Chapter 12
ALEAH'S POV
Fresh air, calm place at sobrang gandang tanawin. Sana dito nalang ako nakatira. Nakaka-wala ng stress, nakaka-tanggal ng mga negative thoughts 'yong ganitong klase ng lugar.
I took a deep breath. Tumingin ako sa mga kasama ko na nagkakagulo sa tapat ng pintuan ni Clarah at Flich. 6 am palang ngayon at heto kami nangangalampag. Kung itatanong niyo kung nasaan si putanginang Andrew pwes nandito sa tabi-tabi kasama 'yong girlfriend niyang... maganda.
Maganda kaysa sa'kin.
“Umayos nga kayo!” mahinang sabi ni Queenie. Surprise daw kasi 'to kaya hindi kami pwedeng mag-ingay.
“Antagal naman kasi magising tangina!” reklamo ni Zyria.
“Sabing h'wag ka magmumura” saway sa kanya ni Aldrake.
Okay lang ako dito. Hindi naman masakit sa eyes makakita ng gano'n. Ayos lang sa'kin. Sino ba naman ako para magkaroon nga ganyan? Ako lang naman si Aleah maganda na pinagpalit dahil sa napkin.
Nyawa!
“Ang ingay!” dinig naming sabi mula sa pinto ni Clarah. Oo nga pala sensitive 'tong isang 'to sa ingay lalo na kapag nagpapahinga siya.
“Ayan na siya hihi” huma-hagikhik na na sabi ni Queenie. Napaka-energetic.
“Okay at the count of 1...” hindi na naituloy ni Andrew ang pagbibilang dahil biglang bumukas ang pinto.
Gulat na nakatingin sa amin si Clarah. Alagang tide kami Clarah pasensya na. Napatakip siya ng kanyang bibig, siguro mabaho hininga niya.
“SURPRISE!” sabay-sabay na sabi namin.
“Gagiii”
“Gagi lang?” nakangiwing tanong ni Zyria.
“Oo nga! Gagi lang isasagot mo sa'min?” sakay ni Queenie.
“Teka, wait, sandali!” tila natatarantang sabi niya, “KYAHHHHHHHHHHHH NA-MISS KO KAYOOOOOO” ang sakit sa tenga ng tili niya!
Nagtatatalon si Clarah sa tuwa. Bigla niya ding niyakap si Queenie at Zyria. Wala pang toothbrush 'yan ha ang lakas ng loob yumakap. Naagaw naman ng kabilang pinto ang atensyon namin ni Aldrake. Mula doon, lumabas si Flich na kagigising lang din.
“Ano bang nangyayari di---” napatigil siya ng makita kami. “Uy! Tangina akala ko joke lang na pupunta kayo dito” gulat na sabi niya.
“Joke lang naman talaga. Picture lang namin 'tong nakikita mo.” pamimilosopa ni Queenie.
“Mais” pambabara naman ni Flich.
“Hatdog!” pikon na 'yan.
“Oh tama na 'yan!” saway ko.
Napatingin silang lahat sa akin. Bakit? Nakalimutan naba nilang nandito ako? Grabe ang sakit ha!
“Aleah....”
“Oh, bakit?” tanong ko kay Clarah.
“Aleah hindi kana conyo?!” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Hindi na girl. Hindi na talaga siya conyo” sabi ni Queenie.
“Big deal ba 'yong pagiging hindi ko na conyo?” tanong ko.
Hinampas ako ni Clarah sa braso. “Malamang gaga! Imagine for almost 9 years na kasama kita, ngayon ko lang narinig na nagsalita ka ng hindi conyo. Congrats girl!” masayang sabi niya.
Napangiwi naman ako. Akala ko kasi isang linggo lang akong naging conyo tapos bumalik sa normal, 9 years na pala. Well, thanks to you, Andrew. Kung hindi mo'ko iniwan, hindi ko maiisipan magbago.
FLICH POV
Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga makakain. We decided na hindi muna um-attend ng training ngayon umaga. Mamayang tanghali pa naman kasi 'yong final saka parang rehearsal namin kaya mamaya nalang kami a-attend. Sa ngayon puro lalaki kaming magkakasama, 'yong mga babae iniwan namin sa cottage para sila 'yong magluto ng iba.
“Mukhang super close na kayo ni Clarah ah” sabi ni Andrew.
Umiling ako. “Hindi naman masyado, pero oo medyo close na kami” sabi ko.
