FINAL CHAPTER
CLARAH'S POV
“Tigilan mo ako, Flich!” bulyaw ko sa kan'ya. Kanina pa kasi siya nangungulit.
“Baby, please. Isa lang talaga, promise. Isa lang.” pagmama-kaawa nito.
“Anong isa lang? Naka-isa kana kagabi ah!” abuso amp.
“Iba naman 'yong kagabi saka masarap daw sa almusal 'yon,” pinaglaban pa talaga.
“Shut up!”
“Baby, please. Maawa ka naman sa'kin, please. Nahihirapan na ako oh!”
“Pake ko?”
“Isa lang naman eh. Promise, talagang isa nalang talaga hindi na ako hihiling.”
“Isa lang talaga ha? Promise 'yan at last na talaga?” paninigurado ko.
Tumango siya. “Opo, baby. Promise!” naniningning ang matang wika niya. Kinagat pa niya ang ibabang labi niya na nagpadagdag sa kagwapuhan niya.
“Pasalamat ka malakas ka sa'kin,” lumapit ako sa kan'ya.
Ginawaran niya ako ng isang halik sa noo saka niyakap. Kapag may kailangan talaga 'tong lalaking 'to sobrang sweet. Kaka-isa niya lang kagabi eh.
“So, pwede na?” nakangiting tanong niya.
Ngumiti din ako saka tumango. “Pwede na,” sagot ko.
“I love you,” sweet na sabi niya.
“I love you too,” tugon ko.
Pareho kaming napabalikwas ng biglang malakas na bumukas ang pinto. Putangina, bakit naman sinipa?! Huli pa sa akto na si Andrew ang sumipa nito dahil siya ang naka-angat ang paa. Anong trip ng mga 'to?
“What the fuck?! Bakit mo sinipa?!” sigaw ni Flich.
“H'wag niyo ituloy 'yan! Bata pa kayo!” pinagsasabi ng buntis na 'to?
“Huh?” sabay na tanong namin. Hindi namin sila gets sorry.
“Magju-jugjugan kayo hindi ba? H'wag muna! May pangarap pa kayo sa buhay!” p-potangina.
“Anong jugjugan pinagsasabi niyo? Mga hangal!” stress ako ng nga 'to
“Bakit? Ano bang gagawin niyo?”
“Oo nga. May pa-isa pa, isa pa kasi kayong nalalaman eh,” kamot ulong sabi ni Zyria.
“Oo nga tapos sabi pa ni Flich nahihirapan na siya.”
“Saka tunog magju-jugjugan eh!”
Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa mga sinabi nila. Lord, patawarin mo po sana ang maduduming utang ng mga kaibigan ko. Ikaw na po bahala sa kanila kung gaano kadaming minus point sa langit ang ibabawas mo. Amen!
Tumawa si Flich ng sobrang lakas. “HAHAHAHA gago! Ang HAHAHA potangina HAHAHAH ang green—HAHAHA minded niyo HAHAHAHA” tumatawang sabi nito.
“May naintindihan ka?” tanong ni Queenie kay Zyria.
Umiling si gaga. “Wala, ikaw meron?”
“Wala din eh. Puro HAHAHA lang naintindihan ko.”
“HAHAHA pasensya na HAHAHAHA hutangina!”
“Mamatay ka sana kakatawa!” grabe naman 'tong si Sandra.
“Bakit naman kasi ang gm niyo? Hindi naman porket ISA PA saka NAHIHIRAPAN NA ibig sabihin no'n sex,” umerap ako.
“Eh, ano bang meaning no'n?” tanong ni Kion.
“Gusto niya lang manigarilyo. Pinagbabawalan ko na kasi siya sa gano'n baka mamatay—aray, Flich ha!” batukan ba naman ako.
“Pinapatay mo na agad ako eh!”
“Gago! Sinasabi ko lang naman.”
“Kahit na! Mali pa din 'yong gano'ng words!”
“Walang may pake.”
“Bakit kasi sa loob pa ng kwarto dapat pag-usapan 'yang paninigarilyo na 'yan?!” ay, parang kasalanan pa namin.
“Eh, nandito kami eh. Anong magagawa mo?” pagtataray ko.
“Saka may nalalaman pang masarap daw sa umaga, tsk!”
“Bakit ba kayo nandito?” pag-iiba ko ng topic.
