Chapter 19
For Once Choose Me Please!
Kinaumagahan ay parang takot na takot ako sa aking asawa. Nagagawa na kasi nito akong saktan. Aking pinagtataka naman bakit hindi pa din bumabalik ang mga maid namin.
"Nasan ang mga maid natin?" Takang tanong ko kay Damien. Ngunit ang lalaki ay walang kibo sakin. Tahimik lamang ito.
Hindi ko nalang kinibo muli ang asawa. At baka magalit muli ito sakin nagpatuloy ako sa pagkain. Biglang lumapit naman sa tabi ko si Damien.
Dahil doon ay nagulat ako, sobrang trauma ko sa ginawa sakin ni Damien. Konting galawa ay natatakot ako, nanginginig ako sa takot. Pero sa mukha ng lalaki parang wala lang iyon sa kanya.
"Lumapit ka." Walang emosiyon na saad nito sakin. Lumapit naman ako kahit takot ako dito. May dala palang Med kit si Damien.
May kung anong ointment na nilagay sakin si Damien. Tahimik lamang kaming dalawa. Ayoko gumawa ng ikakagalit muli ni Damien. Dahil narin sa labis na takot ko sa kanya.
"Tumakas kapa hindi lang yan ang matitikman mo." Saad nito sakin. Tanging tango lang ang aking sagot sa sinabi ni Damien sakin.
"Naiinitindihan mo ba?" Striktong tanong nito sakin. Iba na talaga, bakit parang biglaan naman ang pag nababago ni Damien.
"Okay." Ayun lang ang aking nasabi sa kanya. Hindi na ako comfortable na nasa paligid ko si Damien. Parang banta siya kapag nasa malapit sakin.
Nang umalis ito ay tsaka lang ako nakahinga ng maayos. Gusto ko magsumbong sa mga kaibigan ko, pero nahihiya naman ako magsabi, at lalo na ang dami ko palang pasa sa katawan.
Mas lalong dumami ang mga guard ko sa labas. Mukhang sinugurado ni Damien na Hindi na ako makalabas. Nasa online ako ng klase ko pero lutang lang ako sa nangyari.
"Are you listening?" Tanong sakin ng aking proof. Tumango naman ako kahit Ang totoo ay hindi talaga.
Nag concealer lang ako pala di halata mga pasa ko, baka mapahiya ako pag nalaman nila. Mas pinili ko na tumahimik.
Nang matapos ang klase ay nag cellphone ako nag online buy nalang ako ng mga gamit ng baby, Hindi rin naman ako makalabas kaya nag online nalang ako.
Buong araw ay puro pagbabasa tungkol sa pag bubuntis ang aking binasa. Nag research nadin ako para maging handa.
Nang makita ko ang oras na malapit na umuwi si Damien ay nag luto ako kahit hindi ito masarap, Hindi ko nga alam kung makakain ba yun, takot din ako tikman.
Nauna na din ako kumain dahil ayoko maka sabay si Damien. Dahil natatakot na ako dito. Nasa kwarto ako ng marinig ko mula sa labas ang kotse ni Damien.
Akala ko siya lang mag isa pero may mga kasama ito na sa tingin ko ay classmates niya puro lalaki iyon. Kaya nag kulong lang ako sa aking kwarto ng mga oras na yun.
Bigla naman kumatok at pumasok si Damien.
"Don't go outside naiinitindihan mo?" Tanong nito sakin. Mabilis naman ako na tumango.
Hindi ko maintindihan bakit ayaw ako nito makita ng mga kasama niya, nahihiya ba siya na ako ang asawa niya? Ganito ba kami sa tuwing may bisita siya?
Nakinig nalang ako kay Damien, dahil narin sa ayoko ito magalit. Ginugol ko ang oras ko sa mga gawain na hindi ko pa nagawa.
Naririnig ko mula sa labas ang mga tawanan nila Damien at kaibigan niya. Ngayon ko lang nalaman na umiinom din pala itong si Damien. Ang buong bahay ay na aamoy ko ang mga usok mula sa cigarette ng kaibigan niya.
Gusto ko lumabas para sawayin sila na huwag sila mag cigarette sa bahay, dahil masama iyon sa health ko. Lalo na may baby na umaasa sakin. Mas pinili ko na mag kulong nalang sa kwarto.
Dahil kung lalabas pa ako doon ay mas lalo ko iyon maamoy. Napaka daming activity na pinapagawa sa akin ng online proof ko. Mabuti nalang at napaka understanding nito sa situation ko.
Sa sobrang busy ko diko pala napansin na masiyadong late na. Pero sila Damien ay tuloy padin sa kanilang ginagawa. Naisipan ko na lumapit sa pinto upang marinig ang pinaguusapan nila.
"Bro, kamusta kayo ni Ivy? Naka score kana ba?" Tanong ng kaibigan ni Damien sa aking asawa.
Kahit nasa taas ako ay rinig ko iyon dahil sa nagtatawanan ang mga ito ay malakas ang mga salita nila.
"For now wala pa, pero pinopormahan ko na, easy lang mga bro." Sagot naman ni Damien sa mga kaibigan niya.
Parang nanghihina ako sa aking mga narinig, so yung babaeng nakausap ko noon ay ang first love ni Damien na balita noon na ito ang kinabaliwan niya noon.
