Chapter 33
"Hindi ba parang nagiging magastos na 'to?" tanong ko pagkatapos nyang umorder dito sa isang mamahaling restaurant na masasabi kong halos lahat ng kilalang mga personalidad at matataas na tao ay kumakain dito sa restaurant na 'to. Pero ang tanong bakit kami nandito ni Ethan? Anong meron sa araw na 'to?
"No. Not really. Actually, maliit pa nga itong halaga para sa babaeng nagugustuhan ko" natigilan ako sa sinabi nya at naramdaman ko na lang ang pamumulala ng magkabilang pisngi ko dahil sa kilig. Hindi ko na lan 'yon pinahalata sa kanya pero huli na ang lahat dahil nahalata na nya. Napangiti sya.
"Ethan, ano ba?" pasimpleng hampas ko sa kanya. Grabe, kinikilig talaga ako.
Akala ko tutugon sya sa sinabi ko pero nabigla ako nung naging seryoso ang mukha nya at hinawakan nya ang kamay ko at nakatingin sya sakin ng seryoso.
"Alam kong hindi naging maganda ang naging simula ng pagkikita natin pero gusto ko sanang baguhin ang lahat ng 'yon. Gusto kong gumawa tayo ng ating mga bagong simula. Bagong pagpapakilala ..." nabigla ako nung binitawan nya ang kamay ko at tumayo sya. Tatayo na sana ako ng mapagtanto ko na pumunta pa sya sa isang maliit na corner dun sa may unahan dun sa may stage. Umakyat sya sa may stage at may inabot sa kanyang isang mic at isang accoustic guitar. Umupo sya sa stool chair na nasa likuran nya habang nakangiti na syang nakatingin sakin. Hindi ko naman mapigilan ang aking kilig kaya todo ngiti na ata ako dito.
Namatay ang ilang ilaw at bumukas ang spotlight at nakatapat ito kay Ethan. Nagsimula na syang magstrum at pagkatapos ay naghum na sya.
[ What You Mean To Me – Sterling Knight ]
Habang tumutugtog at kumakanta sya ay parang sinasabi nyang gusto nyang paguhin ang lahat at gusto nyang malaman ko ang tunay na sya. Napapangiti lang ako at hindi ko na napansin na napapaluha na rin pala ako.
Buong pagkanta nya ay dinadama ko ung lyrics na pakiramdam ko ay para sakin talaga ang mga letra at mga salitang 'yon.
Hanggang sa nung matatapos na yung pagkanta nya ay tumayo na sya at pinatugtog sa iba ung gitara at pagkatapos ay unti unti syang lumakad papalapt sakin habang nakatutok parin sa kanya ang isang spotlight at nasa akin naman ung pangalawa. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako tumayo at naglakad na rin ako papunta sa direksyon nya.
Habang naglalakad kami papunta sa isa't isa ay hindi nya parin tinitigil ang kanyang pagkanta dahilan para may mga magtilian at may mga magpalakpakan.
At nung natapos ang kanta ay sakto kaming nagtagpo sa gitna ng silid. Napangiti pa ako at ganun din sya. Hindi ko na rin napigilan na isa isa na namang bumagsak ang aking mga luha.
"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko." Iyak ko pero nakita ko syang nakangiti.
"Ang sasabihin mo lang naman ay oo"
"Ha?" tanong ko pero nabigla ako sa sunod nyang ginawa dahil basta na lang syang lumuhod na parang magpo-propose. Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkabigla.
"Gosh, anong ginagawa mo? Tumayo ka dyan" pagpapatayo ko sa kanya pero nakita ko lang sya ngumiti.
"Hindi ako tatayo rito hanggang hindi mo ako sinasagot." He paused at may nag-abot sa kanyang isang bouquet ng flowers at inaabot nya sakin 'to na parang ginagawa nung nagpo-propose ng kasal pero dito samin bouquet ng flowers ung gamit ni Ethan. "Nina Chiara Cooper, will you be my girlfriend?"
Napatakip ako ng bibig at sinagot ko sya ng yes. Agad naman syang tumayo at niyakap nya ako ng mahigpit. Niyakap ko rin sya at sa pangatlong pagkakataon umiyak na naman ako.
BEST. DAY. EVER
Akala ko nun hanggang make-believe ang lahat, na ni minsan ay hindi na talaga ako mapapansin ng long time crush ko na si Ethan pero thanks God talaga, kami na talaga. Official na talaga kami ni Ethan.
Simula nung araw na 'yon lagi na talaga kaming magkasama. Lagi na kaming nagku-kwentuhan pero as always masungit pa rin sya pero bayaan mo na . Siguro ay trademark na nya 'yon at hindi sya makikilalang Nicholas Ethan Evans kung hindi sya masungit.
Ikinuwento ko na rin pala sa kanya ung pagiging crush ko sa kanya nun. Alam mo yung pakiramdam talaga na akala mo sa sarili mo na hindi ka napapansin ng crush mo, which is the truth kilala ka nya at sinabi na pala sa kanya ni Kuya EJ nun sa kanya ako kaya iniiwasan nya ako. Ang bait ng boyfriend ko diba ? Sa sobrang bait nya nakakagigil na sa inis.