Chapter 6: Harmino, Kabanata 5
NAPAPANSIN ko na sa loob ng ilang linggo na natutulog ako sa tabi ni Nirca ay hindi na talaga siya umaalis gabi-gabi patungong club. Naririnig ko pa ang mga kaibigan niya at dating mga kalandian na tinatanong kung bakit hindi na siya pumupunta roon.
And she will just answer every question she gets by saying, "I'm having a good sleep now, I want to live comfortably."
Kapag kasama ko si Charles ay sinasadya kong tumawa kapag nakikita ko sa peripheral vision ko si Nirca. Kahit hindi naman nagjo-joke o nagpapatawa si Charles. Kahit nga ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'yon.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria at kumakain. Hindi ko kita si Nirca ngayon kahit na minsan ay nagvo-volunteer siyang tumulong magluto. Baka naman may klase pa siya? Hindi kami nag-usap kaninang umaga. Galit ba siya sa 'kin? Eh sinabi ko lang naman na nagkita kami ng best friend ko. Hindi ko naman sinabi na si Charles iyon?
"Tumatawa ka na naman, para kang baliw." Charles looked disgusted. "Kaya tayo nai-issue eh. Tell me, Syne, did you get yourself a boyfriend? Looks like you're making someone jealous."
Anong boyfriend? Baka girlfriend.
I shooked my head. The fuck was I thinking? Hindi ko naman girlfriend si Nirca at wala akong nararamdaman sa kanya. Siguro ito lang ang tinatawag nilang attraction. Kung malala man, baka naman infatuated lang ako.
No way! I will never like a girl. Hindi ako gagaya kina Maxea at Malax.
"Tumahimik ah. Ano, meron nga? Sino?" He looked excited. Umusod pa siya sa akin para lang marinig niya nang maayos ang sasabihin ko. "Pogi ba? Baka naman mas gwapo pa ako riyan."
"Sira." Now I genuinely laughed. "I don't have any boyfriend or what. I'm just happy to see you here."
"Tae mo!" he rolled his eyes. "Magsabi ka na sa akin, para dumistansya ako pag meron. Mabuti na lang talaga at hindi nagseselos ang bebe Eva ko sa 'yo."
"Talagang hindi magseselos si Eva sa akin, Palanca awardee ba naman ang naging girlfriend mong hayop ka. Anong ipapalag ko roon, ang dos ko sa FABM?" umirap ako. "Wala nga . . . Pero feeling ko, may gusto ako ngayon."
"Sino?"
"Red flag siya, nakakahiya,"
"Colorblind ka, 'di ba? Panindigan mo. Red flag naman pala, siguro naman gwapo iyan?"
Gwapong maganda, 'kamo!
"Oo." napangiti ako nang maalala ko ang ngiti sa labi niya habang katabi ko siya sa kama. Tulog pa siya noon at ako ang unang nagising dahil may klase pa akong maaga."
"Kinikilig ah, matangkad ba 'yan? Baka naman parang mga crush mo lang iyan nung highschool, mas maliit pa sa 'yo." humagalpak siya ng tawa habang nakapasak pa ang tokwa sa bunganga.
I annoyedly spat his arms. "I swear! She's pretty and tall!" I crossed my arms.
His laughter suddenly disappeared.
"Why?" I asked confusedly.
"Gago, babae rin type mo? Gago ka! Sabi mo sa akin hindi ka gagaya sa mga kapatid mo!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko ang nasabi ko sa kanya. Dahil malakas ang kanyang boses, I immediately covered his mouth with food using my palm. Napatayo pa ako roon. "Shut the fuck up, Charlotte!" umikot ang tingin ko sa paligid upang siguraduhing walang nakarinig no'n. Mabuti at kaunti lang ang tao sa cafeteria.
Pero habang nag-iikot ako ng tingin sa mga table ay nahagip ng mga mata ko si Nirca na walang ekspresyong nakatingin sa akin. Parang wala lang sa kanya. Huminto lang siya para ipakita sa akin na wala siyang reaksyon sa ginagawa ko.
