CHAPTER 13

CLARAH'S POV

Nasa loob ako ng library ngayon. Busy sa pagt-type ng mga school works na hindi ko nagawa. Kanina ko lang 'to kinuha. Ayaw pa nga sana ibigay ng mga teachers dahil supposedly daw pahinga ko ngayon. Syempre ang lola niyo mapilit kaya talagang kinuha ko sa kanila. Isa pa, ayoko ng masyadong tambak 'yong sinasagutan ko kasi nakaka-pressure magsagot ng sobrang daming activities.

Ang tahimik ng paligid. May iilang estudyante din na nagbabasa ng libro, 'yong iba naman nagawa ng research nila, may mga tulog din pero nasa bandang dulo sila 'yong hindi makikita ng nagbabantay. Sandali kong isinandal ang likod ko sa upuan at saka pumikit. What happened tomorrow still flashing back on my mind.

Mga malalanding 'yon! Arghhh ewan! Naiinis ako kapag naaalala ko! Isama mo pa 'yong Flich na malandi, talagang naghubad pa sa harap ng maraming tao. Napakalandi nila, sobra! Inayos kong muli ang ulo ko.

Bakit nga ba ako naiinis?

Bakit ganito 'yong nararamdaman ko?

Bakit parang.....

Parang nagseselos ako?

Hindi pwede 'to. Alam kong hindi pwede 'to after what happened hindi na ako pwede ma-in love. I promised to myself na magfo-focus nalang ako sa mga bagay na magpapasaya sa akin and I won't let happen na ma-involve nanaman ako sa isang lalaki. Ayoko na, ayoko ng masaktan ulit!

Pero, paano ko 'to pipigilan?

I shook my head.

Clarah ano ba?! Umayos ka nga! Kahit naman may nararamdaman ka kay Flich hindi niya 'yon malalaman! Isa si Flich sa mga heart rob dito. All girls want him kaya sino ba naman ako para mapansin niya as IBANG TAO. Hindi 'yong bilang kaibigan niya o bilang kasundo niya basta ibang tao. Unless magpapansin ako sa kan'ya pero hindi ko naman gawain 'yon.

I do have my own principle na kahit gaano ko ka-gusto ang isang tao hindi ko ibaba ang sarili ko para sa kan'ya. Babae ako, masyado akong maganda para magpakababa.

Na-i-stress ako sayo Flich umayos ka! Kasalanan mo 'to malandi ka kasi eh. Kung hindi ka malandi edi sana hindi kita crush. Kasalanan mo din naman kasi 'yan self. Ang bilis mo bumigay! Inaasar ka lang tapos pinapakitaan ng magandang treatment may feelings kana agad. Bobita!

"Hay nako!" singhal ko.

"Quiet please"

Napa-peace sign ako dahil doon. Naalala ko nasa library nga pala ako. Gusto kong mag-focus kaso pumapasok sa isip ko si Flich.

Kailan pa ako naging pempem Flich at pinapasukan mo 'yong isip ko, ha?!

Daming alam Clarah gumawa kana ng activities mo gaga ka. Argh! Ayoko na! Suko na ako! Hindi din naman ako makapag-focus dahil sa pesteng..... pesteng basta! Peste siya! Naalala ko nanaman 'yong babaeng sumigaw sa kanya ng, "palahi" like hello girl paunahan nalang tayo charr. Grabe naman kasi ang landi niya porket gwapo magpapalahi agad?

Bakit hindi kaya kay Xander ford siya magpalahi?

Tutal pareho naman silang attention seeker. Ang pinagkaiba lang nila, si Xander Ford may ibubuga siya? Wala. Sino kaya 'yong mga babaeng 'yon? Ang sarap ipahanap tapos ipa-salvage mabawasan lang lahat ng malalandi dito sa mundo. Isa silang maderpaker shit na nabuhay dito sa earth para maging ahas!

Buntong hininga ulit. Napag-desisyonan ko na lumabas nalang ng library. Gano'n din naman lumilipad din naman 'yong isip ko. Ang lagay eh, parang pumunta lang ako doon para mag-imagine ng mga nakakainis na scene tapos aawayin ko sa utak ko. Road to baliw na ako congrats me naman guys!

"Clarah!" speaking of the malanding hinayupak.

Napa-erap nalang ako sa hangin saka huminto sa paglalakad. Gwapo niya ngayon ah, ngayon ko nalang ulit siya nakitang naka-uniform. Minsan kasi tamad talaga siya mag-uniform eh.

