Chapter Two
Hindi pa man ako nakakapasok sa bahay na 'to, feeling ko ang ganda ng loob nito. Hindi ko din maiikailang mayaman ang may-ari nito dahil sa dami ng katulong at sa lawak ng lugar na sakop niyon.
Napabaling ang tingin ko sa isang malawak na garden sa gilid ng bahay di kalayuan. Napakaganda ng mga bulaklak na sumasalubong sa sinumang papasok doon, at napakapayapa roon.
"Ma'am? Welcome." ang bati sa akin ng isang babaeng may katandaan na at magara ang kasuotan kumpara sa ibang mga katulong. Nginitian ko siya bago inabot ang kamay nitong nais makipagkilala.
"Napakagandang babae." saad ng matanda. Ano ba naman 'tong si manang nambola pa.
Ngumiti ulit ako. Humble ako eh.
Tinitigan niya ako nang nakangiti at may kasiyahan sa mga mata bago niya ako iminuwestra papasok sa mansyon. Doon lalo akong namangha. Ang laki nito at ang elegante. Halatang mamahalin ang mga gamit dito kahit simple lamang. Dumako ang paningin ko sa hagdan na nasa pagitan ng salas at kusina. Ang laki rin nito. Pwede ditong mag-photoshoot. Napunta naman ang mga mata ko sa sala. Dirty white ang tema ng sala. Simple pero napakaganda ng ayos nito. Nababagay sa kulay kremang pader ng bahay.
"Hija, nasa taas ang kwarto mo, maaari kitang ipahatid doon at ang mga gamit mo para makapagpahinga ka ng kaunti." sabi ni manang sa akin. May kwarto ako dito? Agad?
He really prepared everything before I came. Pero nasaan na nga ba siya?
Ngumiti ako kay manang bago niya tinawag ang ilang katulong para tulungan ako sa gamit kong hindi naman marami.
Pagkarating ko sa kwarto na sinasabi niya ay namangha ako. Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko. Ang laki ng kwarto at mukhang pang-prinsesa dahil sa itsura ng interior nito, maging ang wallpaper ng kwarto. Para akong nasa ibang bansa.
I placed my things on the bed. Hindi naman ito marami at wala rin naman akong balak magtagal rito. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako naririto. In fact, wala naman dito ang pakay ko.
Nahiga ako sa malambot na kama at saka napatitig sa puting kisame nang may kumatok sa pintuan.
Tumayo ako para buksan ito pero hindi pa ako nakakalapit nang magbukas ito.
"Oh. You're here already."
Napatitig ako sa matamlay nitong mata bago tumango. Umalis din ito agad at sumunod naman ako. Bitbit ko ang bag ko habang nakasunod sa matipunong lalaking nasa harapan ko na nakabihis pormal.
Nang makababa sa hagdan ay humarap ito sa akin, then he gave me a slight smile.
"I will be your personal assistant slash guardian, Miss Monteliola." pagpapakilala nito at yumuko sa harapan ko. Napauwang ang labi ko sa sinabi niya.
Siya?
Siya yung kausap ko last night? Parang hindi naman. Sa pagkakatanda ko, ang kausap ko kagabi ay maingay, madaldal at mayabang. Nasan na?
Nakatitig lang siya sa akin nang ngumiti ulit ito. This time, it's a grin. Maybe a devious one?
"What?"
"Nothing. Nga pala, I'm Kurt Robie Morevillano." pakilala ulit nito sabay yuko na naman sa harap ko. "But you can call me Babe." dagdag pa nito habang nakangiting abot langit.
Oo. Siya nga yon.
Walang emosyong tumango ako. Tumawa ito ng mahina. Napaisip tuloy ako, normal ba 'tong lalaking 'to?
"No."
"Excuse me?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"The answer is no." ang sabi niya na ngayon ay seryoso nang nakatitig sa akin. Matamlay pa rin ang mga mata nito, and he's giving me chills in the spine.
He froze. But still staring at me. Napakunot ang noo ko sa naging itsura ng mukha niya ngayon. Ano ba 'tong kaharap ko?
"Hey. Stop that. You're creeping me out." tanging nasabi ko sa kanya nang hindi pa din nagbabago ang mukha niya bago ako bumaba ng tuluyan sa hagdan at nagtungo sa kusina kung nasaan si manang.
Lumingon ito sa akin nang makaramdam na nasa kusina na rin ako. Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin naman siya. I can sense through her smile and glares that she's kind.
"Oh, hija nandyan ka pala. Akala ko nasa kwarto ka?"
