Special Chapter

For Once Choose Me Please!

Damien

I'm a senior student ng makilala ko si Anastasia, noong una ay wala talaga akong interesado kay Anastasia, dahil sa high school student palang ito.

Unang impression ko kay Anastasia ay maganda ito. Pero hindi ganon ang tipo ko, akala nga ng iba ay tahimik lang ako dahil napaka sungit ko sa ibang student. Ang atensiyon ko kasi noon ay naka tuon kay Ivy that time.

Naglalakad ako sa hallway non ng maka-bangga ko ito, parang bumagal ang pag galaw ko non sa aking paligid dahil sa maganda nga talaga si Anastasia.

Di ko inaasahan na mapapadalas ang pag sunod nito sa akin, bagay na aking ikina-inis sa babae, ayoko yung ako ang hinahabol ng babae.

And she always give me a love letters, medyo awkward para sa akin yun, dahil sa medyo bata pa ito sa akin. Di man nagkakalayo ang age namin ay para sa akin ay awkward na may nag bibigay ng love letter sa akin.

Noong nabasa ko ang letters na ginawa niya para sa akin ay di ko iyon sineryoso dahil tingin ko lang dito ay isang trip lamang, di ko naisip na makaka-sakit pala ako ng feelings ng ibang tao.

Tuwing dadaan ako ay naririnig ko na pinag-uusapan nila ang babae, dahil ang mga love letters na binigay ni Anastasia sa akin ay umabot hanggang kabilang department.

Ilang araw din ako iniwasan ng babae, alam ko na iniiwasan ako nito dahil sa tuwing nakikita ko ito ay nag iiba ito ng daan ng direksiyon. I feel sorry of what happened. I know na kasalanan ko talaga kung bakit may mga masasakit na salita ang nakarating sa kanya.

Ewan bakit nalungkot ako, dahil siguro sa iniiwasan ako nito, Hindi ko dapat ito maramdaman dahil sa wala naman akong nararamdaman sa babae.

Noong nakasalubong ko ito sa hallway ng university namin ay hinabol ko ito. Pero diretso lang ang lakad ng babae, I know na galit ito sa akin.

"Anastasia!! Anastasia.." tawag ko dito, ngunit tuloy lang ang babae sa paglakad.

"Wait!" Pag pigil ko dito.

"I'm calling you pero diretso ka lang ng diretso." Saad ko dito.

" I just want to say sorry about the letter na kumalat."

"No need." Malungkot na ngumiti sa akin ang babae, and malungkot ako sa aking nakikita.

"look I'm sorry talaga hindi ko sinasadya." Pag hingi ko ng paumanhin kay Anastasia.

"Alam mo kuya crush kita alam mo yun diba? Pero dahil sa ginawa mo halos kung saan man ako dumaan, may naririnig ako tungkol sa sinasabi nila sakin na MALANDI ako na kesyo bata high school palang nag hahabol na sa mag cocollege na." Umiiyak na saad nito sa ski .

Dahil doon ay may ilang student na napapadaan ay napapatingin sa amin.

"Alam ko kung paano kumalat ang letter, Nakita ko mismo na talaga pinabasa mo sa iba. Dahil sa ginawa mo wala akong mukhang may ihaharap." Paiyak na saad nito sa akin.

"Sana masaya ka sa ginawa mo, don't worry titigil ako sa kakasunod sayo at pagbibigay ng letters. Mauna nako may klase pako," umalis na ito sa aking harapan, nag mamadali ito.

I'm so stupid na may taong nasaktan ang feelings dahil sa akin. 2 weeks ang makalipas hindi ito nag pakita o nag papansin man lang sa akin. Minsan naman kapag napapadaan ako ay nakikita ko ito na masaya na may kausap.

Hindi dapat mainis dahil sa ganon ang kinikilos niya pero di ko maiwasan at Hindi alam bakit ganito ako ngayon.

Sa dalawang linggo na hindi pag kulit nito sa akin, ay tila sobrang tahimik ng paligid ko walang makulit at sunod ng sunod sa akin. One day I opened my social media account.

Nagulat pa ako na may nag friend request sa akin, which is si Anastasia. Di naman ako nagdalawang isip na Iaccept ito. Wala pang ilang oras or minutes, nag message na ito sa akin.

