Chapter 6: Chapter Five

~ Ash

Naalimpungatan ako sa tindi ng sikat ng araw na tumatama sa aking mukha tila sinusunog nito ang bawat pores sa mukha ko.

Iniunat ko ang aking mga kamay at tsaka bumangon sa pagkakahiga mula sa aking kama at saka tumayo.

Nang biglang dumaan ang mga alaala kagabi sa aking isipan. Di ko akalain na mambubulabog ang lalaking iyon.

Bumalik ako sa katinuan nang bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad ang mukha ng isang maamong lalaki.

"Kanina pa kitang tinatawag bakit ba lumilipad yang utak mo?" tanong sa akin ni Reg? Rebby? Ala basta! Rob? Siguro.

"May naisip lang ako or more on may inalala lang." sagot ko sa kanya, humakbang ako pagkatayo ko sa kama at dumeretso sa banyo.

Grabe ang laki talaga ng banyo na to. Eh kung tutuusin kasing laki na to nung buong apartment ni Tita Rica.

Ays! Namiss ko tuloy si tita.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba papuntang dining area.

"Baby Munchkin," tawag sa akin ng manyak na to. Walang iba kundi si... Lulu?

"Ang landi mo." sagot ko, nagpout lang ang perv na to, pero ang cute niya. Para siyang aso.

"Hey. Kain na? Tara sa lamesa." pambungad sa akin ni Joaquin

"Sige. Kumain na ba kayo?" tanong ko habang lumalakad papalapit sa amin ni Joaquin ang limang alien.

~•~

Matapos ang pagkain namin ng umagahan ay isa-isa silang umalis at may aayusin daw kaya naman ay naiwan ako rito sa sala.

Ano kayang magandang gawin? Manuod ng tv? Pero di naman ako marunong dito sa malaking tv na to para ngang nasa sinehan ako tuwing titingin ako sa tv na iyon. Ahm? Kumain? Pero ang dami ko ng kinain kanina puputok na ang tiyan ko sa sobrang busog. Mag-ikot sa buong mansyon? Hadoy! Ang laki kaya ng bahay na to! Este mansyon pala! Nakakalula kaya. Last option na talaga. Maglaro ng barbie doll? May barbie house kasi sa kwarto ko eh, di ko alam kung bakit pero akin ata talaga yun kasi nasa kwarto ko. Omg! Di kaya kay Reg? Rev? Rob? Iyon o di kaya ay kay Lulu? Pero imposible? Baka naman kay Joaquin mukha siyang bading e.

Hays kung ano ano na ang pinagiisip ko.

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko dito sa sofa nang makita ko ang nakangiting si Joaquin. Kyaa ang ganda talaga ng kutis niya para siyang babae

"Anong ginagawa mo dito? Kala ko nakaalis na kayo?" tanong ko kay Joaquin.

Lumapit siya sa akin bago sumagot.

"Wala naman kasi akong gagawin dun so napili kong mag stay dito tsaka nakakatamad." napatango na lang ako. Geez ang lazy niya.

"Tsaka alam ko naman na bored ka na dito so ano? Sama ka? Tara gala tayo?" kyaa gagala kami? Yeah buti naman at naisipan niya yun kasi buryong buryo na ako dito. Well, may magandang isipan pala itong tamad na to.

"Mukha bang tatanggihan ko iyan? San ba tayo? Sa barbie house?" napakunot naman ang noo ni Joaquin. Eh? Problema nito? Grabe namang bakla to. Ganyan na ba ang mga new version ng gays? Level up ah.

Nakarating kami sa mall dala ang Matte Black na Audi R8 niya, omg ang ganda ng sasakyan ng baklang to.

"Kakain muna ba tayo o mag-arcade agad?" tanong sa akin ni Joaquin tila tinatamad.

"Sa arcade muna tayo baks!" sigaw ko sa kanya. Shit wrong move, dapat di ko pa pinapahalata na alam ko ng bading siya, pfft.

"What did you say? Baks? Ano yun?"

"Ah e- ah baks? Nasabi ko ba yun? Luh! Adik ka wala naman akong sinasabi" palusot ko, tumango lang ang g*go at saka kami dumeretso sa World of Fun.

Makalipas ang mahabang oras ay saka kami tumigil sa paglalaro, naramdaman ko na din ang pagod kakatawa.