"Opo. Kaso ano po eh--"
"Tita Linda." rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko. Napansin kong nagulat si manang at bigla itong umalis sa harap namin.
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang assistant kuno ko daw. Why is he like the boss in here?
"Miss Monteliola, I'm here to inform you that since now, dito ka na titira."
Tumango ako kahit nasa likuran ko siya bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Pero hindi pa ko nakakalayo, may napagtanto ako.
Ako? Dito titira?
Nilingon ko siya nang hindi pa ako nakakatatlong hakbang. His pitched black eyes are directly staring at mine.
"Wait-- what?" tanging lumabas sa bibig ko nang maalala ang mga sinabi niya kanina. Mahina itong tumawa bago muling tumingin sa akin.
"Yeah, you heard it right, Miss. As the descendant--"
"Teka nga." putol ko sa sasabihin niya. "Tigil tigilan mo ko sa mga descendant descendant na yan ha? Hindi ko gust--"
"You have no choice, Miss. This is the order from your father's will and you have nowhere else to go." seryosong saad niya na mas lalong nagpapagulo sa mga hibla ng utak ko.
"But here." dugtong pa niya. "The maids were at your apartment to pick up your things then they will fix your room for you later."
Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Buong buhay ko hindi ko nakilala ang mga magulang ko. Tapos ngayon, eto? May pa-surprise sila sakin? What I don't understand the most is this huge mansion. At sinabi pa ng lalaking iyon na dito ako titira? At wala akong ibang mapupuntahan? At yung 'this is the order' chuchu na nalalaman niya? What is happening, seriously? Am I awake? O nananaginip lang ako?
Nagtungo ako sa sala kung saan naroon ang isang mahabang sofa na kasya siguro ang limang tao. Sa gilid nito ay ang dalawang pang-isahang sofa. At dun ako naupo. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Yes, I don't understand why is this happening to me right now.
~•~
- Robie
"Tita Linda, thank you for rearranging the house." pasasalamat ko sa mayordoma ng mansion na si Tita Linda na siya ring sumalubong kay Ash kanina. Ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
I was once just a poor child at an orphanage. Looking for love and care. Suddenly, a warm-hearted woman took me out of that lonely cage surrounded by criticizing eyes. A woman named Linda. Noong araw na iyon, nang mailabas ako ni Tita Linda sa ampunan, namulat ako sa realidad. Isa siyang katulong noon sa isang mayamang pamilya, ang mga Monteliola. Sa marangyang bahay nila ito nagtatrabaho at doon din tumutuloy kaya naman dito rin ako lumaki. Mismong ang pamilya rin ang nagpaaral sa akin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila kahit na ni minsan, hindi ko sila nakilala ng lubos.
Nakita ko siyang nakahiga sa maliit na sofa sa sala. Ganoon ko siyang naabutan nang lumabas ako ng kusina matapos kong kausapin si Tita Linda.
Siya ba talaga?
Hingang malalim ang naging tugon ko sa sarili kong tanong. Sino bang magkakaila na ang babaeng nasa harap ko, too carefree, ay isang tagapagmana ng mansion na ito?
Lumapit ako sa kanya para masiguro kung tulog nga ito. Nang marinig ko ang paghilik niya, sigurado na ako. Yeah, carefree. Napailing na lang ako.
Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at inihiga sa kanyang kama. Doon mas mabuting magpahinga. Hindi sa masikip na sofa.
Nang mailapag ko siya sa kama, sakto namang dating ng mga katulong na pinakuha ko ng mga naiwan niyang gamit sa apartment.
"Wait for her to wake up then she'll be the one to decide what to do with those stuffs." ang sabi ko sa kanila bago nila nilisan ang kwarto at sumunod na rin ako nang hindi siya naiistorbo sa pagtulog.
~•~
Naalimpungatan ako nang dumampi sa pisngi ko ang malamig sa hangin. Nang imulat ko ang aking mga mata, madilim na. Napatagal yata ang pagtulog ko sa sof-- Teka sa sofa ako natulog pero bakit-- Bakit nasa kama ako?!
Napabalikwas ako at mabilis na tumayo para masiguro kung nasaan ako. Nandito na ako sa kwarto ko. At... at nandito din ang mga gamit ko.
Bigla akong napatingin sa suot ko. Whew. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi naman napalitan ang damit ko. At wala ring bahid ng kahit anumang gusot dito. Ang pinagtataka ko lang, paanong napunta rito ang mga gamit ko?