"Hi?" Message ni Anastasia sa akin, five minutes ko pinalipas dahil ayoko na magmukhang atat na mag reply sa akin. Ayoko din na isipin nito na may something.

And she messaged me again on my account titig lang ako sa mga sinasabi nito sa message niya.

" Napaka famous mo naman po Lodi seen lang" mag rereply na sana ako naunahan lang ako nito.

Hanggang sa diko na lang nireplayan, dahil baka mas lalong mangulit ito sa akin.

8 am in the morning non ng makarating ako sa school kasama ko ang gf ko, I know na nakita ako ni Anastasia kasama ang gf ko. Siguro naman ay titigil na ito sa akin?

And again she messaged me on my account.

"Hi good morning po pwede po ba makipag friends?" Diko na replyan iyon dahil sa wala rin sana akong balak.

"Edi don't ang sungit mo talaga parang friends lang e" message muli nito sa akin.

"Kid, please leave me alone" reply ko naman sa kanyang message sa akin

Dahil sa message na iyon ay naging mag kaibigan kami, naging mas close na mayroong asaran. Naging civil kami like parang normal best friend kami.

One day non nag aya ako dito na pumunta ng kwarto ko at manood kami. And the movie ay sakto para sa aming magkaibigan. At agad iyon inilipat ni Anastasia. Siguro iniiwasan nito na maalala ang dating ginawa niya.

Inaasar ko pa ito sa boyfriend niyang bansot kung mahal ba talaga niya ito. And that time I challenged her na titigan ako sa aking mga mata at sabihin na hindi ako nito gusto.

That time din ay hinalikan ko ito, I know na consider na cheating iyon kahit na hiwalay na ako sa gf ko, pero that time kasi may bf ito.

Pinilit ko na kumbinsihin ang aking sarili na wala akong nararamdaman sa babae, dahil may inaantay ako na bumalik sa akin, which is si Ivy. Ang pagkakamali ko ay nasundan pa iyon.

May nangyari sa amin ni Anastasia, I know na ako ang may pinaka may kasalanan sa nangyari, feeling guilty ako ng umalis ito matapos ang nangyari sa amin noon.

Ilang araw din ako iniwasan ni Ana, at binigay ko naman ang space kay Ana upang hindi ito malungkot sa paninisi ko dito sa nangyari sa amin.

Habang ako ay nakipag balikan ako non kay Cheska, akala ko pa non maayos ko pa kasi gusto ko kalimutan si Ivy at ang nangyari sa amin ni Anastasia. Pero sadyang bumabalik sa akin ang lahat ng kasalanan ko.

Isang buwan makalipas non nakita ko na nawalan ng malay si Ana sa school, pinayuhan kami ng doctor ng aming university na mag take ng pt si Ana, at lumabas nga na positive she is pregnant with my child.

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ako non, inisip ko kaagad na paano babalik sa akin nito si Ivy? Hindi papayag ang mga magulang ni Anastasia sigurado ako, lalo na at bata pa ito.

Parehas kami kabado ng nalaman namin iyon, ilang araw lang non ng malaman ng magulang din ni Anastasia na pregnant ito, agad na tumungo sa aming bahay ang mga magulang niya.

Parang nawala ang tapang ko ng dumating ang kuya niya at Daddy nito, di sa pagiging bading or what, ganito pala ang pakiramdam kapag hindi planado.

Nagkasundo ang mga magulang namin na ikasal kami, tanging mga kapamilya lang ang pinadalo, dahil sa secret marriage lamang iyon, bumukod kami ni Anastasia.

Unang araw pa lang non ay medyo harsh na ang treatment ko dito, may times ayoko na pakialamanan nito ang mga ginagawa ko, Hindi ko rin naman siya papakialamanan sa mga gusto niya.

Kapag ginagabi ako ng uwi ay lagi naman ako tinatanong ni manang kung asan ba ako nanggaling.

"Gabi na ngayon ka palang umuwi? Kanina pa tapos ang klase niyo ah? At Isa pa may asawa at magkaka-anak kana di kana dapat nag fefeeling binata. Dadating ang panahon at naiintindihan mo ang mga maling ginagawa mo sa asawa mo." Saad ni Manang sa akin.