“Wala lang. Isang linggo na kaya kayong dalawa na hindi pumapasok. Akala nga namin honeymoon niyo na eh, tapos nagkaroon kayo ng secret weeding na hindi kami invited. Okay lang naman kung gano'n. Sino ba naman kami? Hamak na kaibigan lang naman kami sa buhay niyo kaya okay lang. Promise—awww! Zyria naman eh!” buti nga sayo Queenie.
“Ang drama mo tanga. Isa lang tinanong sayo tapos 'yong sagot mi daig pa miss universe,” mataray na sabi ni Zyria.
Natawa nalang ako sa kanila. Kung dati si Aleah at Queenie ang nagbabatukan ngayon naman si Zyria at Queenie. Hindi na nila pwedeng batukan si buntis may kamay na nasalag sa kan'ya. Iba din ang love story nitong dalawang 'to. Sobrang unexpected talaga, as in!
Nagdesisyon silang dito na din kumain. Na-miss din naman namin mag-bonding kahit kulang na kami. Wala si Kreus at wala si Aldrake. The good thing is nagkaroon kami ng Kion na nag-aalaga kay Zyria. Para nga silang mag-jowa eh. Malay ko kung sino si Kion. Hindi naman siya na-ikukwento ni Zyria sa akin. Si Aldrake naman hindi na din namin masyadong nakikita at kapag nakikita naman namin silang dalawa ni Shane parang wala kaming pake sa kan'ya.
Kami na din ang lumalayo sa gulo. Mahaba-habang journey pa ang gugugulin namin sa BCU at ayaw naming mapa-alis dahil nakapatay kami ng isang inggratang babae. Pagmumukha palang no'n talagang nakakayamot na. Feeling mabait pa sa ibang estudyante. Akala mo approachable talaga siya pero kapag naka-talikod, to do back stab naman. Hay nako mga plastic nga naman. Nagkalat na talaga.
“Zyria,” tawag ko sa kan'ya.
“Uhm?” sagot niya habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig niya. Kasalukuyan din kasi kaming kumakain ngayon.
“May tanong ako,”
“Ano 'yon?”
“Paano kung bumalik si Aldrake?”
Natigilan siya sa pag-nguya dahil sa tanong ko. Kung kanina, nakatingin siya sa akin ng maayos, ngayon naman ay nag-iwas siya ng tingin. Mahal niya pa si Aldrake pero hindi ako sigurado kung papayag pa siyang bumalik ito.
“Hindi na siya pwedeng bumalik,” madiing sabi ni Kion.
“Bakit naman?” tanong ko.
“I will kill him for hurting my girl!” sana all po.
“Saka, hindi na din talaga babalik 'yon. Masaya na siya kung nasaan siya ngayon. Tignan mo silang dalawa ni Shane ngayon? They laugh together, they eat together kulang nalang they eat each other.” pabiro ngunit halata ang lungkot sa tono ng pananalita niya.
Tumayo si Kion saka lumapit sa kan'ya. Niyakap siya nito mula sa likod. Tangina, sana all! Sana all ng malala. Mukha silang mag-jowa pero ang totoo niyan hindi talaga namin alam kung ano silang dalawa. Ang mahalaga, tao sila tapos buhay.
“Bakit ba kasi gan'yan ang pinag-uusapan natin sa harap ng pagkain?” singit ni Aleah.
“Oo nga! Dapat ini-enjoy natin 'tong pagkain na 'to!” gatong ni Queenie.
“H'wag ka masyadong kumain niyan, buntis. Baka makasama sa baby mo,” saway ko sa kan'ya.
“Kain na ulit tayo. Kain malala!”
Muli naming ipinagpatuloy ang pagkain namin. Napunonng tawanan ang buong bahay. Parang kailan lang andami pa naming mga problema. Kailan lang no'ng huli kaming tumawa ng ganito dahil halos lamunin na kami ng problema. Si Zyria na bigla nalang iniwan ni Aldrake. Alam kong masakit pa din sa kan'ya hanggang ngayon na wala na si Aldrake. Ikaw ba naman masanay sa taong halos ginawa kang mundo pero kaya ka palang iwan.
