Chapter 25: Epilogue
For Once Choose Me Please!
Sa mga nangyari sa akin sa buhay ay napaka dami kong natutunan sa buhay, matuto ka na mag antay, dahil ibinigay saiyo ni lord ang para sayo, huwag kang mag madali.
Unahin mo ang sarili ko kung saan ka mas sasaya, dahil kapag ang Isang bagay ay pinilit mo na hindi mo pa naman oras ay mag sisisi ka. Even na hindi naging maganda ang marriage namin ni Damien ay masaya pa rin ako na natuto ako.
Hindi ako nag sisi na nagkakilala kami, totoo ang mga kasabihan na hangga't dimo naranasan ay di mo ito matutunan. Madali man ang mga desisyon ko noon, pero ngayon ay oras na para baguhin iyon.
Sa ngayon ay masaya na ako sa piling ni Jaxon, ang mga nais ko noon ay naibibigay niya sakin. Yung dating malungkot na buhay ko ay muling naging masaya.
Napaka sarap sa pakiramdam na may taong nag mamahal sayo ng tapat. Sa ngayon ay tanggap ni Jaxon si Damian Kahit hindi niya ito anak ay mahal niya ito na parang sa kanya.
Sa mga oras na ito ay busy sa work si Jaxon, napaka gwapo nito sa kanya g suot ngayon. Andito muna siya sa bahay nag work dahil sa gusto niya na makasama kami.
Ilang years na din kaming kasal ni Jaxon, naisip namin na mag antay kami ng. Mga dalawang taon Bago sundan si Damian pumayag naman ito. I have a surprise na I'm pregnant.
Excited na ako na ipaalam sa kanya na I'm pregnant, this time baby na niya ito. Alam ko na kahit hindi kanya si Damian ay tanggap niya ito, pero dream din kasi ni Jaxon na mag karoon ng sarili niya na nanggaling sa kanya.
Naawa ako dito dahil kahit nasa bahay ay napaka busy nito sa mga works niya. Maya-maya may mga tumatawag na mga business partners niya. Kahit na ganon ay napaka hot nito sa aking paningin.
"Hi, do you want some coffee?" Tanong ko dito.
Tumingin ito sakin at ngumiti, ang mga mata nito ay halatang antok na sa pagod. Sinabi ko naman na pwede ako tumulong, pero ayaw niya daw at baka ma stress din daw ako sa work niya.
Kahapon ko lang din nalaman na I'm pregnant, sobrang saya ko ng malaman ko iyon, I know na matutuwa ito sa aking balita.
Si Damien naman ay nag sama na sila ni Ivy, inamin nito sakin na ako parin daw hanggang ngayon, kinausap ko ito about sa sinabi niya na this time maging faithful kana sa asawa mo.
Huwag mo hayaan na gawin mo ang ginawa mo saakin noon, yung mga hindi mo nagawa sakin noon ay gawin mo kahit kay Ivy. Huwag na ulitin ang minsang pagkakamali.
Dahil kung ako man ang tatanungin ay hindi ko ipagpapalit si Jaxon sa kung sino man iyan, sapat na sakin yung tao, bakit ko pa lolokohin? Di na kami mga bata para gawin ang mga ganong gawain.
Ilang oras ay di parin tumatayo si Jaxon sa kanyang office table. Dahil doon ay hindi ko na ito naantay naka tulog na ako sa sobrang antok. Ganito kapag buntis talaga madalas antukin.
Sa aking pagtulog ay naramdaman ko na may yumakap sakin, alam ko na si Jaxon iyon, siguro ay tapos na ito sa ginagawa niyang work.
"Hmmm.. may kailangan kaba??" Inaantok na tanong ko dito.
"Nope, totoo ba ito? I'm a daddy na ba?" Bulong nito sakin.
Napa pikit ako dahil naiwan ko siguro sa bathroom ang PT na aking ginamit. Wala na nasira na ang surprise ko dito.
Tumango nalang ako at dahan-dahan na umupo upang humarap dito.
"Yes, daddy kana!!" Masayang sagot ko dito.
Kita ko sa mga mata ni Jaxon ang labis na pag katuwa nito sa aking sinabi. Kung gaano ka protective si Jaxon noon nung pinagbubuntis ko si Damian ay mas double ngayon.
Sa katunayan pa nga ay excited ito na mag pa check up na kami agad bukas, para daw ma sure kung healthy ba daw si baby. Si Damian naman ay natuwa pa ng malaman na magiging big brother na siya.
Akala pa namin non ay mahihirapan kami na I explain sa kanya. Pero sadyang matalino ito tulad sa kanyang daddy. Minsan na kila Ivy ito at doon natutulog.
Wala namanng problema samin if doon siya minsan, ayoko na malito ang bata kapag pinag agawan namin ito, binibigay namin kung ano ang gusto niya As long as nakakabuti sa kanya.
Sa mga Lolo at Lola nito ay napaka spoiled nito, kapag nasa mga Lolo niya ito ay halos ayaw na umalis.
