Chapter 13 Surprise Visit
Halos hindi ko na maisa isa ang mga ginawa ko magmula pag gising nung malamang natuntun ako ni Yves sa bahay. Ngayon ko lang yata nagawang madaliin ang pagligo at pagbihis kahit pakiramdam ko lumulutang lamang ako sa banyo dahil nakukulangan pa ako sa tulog. Sobrang impossible kasi yung biglaang pagsulpot ng lalaking yun ngayong araw, dinamay pa niya si Manong Driver na ngayon sanay nasa pasada at naghahatid ng mga pasahero.
"I asked help kaya ako napunta dito"
Nahihiya akong tumingin sa kanya kahit magkaharap naman kami, ewan ko ba di ko rin maintindihan kung bakit sobrang nakakailang siya ngayon.
"B-ba't ka po naparito Sir? Bukas pa po yung balik ko sa trabaho" Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig, ibinaling ko ang tingin sa gawing loob ng bahay kung saan kitang kita ang estatwa ng chismosa kong kapatid, akala niya siguro hindi ko binibantayan ang maaring gagawin nito kahit ilang hakbang lang ang layo ng kinatatayuan ko sa pintuan namin.
"I wanna go to city and since you're free today, shall we go?"
"Po?" Di makapaniwalang sagot ko sa kanya, hindi ito umimik at hinintay lang ang susunod kong sasabihin.
"Ah kasi, m-may ibang gagawin pa po ako sir eh" Pangdadahilan ko agad kahit wala naman talaga akong plano ngayong araw.
Pansin ko siyang tumango ng isang beses, hindi ko mawari kung okay lang ba sa kanya ang narinig dahil tumingin lang ito ng diretso.
Ano kayang plano niya ngayon? Kung ako ang tatanungin wala akong ideya, masyadong lutang yung diwa ko sa mga nangyayari. Hindi ko pa nga nagawang magmuni muni magmula pag gising, tapos sinabayan pa ng pagtitig nitong si Yves. Malamang hindi ko magawang makapag isip ng matino.
Naalala ko tuloy yung pakikitungo niya sakin kahapon, halos pareho lang ngayon. Sobrang galing niyang magpalit ng dating na minsan ko na ring ikinakatakot.
"I see, won't force you anyway. I'll see you tomorrow then" Sagot nito tsaka tumalikod at naglakad palapit sa direksyon ni Manong Driver na kanina pa yata naghihintay roon.
Mas nangingibaw yung hiya ko sa taong dinamay ni Yves, ano bang nakain nun at pumunta pa dito. Naglakad ako palapit sa tricycle kung saan naroon ang dalawa, hindi na ako kailanman tiningnan ng lalaking nakausap dahil nakatoon ang atensyon nito sa cellphone.
"Ano iha? Naistorbo pa yata yung tulog mo no?" Masayang bungad ni Manong nung makalapit ako. Napaisip tuloy ako kung anong itsura ko ngayon, kadalasan pa namang namamaga tong mukha ko pag bagong gising nakakahiya tuloy kay Manong.
"Hindi naman po, sorry nga pala naistorbo pa tuloy yung pasada niyo" Pagpapaumanhin ko sa kanya na ikinalingon ni Yves na nasa harapan.
"Pwede na po tayong bumalik manong" Wika ng lalaki tsaka ibinalik ang tingin sa hawak na cellphone.
Napalunok ako sa di malamang dahilan, mali bang tinanggihan ko siya? Bakit naiinis ako sa ginagawa niya? Para tuloy may kasalanan akong nagawa rito. Galit ba sya sakin?
"Ay ba't nakatayo ka pa diyan iha? Halika ka na ng maihatid ko na kayo"
"Ako lang Manong" Wika ni Yves dahilan para mapabalik balik samin ang tingin ni Manong.
Baka inisip nitong pinaglaruan lang namin yung panghanap buhay niya.
"Ay mga batang to, kay aga dinamay damay pa ako. Mabuti pa nga iho at may pasahero pa akong babalikan sa bayan"
Napayuko ako sa naging reaksyon ng Driver, maging siya ay dismayado rin sakin.
"S-sasama po ako, naiwan ko lang yung bag"
"Mabuti kung ganun, bilisan mo nalang" Matapos marinig ang sagot ni manong ay nagmamadali akong bumalik ng bahay.
Nadatnan kong nag aabang si Mia pagpasok ko pa lamang pero hindi ito agad nagsalita.
"M-may kailangan lang akong puntahan, ipapaliwanag ko sayo mamaya"
Hinanap agad ng mata ko yung maliit na bag na nakasabit sa gilid ng cabinet tsaka lumabas ng kwarto.
Nakatitig lamang si Mia nung lumabas ako, alam ko na kung hanggang saan aabot ang imahinasyon niya sa mga nangyayari.
"Kaibigan ko lang sya, wag ka sanang mag isip ng kung ano ano. Bantayan mo si Jasper, mag ingat ka na rin, babalik rin ako agad" Nakakapanibagong tumango lang ang kapatid matapos kong magsalita.