Napagpasyahan namin na kumain sa isang fast food chain ayaw niya sana pero pinilit ko, ang sarap kaya sa Mcdo! Kahit alam ko na napakatamad niya. Oo nga, bakit nga ba ang tamad nitong bading na to.

Kanina kasi pinagpipilitan kong maglaro siya pero ayun, nakatayo lang, kaya naman hinila-hila ko siya. Siya pa ang may sabing mamasyal kami pero eto siya naman ang mukhang tuod.

Naglalakad kami palabas ng mall nang di ko inasahan na mabangga ako ng pader. Pader? Nanlaki ang mata ko nang hawakan ko ito. Bat ang tigas? Ambango pa.

"Geez, are you done?..." tumigil siya sa pagsasalita. Sasagot na sana ako nang umimik muli sya.

"Molesting my body?! Huh?" nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi niya.

"Wow?! Kapal ng apog mo ah!" sigaw ko dito, pinag-iinit niya ang ulo ko.

"Tsk. Wag ako miss alam kong gusto mo din" yung totoo, di ba siya kinikilabutan? Mas aktibo pa ang libido nito kesa kay Lux e. Pervert!

Inirapan ko sya at akmang aalis na nang may nagsalita sa likuran ko.

"You're back, Vryll Mendoza." kinilabutan ako sa tinig na iyon, tila bago iyon sa aking pandinig, ibang-iba sa una kong pagkakakilala sa kanya. Iz dat u Baks?

Napatingin ako sa nasa likod ko. Ibang-iba ang mukha ngayon ni Joaquin, parang isa siyang tigre na manlalamon. Galit na galit ang mukha niya, ano bang problema? Ex ba ni Joaquin ang pogi na to? Omg sayang sila mga pogays. Hays

"I miss you Kin!" napatingin naman ako sa lalaking ito. Nag-'I miss you' siya kay Joaquin at may endearmernt pa, KIN, so ibig sabihin ex nga niya ito. Pero bakit iba ang tingin niya kay Joaquin? Selos? Nakikita ko sa mala-Granite niyang mga mata ang selos. Nagugulumihanan ako sa kanila, parang may problema o tila isang sikreto na hindi maaring matuklasan ng kahit sino.

"Wag mo akong tawagin sa pangalang iyan. Matagal nang wala at patay ang katauhang iyon" pagkatapos ng mga salitang iyon ay hinila na ako ni Joaquin papuntang sasakyan. Balak ko pa sanang itanong kung nagbreak ba sila? Na may third party ba o kaya naman ay di kinaya ang LDR? Hays ang gulo. Gaano na kaya sila katagal? Hmm grabe yun nakakaawa naman ang relationship ng dalawang to! Yaan na nga lang, tatanong ko na lang kung sino ang unang nakipagbreak tutal bessy ko na naman tong bakla na to.

Sumakay na lang ako sa shotgun seat.

Napatingin ako sa katabi ko. Mukhang balik to the lazy mode na naman sya.

Pagkauwi na pagkauwi namin ni Joaquin ay siya namang saktong pagdating nina Reg? Regine? Rob? Awan dami kasing katunog eh.

"May pag-uusapan tayo sa office ko" nakatingin siya sa amin. Ahm kasama ba ako? Di naman nya sinabi na hindi ako kasama eh.

Mauuna na sana ako sa paglalakad nang magsalita si Robie. Sa wakas nabanggit ko din ang name nya.

"Stay here." maawtoridad niyang salita na nagpatindig sa aking mga balahibo.

"O-okay?" Kinakabahan talaga ako dito kay Reg? Reggy? Roger? Rob? Feel ko eh mananapak siya any time kaya naman no choice ako, umupo ako sa may sofa at nag-feeling pretty.

Tatayo na sana ako nang lumapit sa akin si Tita Linda.

"Iha kumain ka na ba?" tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Ah ganon ba? Magpahinga ka na sa taas, mukhang mamaya pa ang labas ng mga iyon sa opisina ni Robie" napangiti lang ako.

"Sige po Tita una na po ako. Mamaya pa nga ata sila" sabi ko dito at akmang tatayo na.

"Kay ganda mong bata iha. Nawa'y maging masaya ka lagi." napangiti akong muli. Hays namiss ko si Tita Rica.