"Kailangan mo?" agad na tanong ko ng makalapit siya.

He pouted his lips. "Sungit mo naman" pa-sad boi na sabi niya.

Tangina sarap halikan!

"Hindi bagay sayo" mataray na sabi ko. Um-erap pa talaga ako ulit para iparamdam sa kanya na hindi talaga bagay.

Mas bagay kasi kami. Enebe ang landi mo self kingina ka!

"Grabe may dalaw kaba ngayon? Ang sungit mo eh" natatawang sabi niya. Damn! Lumalabas 'yong kagwapuhan niya kapag natawa siya.

Umiling ako. "Wala may mga inaasikaso lang ako" malamyang sagot ko.

"May sakit kaba?" concern yarn?

Without my permission idinampi noya 'yong palad niya sa noo ko, shit! "Wala ka naman palang lagnat akala ko kasi meron. Dapat nagpahinga ka muna"

"Hindi na kailangan. Mamaya nga pupunta pa ako sa mga bahay ng babies ko"

"Samahan kita?"

Mabilis akong umiling. "H'wag na baliw baka mamaya hindi ka mahilig---"

He cut me off, "mahilig ako sa aso." nakangiting sabi niya.

"Owkay?" kung minamalas ka nga naman sabing iiwasan na kaso siya talaga 'yong nalapit eh.

"Ano? Samahan kita ha?" paguulit niya.

Tumango nalang ako. "Sige, mamayang 5 pm ang punta ko doon"

"Okay! Teka, kumain kana ba?"

Enebe pereng tenge nemen eh.

Palihim kong kinagat ang labi ko sa kilig. Tangina akala ko dati sa ihi nalang talaga ako kikiligin pwede pa palang maulit 'yon?

"Mamaya na ako kakain pagtapos nito" sagot ko sabay turo sa mga activities ko.

Walang anu-ano'y inagaw niya mula sa kamay ko lahat iyon. "Kain ka muna hindi 'yong puro pagpapa-stress ang inaasikaso mo" sabi niya.

Aagawan ko sana 'yong mga iyon kaso inilalayo niya sa'kin. "Akin na 'yan! Kailangan kong tapusin 'yan ngayon eh!" protesta ko.

Umiling siya. "Hindi. Kakain ka muna bago mo 'to gawin!" madiin na sabi niya.

Tangina naman Flich eh, kinikilig na ako dito oh! Parang tanga ang lakas maka-concern kaya mo bang panindigan 'yong nararamdaman ko? Syempre, hindi ang sagot diyan dahil pers of ol hindi naman ako pasok sa standard niya.

"Ano na?" nag-snap siya sa harap ko.

Napakurap ako sabay iling. "Akin na kasi 'yan" pilit ko pading inaagaw sa kan'ya.

"Ayoko nga. Kumain ka muna ibibigay ko sayo 'to," tila nang-aasar pa 'tong hinayupak na 'to

Napa-erap nalang ako. Bahala siya diyan kung ayaw niya ibigay, edi h'wag! Tinalikuran ko naman siya saka naglakad palayo. Bakit ba? Ipipilit ko paba ang gusto ko kung ayaw niya? Echos lang ang drama ko. Nagulat nalang ako ng may biglang kamay na humawak sa kamay ko na nagpatigil sa'kin sa paglalakad.

Nilingon ko siya, "ano?!" masungit na tanong ko.

"Ang sungit mo pero in fairness bagay sayo HAHAHA" nang-asar pa talaga.

"Ako Flich tigil-tigilan mo ha!" inis na sabi ko. Itinuro ko pa talaga siya para dama.

"What? I didn't do anything," inosenteng sabi niya.

Damn this man! "I didn't, I didn't ka pang nalalaman diyan!"

"Niyayaya lang naman kasi kitang kumain, ano bang masama doon?"

Oo nga namaN Clarah ano bang masama sa sinabi niya? Are you avoiding him? You avoiding him, are you? Parang tanga self.

"May tatapusin pa nga kasi ako" pagdadahilan ko.

"Tulungan kita?"

"Talaga?"

"Kung kakain ka"

"Ano ba naman 'yan tara na aba!"

Rupok self!

Nalaman ko nalang na ako na pala ang humihila sa kan'ya papasok sa canteen. Alam kong ayaw niya dito pero ito lang kasi 'yong malapit na kainan dito sa loob ng campus. For sure hindi kami palalabasin ng guard kasi hindi pa naman break time.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makapasok kami sa canteen. Sabi ko na nga ba hindi niya talaga magustohan dito. Kung ako lang naman no problem kasi kaya kong makihalubilo pero siya? Ewan ko ba kung bakit lahat ng kaartehan napunta sa tatlong hinayupak na 'yon.