Parang nahihilo ako. Dahil sa narinig ko akala ko tapos na siya kay Cheska, kaya naman pala may reserba na bago. Akala ko maayos ko ang aming marriage.
I guess hanggang papel lang talaga ang lagay ko kay Damien. Sa aking pagiisip ay naka tulog pala ako saglit. Narinig ko naman na tahimik na buong bahay.
Sumilip ako kung andito paba sa bahay ang mga kaibigan ni Damien ng makita ko na wala, habang si Damien naman ay bagsak sa sala marami siguro nainom.
Sinamantala ko iyon at kinuha ko ang mga gamit ko. Nanginginig ako sa pag impake, dahil baka magising pa ito. Halos habulin ko ang aking hiniga sa sobrang taranta.
Kumuha nalang ako ng maliit na bag na kaya kong bitbitin. At mga ilang gamit at damit ang aking kinuha. Di naka nag tagal sa kwarto dahil baka magising na si Damien.
Masiyadong violent na ito sakin, nag simula lang iyon noong nag kapang-abutan sila ni Jaxon.
Nang matapos na ako sa mga nilagay ko ay sinara ko ng dahan-dahan ang pinto. kahit sa pag lakad mula sa hagdan ay dahan-dahan ako upang di marinig ni Damien.
Takot na takot ako na naglakad sa gilid ni Damien, animo na akala mo isa akong theif na may kinuha na mahalagang bagay.
Nasa pinto na ako ng maalala ko na naka lock pala ang pinto. Siguro bago umalis ang mga kaibigan niya ay naghanda na ito na i lock ang pinto.
Napapikit ako wala akong kundi lumapit kay Damien ay kunin ng pasimple sa bulsa niya ang susi ng lock. Kinakabahan ako na kunin iyon, Wala akong choice kundi gawin nalang.
Nang malapit ko na makuha ay nagulat naman ako na nagising si Damien. F*ck nagising si Damien.
Dahil doon ay hinawakan ng mahigpit ni Damien ang aking mga kamay. Nanglilisik ang mga mata nito sa galit na parang sasaktan muli ako.
"Please... I'm begging you let me go na Damien." Pag mamakaawa ko dito habang umiiyak sa harap ni Damien.
"Matigas talaga yang ulo mo ano?" Saad nito sakin, sobrang lakas ng hatak sakin ni Damien patayo. Kaya naman nag pumiglas ako.
"Ano ba ayoko na dito!!" Sigaw ko sa kanya.
Dahil doon ay nagalit si Damien. Tinulak ako nito dahilan ng pag tumba ko sa sahig. Malakas iyon kaya naman natakot ako ng sobra.
Masakit ang pag bagsak ko kaya naman ininda ko talaga yun. Masiyadong malakas ang puwersa ni Damien sa pagtulak sakin.
Nanginginig ang aking kamay na hawakan ang aking bandang hita. Mas lalo akong natakot na may nakapa akong blood doon. Nagsipag bagsakan ang mga luha ko.
"N-no.. Ang baby ko.." umiiyak na saad ko habang may dugo sa aking mga kamay.
Si Damien naman ay nakatingin lang sakin. Nabigla din siguro sa nangyari. Dahil doon ay sinigawan ko muli ito.
"Ano titingin ka lang?? Dalhin moko sa hospital.. ang baby ko.." umiiyak na saad ko kay Damien.
Agad naman ako binuhat ni Damien, at isinakay sa kotse. Iyak lang ako ng iyak sa takot na baka mawala ang baby ko. Dapat hindi ako mag panic pero sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko maiwasan.
"Kasalanan mo ito, gusto ko na umalis, pero ayaw mo pa!!" Paninisi ko sa aking asawa.
"Shut up Ana!!" Sigaw na saad sakin ni Damien.
Kahit nasa kotse kami ay nagsisigawan kami, dahil narin sa nag panic nako na tuloy pa din ang agos ng blood sa mga hita ko.
Nang makarating kami sa malapit na hospital ay inasikaso agad kami. Agad na tinanong si Damien anong nangyari. Tumingin pa ito sakin na parang hindi niya alam kung sasabihin ba niya na siya ang may gawa nito sakin.
"A-ah nadulas po ang asawa ko doc." Sagot nito sa doctor.
Mga Ilang minuto lang ay tila nagdilim ang aking paningin. Ang alam ko ay inaasikaso ako ng mga tao ko sa paligid.
Nang magising ako ay nataranta ako baka wala na ang baby ko. Nag wala ako ng wala akong tao na naabutan sa aking pag gising.
"Okay lang ba baby ko?? Doc..." Sumigaw ko na saad.
Nagmamadali naman na pumasok sa loob si Damien.
"Are you okay? May masakit ba?" Tanong nito sakin.
Iyak lang ako ng iyak dahil sa takot na baka wala na nga ang baby.
"Nasan ang doctor? Okay lang ba ang baby ko?" Umiiyak na tanong ko Kay Damien.
Ilang Segundo bago sumagot si Damien, kaya naman kinabahan agad ako.
"Ano??" Tanong ko dito.
"Ana.. calm down please.." pag papaalala ni Damien sakin.
Enjoy reading. :')))
Baddie_Cutie8
_____________