Harmino, Kabanata 6
INUMAGA NA ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Nirca. Noong umupo ako sa harapan niya para kumain ng almusal ay kinuha niya ang kinakain niyang pancake sa plato at kumain habang naglalakad siya papuntang kwarto niya kaya naiwan ako roong mag-isa.
My feelings are valid. But what I did was so harsh on her. I shouldn't have said that while she only wants to talk about what she did for me to ignore her.
Charles:
Punta ka sa bahay. Nandito si Eva.
Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko ang text ng kaibigan ko. Nakalimutan niya 'atang may pasok ngayon?
Walang gana akong naligo at nagbihis. Ni wala ngang pumasok sa isip ko buong oras na iyon.
Saktong pagdating ko roon ay nagsimula nang umulan kaya dumiretso muna ako sa cafeteria.
"Neng," the janitress looked surprised to see me. "Bakit ka nandito?"
"Para pumasok po." I cluelessly answered.
"Wala ka bang cellphone? Nag-announce kaninang madaling araw na walang klase kasi may bagyo. Signal number 4. Sa atin pinaka-apektado."
"Po?" gulat kong tanong at binuksan ang Messenger ko. Naka do not disturb mode kasi ako palagi
( BSA 1-1 )
Ma'am Katelyn:
Class suspended due to typhoon signal number 4. Stay safe students.
Natampal ko ang noo dahil sa kumpirmasyong iyon. Ang tanga tanga ko talaga. Paano ako uuwi nito ngayon? Sa lakas ng bagyo ay baka bumaha na ang school sa loob ng tatlumpong minuto.
Bumuntong hininga ako at nangalumbaba.
"Taga saan ka ba, neng? Umuwi ka na at baka lumakas pa iyan mamaya."
"Malayo pa po ang bahay namin dito. Baka dito na po ako matutulog."
"Hindi mo ba tatawagan ang mga magulang mo?"
Napabuntong hininga muli ako. Hindi ko malaman kung nakakailang buntong hininga na ako ngayong araw.
"Wala po akong magulang," sagot ko.
She looked worried. "Naku, pasensya na! Sorry!"
Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. "Ayos lang po. Huwag niyo na lang po akong pansinin. Malaki na po ako, kaya ko na po ang sarili ko."
Nakita ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng glass wall. Halos hindi mo na makikita ang nasa harapan ng cafeteria.
I heard my phone ring. Ide-decline ko sana dahil akala ko si Charles ang tumatawag pero nakita ko ang pangalan ng iba.
Nirca Elaine Harmino is calling . . .
"Hello--"
"Nasa school ka?" mabilis na tanong niya.
"Ah oo, nakalimutan ko na may bagyo--"
"Huwag kang aalis diyan." pinatay niya agad ang tawag.
Napatingin ako sa cellphone na nasa tenga ko kanina. What was that? I know she's mad at me. Why ask where I am?
Nangalumbaba ulit ako at pinilit ang sariling makatulog dahil wala akong ibang magagawa rito. Pag ginamit ko ang cellphone ko ay baka malowbat ako agad. Paano na lang kung magbrown out mamayang gabi?
Unti-unting pumasok ang tubig sa loob ng cafeteria. Inabot na kami ng baha dahil nasa mababang lugar kami.
Habang pinapanood ko iyon ay nagulat ako nang biglang may lumitaw sa malakas na ulan na may zero visibility. Nirca was soaking wet even though she had an umbrella with her. Tumingin agad siya sa paligid, nang makita niya ako ay huminto ang tingin niya sa akin. "thank God," basa ko sa labi niyang bumulong.
She approached me with a calm expression on her face. Like I didn't say anything harsh on her yesterday.
She came here? For me? She came here for me even though there's a signal number four typhoon?
My lips are parted while looking at her. I hurriedly ran towards her and removed my cardigan that I used to cover my summer dress just for her to feel a little warm.
"B-Bakit ka nandito?" I asked.
"Ano pa ba? Edi para may kasama kang umuwi." simpleng sagot niya. She brushed her wet hair using her fingers. "Why come to school when there's a storm, huh?" she looked worried looking at me.
"Why are you wet?"
"Saang wet ba?" she mischievously asked, she finally had a smile on her face.
I pouted to stop myself from smiling. "Loka loka."
"Akala ko nasa labas ka eh. Pupunta sana ako sa room niyo kaso nagkaroon ako ng hinala na nandito ka. Nandito ka nga." aniya. "Ang lakas ng ulan. Patila muna tayo saglit, baka hindi makausad iyong van."
"Nagdala ka ng van?" gulat kong tanong.