Umabot sa point na nasasaktan ko ito ng emotional at physically, and labis ang pagsisi ko sa mga nagawa ko. Nagsimula ako na lokohin si Ana ng bumalik si Ivy.

Dapat maging masaya ako na nandito na muli si Ivy, pero tuwing kasama ko ito ay feeling guilty ako. May asawa ako na nag aantay sa akin. Pero eto nandito ako sa kanlungan ng ibang babae.

Parehas na naloko ko ang babae, nagalit din sa akin si Ivy ng malaman niya na pinagsabay ko ang dalawa. Humingi ako ng tawad dito sa mga nagawa ko.

Hanggang sa punto na iniwan na ako ni Ana, iniwan ako nito dahil sa pananakit ko at paghihigpit pati na rin ang pag seselos ko kay Jaxon.

Noon pa man selos na ako dito kay Jaxon, dahil sa iba ito kung tumingin sa asawa ko, but isinawalang bahala ko iyon. Dahil kampante ako na kasal naman sa akin ang babae.

Noong dinugo naman si Anastasia ay di ko alam ang gagawin ko, ang asawa ko Panay iyak dahil sa takot na mawalan ang anak namin. But than you Kay god at Hindi niya hinayaan ang mag ina ko.

Di pa ako natuto non at nasaktan ko parin ng physically si Ana. Umalis ako ng saglit non at pumunta sa mga kaibigan ko kasama si Ivy, masaya ako na nakangiti sa camera.

Tiwala naman ako non na di makikita ni Ana dahil di naman niya friends sa social media ang mga kaibigan ko. But I was wrong nakita niya iyon. Pag-uwi ko non ay sobrang tahimik ng bahay.

Agad ako na umakyat ng kwarto namin, Wala na din ang mga gamit nito. Si manang naman ay dismayado ng tumingin sa akin. Bitbit nito ang mga gamit at iiwan na din ako.

"Sinabi ko sayo iho, huwag mo hayaan na pagsisihan mo ang mga ginawa mo, ilang beses umiiyak sa malaking bahay na ito ang asawa mo na umaasa na magbabago ka, pero ganon ka parin. Ikaw nagsasaya habang si Anastasia ay malungkot pilit na nililibang ang sarili sa malaking bahay na ito na napaka tahimik." Malungkot na kwento sa akin ni manang.

Umalis na din si manang non, di ko na din ito napigilan di ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Tanging na isip ko ay baka pumunta ng bahay ng mga magulang niya ito.

At tama ako nandoon nga ang asawa ko, Panay ang tawag ko dito sa labas pero di ako nito nilalabas, ngayon I have so many regrets sa mga nagawa ko. kahit anong pilit ko ay ayaw na nya talaga umuwi sa akin.

Umabot pa sa point na itinago ito ng mga magulang niya, kagustuhan din ng aking asawa na hindi ko ito mahanap. Ilang beses ako nanguljt sa magulang niya na sabihin kung nasaan si Ana pero ayaw nilang sabihin sa akin.

Nasapak pa ako ng daddy nito at masakit iyon, tila ginising ako nito sa katotohan na wala na, di na muli babalik sa akin ang asawa ko.

Kasalanan ko ito, dapat ko na panindigan at itama ang mga nagawa Kong pagkakamali.

Mas lalo akong nasaktan ng dumating ang lawyer ni Anastasia para sa annulment, nung una pinunit ko lamang iyon dahil sa ayoko pa mawala sa akin si Ana.

Kung ano-ano ginawa ko para mahanap ang asawa ko, at dumating ang araw na iyon at nahanap ko ito, kita ko sa mga mata ng aking asawa ang saya, iba noong nasa akin ito.

Nang mahanap ko ito ay takot na takot ito sa akin, at ayaw ako palapitin sa kanya. Ganon ang trauma na ibinigay ko sa taong palaging pinipili ako pero kailan man diko pinili.

Sa tuwing walang pumipili sa akin, ito ang pumipili sa akin sinayang ko ang taong totoong nag mamahal sa akin.

"Please, huwag kang lalapit sakin." Takot at nanginginig na saad nito sa akin.

