Chapter 19 End
Nilapag ko sa kama ang bouquet at kinuha ang phone ko pagkatapos ay tinext si Gino.
To: Gino
Thank you... Uhm for the flowers?
From: Gino
Bakit may question mark?
To: Gino
Sorry... Baka lang kasi hindi ikaw ang nagbigay.
From: Gino
It’s me. That's really for you.
The following days went well for the both of us. Medyo nawawala na rin ang pagkailang ko sa kanya. I smiled. Maybe its better be now. Friends.
"Sabay na tayo mag lunch?" Vince ask as soon as he enter my office.
I smiled at him and shrugged.
"Sorry... I still have a meeting at one o'clock. Besides, ang dami ko pang gagawin oh!" turo ko sa mga papeles na nasa table ko ngayon.
It's already 12:30! Wala na akong time pa para umalis at maghanap ng restaurant para lang kumain.
Vince chuckled. "Alright! I'll get your lunch instead? Dito na lang din ako kakain."
Tumango ako at pumayag.
"Alright! Sure!" I said without looking him.
Lumipas ang ilang minuto at narinig kong bumukas ulit ang pintuan. I saw Vince with all smiles while holding a tray. I smiled back. Nilapag niya ang meal namin sa coffee table at umupo sa sofa. Tatayo sana ako para kunin ‘yung lunch ko nang maunahan niya akong magsalita.
"Are you going to eat here or diyan na lang?"
"Dito na lang siguro. Kailangan ko pang magbasa ng reports." sabi ko.
Tumango siya pagkatapos ay tumayo at kinuha ang meal ko. Inabot niya ‘yon sa akin kasama ang bottled water.
"Thanks..."
He just smiled and went back to the couch to eat his lunch. I slightly smiled and remembering all that happened. It all went well, I guess? My relationship with Vince even not romantically went really well, parang bagong magkakilala ulit kami.
My phone beep in a message.
From: Gino
Are you free tonight? Can I treat you for dinner?
I type my reply. Sumubo rin ako sa pagkain ko habang nagtitipa ng mensahe sa kanya.
To: Gino
Hey! Sorry I can't. So busy with work, I think I'll have my OT today. Maybe next time, sorry :(
From: Gino
Alright! It's okay, next time then. Don't stress to much. Take care.
I slightly smiled then put my phone down. Binilisan ko ang pagkain ko para matapos naman ako ng maaga aga mamaya.
Kinuha ni Vince ang pinagkainan ko at nagpaalam nang babalik na sa office niya. Hiyang-hiya pa ako dahil siya ang nagdala at nagligpit ng lunch ko. Sinabayan niya pa akong kumain kahit na hindi ko naman siya pinansin buong lunch meal namin.
Past eight o'clock nang maisipan ko nang mag out. Hindi na rin naman pumapasok sa utak ko ang lahat ng binabasa ko dahil sa sakit ng ulo. Nagligpit ako ng kaunti sa table office ko pagkatapos ay lumabas na.
Tatawag na sana ako sa bahay para magpasundo nang biglang may lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. Kunot noo kong minukhaan kung sino 'yon.
"Gino?"
Lumapit pa siya sa akin sa mas maliwanag na kinaroroonan ko. Ngumiti siya pagkatapos ay ibinulsa ang parehong kamay sa bulsa ng pants niya.
"Hi."
"Bakit nandito ka?"
He smiled then shrugged. "You done?"
"Huh?"
"Work."
"Oh..." tumango ako. "Yup, katatapos ko lang."
Tumango siya pagkatapos ay narinig ko ang kanyang mahinang buntong hininga.
"Can I invite you for a dinner now? Kahit medyo late na," he giggled with his last sentence.
Bahagya pa akong nag-isip pero dala na rin siguro ng gutom ay pumayag na rin ako.
"Thank you dahil pumayag ka." he said after we settle sitting inside his car. Pinasakay na niya ako dahil wala naman akong dalang kotse.
"Ayos lang. Uhm... May problema ba? Bakit pala nasa company ka?"
Bahagya siyang natigilan pero binawi niya kaagad ang emosyong 'yon.
"Wala naman... I just want to see you,"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya pero binawi ko kaagad 'yon at tumingin sa ibang direksiyon ng biglang magtama ang mga mata namin.
May problema ba si Gino? What's with him? Bakit pakiramdam ko iba siya ngayon?
Napatunayan ko 'yon nang buong byahe hanggang sa makarating sa restaurant ay wala kaming imikan. Nang makapag-order naman kami ng pagkain ay nagsalita lang siya sa waiter pagkatapos ay tahimik na ulit. Panay lang ang tingin niya sa akin at panay naman ang iwas ko dahil naiilang ako sa kinikilos niya ngayon.
