral pero salamat kay Lord God at nagawa ko ng best ko at heto na ako ngayon at nakapila na kasama ang mga taong aakyat sa stage at tatanggap ng kanya kanyang diploma. Hindi ko rin mapigilang hindi mapaluha pag naaalala ko ung mga araw na napupuyat na ako sa pag-aaral para lang makapagreview tapos isabay mo pa dun ung mga panahong nabad trip sa inyo ung teacher mo at binigyan kayo ng sangkatutak na assignments plus ung projects mo sa ibang subjects na kapag na-late ng pagpapasa ay ise-75 ka na.
Sandali akong napapahid ng mga luha ko ng hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko. Napangiti muli ako ng mapansin kong may kumakaway dun sa may upuan. Si Ate Charen kasama si Kuya EJ, parehas silang ngumingiti. Kaya mas lalo akong napangiti.
Nina Chiara Cooper ito na. Ito na ang araw ng iyong pagtatapos.
"Cooper, Nina Chiara" pagtawag saking pangalan , napangiti ako at masayang umakyat ng stage. Nakipagkamay naman ako at pagkatapos nun ay inabot na sakin ang diploma. Nagpasalamat muna ako at pagkatapos ay humarap na ako sa mga tao at pinakita ko sa kanila yung diploma ko habang nakangiti.
Nakita ko namang pumalakpak sina Ate Charen at Kuya EJ pero ang ngiti kong 'yon ay mabilis na nawala nung hindi ko sya nakita.
"Let's make a deal, Chiara" napalingon naman ako sa kanya.
"What kind of deal?" tanong ko pagkatapos kong kumagat sa cheeseburger na binili nya.
"A-attend ako sa graduation ceremony mo kung a-attend ka rin sa graduation ceremony ko, so? Deal?" napangiti ako dun sa sinabi nya. Sandali ko munang nilapag ung kinakain ko sa plato at nakipag-pinky promise sa kanya.
"Deal" at pagkatapos ay natawa ako dahil nalagyan na ng ketchup ung daliri nya dahilan para sumimangot sya.
"Oy, wag ka ng malungkot o. Ito na ketchup pa" pang-aasar ko. Nilagyan ko sya ng ketchup sa mukha . Nung una akala ko ay magagalit sya sakin pero nagkamali ako dahil sumali na rin sya sa kakulitan ko at pinahiran na rin nya ako ng ketchup sa mukha ko.
"Ayan, mukha ka ng taong ketchup" at pagkatapos ay nagtawanan na kaming dalawa.
And then i realize, hindi naman siguro babaliwalain ni Ethan ung deal namin, diba? Hindi naman sya ganun dahil ang kilala kong Ethan ay tumutupad sa usapan.
Naglabas ako ng isang buntong hininga at pagkatapos ay muli akong ngumiti at pagkatapos ay tumalikod na ako at bumaba na ng stage at pumunta na dun kasama ung mga co-graduates ko.
Baka na-late lang si Ethan kaya wala pa sya ngayon. Pero I know, mamaya darating na rin 'yon.
Tinawag muli nila ung mga pangalan ng mga ga-graduate habang ako naman ay heto panay ang tingin sa wrist watch ko. Ethan, darating ka pa ba?
Lumipas ang buong graduation ceremony at ang iba ay nagsisi-uwian na samantalang ung iba ay nagpapa-picture sakin. Pumayag naman ako para kahit papaano ay malibang naman ako dahil hanggang ngayon ay umaasa parin akong darating si Ethan.
Darating sya diba? Nangako sya sakin. Pinangako nyang darating sya. Alam kong darating sya, hindi ako dapat magkamali.
"Chiara, ayos ka lang ba?" napalingon ako kay Ate Charen na ngayon ay nakaguhit na sa kanyang mukha ang ekspresyon ng pag-aalala. Umiling iling lang ako at umupo na lang sa upuan na nasa may likuran lang namin.
Naglabas naman ng isang buntong hininga si Ate Charen at umupo rin sya sa upuan kalapit ko.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong nya. Muli naman akong napa-iling pero this time hindi ko na napigilan ang sarili ko at isa isa ng bumagsak ang mga luha ko.
"No. Nothing is wrong ate." Pagsisinungaling ko.
"You know how bad lying is don't you, Chiara?" napatango na lang ako. Napahinga na lang ako ng malalim at ang sunod kong ginawa ay niyakap ko na ng mahigpit si Ate Charen.
"Ate, hindi sya dumating. Sabi nya, darating sya. We made a deal, ate pero hindi nya tinupad ang pangako nya" iyak lang ako ng iyak samantalang si Ate Charen naman ay pina-pat lang ang balikat ko habang nakatingin kay Kuya EJ na kausap sa phone nito.
"You know what, Chiara, alam ng kuya EJ na may deal kayo kaya tingnan mo sya." She paused at tinuro si kuya EJ na hanggang ngayon ay may kausap sa phone nito. "He keep on calling Ethan pero sabi ng Kuya EJ mo, Ethan keeps on hanging up which results sa ganyan. EJ keeps calling his brother para malaman ang reason nito kung bakit basta na lang nito ine-end ung call at kung bakit hindi sya nakarating dito" Napangiti ako sa sinabi ni Ate Charen at muli ko syang niyakap ng mahigpit.
"Thank you so much, Ate Charen"