Ano bang ginagawa ko?
Umiwas siya ng tingin, hawak ang sarili niyang tray ay nag-iba siya ng daan.
"Don't tell me, that's the girl you like?" he asked. I glanced at him and slowly nodded. He massaged his temples and shooked his head. "My man, you're in big trouble."
"Bakit?"
"I heard that girl had an accident a month ago?" He was not sure about his statement. "Drunk driving."
Natigilan ako roon. "Talaga?" kumunot ang noo ko at nagbalik ng tingin sa likod ni Nirca na unti-unting lumalayo sa pwesto namin. "So that's how she got those scars from."
Pagkauwi ko sa bahay ay wala pa rin si Nirca. Naghintay na lang ako sa kwarto niya pero alas-syete na ay hindi pa siya dumadating kaya naisipan kong tawagan siya.
"Hello?" her feminine voice made my hair rise. "Mnemosyne."
"Kailan ka uuwi, Nirca?"
"I'm not coming home today." she said. "I'm on my house. I have to take care of something."
"Nirca, I need a hug!" I heard another girl's voice on the background.
"Okay okay, I will just finish this call so I can hug you. Be patient, Renice." rinig ko ang paghina ng boses niya na halatang nag-effort pang ilayo ang cellphone. "I'm hanging up, Syne. Have a goodnight."
"Nirca, sinong kasama mo---"
The call ended.
My brows furrowed. Nag-init agad ang mata ko dahil doon. Ano? Pagkatapos niya akong gamitin bilang sleeping pill niya, babalik siya sa dating habits niya? Akala ko pa naman nagbago na siya!
Natupad nga ang pangako niyang hindi siya magdadala ng babae rito, pero roon naman sa bahay niya ito dinala ngayon.
"Fucking asshole!" iritado kong hinagis ang cellphone ko sa kama kaya tumalbog iyon sa malambot na mat ni Nirca. "Edi huwag siyang umuwi! Pag balik niya, hindi na ako tatabi sa kanya! Kainis!"
Doon na ako sa kwarto ko natulog dahil sa inis. Paggising ko, nasa tabi ko na si Nirca na payapang natutulog.
Napabalikwas ako sa higaan ko. Nagising naman siya dahil sa kilos ko. Hirap niyang idinilat ang kanyang mga mata at agad na napatakip roon nang masinagan siya ng liwanag ng araw. Agad kong tinakpan ng kurtina ang bintana para makita niya ako nang maayos.
"Anong ginagawa mo rito?" kalmadong tanong ko sa kanya kahit gustong-gusto ko nang sumabog. "Sinong nagbigay ng permission sa 'yo na pumasok sa kwarto ko?" dagdag ko pa.
"I got home late. I thought you're already sleeping in my room but you're not there. Your room is not locked so I decided to sleep here."
"You decided?" I scoffed.
"I'm sorry, I will never do it again." kalmado niyang sabi at umalis sa higaan ko. "When I'm out, you can sleep in my room until I come back so I don't have to sleep here---"
"Ano ako, laruan mo? Lalaruin mo lang pag bored ka, ha? Pag wala iyong paboritong laruan mo, sa akin ka pupunta?" tumaas ang boses ko.
"Huh?" she confusedly looked at me. "Okay okay, I don't understand what you mean but please don't yell. Ang aga-aga, Syne. Huwag tayong mag-away, please . . ."
She tried to walk through our distance but I pushed her. I felt my eyes burning again.
"Anong ginawa ko, Syne? Tell me what I did . . . I'm sorry, I'm sorry," she signaled me that she won't come near me again after pushing her the second time. "Let's talk it out, what is it? Is this about yesterday? I will come home early from now on---"
"I hate you!" I couldn't even say a thing. I just stormed out and walked out of my room.
Nahawakan niya ang kamay ko. Buong pwersa kong tinanggal iyon at galit na tumingin sa kanya.
"Huwag mo akong susundan!" sigaw ko.