Akala ko'y wala na ang tricycle paglabas ng bahay pero andun parin ito. Nahihiya pa akong lumapit roon at pumasok sa likurang gawi.
"Sorry po, natagalan" Pagpaumanhin ko rito.
"Diyan ka ba uupo?" Lingon ni Manong sakin na ikinatango ko naman habang tahimik lamang ang lalaki sa harap.
"Oh siya, ano pa nga bang magagawa ko? relasyon niyo naman yan kayo ng bahalang umayos. Ang hirap niyong intindihin, kay aga sumasakit tong ulo ko sa inyo"
"We're just friends" "Nagkakamal---"
Isa isa kaming tiningnan ni Manong nung sabay kaming sumagot kaya't napayuko ako, ilang sandali pa'y umandar na ang tricycle papunta ng bayan.
Habang nasa byahe ang daming gumugulo sa isipan kung tama ba tong ginawa ko? Tama bang sumama ako kay Yves? Ni hindi ko nga sya lubusang kilala. Di porke't gwapo sya kaya na niyang paamuhin lahat.
Kung hindi ako sumama edi nasa bahay lang sana ako ngayon habang mahimbing na pinagpatuloy ang pagtulog.
Tiningnan ko ang lalaki sa harap na nasa labas lamang ang tingin, tila lumipad ang isip sa di malamang bagay. Kahit likod lamang ni Yves pwede nang panghanay sa mga commercial sa tv. Para tuloy itong nasa kalagitnaan ng shooting, pwede sa shampoo, kape o kaya toothpase.
Natigil ang imahinasyon ko nung may iilang pasahero pa kaming nakasabayan papuntang bayan.
"Ilang linggo ka pala dito iho?"
"Until next month manong, bakasyon lang talaga"
"Mabuti nabigyan mo ng oras ang nobya mo no? Paminsan minsan lang talaga yang bakasyon, pang ilang beses mo na ba dito?"
Agad kumurba yung dalawa kong kilay habang nakikinig sa kanila. Hinintay kong e tama ni Yves yung sinabi ni Manong pero wala itong pake. Ni hindi nga nagreact o mandiri man lang, sa gwapo niyang yan baka napaubo na siya sa ideyang magjowa kami.
"This would be the 2nd time, medyo bata pa ako nung unang beses nakabisita"
Patuloy niyang sagot, baka talaga wala siyang pakialam dahil sanay na siya sa gantong biruan. Sabagay, kung sa hitsurang yan marami talagang gustong makipagsiksikan sa atensyon niya.
Nakikinig lang ako sa usapan ng may usapan, tatlo lang kasi kaming naiwan sa tricycle kaya hindi maiiwasang marinig ang dalawa. Ilang sandali pay naihatid na kami ni manong sa terminal ng bus.
"Huwag kayong magpa gabi, tong nobya mo iho bantayan mo naman nang maigi, pareho pa naman kayong matitigas ang ulo"
Ayan na naman si Manong, ayaw niya talaga kaming tigilan.
"Hindi ko po siya nobyo" sambit ko rito.
"Around 5 Manong, tatawagan ko nalang kayo" Wika ng lalaki sa harap at umunang lumabas ng tricycle. Wala talaga siyang pake sa pinagsasabi ng Driver tungkol sa kanya.
Inabot ko yung pamasahe kay manong, pero sinuklian niya lamang ako ng tingin.
"Bayad na iha, lumabas kana at baka mag away na naman kayo ng nobyo mo, ang aga pa naman nun nagpumilit sakin na puntahan ka sa inyo kanina"
"P-po?"
"Mich, can we go now?"
Hindi ko napansing bumalik pala si Yves sa gawi namin, kahit nangingibabaw yung maamo nitong mukha mapapansin mo talagang hindi maganda ang gising nito.
"Sige po, alis na kami"
Nung makalabas ako ng tricycle, umunang maglakad ang lalaking nag aya kaya't dali dali ko siyang sinundan. Dumiretso itong umupo sa bakanteng upuan kaharap ng mga nakahilerang bus. Hindi pa gaanong marami ang tao dito, siguro nag agahan muna bago bumyahe.
"Sir, san niyo po ako dadalhin?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Umiling lamang ito at kung anong may hinanap sa dala dalang bag.
"I won't kidnap you okay? Don't ask me that way"
Natahimik ako sa masungit nitong pagsagot, may mali ba sa tanong ko?
"I only need to buy something for my camera," Tumingin ito sakin na ikinatahimik ko.
Kung iisipin kaya naman niyang pumunta dun ng mag isa, ba't sinama sama niya pa ako?
Marahan akong humugot ng lakas at dahan dahang napabuntong hininga na hindi nya mapapansin. Masyadong masakit kung iisipin na sana itinulog ko nalang pala ang pagsama ko rito. Pero andito na kami eh, ano pa nga bang magagawa ko?
"Sige po, sasamahan ko kayo" Malumanay kong sagot rito habang nakatitig sa kawalan.
"Aside from that, you were ignoring me yesterday."