“Wow! Hindi pa pala close ng sobra 'yong nakita namin?” tila hindi makapaniwalang tanong ulit ni Andrew.
Tumango ako. “Oo, hindi pa talaga masyadong close 'yon teka anong picture?!”
“Yong magkadikit 'yong mukha niyo” sagot ni Gio.
Tangina pinost niya pala 'yon?! Akala ko hindi niya ipo-post 'yon kaya... Ay nako Clarah masasakal kita! Magpasalamat ka nalang ibang sakal ang gusto kong gawin sayo hindi 'yong literal.
“Pinost niya pala 'yon. Hindi ko alam HAHHAHAHAHA”
“Gago nagulat ka nga kasi ang alam namin hindi kayo masyadong close” sabi nanaman ni Andrew.
“Baka naman pwede mo ng gawing chance to para umamin sa kan'ya” si Aldrake.
Napatingin ako sa kanya saka umiling. “Hindi ko pa talaga kaya.”
“Kailan pa?” tanong niya.
Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam, wala pa akong plano. Nagde-develope palang kami ng strong friendship at ayokong masira 'yon,” I said in frustration.
Natahimik na kami. Undecided pa din ako kung aaminin ko ba o hindi. Bukod sa may takot ako na baka may magbago sa kung anong meron kami ngayon, natatakot din ako sa katotohanang ma-reject niya ako. I know, being reject is one of the sign na matapang ka pero hindi pa ako handang ma-reject.
Baka magwala ako.
Hanggang sa makarating kami sa cottage hindi na kami nag-open ng topic. Napansin ko lang ha, andami nanamang babae ang nakatingin sa amin lalo na kay Aldrake. Agaw atensyon talaga ang gagong 'to. Sabagay, wala namang makakalapit kay Aldrake. Ang tapang ni Zyria tapos mapagsa-salitaan ka pa ng masakit.
Bilib ako sa babaeng 'yon kahit alam niyang nakakatakot na 'yong sitwasyon nagagawa niya pa ding mag-real talk. Gaya no'ng kay Andrew. Hindi manlang siya natakot na pagsalitaan 'yong babae ng parang aso.
Sana all, ria!
How to be you po ba?!
“Oh! Ito na lahat ng nahanap namin na gusto niyo” sabi ko at saka nilapag iyon sa mesa.
“Ayown! Very good, dog!” puri ni Queenie na may kasamang pang-aasar.
“Payag ka no'n sinabihan ka ng aso?” sulsol ni Clarah.
“Payag 'yan mabait na aso 'yan eh” grabeng babae 'to.
“Hindi. Bakit naman ako papayag?” mataray na sagot at tanong ko.
“Ay lumalaban HAHAHAH”
“I'm not willing to be your dog but I'm willing to dog style you” pilyong sabi ko saka ngumisi.
Nakatikim ako ng hampas sa bibig mula kay Clarah. Masakit syempre ang ganda pa ng ngisi ko eh. Nagtawanan naman si Andrew, Zyria at Aleah. Sabi sa inyo eh, kung malakas kayong mang-asar siguraduhin niyo na hindi 'yan mahihigitan.
“Che!” inis yarn. Nag-walkout si Queenie awts.
Malakas kaming nagtawanan pero si Clarah masama ang tingin sa'kin. Oo nga pala yawa sensitive nga pala siya sa mga gano'ng salita!
“Nagkakasiyahan ata kayo?”
Nilingon namin 'yong nagsalita. Si Dean nanaman. Nakakasawa na 'yong mukha nito eh.
“Hi po!” bati sa kan'ya ni Zyria.
Kumaway din siya. “Hi, Zyria. Na-miss ka ni tita” sweet na sabi niya
Edi sana all!
“Aldrake” tawag nito kay Aldrake. Ibang-iba ang tono ng pananalita niya kaysa kanina. Nakakatakot ito at talagang ramdam mo na seryoso siya.
Tinaasan siya ng kilay ni Aldrake, “what?” tanong nito.
“Inaalagaan mo ba ng mabuti 'tong future wife mo?”
Wtf?! Nagkatinginan kaming lahat maliban kay Aldrake na seryosong nakatingin sa tita niya. Future wife agad 'yon? Astig naman! When naman kaya ako Clarah?
Umikot ang mata ni Aldrake, “of course” masungit na sabi niya.
“Very good, iho” nakangiting sabi nito.
Muli ko nanamang naingiwi ang labi ko. Pasimple akong tumingin ka Clarah. When nga ba? Ako nalang naman 'yong hinihintay ng pagkakataon pero hindi ko magawa.
“Dean andito kami para magsaya, mamaya busy nanaman kami ni Flich, alis ka po muna” pagtataboy sa kan'ya ni Clarah.
“Oo nga din” sang-ayon ko.
Tumaas ang kilay ni Dean. “Bakit kayo ba ang kinakamusta ko? Ano namang pake ko kung magsaya kayo? Nandito ako para sa future pamangkin ko” mataray na sabi niya.
“Sana all po taas ng kilay!” ayan nanaman si Queenie.
“Sana all talaga” sakay ni Aleah.
“Uhm... okay naman po kami tita saka dito ho muna kami hanggang mamayang gabi. Sabi kasi kanina nila Clarah mamayang gabi daw ang balik sa Maynila kaya po sasabay nalang kami”
“Maganda 'yon na-miss ko din namang ka-kwentuhan ka”
“Mamaya mo tita HAHAHA”
“Oh siya sige, tinataboy na'ko dito. Babye iha mamaya nalang kita tayo” paalam nito. Kumakaway pa siya palayo sa amin.
“Grabs talaga 'yang tita mo 'dre, mahal na mahal talaga si Zyria” sabi ko. Napansin ko lang naman na halos lahat sa pamilya ni Aldrake mahal na mahal si Zyria.
“Oo nga! Talagang Zyria supremacy!” ani ni Clarah.
Napakamot ulo nalang si Zyria habang si Aldrake nakangiti lang sa amin. Mula sa kinatatayuan ko, natatawa ko si Andrew at 'yong girlfriend niya na naglalandian sa may dagat. Ay nako ansakit sa mata, when kaya?!
Sana all po!
Tumingin ako kay Aleah. Umaasa akong nakatingin siya sa dalawa pero mali ako. Tila malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa malayo. Hindi ko masyadong kilala si Aleah pero hindi ba't kapag ang mga tao sobrang tulala may problema sila? Naisip ko lang naman na baka nga nay pinag-dadaanan ngayon si Aleah hindi niya lang talaga masabi.
**********
“Tangina!” napatingin ako kay Clarah saka lumapit.
“Bakit?” tanong ko.
“'Yong heels ko naiwan ko sa kubo ko” problemadong sabi niya.
“Paano 'yan?” tanong ko.
Nagkibit balikat siya. “Hindi naman pwedeng naka-paa ako habang narampa,” sabi niya. Hinilot niya pa ang sintido niya na tila nagi-isip.
Wala nga pala kaming mauutusan ngayon. Nasa cottage sila Aldrake, inaayos pa lahat ng gamit bago pumunta dito. Strictly no phone din kaya iniwan namin sa kanina 'yong phone namin. Hay nako ang bata pa kasi ulianin na.
“Anong gagawin ko?” tila naiiyak na tanong niya sa'kin.
“Kalma okay? Uhm, sige ako na bahala. Babalikan ko nalang at kapag hinanap ako sabihin mo binalikan ko 'yong heels mo, okay?”
“Teka, babalikan mo?”
Tumango ako. “Oo, para makarampa ka. Mamaya may rampa pa sa buhangin ng naka-heels kaya talagang need mo 'yon. As I see, walang dalang extra heels 'yong mga kasama natin.” mahabang sabi ko.
“Pero---” I cut her off.
“No buts. Ikaw na bahala sa'kin” huling sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa. Agad na akong umalis para kunin 'yong heels niya. Napaka-malilimutin naman kasi tsk. Any way kung hindi niyo naitatanong ang inch ng heels niya is 7. Yes, 7 kasi ng PANDAK siya parang ikaw.
Mabilis akong nakarating sa kubos. Hindi na din ako nagpatumpik-tumpik pa agad kong kinuha 'yong heels sa loob ng kubo niya saka umalis. Wala na akong time titigan kung ano mang meron sa kwarto niya.
“Oh, bakit nandito ka?” tanong sa'kin ni Aldrake ng makalabas ako sa kubo ni Clarah.
Ini-angat ko 'yong heels, “naiwan ni Clarah,” sabi ko.
Tumango siya. “Susunod na kami aayusin lang namin lahat kalat”
“Sige. Una na ako at late na kaming dalawa” paalam kong muli.
Tinapik niya ako sa balikat, “maganda 'yang ginagawa mo, sana sa susunod makaamin kana” huling sabi nito saka umalis.
Ay nako ayan nanaman kami sa amin thingy na 'yan. Madiin nalang akong umiling at patakbong binaybay ang daan. May kalayuan din mula sa kubong tinutuluyan namin 'yong training room kaya talagang kailangan ko siyang takbuhin. Baka kapag mas nagtagal ako masabon ako ng taga-turo sa amin. Kasi naman Clarah eh, dapat may bayad na kiss 'to. Mga 2 minutes kiss enough na sa'kin 'yon. Ang layu-layo kaya tapos may mga babae pang nakatingin sa akin.
Sa wakas, nakarating na din. Nandilim ang mga mata ko sa naabutan ko, kasabay nito ang pag-igting ng panga ko sa inis. Hindi, hindi pala 'to inis dahil selos 'to. I saw Clarah talking to someone. Tumatawa pa siya habang kausap 'to at hindi ako natutuwang tumatawa siya na hindi ako ang dahilan.
Lumapit ako sa kanila dala ang masamang titig. “Eherm” tikhim ko.
Lumingon silang dalawa. “Flich...” sambit nito sa pangalan ko.
Tinaasan ko siya ng kilay, “Heels mo,” ini-abot ko sa kan'ya.
Kinuha naman niya ito mula sa kamay ko. Ngumiti din siya ng matamis sa akin. “Salamat” nasaan 'yong kiss ko?
Nagseselos ka, Flich tandaan mo 'yan!
Humalikipkip ako sa harap ni Clarah. Ibinaling ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap namin. Matangkad, maputi, maganda din ang katawan pero mas maganda 'yong akin syempre, matangos din ang ilong at higit sa lahat mukha siyang k-pop-anget.
“Sino siya?” taas kilay na tanongbko habang nakatingin sa lalaki.
“Ah... Jake, si Flich siya 'yong kaibigan ko na sinasabi ko sayo. Flich, si Jake isa siya sa mga guest ngayon” pakilala niya sa lalaki.
“Ang gwapo naman dis boi miii! Dehins mo naman na-say sa'kin na may fafa ka palang prens maliban kay Gio edi sana nag-prepare ang lola mo!”
Napaawang ang labi ko sa narinig ko. P-Potangina? Bakla?! I look at him disbelief, damn! Pinagselosan ko pa naman bakla pala! Tangina!
Selos 101 failed!
“Uy!” kalabit sa'kin ni Clarah, “okay ka lang?” tanong niya.
Mahina akong tumango. Hindi ako sure kung okay lang ako after what I've heard. “O-OO, I just--- uhm, nice to meet you” tangina nakaka-speechless.
“Gaya nga ng sabi ko, guest din siya dito. Siya 'yong nag-trained sa'kin when I was in America.”
“Ah....” wala akong masabi.
“Wala na mii, speechless na siya sa beauty ko HAHAHA” sabi nito at mahinhing tumawa.
“Type mo siya?!” nanlalaking matang tanong sa'kin ni Clarah. Tanginang 'yan!
Mabilis akong umiling. “Hindi! Hindi!” tanggi ko, “ano... n-nagulat lang ako kasi akala ko ano... basta!” hirap magpaliwanag. Hindi ko din naman masabing nag-selos ako.
“Ano?” sabay na tanong nila.
“Wala! Basta!” magtatanong pa sana sila kaso pumalapak na 'yong instructor namin.
Thank you, Lord!
Save by the bell. Lahat kami umayos na. Pumila kami ayon sa ginawa niyang pagkakasunod-sunod namin. Dahil nga si Clarah ang pinaka-maliit siya ang nasa unahan. Wala eh, minions talaga ang mahal ko pero okay lang magaganda naman daw ang mga pandak. Naniniwala ako dahil si Clarah ang patunay.
“Attention everyone! So, this is the final training we had, okay? Do your best and I want you all to show me na kahit papaano may natutunan kayo,” sabi niya. “We do have 3 level here. The easy, medium, and hard. First, about sa easy level. May nakikita kayong rampahan stage doon na nakatayo sa labas, public place, yes. Doon kayo rarampa, understand?”
“Yes po!” sabay-sabay na sagot namin.
“Second, the medium level rarampa naman kayo sa buhangin. Wala na kayong ibang gagawin kundi rumampa do'n base pa din sa itinuro ko. The third one, hard level. Mayroon do'ng maliit na kayo, tatawirin niyo hanggang sa makarating sa stage at saka doon kayo rarampa. Sa level na ito kailangan i-apply ang balance, focus at strength.”
Andaming alam!
Matapos niyang magpaliwanag sa amin, pinalabas na niya kami. Gaya nga ng inaasahan ko nasa labas na din sila sa Zyria mukhang naghihintay sa amin. Nandoon din sila Dean at 'yong iba pang principal mula sa ibat-ibang school. Mukhang masaya 'to ah. Buti nalang hindi swim wear edition 'tong rampa na 'to dahil kung nagkataon, madami akong lalaking mapapatay ngayon.
Sa isip ko lang syempre.
“GOOO FLICH! GOOOO CLARAH! AJAH! AJAH!” sigaw ni Queenie.
Halos nalang napatingin sa kan'ya kaya bahagya kaming natawa ni Clarah. Kinurot naman siya ni Aleah sa tagiliran. Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon napaka-lakas ng loob magkalat ng lagim.
Nagsimula ng tumugtog ang musika. Huminga ako ng malalim, medyo kinakabahan ako ngayon. Ganito pala 'yong feeling kapag sumasali ka sa mga contest. Sa totoo lang ito talaga 'yong first time na sumali ako. Ginawa ko lang 'yon para mabantayan ko si Clarah. Nakita ko kasi 'yong mga magaganap sa contest kaya minabuti kong sumali para alam nababantayan ko siya.
Ang weird naman kung pupunta lang ako KUNWARI para manood hindi ba? Makakahalata siyang may something sa akin o kaya iisipin na niya na may gusto ako sa kan'ya. Ayoko namang lumayo siya ng bigla dahil doon. Hay nako self palagi mo nalang sinasabing ayaw mo siyang lumayo dahil doon. Paulit-ulit? Unli? Kung gaano ako ka-unli kumain gano'n na din ako ka unli sa kadaldalan.
Wait, it was her turn. Pinagmasdan ko bawat galaw niya, bawat pilantik ng bewang niya at bawat ngiti niya. Ang ganda niya talaga, shit!
“WOHHHHHH” everyone's shout when she did Catriona Gray lava walk.
“WAHHHHH BESTFRIEND KO 'YAN! ARAY KO TANGINA ALEAH H'WAG KA NAMAN MAMATOK!” sigaw nanaman ni Queenie. Nag-reklamo pa siya dahil binatukan nanaman siya ni Aleah.
“Ate pengeng number!” gusto yatang mamatay ng lalaking 'to.
Pwede ko bang hingiin ang buhay mo tol? Parang ang sarap kasi hugutin ng dila mo tapos ipakain din sayo. Akin 'yang hinihingian mo ng number eh! Akin na 'yan kahit hindi ko pa nililigawan! Basta akin siya!
Oo self sayo na pero turn mo na din!
Kahit medyo nawala na ako sa mood syempre rumampa na ako. Andami atang girls na nakatingin sa'kin. Habang naglalakad ako may mga babaeng kumukuha ng stolen shot ko.
Ang gwapo ko talaga!
“Kyahhhh ang gwapo shit!”
“Kuya anakan mo'ko!”
“Acckkk palahi!”
Sorry girls ang sperm ko ay para lang kay Clarah. Ang magandang lahing kagaya namin ang dapat magsama. Kinindatan ko nalang sila saka tumalikod pabalik. Pagkaharap ko sa likod nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Clarah hindi ko naman alam kung bakit. Bahala siya ang mahalaga gwapo ako at madaming babae nanaman ang naglalaway sa akin.
Matapos amg training na 'yon agad kaming dumeretso sa second level. Akala namin simpleng buhangin lang ang rarampahan namin. Nakalatag din ito na parang stage, kapag tumapak ka dito mabilis ang lubog ng paa mo kaya ang kailangan dito kaya mong i-balance ang bigat ng katawan mo saka agility na din para hindi ka lumubog. The more na nagtatagal ng ilang seconds ang paa mo sa isang malambot na bagay, the more na bumibigat ang pwersa nito tapos lulubog ka.
Narinig kong nagbubulungan na 'yong ibang babae sa kaba. Ang sabi nga pala kapag nag-failed sila sa training ngayon, 'yong dapat 3 days na pahinga nila, ilalaan pa ulit nila sa training. Tinignan ko si Clarah na mukhang chill lang. Malay ko kung kinakabahan ba siya o pinag-aaralan niya kung paano niya mapapagaan ang sarili niya sa buhangin na nasa harap namin ngayon.
Muli, nag-umpisa nanaman ang tugtog. Kung kanina madaming tao ang nanonood, ngayon mas madami na. Lumingon ako sa gawi nila Zyria. Seryoso lang itong nakamasid sa iba. Nag-iisip din siguro sila kung paano nga ba makakatawid ang isang tao sa mala-kumunoy na buhangin. Ang bilis kasi lumubog kaya tinawag kong mala-kumunoy pero hindi talaga siya kumunoy guys.
Napapa-iling nalang ako dahil may lima ng hindi nakatawid. Nai-stuck 'yong paa nila sa buhangin. Medyo matagal pa nila bago maalis 'yong paa nila doon kasi natatabunan ng lupa. Sana naman hindi mangyari sa'kin 'yan. Ayoko yatang mapahiya sa harap ni Clarah at sa harap ng mga girls na nababaliw sa'kin. Inaalagaan ko ang reputation ko sa harap ng ibang tao para wala silang masabi sa gwapong katulad ko.
“GO CLARAH!” napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pangalan ni Clarah.
Siya na pala. Walang kabang isinampa niya ang paa niya sa hagdanan paakyat sa bungahin. Nang makaayos na siya, confident siyang tumayo habang nasa bewang niya ang dalawang kamay niya.
Goo baby!
Harot, Flich.
Literal akong napanganga, hindi lang ako maging 'yong mga tao sa paligid ko nang deretso niyang nalakad 'yong buhanginan. Ni hindi ko manlang nakitang sumayad sa daliri ng mga paa niya 'yong buhangin basta tuloy-tuloy lang siya.
“Tangina paano 'yon?!”
“Hala! Ang galing!”
“Galing mo, ate!”
“How did she do that?!”
“What a monster!”
Mga bulungan sa paligid dahil sa nasaksihan niya. Kung paanong kalmado siyang lumakad doon papunta, ganoon din siya ka-kalmadong bumalik sa pwesto niya. Lahat ng tao nagpalakpakan maging ako napa-palakpak.
Ako nanaman tangina kinakabahan nanaman ako. 'Yong kaba ko kanina parang mas dumoble pa ngayon. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sinumulang rumampa. Todo balanse ako nang bigat ko. Nag-control din ako ng lakad ko para maiwasang malubog at gaya ni Clarah nalampasan ko although may mga sumayad na buhangin sa sapatos ko pero hindi na mahalaga 'yon ang mahalaga nakalampas ako.
“Shit grabe na 'to!” sabi ng kasama ko na nakapasa din.
“May isa pa putangina!” sabi din no'ng isa.
“Everyone! Next level tayo! By the way itong buhangi na tinatapakan niya sa ilalim nito may jelly slime na nagpapalubog sa paa niyo. Congratulation doon sa mga nakalampas at para sa mga hindi maiwan na kayo dito”
Tangina?! May slime sa ilalim no'n?! Syempre gusto kong makasiguro kaya sinundot ko talaga 'yong buhangin. Oo nga, may slime nga putanginang pahirap na slime 'to. Hihingiin kita para may remembrance ako, naghirap ako dahil sayong hinayupak ka!
Okay, last na. Last na talaga ako at putangina ang hirap. Makitid 'yong daanan na rarampahan namin, may mga foam naman na sasalo sayo kapag nalaglag ka pero mas bet ko padin kung si Clarah. Mas lalong tumaas ang kaba ko pero si Clarah, chill na chill lang talaga. Sana all nagagawa pang kumalma sa ganitong sitwasyon!
Sana all po!
Isa pa, sana all talaga!
Sana all!
Sana all!
“Kaya niyo 'yan!” mahinang sigaw ni Zyria.
Tumingin ako sa kan'ya.
“OO NGA KAYA NIYO 'YAN!” kilala niyo na kung sino 'yong nagsalita, hindi ko na kailangan ipakilala.
Malalakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tila sampo nalang kami dito na kailangang makatawid. Gaya ng kanina may mga mauuna tapos may susunod kami. Unang sabak, laglag agad 'yan ang kinahinatnan ng na-una. Tangina kung sino mang naka-isip ng ganitong paraan ng final training, HINDI SANA MASARAP ULAM NIYO PALAGI!
Ang kapal mo para pahirapan ako! Masaya akong namumuhay kasama 'yong mga pagkain tapos ganito, ganito lang ang ipagagawa sa'kin. Tanginang buhay 'to. Sana all talaga kay Clarah, walang mintis gaya kanina. Lalo tuloy naghihiyawan 'yong mga tao.
“Wala na! May panalo na!”
“WAHHH ANG GALING TALAGA BESHIE!”
“Galinggggg!”
Mga hiyawan para sa kan'ya. Talagang magaling si Clarah, wala siyang sakit eh. Pero putangina turn ko na daldal pa ako nang daldal sa isip ko.
Buntong hininga dito.
Buntong hininga doon.
Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ko. Para tuloy akong kambing na humahalinghing tangina. Masarap aana humalinghing kapag ano eh, kaso ano basta! Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko at sa huli kay Clarah.
Tinaasan ako ng kilay?! Aba! Aba! Laplap you want?!
Tinaasan ko din siya ng kilay bago ibalik ang tuon ko sa daan. Hinahamon ako ni Clarah kaya kailangan malampasan ko 'to. Hindi pwedeng hindi! Ewan ko kung anong nasa isip ko basta hinubad ko ang t-shirt ko saka itinapon iyon sa kung saan.
“Shit! Pandesal!”
“Oh my god!”
“Namasa ata pempem ko shemay!”
“Pahawak naman!”
“BOLD!” panira!
Okay na sana mga compliment eh may panira lang na isa. Tinawid ko na 'yong daanan kahit kinakabahan ako. Unexpectedly nakalampas din ako. Mukhang nasa akin ang swerte ngayon.
“Galing mo, baby!”
“Wahh! Go baby, go!”
Sigawan mula sa mga girls na kanina pa talaga ako pini-picturan. Kinindatan ko ulit sila na mas nagpalakas ng tilian nila.
“KYAHHHHH! KUMINDAT SIYA SA'KIN!”
“NOOO! SA'KIN SIYA KUMINDAT WAHHHHHH!”
“PALAHI ACKKKKK”
“MGA MAHAHAROT TANGINA!” best in kontra bida is awarded to, Queenie!
Sa wakas natapos na din kami. Limang partner lang kaming natira over 30 representative. Wala na akong time hanapin 'yong damit ko dahil sumenyas na 'yong instructor namin na magipon-ipon kami.
“Congratulation everyone! I'm so proud of you specially sa inyo, Clarah at Flich. You did it well and all I can say is, napaka-gagaling ninyo. Goodluck to the final contest, I'll be there and I want see you all. Sa mga hindi pinalad ma-iiwan kayo dito para mag-training pa. If others can do, you can do it also. Goodluck and thank you” nakangiting bati nito sa amin.
Nagpalakpakan kaming lahat sa tuwa. Hindi ako makapaniwalang nagawa namin 'yon. Hinanap ng mga mata ko si Clarah pero hindi ko na siya makita. Napag-desisyonan ko nalang na lumapit kayla Zyria.
“Uyy!” bati ko nang makalapit ako. Hinampas naman ako ni Queenie sa sikmura. Tangina masakit 'yon ha!
“Ang yabang mo!” sabi nito.
Napangiwi ako, “may ipagyayabang naman ako” mayabang na sabi ko.
“Oo nalang” sabay-sabay na sagot nila.
Napaka-supportive naman ng mga 'to nakaka-touch. Sobrang nakaka-touch. Alam mo 'yong pakiramdam na may supportive kang kaibigan, lahat ng sasabihin mo iba-bash nila? Ang saya 'no? Sarap manapak char.
Umuwi na din kami matapos iyon. Kanya-kanya kasi may sasakyan naman sila Zyria. Si Clarah hindi ako pinapansin, ewan ko kung bakit. Hanggang sa maka-uwi kami hindi na talaga niya ako pinansin. Ano nanaman kayang kasalanan ko? May nagawa nanaman ba ako? Tinangka ko siyang kausapin nung nasa van na kami pero agad niyang pinikit ang mga mata niya para matulog.
Baka pagod siya kaya gano'n. Sabagay ako din kapag pagod hindi ako nakikipagusap. Wala share ko lang naman 'yon bakit ba?!