She opened her lip like she was about to say something but she stopped and took a deep breath then nodded. "Let's talk when you're calm. Sorry . . ."
Magkatabi lang kami ni Charles sa bench. Kumakain siya ng banana que. Ako naman ay lantang gulay na halos nakahilata na roon.
"Bad mood ka ah, inaway ka ba nung kinukwento mo sa 'kin noon na malanding kasama mo sa bahay?" tanong niya. "Tapusin ko lang 'to, sasamahan kita sa crush mo para hindi ka na magmukhang lantang pechay."
"That girl and the girl I like are the same person, Charles." walang ganang sagot ko.
He almost choked himself with the banana cue stick. I thought he was about to die. His eyes are watering because of it.
"The fuck?!" bulaslas niya, laglag ang panga. "Seryoso? No joke? Gago!"
I slowly nodded.
"Mukhang miserable nga ang araw mo, Syne." tinapik niya ang balikat ko. "Kung may problema ka, nandito lang ako para dumagdag."
I sarcastically smiled at him. "No need to say that. Simula highschool pa lang ay problema na kita."
He laughed. Natigil naman siya agad at may itinuro sa akin. "Iyon ba 'yung crush mo? Ano nga ulit ang pangalan niyan? Milka?"
"Anong Milka? Gago, Nirca iyon." sa wakas ay nagawa ko na ang unang kagat sa aking banana cue. Hindi pa rin ako humaharap sa tinuro niya dahil hindi ako interesadong tumingin kay Nirca, naiinis ako sa kanya sa hindi malamang kadahilanan. "Bakit, anong meron?"
"May pa-flowers pa, ah," ngumisi siya habang nakatingin sa direksyon nito.
Napatingin ako sa tinitingnan niya. Ang lahat ng taong nasa labas sa University ay manghang nakatingin kay Nirca na nagbibigay ng isang bouquet ng flowers sa isang babaeng may inosente at maamong mukha. Parang anghel ang kaputian at itsura ng babae.
Sino iyan? Babaeng gusto niya?
"Ang ganda talaga ni Renice," komento nung lalaking nasa likuran namin na nakiki-usyoso rin.
Renice? Iyong kasama niya sa bahay niya kagabi kaya hindi siya nakauwi agad?
I pursed my lips. Nag-iwas agad ako ng tingin doon. Tumayo ako.
"Teka, Syne, tingnan mo oh, niyakap niya!" napatayo rin si Charles at tinuro pa iyon ulit.
"Nang gagago ka ba?" paiyak na ang boses ko pero pinilit ko pa ring magtonong galit sa kanya.
"Tsk. Hanap ka na lang bagong crush. May kapatid naman na panganay si Eva, doon ka na lang. Pogi pa, pero mas maganda si Eva."
"Umalis ka nga!" tinulak ko siya. A single tear fell on my cheek.
Nawala ang mapang-asar niyang ngiti sa labi nang makita ang reaksyon ko. "Okay, sorry."
I wiped my tear. Sinubukan kong tumingin ulit doon pero napabalik sa harap ang mga mata ko nang makita kong tumakbo si Nirca palapit sa akin.
"Syne! Wait lang!"
"Syne wait lang daw!" niyugyog ni Charles ang kamay ko para huminto ako sa paglalakad. Napatakbo tuloy ako kaya tumakbo rin siya. "Syne, iyong crush mo oh!"
"Oo gago, alam ko! Ang ingay mo!" frustrated, mas binilisan ko ang aking pagtakbo.
Nagmamadali akong sumakay sa motor ko. Sumunod sa akin si Charles na naki-angkas kahit walang kaalam-alam kung bakit ako aalis.
"Ang ganda naman pala ng Nirca na 'yon, kaya pala bumaluktot ka." biro niya nang medyo nakalayo na kami roon.
"Isa pa, Charlotte! Itutulak kita!" banta ko sa kanya.
Tumawa siya at isinuot niya sa akin ang itim at nag-iisa kong helmet. "Bili ka ng isa pang helmet sa susunod. Baka mabagok ang ulo ko, ipagpalit pa ako ng mahal kong Evangeline."