I'm on the middle of figuring out why my stuffs are here when a knock on the wooden door interrupts.
Palapit palang ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa non ang isang lalaki.
"Gising ka na pala," ang sabi niya nang makita akong nakatayo sa may paanan ng kama. "And about your things, pinakuha ko sa mga maids sa apartment mo. As I said earlier, dito ka na titira."
Sa huli niyang sinabi, hindi na ko nagulat. But there's something telling me that I should disagree. Pero parang nai-tape ang bibig ko at napatango na lang ako. He has this serious and deep voice that make me feel that there's something heavy on my chest. Parang kinakabahan at nagtataasan ang mga balahibo ko. What's with that guy?
"Dinner's ready." huling sabi nito bago isinara ang pinto ng kwarto ko. Naiwan akong nakatunganga at pilit na sinasabi sa sarili ko na dito na ako titira.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa dining area. Naabutan ko doon si Tita Linda na naghahain ng mga pagkain sa mesa. Lumapit ako para tulungan siyang mag-ayos ng lamesa. Nagulat pa siya sa paglapit ko sa kanya at parang tumigil pa ang paghinga niya.
"Sorry po, nagulat ko yata kayo." paghingi ko ng pasensya nang hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa ko.
"A-ash ikaw pala. Hindi mo naman kailangang tumulong sa akin sa pag-aayos dito. Dapat lang na pagsilbihan kita." paliwanag naman niya sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang napakataas ko para sa kanila.
"If you don't understand, you're sort of a royalty in this house and they, also me, are at your service, Madam." singit ng lalaking pumasok sa kwarto ko kanina at bahagyang yumuko sa harapan ko. Now it's getting weird.
Napailing na lang ako sa ginawa niya. Hindi ko man magets kung anong nangyayari, umalis na lang ako.
"You still don't understand."
Napalingon ako sa kanya. His pitched black eyes directly looking at me, again. Naglakad siya papalapit sa akin.
"You need to." bulong niya nang magkapantay na kami at saka lumagpas sa akin. Lalo kong hindi naintindihan.
"Per--"
"No more but's. You need to stay here no matter what circumstances." putol niya sa sasabihin ko. So wala na talaga akong magagawa? Maybe I don't have the right to resist my father's will.
Muli akong pumunta sa dining area at nakitang nandun na ulit siya. Lumapit ako sa kanya at nakita naman niya ko, this time hindi na siya nagulat. Ngumiti lamang ito sa akin bago ipinagpatuloy ang paghahain.
"Kain ka na, hija." alok sakin ni Tita Linda bago akmang aalis na.
"Saluhan niyo na po ako Tita." sabi ko nang nakangiti dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.
"H-ha? Wag na, hija busog pa ako." tanging naging sagot niya't tinalikuran na ako.
Kumain ako nang ako lang mag-isa. Tutal sanay naman ako ng ganito. Walang kasalo. Walang kasa--
"Do you mind?"
Sabi ko nga, there's no way to be alone here, especially I'm with this man who could manipulate others.
I nodded as a response. As far as I know naituro naman sa amin ang Good Manners and Right Conduct sa school.
Tanging tunog lang ng mga kubyertos at plato ang naririnig sa dining hall.
"Ask away," basag niya sa katahimikang namamagitan sa pagkain namin. "Spit what you want to ask." dugtong pa niya habang nakatitig lang ako sa kanya with my mouth slightly apart.
Ano bang kailangan kong itanong? Bukod sa kung bakit ako nandito.
"In case you're asking why you're here, I think I already answered that question of yours minutes ago." coldness roamed through his words.
Except that, wala na kong maiitanong. But still I don't understand. Why just now?
Tatayo na sana ako nang matapos akong kumain nang magsalita pa siya.
"You are the only heir of the Monteliola family. So as you can see, ikaw lang ang pwedeng magmana ng lahat ng kaarian ng pamilya."
Napahinto ako sa paglalakad. Yes, it's not the first time I heard about it kaya hindi na ako nabigla. Pero lalo lang akong naguguluhan.
"That's the only thing I can tell you right now." he said while finishing his food. Hindi na ako umimik at nagpatuloy na sa paglalakad.
~•~
Pagkatapos kong kumain dumiretso agad ako sa kwarto ko. That's too much for a day. Too much to absorb. Kahit wala akong masyadong iniisip feeling ko puno ang utak ko at hindi na kaya pang tanggapin ng isip ko ang mga nangyayari sa akin ngayon.
I think this is the time where I say, Let's call it a night.