Chapter 20
For Once Choose Me Please!
Dahil hindi agad ako sinagot ni Damien ay nagwala ako, Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala ang baby ko.
"Ano?? Please sagutin moko!!" Umiiyak na tanong ko kay Damien.
"Don't cry, okay ang baby, mabuti at naisugod ka agad sa hospital." Maiksing saad nito sakin.
Sapat na ang narinig ko para uminahon ako sa aking narinig mula kay Damien.
"I want a annulment Damien." Walang emosiyon ko na saad dito. Wala na akong paki kung pakawalan ko man ang taong mahal ko.
Kahit hindi ko man iyon gusto, no choice nako hindi ako safe kay Damien. Baka kung may susunod pa hindi na kumapit ang baby.
"No, walang annulment na mangyayari, ginusto mo ito kaya panindigan mo rin ito." Galit na paliwanag ni Damien sakin.
Tumulo ang mga luha ko sa sinabi ni Damien. Ganito ba ang consequence ng pagiging suwail ko? I'm not happy in our relationship. Dahil ang totoo may iba siyang nakikita bukod sakin.
"Huwag na natin lokohin pa ang sarili natin Damien, Hindi natin ito maayos, akala mo hindi ko narinig na may babae ka? Si Ivy tama?" Tumawa ako ng mahina upang itago ang sakit na nararamdaman.
"Nasayang ang ilang buwan ko sayo Damien, tapos ganon mo lang ako ipagpapalit? Sabagay anong laban ko sa first love diba? Isa lang naman ako na Senior High School na naghahabol sayo noon." Malungkot na saad ko dito.
Lalapit sana sakin si Damien, agad ko na binato ang mga bagay na malapit sakin.
"No! Don't come near me, I hate you.. Hindi sana ako nag su-suffer sa kamay mo, Mali na nagdesisyon ako na pumayag makasal sa iyo." Walang pag sisi na saad ko dito.
" Don't talk to me like that Ana! Hindi lang Ikaw ang nag dudusa dito sa relationship na ito." Galit na sagot sakin ni Damien.
"So, lahat ng pinakita mo nitong mga nagdaan, Hindi totoo?" Umiiyak na pag tanong ko dito.
"Totoo iyon ang pagiging caring ko sayo, pero nawala bigla nagising ako na si Ivy parin hanggang ngayon." Nakatitig ito sakin habang sinasabi iyon.
"Okay, huwag mo na ituloy lalo mo lang sinasaktan ang feelings ko, pero please let me go na.." tuloy lang ang luha ko sa pag bagsak, dahil ayoko makulong sa marriage na walang pag mamahal.
"I said no!" Mahina na saad nito ngunit may diin ang tono.
"Ako na nagpapalaya sayo Damien, please lang kung talaga wala kang pagmamahal sakin huwag na natin ikulong ang sarili natin sa relationship na ito." Masakit para sakin iyon pero kailangan para sa anak ko.
"Hindi ko naman ilalayo sayo ang bata, kung iyon ang iniisip mo, pag uusapan natin paano ang magiging plano." Saad ko dito.
Akala ko papayag na si Damien, ngunit umalis lang ito at walang isinagot sa aking sinabi.
Gusto ko man tawagan ang mga parents ko, Hindi ko magawa dahil sa nahihiya din ako sa sinapit ng marriage ko. Dahil pinangako na magiging masaya ako kapag dumating na ang panahon.
Buti I guess I'm wrong, I'm not happy in this marriage.
Pumasok muli maka lipas ng ilang minuto si Damien. May mga food ito na dala, ngunit Wala akong gana na kainin man lang iyon. Pinilit lang ako nito dahil may bata na umaasa sakin.
"Please eat Ana, masama sa baby yang kaartehan mo." Masungit na saad nito sakin.
"Hindi ako aarte ng ganito kung lagi ko maalala ang pangloloko mo sakin. Madali magpatawad pero ang kalimutan ang kasalanan na binigay mo sakin mahirap iyon, lalo na nakikita kita." Malungkot na sagot ko dito.
Kumain ako kahit papano, dahil dumating ang doctor na pinayuhan ako na kumain ng tama lamang dahil sa medyo mahina daw ang katawan ko, mabuti na nalang at kumapit si baby ko.