I unconsciously looked at the mirror when I felt that there's someone following me. Papunta sana ako sa bahay na tinitirahan ni Malax kaya nalagpasan non ang bahay nila Nirca. Kaya nagtataka ako kung bakit nakasunod pa rin ang isang motor na itim.
"Gago, si Nirca!" parang mas ninerbyos pa si Charles na napaturo roon sa rear view mirror. "Ang ganda ng motor niya!"
"Ang ingay, tang ina!" mas binilisan ko ang pagtakbo ng motor ko.
My denim jumper dress with white shirt inside reflected on the mirror. Kita ko naman ang kumikislap na kulay itim na leather jacket ni Nirca. Hindi niya iyon suot kanina dahil kanina ay naka-navy blue lang siyang tank top.
"Huminto ka na, Syne, hahabulin ka talaga! Ang galing niya sumakay!" komento ni Charles.
"Puta, Charles, isa na lang talaga!" gigil kong sabi.
At dahil talagang 'di kami tinigilan ni Nirca na naka-itim na helmet din ay huminto na lang ako sa tapat ng isang fast-food chain.
Unang bumaba si Charles na agad akong iniwan dahil nakita ang favorite fast food chain ng girlfriend niya. Bumili siya kaya ako na lang ang naiwan sa tapat non.
Huminto ang motorsiklong itim at pula ang kulay sa harap ko. I almost screamed when I thought she was about to hit me because of her drift.
Tinanggal niya ang helmet sa ulo niya. Nakalugay ang buhok niya at medyo magulo iyon kaya kinailangan niya pang galawin ang ulo niya para kusa iyong bumagsak pababa.
Tinanggal ko ang helmet ko at iritadong tumingin sa kanya. This time, I'm really pissed.
"Ano bang problema mo?!" galit na tanong ko.
"May problema ba?" sabay pa kaming magtanong.
"Ikaw ang problema ko," sagot ko sa kanya.
"Why did you run?" sabay ulit kami.
"Pwede ba, Nirca, tigilan mo na ako! Hindi gagana sa akin iyang mga ginagawa mo!"
"Ano ngang ginawa ko, Syne?" pinilit niyang tanungin ako ng kalmado. "Sabihin mo sa akin, hindi ko na uulitin. Ano bang problema natin? Liwanagan mo ako, please . . ."
"Nirca, tigilan mo na ako!"
"Not until we sort things out, Syne,"
I glared at her. "Huwag mo 'kong kausapin!"
"Ipaliwanag mo lang muna sa akin, bibigyan kita ng space pagkatapos. Gusto ko lang malaman kung ano 'yung pagkakamali ko para hindi ko na magawa ulit at hindi na tayo umabot sa away, please . . ."
I frustratedly sighed. "Leave me alone. Wala akong problema. Ayaw lang kitang makita."
"Tungkol ba 'to sa hindi ko pag-uwi nang maaga kahapon? Aagahan ko na ang uwi ko. Hindi na mauulit. Sinamahan ko lang 'yung kaibigan ko kasi---"
"Nirca," nahigit ang aking hininga nang bantaan ko siya.
"Syne please, anong kasalanan ko?" she asked gently. "'Di ako aalis dito nang hindi mo sinasabi sa 'kin."
"Kasalanan mo? Hindi ka marunong magseryoso! Hindi mo iniisip ang feelings ng iba!" my tears fell. "I-Ikaw. . . Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng kamalasan sa buong mundo! Lahat ng taong kagaya mo! I hate you!" I wiped my tears with full force using the back of my hand.
She paused and looked at me. Her gentle face disappeared. She was almost tearing up but stopped herself from crying. Namumuo ang luha niya sa mga mata kaya hindi siya pumipikit.
"Ang sakit mo talaga magsalita," she commented, almost a whisper.
"Salamat sa sampal, Syne, pasensya na sa ugali ko. 'Di na kita guguluhin. Ingat." she turned her back.