"Shsss.. don't cry, di kita sasaktan, but please umuwi kana??" Pag aalo ko dito na huwag na umiyak.

"Palayain mo na ako Damien, andiyan naman na si Ivy pwede na kayo maging masaya." Umiiyak na saad nito sa akin, nakaka panghina na marinig ang salitang palayin sa totoo lang.

"No, I want to be with you until death Ana." Sagot ko dito. Pero umiling lamang ito sa akin.

"Ganyan ka ba katakot sa akin Ana??" Tila malungkot na tanong ko dito.

Umiiyak sa takot si Ana sa akin na baka saktan ko ito.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Kung oo sabihin mo ng naka titig sa aking mga mata." Tanong ko dito ang mga luha ko ay gusto na tumulo sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"I don't love you anymore Damien, nagising na lang din ako na hindi na Ikaw, at sa tuwing nakikita kita ay bumalik lahat ng takot ko at lungkot." Umiiyak na saad ko nito sa akin.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang mga iyon. Sobrang sakit non.

"Kaya mo pa naman na mag hanap ng iba, at besides andiyan naman na si Ivy, you can marry her na." Pag papaliwanag nito sa akin.

Diko na pinilit pa si Anastasia dahil ayoko pa na dagdagan ang trauma na ibinigay ko sa kanya. Tinanggap ko ang annulment paper. Mabilis lang ang naging proseso non dahil nilakad talaga ng daddy niya ang lahat.

Nag usap kami sa magiging plano paano namin hahatiin ang araw ng bata sa amin, noong una mahirap tanggapin na ganito ang sinapit namin.

Si Ivy ay binalikan ko dahil sa ito din ang bilin ni Ana sa akin na maging masaya, noong una ay kinwestiyon ko ang aking sarili na kaya ko pa ba mag mahal ng iba?

Pero na natuto din ako mamahalin si Ivy muli, nag ka anak kami at ikinasal. Sa ngayon ay magkaibigan kami ni Jaxon at Ana, awkward man para sa iba, pinili namin na maging okay para anak namin.

Sa nangyari ay maraming aral ako natutunan, ang mga maling nagawa ko ay tinama ko, ang mga nagawa kong mali noon kay Ana ay hindi ko ginawa kay Ivy.

Natuto na ako sa mga kasalanan ko, matuto dapat tayong mag pahalaga sa taong nag mamalasakit satin, huwag mo hayaan na pagsisihan niyo ang mga pagkakamali, parehas kaming natuto sa nangyari.

Parehas mayroong masayang pamilya, noong una nahihrapan ako na kalimutan si Ana dahil may mga difference sila ni Ivy, pero natutunan ko rin ito mahalin tulad ng pagmamahal ko rito noon.

Kaya mga kalalakihan diyan dapat ma-appreciate niyo ang mga effort ng mg asawa niyo, parehas kayong may problema na kinakaharap. Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga asawa niyo.

Mga pagod na gigising sa umaga para asikasuhin kayo, ayusin ang mga neck tie niyo, ang pag aalaga nito sa mga anak niyo, pagod at puyat para lang maasikaso kayo.

Ang mga asawa kahit gustuhin man nila na mag saya ay mas pinipili nalang na mag stay sa mga bahay at pagsilbihan kayo. Kahit mag mukhang losiyang okay lang para sa iyo at sa anak mag sasakripisyo ang asawa mo.

Huwag niyong hayaan na mawala ang totoong karamay niyo sa hirap at ginahawa, panindigan niyo ang mga vows niyo at maging responsable na asawa.

Di na tayo bata para mag cheat sa mga asawa, ang pag cheat sa asawa ay choice mo kaya huwag niyong idadahilan na natukso lang kayo, di niyo alam ang pagod at lungkot ang sinakripisiyo ng asawa niyo para sa inyo.

Huwag niyo ipagpapalit sa panandaliang kasiyahan ang pang habang buhay. Sa una masaya pero lilipas di yan, at isang araw magigising ka na lang na wala na ang taong laging pumipili sayo.

-Damien Carter-

Happy mother's day sa mga mommy na nakakabasa ngayon. Maraming salamat sa support sa story na ito.

Baddie_Cutie8