Si Aldrake, maiha-halintulad ko siya sa isang astronaut na dumayo sa ibang planeta. Nag-stay doon hindi para manirahan habang buhay, nadoon lang siya para mag-observe, mag-experiment. Gaya ng ginawa niya kay Zyria, hindi niya talaga ito ginawang mundo. Basta nag-stay siya kay Zyria para gawing trial card.
Aray, trial card!
Si Aleah naman, siya ang may pinaka-magandang love story sa aming lahat. Umaasa pa naman ako na si Queenie at si Gio ahg magkakatuloyan pero hindi pala. Malay ko ba na end game sila? Nabuntis, pinanindigan, minahal at ngayon? Halos buong mundo, kilos, galaw at mga desisyon ni Gio kay Aleah na naka-base. Imagine, from "every girl must have a protective boy bestfriend," to "ako ang ama ng dinadala niya," ang ganda kaya!
“Tulala ka?” bulong ni Flich sa tenga ko. Nakayakap ito mula sa likod ko habang pareho kaming nakamasid sa labas.
“Hm? Wala, naisip ko lang 'yong mga past na nangyari,” may ngiting sabi ko.
“Bakit mo naman iniisip 'yon?”
“Kasi, ngayon ko lang na-realize na hindi pala tayo magiging ganito kung hindi nangyari lahat ng 'yon. Oo, madaming luhang nasayang, madaming nasaktan pero alam ko na may purpose lahat 'yon,” nilingon ko siya. “Gaya nating dalawa,” nakangiting sabi ko.
Ginawa niya ako ng munting halik sa labi saka ngumiti. “Yeah, after putting some CCTV's sa apartment mo, stalking you, pagbabanta sayo, pananakot sayo, pagsi-sinungaling sayo, paglilihim sayo, still nandito tayong dalawa. Magkasama.”
“Paano mo nga pala nalaman 'yong password ko sa apartment na tinutuluyan ko?” takang tanong ko. Sa pagkaka-alam ko mahirap hulaan 'yon eh.
“Stalker ako, wala akong hindi alam tungkol sayo,”
“Hindi ka naman mayabang sa part na 'yan?”
“Hindi hahaha”
“Tsss...”
Pinihit niya ako paharap sa kan'ya. “Ang ganda mo talaga,” nakangiting puri niya sa akin.
Um-erap ako. “Alam ko na 'yan,”
“Alam ko naman 'yon haha” happy yata sa'kin 'to.
“Happy?” taas kilay na tanong ko.
Imbis na sagutin niya ako, bigla niya akong hinalikan. Magnanakaw! Ikinapit ko ang kamay ko sa balikat niya. Lumalalim na ang halikan namin. Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Damn! Ang galing niya talaga humalik kahit kailan. Bumitaw lamang siya ng halik ng pareho na kaming halos kapusin sa hininga. Hinampas ko siya sa dibdib ng mahina habang hinihingal pa.
“Sobra kana ha!” hingal na sabi ko.
Ngumiti lang siya. “I love you,” ayan nanaman siya.
“Thank you.”
“Oh, come on! I love you too o finger?”
Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. “Gago!” sigaw ko. Napapikit pa siya sa lakas ng boses ko.
“Sasagot lang naman ng I love you too, mahirap ba 'yon? Palagi naman tayong nag-a-I love you-han ah?”
“Tsk... okay, I love you too!”
Ulit, I love you.”
“I love you too.”
“Ampanget mo naman mag-salita, halatang napipilitan!”
Ang dami naman reklamo ng isang 'to, “ang dami mo namang reklamo!”
“Eh, ikaw eh. Ayaw mo kasi ayusin!” ako pa talaga ang sinisi.
“Paano ang demanding mo masyado!”
“Kasalanan ko bang NASOBRAHAN sa sweet ang baby ko?” taas kilay na tanong niya.
“Ang daldal mo!” hinapit ko ang leeg niya sabay hinalikan siya.
Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero agad din itong nakabawi at tinugon ang halik ko. Ganito lang naman kasi talaga magpa-tahimik ng madaldal. Halikan mo! Bibig mo ang gawin mong busal sa bibig niya.
“I love you,” nakangiting sabi ko sa kan'ya.
Ngumiti din siya, “I love you too, baby.”
Acckkkkk
Napangiti ako ng malapad dahil sa tawag niya sa akin. Ang sarap lang pakinggan kapag sa kan'ya nang-galing. He's the most unexpected man of my life.
My possessive stalker, Flich Dreuz everyone!