Umaga ng mag handa na kami upang tumungo sa hospital upang mag pa check up. Sobrang excited si Jaxon papunta palang kami.
Sa sobrang excited nito ay medyo nanginginig ang mga kamay nito. Sinabihan ko ito na mag relax di pa ako manganganak, manginig siya kapag manganganak na ako.
Nang makarating kami doon ay may mga itinanong samin ang doctor, si Jaxon naman ay akala mo siya ang mag dadala ng baby namin. Tutok ito sa pakikinig ng mga bilin ng doctor.
"Hoy, parang iiyak ka na diyan?" Biro ko dito.
" I'm so happy na, Im a daddy na." Masayang saad nito sakin.
Napaka saya na I have a happy family na ngayon. Dream come true ang dumating sakin si Jaxon.
Akala ko ay matatakot pa muli ako na sumubok mag mahal sa iba. Ang totoong ay andito lang pala ang para sakin.
Sa mga nakakabasa nito if may mga crush man kayo. Huwag niyo ipilit ang hindi naman dapat. If kayo talaga good thing iyon. Pero kung pakiramdam niyo na walang pag mamahal huwag niyo na ipilit.
Dahil sa huli ay masasaktan kayo sa mangyayari, Hindi niyo alam hanggang saan ang saya na matatamasa niyo, maaring maganda sa una pero kapag dumating ang first love ng taong mahal mo.
Doon susubukin kung kayo ba talaga o Isang experience lamang sa iyo iyon. If paano mo I handle ang sitwasyon.
Di kayo bibigyan ng challenges sa buhay ni lord kung di niyo kakayanin ang mga binibigay niya, always remember na laging may magandang plano sayo si god.
Kung di mo pa time para sa hinahangad mo matuto kang mag antay, huwag mo hayaan na mag suffer ka sa mga maling desisyon mo.
I'm happy na si Jaxon ang tamang tao para sakin. I loved him hanggang sa pagtanda namin. Lagi ko ipapadama na mahal ko siya kahit na mayroon akong past trauma.
Sa ngayon ay kapwa na kami masaya ni Damien sa mga sarili naming pamilya. Pinatawad ko na rin ito sa mga nangyari sa amin. Ayoko na habang may roon na ako na bagong pamilya ay may galit pa rin ako dito.
Kaya kayong mga nag babasa diyan maniwala kayo sakin nasa bestfriend niyo ang true love. Chariz depends parin yan mga baks.
Yung mga bata pa diyan hanggang bata pa kayo piliin niyo maging masaya, huwag mag madali dahil dadating din ang para talaga sa inyo.
Sa mga nangyari sa amin ay nanatali nalang kami as a friend, si Jaxon naman he always assure me na ako lang ang babae na lagi niyang pipiliin.
Ang mga kaibigan ko naman ay may mga sariling pamilya nadin, si Eva ay mayroong happy marriage sa husband nito, noon lagi niyang tinatanggi samin na magiging sila. Pero sadyang sila talaga ang tinadhana para sa isa't-isa.
Si Annalise naman ay nasa Canada ito doon din ito nanirahan sa ngayon dahil narin na isa siyang doctor doon sa hospital. I'm so proud na natupad na nila ang mga pangarap nila.
Si John naman ay Isa ng Architect sa katunayan ay hinahabol ito ng mga babae, akala pa namin noon ay gay siya pero nagkamali kami. Kaming magkakaibigan ay may respesto kami sa bawat isa.
Di ka namin pipilitin kung ayaw mo, aantayin ka namin na Ikaw mismo ang mag open samin non, di uso samin ang magtanong ng mga tanong na maaring maka sakit ng damdamin ng iba.
And kapag may kinakausap kami ay, we always check if ang mga words ba namin ay tama at di nakaka sakit ng iba. Ganon ka tibay ang friendships namin.
Since High School to College hanggang sa nagtapod ay nag tagal kami at buo parin.
Nahuli man ako sa pag abot sa pangarap ko ay masaya parin ako na naabot ko rin ito sa tamang panahon at oras, you need to wait patiently na dumating naman ang iyong turn.
Mabilis lang lumipas ang panahon at ngayon ay malaki na si Damian at ang anak ko na babae, si Damian ay sobrang protective sa kanyang little sister. Masaya ako na mahal niya ang sister niya kahit half sister niya lang ito.
Ngayon araw ay mag family picture kaming lahat ang asawa ko ay naka formal ito at ako naman ay naka dress na simple lang sakin. Lahat kami ay naka tingin at naka ngiti sa camera.
Now I have a happy family with the man I loved most.
I'm Anastasia Ashford. This is my story of my life of being happily married.
-Anastasia & Jaxon-
Author notes.
Mga loves I hope na marami kayong matutunan sa story na ito, I know na napaka iksi lang ng story na ito, since wala talaga akong balak na pahabain pa. I hope na nagustuhan niyo ito.
Always remember na lagi mong pag isipan ang mga desisyon mo sa buhay. Huwag gora lang gora, dahil kapag ang Isang bagay ay minadali mo may consequence ka na haharapin.
Thank you!! Enjoy reading..
Baddie_Cutie8