"Bakit dito?" tanong niya ng makapasok kami.

"Bakit? Masama ba na dito tayo kumain?" tanong ko pabalik.

He shook his head, "no. I mean, may kainan naman na iba bakit dito pa? I'm not comfortable here"

"Then make your self comfortable" madiing sabi ko.

Hinila ko muli siya papalapit sa isang table. Wala pa namang estudyante, mga teachers palang ang bumibili. Masinsin niyang inilibot ang mga mata niya sa paligid. Tila naninibago siya sa inuupuan niya saka at sa view na nakikita niya. Doon kasi sa cafeteria na kinakainan namin mas maganda ang design. Masarap din ang luto doon pero mahal kumpara dito.

"Bakit kasi dito pa eh!" reklamo nanaman niya.

"Gusto ko dito eh"

"Sige na o-order na ako," sabi niya. Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko kaagad.

"Wait! Ako na bibili," presenta ko sabay tumayo. "just upo there and relax" may kalokohan akong naisip.

Hindi na siya nakapalag pa dahil umalis ako kaagad. Bibilhan ko siya ng mga pagkain na kahit kailan hindi niya pa nakain. Ako kasi walang pili pero siya sobrang mapili. Dapat sa gano'n inaalis kasi hindi din maganda sa katawan na mapili ka lalo na't hindi ka naman gold.

"Ate pabili po nitong tortang talong, uhm... ito din pong nilagang itlog at saka ayon pong ginataang langka ninyo," sabi ko sa tindira. "ay ate pakisamahan na din po pala ng dalawang zest-o." dagdag ko pa.

Yare ka ngayon sa'kin, Flich.

Ngayon palang gusto ko ng humagalpak ng tawa sa sobrang saya. Na-i-imagine ko kasi kung paano kakainin ni Flich 'yong mga pagkain na nasa harap ko. Gagi ang laugh trip lang talaga kasi 'yong kaartehan na taglay niya daig na daig pa ang babaeng. Oo, matakaw si Flich at kaya niyang gumastos ng 10-20k sa loob ng isang araw para lang sa mga pagkain niya. Ang kaso nga lang 'yong matakaw na 'yon hindi pa nakakatikim ng mga pagkain na mas masarap pa sa binibili niya.

Ako kasi sanay na ako. When I was 16 years old naging part ako ng girls scout at talaga namang nahasa ako doon para maging survivor. Doon ko natutunang kumain ng mga gulay na kami mismo ang magluluto kahit panget ang lasa basta kakainin namin. Doon ko din natutunang sumagip ng mga hayop. As far as I remember may nasagip akong dog noon na nahulog sa kumunoy. I did all my best para lang makuha siya that time kaya nagkaroon din ako ng mataas na position sa amin.

"Ineng ito na 'yong binili mo" sabi ng tindira. Panira naman ng kwento eh!

Ngumiti ako, "salamat po" nakangiting sabi ko saka umalis na sa harap niya dala-dala ang isang tray na may pagkain naming dalawa.

Naglakad na ako palapit kay Flich. Nakatingin ito sa labas, mukhang bored na siya kakahintay. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo tangina. Sinong mag-aakala na ako? Magkakaroon ng konting feelings kay Flich? Ang alam ng karamihan si Aldrake talaga ang gusto ko. Pwes mali sila, maling-mali dahil sa una palang wala na talaga akong gusto kay Aldrake.

Inilapag ko ang tray na sa mesa. "Ayan na po ang pagkain," sabi ko sabay ngisi.

Tinignan niya ito. Tumingin siya sa'kin ng naka-kunot ang noo. "Ano 'to?!" iritang tanong niya.

"Pagkain, ano paba?"

"What kind of food is this?"

"Nakakabusog 'yan"

"I don't care hindi ko alam 'to. Hindi ko 'to kakainin bahala ka sa buhay mi" masungit na sabi niya.

Umiling ako. "Kapag ito hindi mo kinain, hindi kita papansinin." pananakot ko.

"Pwedeng ibang pagkain nalang, please? I don't know this food and I... I don't want to eat this" parang babae amp.

"Isa!"

"But..."

"Dalawa!"

"Cla---"

"Okay fine h'wag mo kainin. Maka-alis na nga lang" ang drama mo self yawa.

Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako gamit ang isang kamay niya. Tumingin siya sa'kin saka nagpakawala ng malakas na buntong hininga.

"Okay, fine! Kakainin ko na 'to" napipilitang sabi niya.

"Good, ngayon kain na tayo" sabi ko saka umupo.

Nakangisi akong pinagmamasdan siya kung paano niya hawakan 'yong tortang talong. Hindi mo malaman kung nandidiri ba siya o ano? Grabe kana Flich hindi ko alam na gan'yan ka pala kaarte sa pagkain.

Inagaw ko sa kan'ya 'yong kutsara saka tinidor. “Hey! Akin na 'yan paano ako kakain?!” protesta niya.

“Mag-kamay ka.”

“Ayoko nga!”

“Ang arte mo naman! Paano nalang kapag may gera na? Paano kapag wala ng stuck na masasarap na pagkain tapos kailangan mo ng kumain ng nagkakamay with matching kanin na asin lang ang ulam? Paano ka? Edi ikaw 'yong unang namatay dahil sa gutom?” mahabang sabi ko.

Kumunot ang noo niya, “Ang advance mo.”

“Syempre! Dapat matutunan mong maging practical hindi 'yong palagi ka lang naka-depende sa isang bagay na nakasanayan mo,” sermon ko pa. Napa-pout naman si gago.

Ang cute!

“Kasalanan ko bang hindi ko alam 'yong mga pagkain na 'yan?”

“Oo!” hinampas ko 'yong lamesa. Nanlaki naman ang mga mata niya, “hindi ka kasi nag-explore kaya kasalanan mo!”

Parang tanga ka self umayos ka nga!

“Calm down,” pag-aalo niya sa akin.

“Hindi ako kakalma kung hindi mo 'yan kakainin!” malakas na sabi ko.

Nakita kong napahagikhik 'yong mga tindira sa likod. Alam din kasi nila ang ugali mi Flich na maarte. Halos lahat naman dito alam na maarte si Flich sa pagkain at alam din nila na matakas siya. Oo, matakaw siya pero hindi sa lahat. Pinipili niya lang din 'yong mga kinakain niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Ano? Hindi kapa talaga kakain?” mataray na tanong ko.

“Damn it!” he cussed.

“Ano????” nahihiya na ako Flich oh tangina ka.

Bumuntong hininga nanaman siya. “Oo na! Oo na! May pa-explore-explore ka pa diyang nalalaman tsk” susunod din naman pala andami pang arte punyawa.

Umupo na ulit ako sa bangko. Binabantayan ko padin siya kasi baka itapon niya or something, you know?

“H'wag mo'ko tignan” sabi niya.

“Gold kana ba para hindi tignan?”

Umuling siya. “Naiilang kasi ako,”

“Kumain ka nalang diyan” utos ko.

“Kumain ka din,”

Dinampot ko 'yong tinidor at kutsara na inagaw ko mula sa kan'ya. Ako na gagamit nito bahala ka diyan. Habang kumakain hindi ko ma-iwasang mapasulyap sa kan'ya. Ang gwapo niya talaga, sobrang gwapo. My heartbeats fast again. Alam kong maling magkagusto nanaman ako sa isang tao. Sana lang talaga mapigilan ko 'to habang maaga pa.

GIO'S POV

“So, how is she?” Kreus asked while looking at me.

I shook my head. “She's okay but I'm not that sure kung talaga nga bang okay siya,” I answered.

“How about the girl you're talking about?” usyuso niya.

“Still, I don't know. We're not that close.”

“What if---” I cut him off.

“I will accept her” agad na sagot ko.

“Paano kung bu---” hindi ko na ulit siya pinatapos.

“Hindi mangyayari 'yan. As much as possible habang maaga pa babakuran ko na siya,”

“You have the guts to do that, huh?” sabi niya at napangisi.

“I'm not scared like Flich”

“That man, hindi padin ba siya nakaka-amin?”

Umiling ako. “Hindi pa,” sagot ko.

“I'm just scared that one day may magawa siyang hindi maganda kay Clarah. You know him since before he's too possessive,” sabi niya.

Napatango ako. “Oo nga. Baka nga mapunta sa kung saan 'yong ginagawa niya lalo na't madami pa namang nagkakagusto kay Clarah.” sang-ayon ko.

Nagpakawala siya ng usok mula sa sigarilyo niya. Yes, nagkikita kami ni Kreus pero hindi palagi. Kapag natataon lang na pumapasok ako sa store na pinagtra-trabahuhan niya bilang security guard. He do have his work already and he also stopped studying.