Laging pasasalamat ko at hindi ako iniwan ng anak ko. Nangako ako sa sarili ko na titiisin ko lahat maging maayos lang ang pag luwal ko sa bata. At kung Hindi magbabago si Damien ay iiwan ko na ito.
Sa oras na kaya ko na, takasan ang kalbaryo na ito. Papatunayan ko na hindi lang ako basta babae. Na pwedeng maliitin ni Damien.
Pagkatapos ng nangyari ay nakalabas na din ako ng hospital mga 3 days din ako nag stay doon. Nang okay na ang aking pakiramdam ay umuwi na kami.
Hanggang ngayon pala hindi pa rin naalis ang kalat sa bahay. Andito pa rin ang mga basag na gamit dulot ng away namin. Ang bahay ang makalat may mga nag kalat na bote at mga sigarilyo.
"Kung gagawa ka ng kalokohan Damien, please lang huwag dito at bigyan moko ng respeto bilang asawa man lang." Umalis agad ako sa tabi ni Damien.
Naiiyak ako sa desisyon ko na ito, parang binigay ko nalang si Damien Kay Ivy ng ganon, Wala naman akong laban sa unang pag-ibig.
Kaysa saktan ko ang sarili ko na umasa na mamahalin niya rin ako ay magpapa-ubaya nalang ako.
Ang aking hiling lang noon ay for once choose me please Damien. But I guess Damien choose Ivy.
Dumaan ang panahon at naka graduate na si Damien. Naging busy ito dahil ito na ang papalit sa daddy niya sa kanilang company.
Kahit sa graduation ni Damien ay hindi ako nito pinapunta, dahil sa makikita daw ako ng mga kaibigan niya. Ikinakahiya ako ng sarili kong asawa, at masakit iyon sakin.
Naging civil nalang kami sa isa't-isa, sa ngayon hindi ko pa nahuhuli muli si Damien. Pero kapag dumating muli hindi ko na alam ang gagawin ko.
Araw-araw ay nasa bahay ako nag aaral kahit lumalaki na ang tiyan ko, naglinis ng ilang gamit ng bahay, kahit may kasamhabay naman.
Ganon padin hindi ako nito pinapayagan na lumabas muli ng bahay, sa tuwing may yaya na kain sa labas ang mga kaibigan ko ay puro ako excuses sa kanila na masama pakiramdam ko.
Sa umaga taga ayos ng mga gagamitin ni Damien, minsan tinulungan ko ang lalaki sa pag ayos ng polo niya. Ganon lagi nagsisimula ang umaga ko. Nakakabagot man sa bahay.
Ayoko na muling makipag talo dahil, Yung huling pag tatalo namin ay muntik na mapahamak ang baby namin.
Sa ngayon ay 3 months na ang aking tiyan, lalo lumalaki an tiyan ko sa normal na laki ng tatlong buwan. And next check up ko ay tomorrow. Excited ako na malaman if health ba ang baby ko.
Dahil kapag may morning sickness ako ay magisa lang ako, dahil nasa work na si Damien. Wala akong kutwang kundi ako lang at mga kasambahay.
Minsan parang gusto ko nalang sumuko, pero hindi pwede dapat maging matatag lalo't na magiging mother nako.
And hanggang ngayon di ay wala akong balita kay Jaxon, kung kamusta ito at nasaan ito. Kapag tinitignan ko naman ang social media niya ay naka deactivate iyon.
Busy ako sa pag aantay sa aking asawa upang asikasuhin ito sa pag uwi niya. Hindi ko napansin na ilang oras na late ito at wala pa din hanggang ngayon.
Kilala ko kung sino ang secretary ni Damien, kaya naisipan ko na tawag ito.
"Hi, I'm Mrs Carter." Masayang bungad ko dito.
"Hi Mam, how may I help you po?" Tanong nito sakin.
"Andiyan paba si Damien?" Maiksing tanong ko sa secretary ni Damien.
"Ah.. kanina pa po umalis si sir Mam. May meeting daw po ito Kay Ms. Ivy po ang pangalan." Sagot nito sakin.
Bagsak ang luha ko sa aking narinig. He never choose me. Hanggang ngayon si Ivy pa rin.
Baddie_Cutie8