Chapter 51

"I'll tell you everything, but I guess i enjoy na muna natin ang view" sagot nito at ngumiti sa kanya. Napangiti sya.

"Gusto mong mamasyal tayo habang kinukwento mo?" tanong nya sa asawa.

"Good I dea. but Ellise, I want to do something here, sa may bed" sagot nito at inapit sya sa bewang, napatili sya.

"Gavin! what are you doing?" hiyaw nya. at sabay silang bumagsak ni Gavin sa kama.

"I miss you Ellise" seryosong sabi nito. habang nakatunghay sa kanya. Hinaplos nya ang gwapong mukha nito. Nagi-guilty sya dahil sa nangyari kagabi, dahil sa topak nya hindi nya nipaghanda ng pagkain ang asawa. Pareho pa silang natulog na tila may tampo sa isat-isa kaya tuloy walang nangyari sa kanila kagabi, kaya marahil sinabi nitong namimiss sya ng asawa. Miss na miss din nya ito.

"I miss you too, Gavin" sagot nya at siniil ng halik ang asawa, gumanti ang asawa kasabay ng paglalakbay ng mga kamay nito sa katawan nya. Napapaitad pa sya at lalong binilisan ang mga kilos nais na nyang marating ang kabilang mundo. Nang sunod-sunod na katok ang nagpatigil sa ginagawa nila. Pareho pa silang humihingal ng maghiwalay ang mga labi nila. Nagtama ang kanilang mga mata at parehong nag-aapoy yon sa pagnanasa sa isat-isa.

"Nakalimutan natin sina Jerry" anas nito. Napangiti sya at nais tumawa ng malakas. Bakit ba nawala isip nila na kaya sila andito ngayon sa Tagaytay ay dahil sa kaibigan ng asawa at hindi dahil nasa honeymoon pa sila.

"I see" nakangiting sagot nya. At tinulak ng bahagya si Gavin na nanatili sa ibabaw nya

"Later, we can do it again"

"Of course" sagot nya at muling siniil ng halik ang asawa, bago bumangon mula sa pagkaibabaw sa kanya. Nang makabangon hinila sya ng asawa sa kamay at tinayo mula sa pagkakahiga. Sinuklay nya ang nagulong buhok at inayos ang nagusot na damit. Pati ang damit ng asawa inayos din nya ang nagusot na rin kasi dahil sa ginagawa nila.

"Coming" sabi nu Gavin at lumakad palapit sa pinto.

"Gavin" tawag ng lalake sa may pintuan. Sumilip sya at nakitang may kasamang magandang babae ang lalake. Magka akbay ang mga ito.

"Jerry, Mia" narinig nyang tawag ni Gavin sa dalawang nasa pinto.. Marahil ito na nga ang ikakasal bukas.

"Ellise" tawag ng asawa sa kanya. Agad syang lumapit kay Gavin sa may pintuan.

"Meet Jerry and Mia the love birds" nakangiting pakilala ni Gavin sa dalawa.

"Hi, I'm Ellise" pakilala nya. Agad syang kinabig ni Mia at niyakap.

"Thank's god at dumating ka sa buhay ni Gavin" bulong ng babae sa kanya. Hindi naman nya maintindihan

"Hi, Ellise" bati sa naman sa kanya ni Jerry. Tumango sya at nakipag kamay rito ng pakawalan sya ni Mia.

"May naka prefer na lunch sa balcony, tara join us" yaya ni Jerry sa kanila.

"Sure, sure" mabilis na sagot ni Gavin at giniya na sya palabas ng silid. Agad syang hinila ni Mia sa kamay para sila daw magsabay sa paglalakad. Habang sabay naman ang dalawang lalake na nagkukwentuhan sa mga bagay na hindi naman nya maintindihan.

"Ang swerte mo kay Gavin" sabi ni Mia sa kanya habang naglalakad silaa sa pasilyo.

"Salamat" nahihiyang sagot nya. Alam nyang masuswerte sya kay Gavin dahil na kay Gavin na anga lahat. Ang tanong ngayon kung maswerte din ba si Gavin sa kanya? hindi sya mayaman at malayo sya sa estado ng buhay ni Gavin at halata din nyang malayo din sya sa estado ng mga kaibigan nito. Wala syang maipagmamalaki, tanging ang virginity lang nya ang kaya nyang ipagmalaki kay Gavin at nagpapasalamat syang isa ang virginity nya ang unang nagustuhan sa kanya ng asawa.