“Kailan mo balak harapin si Zyria?” tanong ko. Kahit sino naman tanong 'yan kasi matagal na din siyang hindi nagpapakita sa kapatid niya. It's almost year, I think.

“Undecided. I just want her to be happy right now.”

“Hinahanap ka niya,” sabi ko saka at tinignan siya.

“Why?”

“Kasi hindi daw siya magpapakasal kay Aldrake kapag wala ka.”

Umiling siya. “Tss... that girl never failed to amazed me. She always makes me feel special even though I hurt her,” nakatingin sa malayong sabi niya.

Alam kong nami-miss niya na din ang kapatid niya hindi niya lang sinasabi. Ang problema kasi sa lalaking 'to masyadong mataas ang pride. He never think those people he already hurt basta ang mahalaga napapanatili niyang mataas 'yong pride niya.

“Akala ko hindi mo 'yan nararamdaman.” I chuckled.

“I always, stupid!” mataray na sabi niya, “I just... ewan basta ayoko sa kan'yang ipakita na mahal na mahal ko siya as my sister.” he said.

“Mataas kasi ang iyong pride,” tumatawang sabi ko.

“I know” mayabang na sagot niya.

“Anong oras na pala? So, got to go?” paalam niya.

“Sure,” tumatangong sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa, basta umalis na siya. I shook my head while looking at him. This man also never failed to act like kuya to us. He always give us advice and he always guide us.

Sinadya kong pumunta sa kan'ya ngayon para humingi din ng advice saka magsabi. I know it's a mistake pero wala eh, nagawa ko na. Sinabihan niya ako na h'wag ko nalang daw hayaang makawala siya kahit secret muna. Hindi ako takot na sabi sadyang naghihintay lang ako ng pagkakataon. Ayoko munang isingit 'yong gusto ko ngayon dahil baka hindi maganda ang mangyari. Baka imbis na mapunta siya sa'kin mas lalo pa siyang lumayo.

Sooner or later, I will tell her. Just wait baby I will take care of you.

FLICH'S POV

Naiiling akong pinagmamasdan ang gwapo kong mukha sa harap ng salamin. Nakaka-inis ka Clarah bakit mo'ko pinilit na kainin lahat ng iyon? Ayoko sa gulay at lalong ayoko sa gano'ng pagkain pero in fairness ang sarap niya. Saan naman kaya natutunan ng babaeng 'yong kumain ng ganoong pagkain?

“Ang gwapo mo, Flich” puri ko sa sarili ko.

Sobrang gwapo ko.

Napaka-gwapo ko.

Pinaka-gwapo ako h'wag lang sisingit si Aldrake.

Lumabas na ako sa cr matapos kong maghilamos. Agad na bumungad sa'kin ang inip na mukha ni Clarah. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na kanina pa kami magkasama ng babaeng 'to. Kailangan ko pa kasi siyang turuan nang turuan dahil napaka..... napaka-slow niya.

“Antagal mo,” mataray na sabi niya.

“Sorry naman po mada'm 'no?”

“Bilisan mo na gusto ko ng matulog eh!” inis na sabi niya habang nagpapadyak ang mga paa.

“Wow! Kasalanan ko bang slow ka kaya ang hirap mo turuan?” sumbat ko.

“Eh.... h'wag mo ng isingit 'yan ang usapan dito eh, 'yong kakuparan mo!”

“Oh? Ano naman kung makupad ako?” taas kilay na tanong ko.

“Tumatagal 'yong oras!”

“Matagal talaga ang oras kahit anong gawin mo!”

“PUTANGINA MAY LOVERS NA NAGAAWAY!”

Dahil sa sigaw na 'yon sabay kaming napalingon. Si Queenie nanaman na madaldal kasama si Aleah na nakangiwi habang nakatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Clarah sabay taas ng mga kilay namin.

“Sana all!” sabi ni Aleah.

“Okay lang guys! Okay lang! Hindi naman kasi kayo masakit sa mata, sige lang,” sarcastic tone na sabi ni Queenie.

“Ewan sa inyo” inis na sabi ni Clarah sabay walk out.

Natawa nalang ako saka sinundan siya. Hay nako, ang sarap maging asawa nito. Hindi na kami nagtalo matapos 'yon. Tinuruan ko siya at ang ending ako na ang nagsagot ng mga papel niya. Oo nga pala, bukas nga pala 'yong birthday niya.