"Hatid na kita..." biglang sabi niya nang tapos na kami kumain.
"Uhm... No, ayos lang. Magtataxi na lang ako."
Akma na akong aalis nang hilahin niya ako sa pulso at pinaharap sa kanya.
"Hatid na kita. Gabi na rin, baka mapano ka pa sa daan. Kukunin ko lang ang kotse."
Hindi na ako naka angal nang bigla na lang siyang nawala sa harapan ko para kunin ‘yung kotse niya.
Wala kaming imikan habang nakaipit sa traffic dahil sa rush hours. Nakaharap ako sa pintuan ng sasakyan niya at nakatalikod sa kanya.
"Sorry..." rinig kong sabi niya.
Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa akin. Umayos ako ng upo para makausap siya ng maayos.
"Para saan?"
"For everything..."
Kumunot ang noo ko sa kanya at magtatanong pa sana nang bigla siyang napatingin sa harap at naramdaman ko na lang pag usad ng sasakyan. Maya-maya lang ay nawala na kami sa gitna ng traffic.
"Gusto mo bang pumunta kay Joyce?" biglaang tanong niya out of nowhere.
"Ngayon na?"
Tumango siya pero hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa daan.
"Yeah, kung okay lang sa ‘yo. Ang tagal ka na niya kasing tinatanong sa akin. She misses you."
Wala ako sa sariling tumango. Namalayan ko na lang na papalapit na kami sa subdivision nila Joyce.
"Oh, bakit tayo huminto? Doon pa bahay nila Joyce di ba?"
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Kunot noo akong bumaba ng sasakyan.
"Tara na..." aniya.
"Saan?"
"Kila Joyce. Malapit na lang 'yon dito kaya maglakad na lang tayo."
"Eh bakit hindi mo pa diniretso gamit ang kotse?"
"I want to prolong my talk to you." aniya.
Natigilan ako doon. Gusto niyang mag-usap kami? May problema ba?
"Lets go?" nilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tinitigan ko nang matagal ‘yon bago tinanggap. What the hell I'm doing?
"I found out something," panimula niya nang mag-umpisa kaming maglakad.
"A-Ano?"
"Joyce and Mark are getting close together."
Napalunok ako at napatingin sa kanya. Kung alam lang niya ngayon kung anong nangyari kay Joyce at sa mga nalaman niya noon bago pa siya magkamalay, panigurado akong hindi siya malilito sa kung anong nangyayari ngayon.
"Gino—"
"You know what? If Joyce will confess to me that he still loves Mark? I'll give her her freedom," aniya habang nakikita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang luha. "Nandito na pala tayo. Dumeretso na lang tayo ng pagpasok. Tinext ko na si Joyce kanina na darating tayo."
Tumango ako at nagpatianod lang sa kanya nang binuksan niya ang gate nila Joyce at pumasok kami sa loob.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Joyce at Mark na magkadikit ang mga labi. Agad kong nilingon ang katabi kong si Gino at nakitang nangingilid na ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Sinubukan kong hawakan ang braso niya para pakalmahin siya nang biglang nagsalita si Joyce, siguro'y napansin niya na nandito na kami.
"G-Gino?" sabi ni Joyce at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "I-I-I'm s-sorry..." aniya at tuluyang bumagsak ang luha.
"Gino!" sabi ko nang biglang umalis si Gino sa tabi ko.
"Gino!" tawag sa kanya ni Joyce ‘tsaka siya sinundan.
Sinundan na rin ni Mark si Joyce kaya tumakbo na rin ako sa labas para sumunod sa kanila.
Nakita kong mabilis ang lakad ni Gino at pilit siyang hinahabol ni Joyce.
Huminto si Gino sa paglalakad kaya naabutan na rin siya ni Joyce. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila.
"Gino please? I'm sorry, I'm sorry, I-I can explain. Please?" nagmamakaawang sabi ni Joyce habang umiiyak sa harapan ni Gino.
"Do you still love him?" Gino asked.
Joyce stilled and look at Gino. "G-Gino..."
"Answer me."
Hindi sumagot si Joyce, sa halip ay marahan lang siyang tumango. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na rin. Pinagmasdan ko si Gino na tumango-tango pagkatapos ay biglang bumaling sa akin.
Lumapit siya sa akin pagkatapos ay hinila ang kamay ko at umalis sa kinaroroonan nila. Mga hikbi na lang ang narinig ko mula kay Joyce. Lumingon ako sa likod, nakita kong niyayakap na lang ni Mark si Joyce.
"Sakay."
"Gino... Si Joyce..."
"Bukas kami mag-uusap. Ihahatid na kita." aniya.
Tumango ako at sumakay na lang sa kotse.