She nodded. "Oo. Para hindi ka mabasa. Pag nabasa ka, baka magkasakit ka pa. Ayoko non."
My smile vanished when she finally reached my table earlier. She sat on the chair. "Are you still mad at me?" I asked.
"Yes," she said and lowered her head.
My eyes watered. "Then why did you come here?"
She sighed heavily and looked up to me. "I already told you, Mnemosyne Zcimin, I came here to fetch you. I don't want you to get sick."
"There's a typhoon. Not just a typhoon, Nirca. Typhoon number four--"
"Ano naman?" her brows furrowed.
"Eh paano kung ikaw iyong magkasakit?" my tears fell.
"Oy, bakit ka umiiyak?" taranta siyang tumayo para punasan ang luha ko. "Car accident nga, sa mukha ko pa halos bumangga iyong kotse nakaligtas pa ako. Sa bagyo pa kaya? Pag bumaha naman, marunong akong lumangoy. Huwag kang mag-alala, tsk."
Napayakap ako sa kanya, 'di alintana ang basa niyang buhok at damit. "Sorry, Nirca,"
Hinagod niya ang likuran ko at hinalikan ang aking ulo. "Ayos lang, totoo naman 'yon. Nasaktan lang ako kasi hindi ko in-expect na sa 'yo ko maririnig."
"Sorry. . . sorry! I didn't mean any of it. I was just mad that time. I'm so sorry, Nirca! I'm sorry!" I cried more on her shoulders.
She hugged me tight. "Shh. . . It's fine. I'm self aware. You don't have to be guilty, okay? Stop crying na. . ."
Inabot na kami ng hapon tsaka lang kami nakasakay sa van niya. Kami lang ang sakay non.
Hindi niya ako pinansin ulit pagkadating namin sa bahay kaya hindi ko rin siya kinausap. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko para humiga.
Nakikinig lang ako sa mga kanta ng The NBHD nang makarinig ako ng ungol sa kwarto ni Nirca. My eyes widened and removed my earphones. Nagkamali lang ako, 'di ba? Magkasama kami rito ni Nirca na bumalik. Wala naman siyang kasama.
O baka naman nasa loob na ng kwartong iyon si Renice kanina pa at hinintay njya si Nirca na umuwi para makapag sex silang dalawa?
Nagbadya na naman ang luha ko dahil don. Pinagsusuntok ko ang unan ko para pigilan ang sariling umiyak ulit.
Teka! We made a deal! Natutulog ako sa tabi niya palagi kaya dapat hindi na siya magdadala rito ng babae!
Padabog akong tumayo at sinarado ang pintuan ng kwarto ko. I'm now facing Nirca's room while the girl keeps moaning.
Gigil kong kinatok ang pintuan niya. Natigil naman ang pag-ungol ng babae. Bumukas ang pinto, nakatakip pa siya para hindi ko makita ang loob ng kwarto niya.
"Bakit?" she asked with a smirk on her face.
"Bakit? Anong bakit?! Nagdala ka ng babae ulit!" sigaw ko sabay turo sa kwarto niya. "Bakit may narinig akong umuungol?"
"Babae? Anong babae?" tanong niya. "Ahh. Eh ikaw kasi, hindi ka natulog dito nung isang gabi kaya bumabawi ako sa 'yo--" tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko kaya tinulak ko siya.
Nang makita ko ang kwarto ay wala namang babae.
"Nasaan si Renice?!" galit na tanong ko.
"Huh? Bakit nasama si Renice dito?" gulat niyang tanong.
Pinanliitan ko siya ng mata. Tumingin ako sa likod ng pintuan pero wala roon si Renice.
"Nasaan siya?!" bulyaw ko. "Renice?!" umuusok ang ilong ko habang hinahanap ang babae.
"Wala nga rito si Renice!" stress na stress na si Nirca sa akin.
Hanggang sa may makita akong pinto. Pinuntahan ko iyon pero agad akong hinarangan ni Nirca.
"H-Hoy! Bawal sa loob!"
"Diyan mo ba tinatago si Renice, ha?!" I glared at her.
"Hindi ko papatulan ang kaibigan ko, hoy! Kaibigan ko lang si Renice. May shota iyon noon, kaka-break lang nila! Kaya c-in-omfort ko!"
"Baka c-in-omflirt!" akusa ko.
Her eyes shot down. Mariin siyang napapikit at napahilot ng sintido. "What are you talking about?"
"May umuungol! Narinig ko!"
"Wala nga . . ."
"Ano ba ako sa 'yo, ha, Nirca?" my voice softened. I can feel the pain in my chest. "Ang hirap mong basahin!"