Pagdating nila sa Balcony agad nyang nakita si Sabrina with Mike. At dalawa pang couple na ngayon palang nya nakita. Marahil kabilang ang mga ito sa mayayamang pamilya tulad ni Gavin. Agad naman syang pinakilala ni Gavin sa apat na na naroon na ngayon palang nya nakilala. Pinakilala syang asawa ni Gavin at tila tumalon ang puso nya sa ginawang yon ni Gavin na tila ba pinagmamalaki sya ng asawa. Nakilala nya ang magkarelasyon na sina Gilbert at April. Kasosyo ni Gavin si Gilbert at girlfriend nito si April na isang fashion designer na agad naman syang nakilala dahil dati syang modelo. Mukha namang mabait ang mga ito kumpara kina Sabrina at Mike. At ang isa pang couple na sina Julius at Jamie mag-asawa ang mga ito at may isa ng anak, pero hindi isinama ang anak nila ngayon. Isang negosyante si Julius at maybahay naman si Jamie. Natutuwa syang makilala ang mga kaibigan ng asawa. Pakiramdam nya isa na syang tunay na asawa ni Gavin at hindi isang peke. Dahil hinaharap sya ng asawa sa mga kaibigan nito at pinakikilalang asawa sya nito.

Hindi naman nakaligtas sa kanya ang masasamang tingin na pinupukol ni Sabrina sa kanya. At ang mga malisyosong sulyap naman ni Mike na kanina pa bumabahala sa kanya, ayaw tuloy nyang mahiwalay kay Gavin, tila natatakot syang mawala sa tabi nya si Gavin. Kaya naman sunod sya ng sunod sa asawa.

"Gavin" tawag ni Julius sa asawa. At niyaya ito sa mesa ng mga ito kung saan may alak nanakahapag. Liningon sya ni Gavin. Tumango sya at sinabing ok lang na samahan na muna nito ang mga kaibigan.

"I won't be long" sabi pa nito at hinalikan sya sa mga labi. Ngumiti sya sa asawa. At naglakad na palipat ng mesa si Gavin. Agad nahagip ng mga mata nya ang nanlilisik na mga mata ni Sabrina. Bumuntong hininga lang sya at nagkibit balikat. Tinuloy ang pagkain sa mesa.

"Enjoying yourself huh" narinig nyang sabi ni Sabrina nang makalapit sa mesa nya. Mag-isa lang sya sa mesa dahil tumayo si Jamie. Si Mia naman nakasunod kay Jerry at si April nagpunta ng comfort room. Kaya sya lang ang nasa mesa at si Sabrina. At alam nyang sisirain lang ni Sabrina ang magandang araw nya.

"Kain" yaya nya rito na hindi man ito linilingon.

"Thank's" sagot nito at humila ng upuan. Naupo sa harapan nya. Nagtuloy lang sya pagkain.

"Mukha nga namang masaya si Gavin with you Ellise" simula nito.

"You know what? ganyan din naman sya when he was with me, masigla, active, confident" Patuloy nito. Bumuntong hininga lang sya at hindi pinapansin ang sinasabi ni Sabrina.

"Ellise" mariing tawag nito sa kanya. Nag angat sya ng mukha.

"Why?"

"Ganyan kaba ka bastos? kinakausap kita"

"Why? ano bang pag-uusapan natin?" bored na tanong nya at binitawan ang kubyertos at sumandal sa upuan. Sinulyapan si Gavin na nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan. Napasulyap ito sa dako nya. Ngumiti sya rito para hindi ito mag-alala dahil kausap nya si Sabrina. Kailangan hindi sya magpakita ng takot kay Sabrina kung hindi lalamunin sya nito, sa itsura ni Sabrina mukha itong magaling magmanipula. Tulad ng nagagawa nito kay Gavin. But not to her, she won't let her ruin her. She want's Gavin for herself. At gagawin nya ang lahat para manatili sa kanya si Gavin. Kung kinakailangan nyang harapin ang isang tulad ni Sabrina para lang makuha si Gavin ay gagawin nya. Kung kinakailangan makipag sabayan sya kay Sabrina ay gagawin nyan just to win her husband heart.