Chapter 12 Responsibilities First
Sabi na eh mali yung orders na hinula ko, ayoko rin namang magtanong at baka maisumbong pa. Yumuko ako nang ilang segundo tsaka sya tiningnan.
"Dadalhin ko na po yung breakfast niyo sir"
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at bumalik sa pwesto kung saan ako nararapat. Habang nag aabang ng orders, di ko maiwasang tingnan si Yves sa malayuan.
Napabuntong hininga ako, ang bait bait niya sakin pero ganun ko lang siya e trato. Alam kong trabaho yung pinagtuunan ko ng pansin ngayon lalo pa't isang buwan nalang mahigit malapit na ang enrolment.
Kung meron lang sana dito sa bayan yung kurso na gusto ko, panigurado hindi ako masyadong mahihirapan. Natatakot akong mawalan ng trabaho lalo pa't dalawang tao na yung may alam na nilabag ko ang matulog sa beach area. Kahit hindi ko naman alam kung bakit. Aminado rin kasi akong hindi ko memoryado yung policy ng resort para sa mga kagaya kong dito nagtatrabaho. Pano kung may masabihan sina Allen at Grace? May koneksyon na yung dalawang yun sa management, paano kung e report ako?
"Mich, e serve mo na" Nahinto yung pag iisip ko nung nilapag ang tray sa harapan. Dali dali ko itong kinuha tsaka bumalik sa gawi ni Yves na ganun parin ang ginagawa, nakatoon ang atensyon sa phone.
"Breakfast niyo po sir" Sabay lapag ko nang tray.
"I don't eat breakfast". Sambit nito na di ko inaasahan, hindi pa gaanong pumasok sa sistema ang sinabi ni Yves.
"P- Po?"
Ulit kong tanong habang iniisa isa ko nang tingin ang dalang pagkain, masyadong malaki ang babayaran ko nito. Halos pang dalawang araw na kainan yung presyo ng mga pagkaing dinala ko kay Yves.
"I don't think you're doing your work properly, Mich"
Nagtama yung mata namin habang pinakinggan ko ang mga linyahan nito, di ko mapigilang mapalunok at agad nakaramdam ng kaba sa sarili. Kahit yung trabaho ko hindi ko magawa gawa nang maayos, nauna akong umiwas nang tingin tsaka sapilitang ngumiti.
Pera lang yung mawawala pag nabayaran ko tong maling order, yung trabaho ko dito hindi na madaling mapalitan. Dahan dahan kong binawi yung tray sa harap niya tsaka ako yumuko ulit.
"Balik po ako sir" Mapait kong sambit tsaka tumalikod pero muli itong nagsalita na siyang nagpahinto sakin.
"I'll eat it"
Sandaling tumigil ang lahat tsaka ko hinarap sa kanya ang tray, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya.
"Sabi niyo po hin---"
"I said, I'll eat it"
Masyadong madiin ang pagkasabi nito, nakaramdam ako ng takot habang hinihintay niya akong malapag ko ulit ang lahat ng pagkain. Dahan dahan akong umatras mula sa pwesto niya at balak magpa alam.
"S- sige po" Sambit ko pero hindi ito nagsalita at tumitig lang sakin.
"M-may kailangan pa po kayo?" Kahit ayoko na sanang magsalita pero mukhang meron pa itong gustong sabihin.
"I only want you to talk to me Mich"
"Po?" Mas lalo akong kinabahan sa narinig, gusto niya akong makausap? Para saan?
"Kanina mo pa ako iniiwasan" Sunod na sambit nito.
Napakagat ako sa labi ng isang segundo dahil para siyang bata na nagtatampo sakin. Ano bang nangyayari? Tila yata kakaiba yung naging dating ni Yves sakin ngayon?
"Nasa trabaho po kasi ako sir, m - may nakabantay samin dito nakamonitor lahat" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"I have the right to order Mich, what's going on with you? Kanina ka pa lutang" Mukhang seryoso si Yves sa mga sinasabi nito, kasabay nun ay ang hiya na nangingibabaw sa hitsura ko.
"Sorry po talaga" Pagpaumanhin ko sa kanya at bumalik na lamang sa bar area.
Lumipas ang ilang oras hindi ko na mahagilap si Yves, ewan ko nakokonsensya ako sa naging pagtrato ko sa kanya. Tama naman yung sinabi niyang may karapatan siyang gawin ang ninanais nito. Ano ba kasing nakain ko't ginawa ko yun? Wala namang masama kung lumapit siya sakin kanina yung naging kilos ko lang talaga ang problema.
Umuwi ako nang bahay na pilit binubura yung mga nangyari. Masyado yatang maraming komplikasyon na nauugnay sakin ngayon, mula pa kagabi kay Allen at Andrea, kaninang umaga yung pagbabawal rin ni Grace, maging ang sinabi ni Andrea na nauugnay rin sa lahat at sa naging pagtrato ko kay Yves.
Ano bang problema ng mundo sakin? Bakit ganito?
"Oh? Napano ka naman, marami bang bisita sa Resort?" Tanong ni Mia nung makapasok ng kwarto, nakahiga lamang ako habang yung isip kung saan nagpupunta. Kasalukuyang nakatitig sa kisame na gawa sa manipis na klase ng kahoy.
"Sakto lang, pagod lang siguro to"
Hindi sumagot ang kapatid kaya tiningnan ko siya, tumango tango ito at pinigilang ngumiti.
"Ngayon lang kita nakitang ganiyan, m-may boyfriend ka na no?"
Sabay na nagtapo yung dalawa kong kilay, tila hindi inasahan ang narinig.
"Mukha bang may magkakagusto sa mukhang to Mia?"
"Hay nako! Ayan ka na naman, di mo ba alam halos magkamukha
tayo? Kung hindi pa sa gandang to edi sana walang jasper ngayon"
Nakapa mewang ito na ikina iling iling ko sa higaan, minsan talaga nakakatawang tingnan tong kapatid ko.
"Maganda ka naman talaga" sambit ko rito.
"Alam ko! Pero dahil kapatid kita edi maganda ka rin, tumingin ka nga minsan dun sa salamin Mich nang malaman mo ha?"
Di ko na mapigilang matawa dahil mukhang seryoso na ang kapatid. Kahit nung High School kami siya yung nahihirapang magpumilit sakin maglagay ng kung ano ano sa mukha ko, pampaganda raw. Minsan nga natatawa nalang ako kung siya mismo ang napapagod sa huli dahil di ko kayang makipagsabayan sa gusto niya.
Halos naubos lamang ang oras ng gabing iyon sa pakikipag kulitan ko kay Mia, ganoong sitwasyon lamang na kasama siya ay tila sapat na sa akin.
Nagising ako na parang may kung anong lumindol sa paligid, kahit malabo pa ang paningin ay rinig ko ang bulyaw ni Mia sa tabi.
"Mia, wala nga akong pasok" Nababagot kong sabi nung makabangon sa higaan. Kahit di ko pa binubuksan tong dalawang mata ko, kitang kita ko na sa isip ang hitsura ng kapatid na nakapamewang.
"Tulog mantika ka talaga!"
"Anong oras na ba? Inaantok pa ako"
"May kanina pa naghahanap sayo, andun sa labas"
Hindi pa masyadong pumasok sa kukote ang sinabi ng kapatid pero unti unti kong naalala ang mga iyon. May nag hahanap sa labas?
Tinatamad akong tumayo at balak lumabas ng kwarto pero pinigilan ako ni Mia.
"Talagang di ka muna maliligo?" Kinusot kusot ko ang kaliwang mata habang sandaling natahimik.
"Ano daw kailangan? Inaantok pa ako" Pagmamaktol ko at dahan dahang bumalik sa pwesto kanina tsaka umupo uli sa higaan.
"Mich ano ba? Kanina pa yung lalaking gwapo na naghihintay sayo sa labas! Jowa mo pa yata yun, di mo man lang sinasabi sakin".