Pumasok ako sa aking kwarto at umupo sa kama.

Ilang linggo narin pala ang nakalipas at mukhang medyo nasasanay na ako sa environment ng lugar na ito.

Hays bakit di ko manlang nakita si Papa? Si mama kaya?

Humiga ako at pumikit saglit.

Pero hindi ko namalayan na nilamon na ako ng kadiliman at dinala sa isang paraiso na gustong-gusto ko.

~•~

"Bakit di pa sya nagigising? Anong oras na oh..." luh? Naimik yung burger? Hmmmm..

"Tsk? Tadyakan mo na kaya?" Whaa? Ang brutal naman ng saging na to.

"Gisingin niyo na kasi."

"Bakit hindi ikaw? Ikaw ang nakaisip eh"

"Ano ba? Tumigil nga kayong dalawa! Barilin ko na lang?"

"Whoa? Chill mga bro!" Teka ba't ba nagaaway-away ang mga saging na to? Grabe naman ang mga ito tsaka parang may mga kaboses sila? Hmm parang si Lux? Pati si Joaquin? Parang yung lima?

"Tsk feeling niya siya si sleeping beauty! Sleeping lang naman wala namang beauty!"

What? Sino ang kupal na iyon? Hindi naman siya si Lux? Hindi rin si Joaquin. Lalo na si Jin! Grrr gigil nila ako!

Iminulat ko ang isa kong mata at nabungaran ko agad ang mukha nung ex-boyfriend ni Joaquin.

Teka anong ginagawa niya sa kwarto ko! Minulat ko pa ang isa ko pang mata, holy jollibee! Ba't anim silang nasa kwarto ko?

Anong ginagawa nila dito?

"A-anong ginagawa nyo dito?!" napatingin silang lahat sa akin.

"May pasok ngayon? Ano? At di ka pa gising?" napatingin ako sa orasan ko shit 7:30 na e 8:00 ang time namin!

Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang alien na may apat na mata.

"Di mo ba alam na may pasok ka ngayon?" bungad sa akin ni Rob.

"Ayan suotin mo yan pagkatapos mong maligo at mag ayos! First day mo sa school pero late ka na!" sinisigawan niya ba ako?

Nagsilabasan silang lahat. Hindi ko man lang natanong kung ano name nung ex-boyfriend ni Joaquin, maya ko na lang sila entertain.

Sino ba kasing may sabing gusto kong pumasok? Especially sa GU?

Makalipas ang isang daang taon ko sa loob ng kwarto eh napagpasyahan ko nang lumabas.

Nakita ko silang nakanganga at tulo laway sa sobrang ganda ko. *flips hair*

"Ang bagal mo." pambasag nang ex-boyfriend ni Joaquin.

"Tara na? Dami niyo pang sinasabi eh. Sa school ka na lang mag-breakfast late na tayo." wow ang daming nasabi ni Jin for the perstym!

Wow magic ang bebe mo!

Napangiti na lang ako at sumabay sa kanila palabas ng mansyon.

Sumakay ako sa isang Mission E Models ng Porsche. Samantalang iba't-ibang sasakyan ng Audi, Mazda at Ferrari ang ginamit na sasakyan ng mga gunggong.

If I were not mistaken, mga mayayaman pala yata 'tong mga body guards ko--

Wait. Body guards? Shit!

Lumingon ako sa driver ko.

"What?"

"Ahm... tanong lang,"

"What?"

"Kailangan pa ba talag--"

"Yes. Napag-usapan na natin 'to di ba? Whether you--" basag niya sa mga susunod ko pang sasabihin. Pero hindi ko siya hinayaang matapos sa pagsasalita.

"Like it or not." dugtong ko sa kanya. Napabuga na lang siya ng isang malalim na hininga.

I wandered my eyes on the tall trees we passed by. Dahil may kalayuan ang mansyon sa syudad, hindi gaanong populated ang nadaraanan namin.

Why do I have this bad feeling? Habang lumalayo ang sinasakyan namin sa mansyon ay lalong kumakabog ang dibdib ko. Ano bang meron sa GU na wala sa ibang university?

Matapos ang mahigit sampung minutong byahe ay nakarating kami sa harapan ng isang malaking gate. No wonder that this is it already. I guess, we're here.