Chapter 10 Back

"Hey! Are you okay?" Gino asked.

Wala ako sa sariling napatingin sa kanya.

"A-Anong sabi mo?"

Nakakaloko siyang ngumiti habang nakakunot ang noo.

"Ang sabi ko... Ayos ka lang ba? Ayan ha! Tinagalog ko na." pagbibiro niya.

"H-Hindi..." umiling ako. Wala sa sariling hinawakan ang labi ko. "Y-Yung kanina? Anong sabi mo?" wala sa sariling tanong ko.

Nakita ko siyang bahagyang tumawa at pinipigilan ang ngiti.

"Alin don? May sinabi ba ako?" pang-aasar niya.

Nainis ako at sinuntok siya sa braso niya.

"Hey! Stop it! Stop it! Tama na! Masakit na ha!" reklamo niya habang umaatras sa suntok ko.

"Nakakinis ka kasi!" sabi ko habang pilit siyang hinahabol ng suntok kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa pagbabadyang pag-iyak.

Pagkaraan ay tumigil ako at tinakpan ang mga mata ko at doon umiyak. Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap sa akin ni Gino.

"Hey sorry na... Binibiro lang naman kita, I don't want to see you crying please..." he said and caresses my hair.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang magkabila niyang hinlalaki pagkatapos ay matamis na ngumiti sa akin.

"Sorry na... Patawarin mo na ‘ko please."

I slightly pout and looked away. "U-Ulitin mo muna sinabi mo."

I heard him chuckled and held my face to made me look at him. Alanganin akong tumingin sa kanya.

"Sabi ko... Mahal kita..."

"T-Totoo?" inulit ko pa kahit na alam kong nakakairita na ko sa kakulitan.

Tumawa lang siya at tumango. Giniya niya ang ulo ko at hinalikan ako sa noo ng matagal, pagkatapos noon ay lumipat naman sa buhok ko ang paghalik niya sabay niyakap na ako.

"Hindi naman ako nananaginip di ba?" tulala kong sabi habang nakayakap pa rin sa kanya.

Narinig ko ang paggalaw ng balikat niya senyales na tumawa na naman siya. "Hindi... This is true Krys... I'm in love with you..."

Wala ako sa sariling napangiti pagkatapos ay niyakap siya ng mas mahigpit pabalik.

"We have the same feelings then,"

Humiwalay siya sa yakap pagkatapos ay hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Are you my girl now?" he asked.

I smiled, tatango na sana ako nang may bigla akong naalala.

"P-Paano pala si Joyce? Sigurado akong magtataka siya kung sakaling paggising mo... I-Iba na pala m-mahal m-mo," halos pabulong na sabi ko.

"I can explain her everything... Isa pa, I also want to give her her happiness. And I know, by being with Mark makes her happy." he said, assuring me that it would be alright.

Ilang beses din siyang nagpaliwanag kung anong gagawin niya sakaling magising na siya at magtanong si Joyce sa kanya bago niya ako napatango.

Napahiwalay ako ng yakap sa kanya nang mapansin ko ang pamilyar na kotse na dumaan ngayon ngayon lang.

"Si Daddy ba 'yon?" tanong ko.

"What? Who?" tanong pabalik ni Gino. "Baka namamalikmata ka lang?"

Umiling ako. "Hindi, sigurado akong si Dad 'yon. Kilalang kilala ko ang kotse namin."

Biglang may kaba akong naramdaman kaya napahawak ako bigla sa braso ni Gino.

"Papunta sa hospital ang direksiyon na ‘yon di ba?" sabi ko at tumingin kay Gino.

"Baka dadalawin ka niya?"

Nakaawang ang labi kong umiling sa kanya. Kung dadalawin niya ko, bakit siya nagmamadali? May masama talaga akong kutob.

"Bumalik n-na tayo..." sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

Agad ko siyang hinila at tinakbo namin ang daan patungo sa ospital. Nakita ko pa sa labas ng hospital ang kotse ni Dad na hindi naka park ng maayos. Para bang nagmamadali na talaga siya.

Lalong dumoble ang kaba ko nang makitang maraming nagtatakbuhan na nurse at doktor malapit sa kinaroroonan ng kuwarto ko. Tumakbo ako at sinundan sila, nanlaki lalo ang mga mata ko nang pumasok nga sila sa kuwarto ko! Naririnig ko na ang iyak at hikbi ni mommy, pumasok ako sa loob at nanlaki ang mga mata ko nang nire-revive na ng doktor ang katawan ko. No! No! No! Anong nangyayari? Hindi pa ko pwedeng mamatay!

"Krystal! Kailangan mo nang bumalik sa katawan mo."

Napalingon ako nang magsalita si Gino sa gilid ko. Sa malayong sulok ay nakita ko si mommy na umiiyak na at nakayakap lang kay daddy na dinadaluhan siya. Nilingon ko ulit si Gino habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha sa pisngi ko, I shook my head and mouthed words at him. Kumunot ang noo niya. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling muli.

"A-Ano? Anong ibig sabihin niyang iling mo? A-Ayaw mong bumalik?"

Yumuko ako at tumango. Pagkaraan ay nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinakatitigan ang mukha niya.

"A-Ayokong b-bumalik..." mahinang sabi ko.

"What? Bakit hindi?" bahagyang tumataas na ang kanyang boses. "Krys! Kailangan mo na! Nire-revive na ang heartbeat mo! Baka kapag hindi ka pa bumalik, matuluyang mawala ka na talaga!"

Mariin akong pumikit at umiling muli sa kanya. "N-No-"

"BAKIT HINDI?! KRYS! ANONG BANG PUMIPIGIL SA-"

"AYOKONG IWANAN KA DITO!" I shout at him. My voice broke.

Umiling ako at nanlalabo na ang mga mata habang tinitignan siya. "Ayoko Gino... Ayoko... Ayokong iwan ka ditong mag-isa... M-Mahal kita..."

"Baby..." he said.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha doon, mas malinaw ko na siyang natitignan ngayon dahil sa pagpahid niya ng luha ko. Nakita ko ang malamlam niyang mga mata na nakatitig sa ‘kin.

"Kailangan mo na, okay? Huwag mo akong intindihin. Mas mahalagang mabuhay ka ngayon."

"P-Paano k-ka?"

Tipid siyang ngumiti, hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata niya.

"I'll be okay. Don't worry... Sooner or later, makakabalik rin ako sa katawan ko. Mas mahalagang ikaw muna ngayon. Naiintindihan mo ba? Ikaw muna..." his voice broke at the last statement.

He pulled me to him to give me a warm hug. Yumakap ako pabalik and try to reach his ears to whisper.

"Mahal kita..." I whispered...

Naramdaman ko ang luha niya sa balikat ko. "Mahal din kita... Promise me... Your my girl once na gumising ka."

Humiwalay ako ng yakap sa kanya at tinitigan siya. Ngumiti ako ng matamis at tumango.

"Yes... I'm your girl..."

Mariin siyang tumango pagkatapos ay bahagyang yumuko para bigyan ako ng malambot na halik sa labi. Pinatakan niya rin ako ng halik sa noo ko at buhok bago ako giniya palapit sa katawan ko.

"Don't worry... Kapag nakabalik ka na, I will guide your soul."

Lumingon ako pabalik sa kanya pero tinanguan lang niya ko.

Narinig ko ang tunog ng makina at nakita na nag-isang linyahan na ang heart rate ko sa monitor. No! No! No! Hindi pa puwede! Hindi pa ko pwedeng mamatay! Sabi ko at inisang hakbang ko ang pagitan ng katawang lupa ko at sumanib doon.

Guide me... Please… Gino...