Chapter 20 Confession

"Will you please slow down, Gino?!" sigaw ko nang maramdamang bumibilis ang andar ng kotse.

Binagalan niya ng kaunti ang pagmamaneho niya ng kotse pagkatapos ay tumingin sa ’kin.

"I'm sorry..." aniya.

"Si J-Joyce? Hindi mo ba siya kakausapin? You two need to clarify things. Kailangan niyong mag-usap na dalawa. Baka naman may hindi lang kayo pagkakaintindihan. Just don't jump into conclusions muna. Bumalik na muna kayo tayo doon?" tuloy-tuloy na sabi ko habang nakatingin sa kamay kong parehong nakalapag sa kandungan ko.

Kinakabahan ako baka mapahamak kami dahil sa bilis ng pagmamaneho niya kanina.

"Gino?..." nilingon ko siya nang hindi siya sumagot.

Bumuntong hininga na lang ako ‘tsaka napatingin sa labas.

"Teka! Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa amin, Gino!"

Nagpalinga linga na ako dahil pinapamilyar kung nasaan na ba talaga kami. Bakit parang alam ko ang tinatahak namin? Di ko lang matandaan kung kailan 'yon. O ano.

"Can I have your little time please? Please?" pakiusap niya.

Pinagdikit ko ang labi ko. Nang lumingon siya sa akin ay marahan akong tumango.

"Okay..." mahinang bulong ko.

Huminto kami sa mataas na bahagi ng kalsada. Hindi ko alam kung anong lugar 'to pero wala nang halos na mga sasakyan na dumadaan. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Gino at nilahad ang kamay niya para makababa ako ng maayos.

Mabilis kong niyakap ang sarili ko nang umihip ang malamig na simoy ng hangin sa katawan ko.

I felt a warm cloth wrapping my shoulder and back. It was a black coat. And its from Gino.

"Thank you..." mahinang bulong ko.

Ngumiti lang siya at bahagyang tumango sa akin. Lumapit siya sa pinakagilid ng kalsada ‘tsaka doon naupo. Sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Ang ganda ng stars ‘no?" basag ko sa katahimikan.

Naramdaman ko bigla na parang may nakatingin sa akin kaya napalingon ako sa katabi ko. And my gut feeling is right. Gino's looking at me.

"Yeah, and the city lights too." aniya.

Tumango ako at nilingon ang harapan kung saan nakikita namin ang halos buong kamaynilaan.

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya kaya nagsalita ulit ako.

"P-Paano kayo ni Joyce?"

Mahabang katahimikan muli ang namayani bago ko narinig ang mahina niyang pagsinghap.

"Maybe I'll do the right thing..."

"What do you mean right thing?" I said as I look at him.

He didn't look back but I keep on eyeing him under the moonlight.

"The right thing. Have a closure to our break up, surrender her to the man that I know who can love her the same way she loves him."

"Bakit? H-Hindi mo na ba mahal si Joyce?" wala sa sariling tanong ko.

Tumingin siya sa akin pagkatapos ay bahagyang ngumiti.

"I don't know? There's something in me that I'm glad on what happened earlier. Mas naliwanagan ako sa dapat kong gawin ngayon."

Tumango tango ako at pinilit intindihin ang mga sinasabi ni Gino.

"Paano ka?" I asked out of nowhere.

"Back to my single life? And... Uhm..." nagbaba siya ng tingin pagkatapos ay parang hindi mapakali sa puwesto niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang hinawakan niya pareho ang magkabila kong kamay.

"B-Bakit?" I asked, still nervous kung anong ginagawa niya.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko dahil sa hawak niya. Hinaplos haplos niya ang likod ng palad ko gamit ang daliri niya at bahagyang pinisil iyon.

"C-Can I... Uhm... C-Can I have a chance with you?"

Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya pero agad ring nakabawi. Nang tignan niya ako ay marahan akong umiling.

"S-Sorry... I don't want to look a rebound..." sabi ko na may katotohanan pagkatapos ay binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Umawang ang labi niya nang binawi ko ang kamay ko. Marahas siyang umiling iling pagkatapos.

"N-No, hindi ganoon ‘yon Krystal. You’re not a rebound. I-If you want... I'll wait. No, gustuhin mo man o hindi, hihintayin pa rin kita. I'll wait until you realize that you’re not just a rebound for me. Isa pa... Y-You said that we have a relationship while we're still s-souls--"

Pagak akong napatawa na nagpatigil sa kanya. "Now that’s make worse. You want me to give you a chance to prove to you that we have a thing? Seriously, Gino? Ganyan ba ang tingin mo sa akin?"

Tumayo ako at pinahid ang luhang di ko namalayan na naglandas na pala sa pisngi ko. Babalik na sana ako sa kotse nang bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"I love you..."

I turned around to face him.

"Gusto mo lang ako dahil wala na kayo ni Joyce!"

Ilang segundo lang ay nakalapit na siya agad sa harapan ko.

"No! Hindi 'yon. I really like you, Krystal. Mahal kita. Please, sinundo kita di ba? I plan to confess to you at our dinner kaso hindi ko tinuloy dahil kami pa ni Joyce. Ayokong isipin mo ang iniisip mo ngayon. Nakapag-usap na kami dati ni Joyce, nakumpirma ko na nga lang ngayon. Please? Give me chance, please? Maghihintay ako."

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay sumakay na sa kotse. Pinagmasdan ko siya mula sa loob, tinignan niya ang pintuang pinasukan ko at parang tinitignan ako doon. Tinted ang sasakyan kaya sigurado akong hindi niya rin ako makikita. I saw him let out a deep sight before turning around to the driver's seat.

"I'm sorry..." biglang sabi niya, "Nabigla yata kita."

Hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan pero nakahawak lang siya sa steering wheel.

"Ayoko lang..." I let out a deep sight. "Mahirap ipaliwanag."

"I know... Gaya ng sabi ko, maghihintay ako."

Nakatingin ako sa bintana habang sinimulan nang paandarin ni Gino ang kotse. Binabaybay namin ngayon ang madilim at tahimik na kalsada pauwi.

Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa katabi ko nang bigla kong maramdaman ang palad niya sa kamay ko. He glanced at me and smiled. I let out a simple smile ‘tsaka ko pinisil ang kamay niya.

Napapikit ako bigla ng may maliwanag na ilaw ang tumama sa mata ko. And everything went black.

"K-Krystal... K-Krystal..."

Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit na sobra-sobra ang nararamdaman kong bigat ng katawan.

Then I saw Gino, sa nanlalabong mata ko ay nakita kong puno ng dugo ang buong mukha niya. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa. Ni igalaw ang ulo ko ay hindi ko magawa.

"S-Sorry..." sabi niya, ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. "I-I l-lied... S-Sorry... I-I... L-Love... Y-Y-You..." hirap na hirap niyang sabi.

"A-Ano—" hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin nang maramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko.