Chapter 52
"Sabrina honey" tawag sa di kalayuan, si Mike at naglakad ito palapit sa kinauupuan nila ni Sabrina. Nakita nanaman nya ang ngising manyak ni Mike at kinikilabutan sya. Sinulyapan nya si Gavin sa kabilang mesa at nakatingin ito kay Mike na papalapit sa mesa nila.
"Inoorient mo na yata si Mrs. Saavedra?" nakangising tanong Mike ng makalapit sa kanila at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. Hindi nakaligtas sa kanya ang malisyosong pagsuri ni Mike sa kanya, lalo na ng magtagal ang mga mata nito sa may hita nya. She want to cover herself. Iba ang takot na nararamdaman nya kay Mike.
"Sinasabi ko lang kay Mrs. Saavedra kung gaano sya ka swerte sa asawa nya" taas kilay na sagot ni Sabrina.
"Well, Gavin Saavedra is really a good man. He is a beast pagdating sa negosyo, pero mahina pagdating sa babae, naiiputan sya sa ulo" sagot ni Mike sabay tawa, tawang demonyo. Alam naman nya ang ibig nitong sabihin, ito at si Sabrina ang nang ipot sa ulo ni Gavin. Bumuntong hininga sya, nakaramdam ng lungkot para kay Gavin, kung bakit kailangan maloko ito ng mga tulad lang ni Mike at Sabrina?
"Gavin weakness I guess is you Ellise" patuloy ni Mike at sinulyapan sya. Muli syang hinagod nito ng malisyosong tingin. Natatakot na talaga sya kay Mike, nais na nyang tumayo at iwan ang mag-asawa sa mesa, pero wala syang lakas. Baka kung tatayo sya at pipigilan ni Mike at wala syang magawa.
"Get up Ellise" narinig nyang mariing utos ni Gavin na hindi man nya namalayan na nasa tabi na pala nya. Mabilis syang tumayo mula sa kinauupuan, at lumapit kay Gavin. Nagkubli sya sa likod ng asawa at humawak sa braso nito. Sinulyapan ni Gavin ang kamay nyang nakahawak sa braso nito at muling binaling kay Mike ang atensyon.
"Mr. Saavedra to the rescue" tumatawang sabi ni Mike at tumayo mula sa kinauupuan. May galit sa mukhang hinarap si Gavin.
"I can't believe na naka move on kana kay Sabrina. I didn't expect na ganyan ka lang kadaling maka move sa kanya. Kung alam ko lang hindi ko na sana sya pinakasalan, di sana may chance pa ko sa bago mo" litanya ni Mike at nginuso sya na nakatago sa likuran ni Gavin. Naramdaman nya ang pagtaas baba ng dibdib ni Gavin senyales na nagpipigil lang ito ng galit.
"Mike" saway ni Sabrina.
"I thought Sabrina is the one for you Gavin. Well I guess I was wrong. Dahil nagpakasal ka kaagad sa bago mo, kung alam ko lang na hindi ka man tatablan sa ginawa kong pang-aagaw sa iyo kay Sabrina di sana gumawa nalang ako ng ibang paraan" patuloy nito. Napansin na din nyang kay Mike na nakatuon ang atensyon ng mga kasama nila sa balcony. Hindi nya naiintindihan ang sinasabi ni Mike. Pero tila may idea sya. Gaya nga ng sabi ni Aya niloko ni Sabrina si Gavin dahil kay Mike. Sumama si Sabrina kay Mike na ngayon ay asawa na nito at buntis si Sabrina kay Mike.
"Tumigil ka na Mike" mariing sabi ni Gavin.
"Is Ellise is the one now? and you think she will be safe with me?" ma angas na tanong nito. At bago pa makapagsalita muli si Mike isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Gavin, tumama yon sa pisngi ni Mike na agad tumagilid. Napasigaw si Sabrina at natuptop naman nya ang bibig sa gulat. Mabilis na lumapit ang mga kaibigan nilang naroon at agad na napigilan si Mike ng balak nitong gumanti ng suntok kay Gavin. Hawak ni Gilbert at Julius si Mike na nagpupumiglas nais makawala at makaganti ng suntok kay Gavin. Samantalang hawak-hawak naman ni Jerry si Gavin.
"Not here please pare, don't ruin my wedding" narinig nyang sabi ni Jerry kay Gavin. Kumalma naman si Gavin.
"Sorry, he is a jerk, but It's my fault anyway" paumanhin ni Gavin at kumawala sa pagkakahawak ni Jerry. Nilingon sya nito na nanatiling nakatayo sa di kalayuan at nakatitig kay Gavin na may takot sa mga mata.
"Come on" sabay hila sa braso nya.
"I will ruin you Saavedra! like the old times I will surely get what yours" sigaw ni Mike na humahalakhak pa sa tawa. Pero hindi na ito pinansin ni Gavin nagtuloy lang sila sa paglabas ng Balcony. Nakasalubong pa nila sina Jamie at April na nagtataka kung anong nangyari. Pero hindi nya nagawang magpaliwanag sa dalawa. Nagmamadali kasi ang baway hakbang ni Gavin at halos kaladkarin na sya nito. Hindi nya alam kung ano talaga ang meron kay Gavin at Mike. Kung bakit napaka sama ni Mike kay Gavin at kung bakit nito nasabing kukunin ang lahat ng kay Gavin. Anong malalim na ugat ng bangayan ng dalawa? sinulyapan nya si Gavin galit na galit ang mukha nito at natatakot sya, baka sya ang mapagbalingan nito.
Pagdating sa silid. Binitiwan sya ni Gavin.
"God damn it!" mura ni Gavin at napasuntok sa pader. Napakislot sya, paulit-ulit ang ginawang pagsuntok ni Gavin sa pader.
"Gavin" pigil nya ng susuntukin muli ang pader.
"Tama na, baka mapano ang kamay mo" nag-aalalang sabi nya.
"Stay away from Mike Ellise, he is dangerous. He hates me and he wants to ruin me"
"Why?" nagtatakang tanong nya. Nais nyang malaman ang dahilan.
"Negosyo ba?"
"Yes it all about business and damn ego!" sagot ni Gavin at naupo sa kama. Napakunot ang noo nya sa nabanggit ni Gavin.
"ego?"
"Yes, napakataas kasi ng tingin ni Mike sa sa sarili nya, but the fact na wala naman syang napapaunlad na negosyo, lahat palpak" paliwanag nito. Tila nakuha na nya ang ibig sabihin ni Gavin. Marahil may malaking inggit si Mike kay Gavin dahil Gavin is really a good business man, lahat ng hawakan negosyo nito ay nagiging successful. Isa pa laging laman ng business page sa mga bulletine si Gavin to show how successful business man he is. Pero mali naman yata na sa ibang paraan gumanti si Mike, tulad ng ginawa nyang pang-aagaw kay Sabrina mula kay Gavin.
"Ikukuha muna kita ng yelo" sabi nya at mabilis na tumayo at nagtuloy sa may ref. Kaagad nyang nakita ang ice bag sa ref at mabilis na kinuha yon at bumalik sa kama kung saan nakaupo si Gavin.
"Akin na" sabi nya at kinuha ang kamay ni Gavin, pinatong sa tuhod nya at inilagay ang ice bag sa kamao nito.
"Thank you" pasalamat nito sa kanya.
"Can you tell me what happened between you and Mike? I guess kailangan kong malaman" tanong nya habang hawak-hawak ang kamay ni Gavin na namumula na.
"He hates me beacuse I am better than him"
"About Sabrina?" makapigil hiningang tanong nya. Nais kasi nyang malaman kung hindi nga ba ito nasaktan ng lokohin ito ni Sabrina, gaya ng sinabi ni Mike kanina.
"Sabrina is nothing Ellise, she is just part of the game"
"Game?"
"Mike thought na Sabrina is the one for me, well yes matagal ang naging relastionship namin ni Sabrina, dahil lang yon aa busy ako sa trabaho and Sabrina is always there for me, ro statisfied my needs" litanya nito. Napalunok sya at nakaramdam nh konting selos, sa nabanggit ni Gavin about Sabrina's satisfied his needs. Ibig sabihin ginawa din ng mga ito kung ano ang ginagawa nila ngayon ni Gavin? paano kung ganoon lang din ang dahilan ni Gavin kaya nananatili sya sa tabi nito? he need her to satisfied his needs?
"Just stay away from Mike, I know ikaw ang pupuntiryain nya, cause you are my wife now Ellise, lahat ng mga taong gusto akong pabagsakin at hilahin pababa ay naghahanap ng weakness ko, and I guess Mike found my weakness" patuloy nito.
"I'm not your weakness right?"
"You are my wife Ellise. And you are my weakness"