"Ako, Syne? Ano ako sa 'yo? Fubu lang? Wala kang nararamdaman sa 'kin?" tanong niya rin.
"Eh nauna akong nagtanong, Nirca! Bakit may naririnig akong kung ano-ano sa kwarto mo ngayon? Akala ko may meaning iyong ginagawa mo sa akin, wala pala!" sigaw ko. "Pinapaasa mo ako!" I cried.
"Akala ko ba, straight ka? Kaya nga kasama mo si Charles, 'di ba?" she scoffed. "Ano ba namang laban ko don, Syne? Lalaki 'yon . . . Sigurado akong nangangarap ka ng pamilya. Siya, kaya niyang ibigay sa 'yo 'yon, ako, hindi . . . Bakit kasi ako pinanganak na babae? Hays."
"Kailan ko sinabi na straight ako sa 'yo? Hindi ko maalala!" pinunasan ko ang luha ko. "Hindi na ako straight kasi mahal na kita. Eh ikaw? May ginagawa ka kasama ang ibang babae---"
"You mean, this?" pinatunog niya ang speaker at doon ko narinig ang boses ng babae na naririnig ko sa kwarto niya. "I want to make you jealous."
Natigilan ako.
"I-I . . . I thought it was Renice!" sigaw ko.
"Renice is my best friend. Hindi ko lang siya gaanong nakakasama dahil palaging boyfriend niya ang kasama niya. Ngayong broken hearted siya, I tried comforting her by buying her flowers to forget her shitty ex." she sighed. "You said you love me. I know I heard it right, but I want to hear it again. Can you say it again, please?"
"No! Pagkatapos mo siyang bilhan ng bulaklak!"
Ngumiti siya. "I'll buy you a truck of flowers, in exchange of your confession of love for me, tangi,"
"Ayoko! Pagkatapos mo akong tawaging tangi!" I started sobbing. "Lagi mo akong minumura! Tangi, tangi-na ko?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili at tinulak siya papasok sa pintuang iyon para maisarado ko ang pinaka pintuan ng kwarto niya. Pero masyado siyang mabigat kaya hindi manlang gumalaw.
"Mali, Syne," aniya. "Hindi tangi-na ang meaning ng tangi, hays. Ang slow mo ha, buti na lang. It means something more, Miss Crosette. Tangi, as in tina-tangi, Syne. Tina-tangi kita. Hindi tangi na parang tanga, hindi tangi na in short for tangi-na. Mnemosyne, tina-tangi kita."
I looked at her with so much confusion.
"T-Then why are you stopping me from opening that room?" tinuro ko ang sikretong pintuan niya.
She sighed and opened it slowly for me. I went in first. It's a big red room. Not just with red lights. Literally, a red room with sexual toys and cuffs. Marami pang mga bagay roon.
Napakamot siya ng tenga at naghintay na makita ang kabuoan ng kwarto bago siya magsalita.
"U-Uhh . . . You're not allowed here--"
"Bakit, iyong mga babae mo lang?" tinaasan ko siya ng kilay. Umatras ang luha ko dahil sa gulat.
She looked offended when I said that. "Anong babae ko? Wala akong babae!" aniya. "Sinarado ko na 'to kasi wala na akong dadalhin dito--"
"Eh ako?" tanong ko.
"Huh? Hoy!" nanlaki ang mga mata niya. "B-Bawal ka rito. Dito ako nakikipag-ano sa mga ano . . ." pahina nang pahina ang boses niya dahil sa hiya.
"Dito mo sila dinadala?"
She slowly nodded and watched my reaction. "A-Ayaw kong may humihiga sa kama ko so--"
"Eh bakit ako?"
"Mahal na kita non eh," she says. "Ikaw nga lang ang nakapunta sa bahay ko bukod sa mga close friends ko. I like my things private, you know."
I paused.
"You're the only one who can sleep in my bed, Mnemosyne, ikaw lang."
I felt so happy, I felt my eyes watering again. But this time, not just a tear. Happy tears.
"Why don't we try things here then?" I playfully asked while my eyes were still wet.
Nag-iwas siya ng tingin at tumango. "P-Papalitan ko muna iyong mga gamit,"
"Madumi? Hindi mo ba nililinis?"
"Nililinis, syempre! Pero nagamit na iyan ng iba. Dapat bago ang sa 'yo." aniya sabay akbay sa akin. Sabay kaming umalis doon sa red room. "Mahal pala natin ang isa't isa. May gusto ka sa akin, gusto kita. Baka naman pwedeng umusad ang Fubu label natin?"
"What do you mean?" my brows furrowed.
"Tayo na ba?" she asked with a smile on her face.
"Malamang," I answered and kissed her cheek.