CHAPTER 8 PERSON OF INTEREST

Nang magising si Andy ay sinalubong siya ng mga boses ng dalawang lalake. Mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumangon.

"Kanina pa kayo nag-aaway." putol niya sa usapan ng dalawa.

Kahit kaluluwa pa siya ay pinapanood na niya ang dalawa na mag-asaran na parang aso't-pusa. Hinatid kasi siya ni Denum sa bahay at doon na rin sinimulan ang imbestigasyon na ikinagulat ni Kino.

Nahinto sa pag-uusap ang dalawa at sabay na tiningnan si Andy. Ngumiti si Kino bago lumapit sa kanya.

"Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya.

"Ayos lang, nakatulog ako kakarinig ng asaran niyong dalawa." sagot niya. "Ano? May nahanap naman ba kayo sa pag-aasaran niyo?"

Nakangiting ibinigay ni Kino ang isang folder kay Andy na binasa naman niya kaagad.

"This man is our school Nurse, si Sir Eros. Madalas ko siya makita tuwing mapupunta ako sa Clinic." gulat na sabi ni Andy. "Paano magiging siya ang killer?"

Hindi sumagot si Kino at sa halip ay tumingin kay Denum.

"Hayaan mong si Demony— Denum ang magpaliwanag."

Pareho nilang itinuon ang atensyon sa lalakeng tahimik na nakamasid sa kanila. Umayos ito ng tayo bago nagsalita.

"Eros Buenavista is the only member of Paranormal Club ten years ago, may mga naging member siya ngunit namamatay rin dahil sa mga imbestigasyon na kinasasangkutan nila. Iyon ang sabi ng mga pulis but based on my investigation, walang nakukuhang bangkay katulad ng kaso ni Recca Mae Perez." paliwanag nito.

"Kung ganoon, bakit nakakatakas siya sa mga kaso? Imposibleng hindi siya maiisip bilang primary suspect." tanong ni Andy.

"Simply because of his connections. Eros is a smart one but with the help of his father who is a Detective. Namanipula nila ang imbestigasyon hanggang sa naging cold case na ang kaso." simpleng paliwanag ni Denum.

Napatango si Andy dahil sa paghanga sa sinabi ni Denum.

'Parang ilang oras palang ako nawawala ay may subject na.'

"So, what do we need to do now?" tanong ni Kino sa dalawa. "Wala pa tayong ebidensya pero meron tayong testigo."

Kumunot ang noo ni Denum sa narinig.

"Hindi mo naikwento ang patungkol sa testigo?" tanong ni Denum kay Kino.

Napamulsa si Kino bago ngumisi.

"Bakit ko sasabihin? You're not even part of our Club, nagpatulong lang kami sa paglutas ng kaso." sagot nito.

Tumango si Denum bago nakipagsabayan sa pagngisi ni Kino.

"Kung ganoon, tapos na ang pagtulong ko. Ayoko ng mai-involve sa kabaliwan niyo." huling sinabi ni Denum bago lumabas.

"Kung makapagsalita, parang hindi katulad namin." asik ni Kino.

Napaawang ang bibig ni Andy bago mabilis na tumayo at hinabol si Denum na nasa labas na kaagad ng bahay.

"D-denum!" tawag niya sa pangalan nito.

Huminto si Denum at mabilis siyang hinarap.

"What?" malamig na tanong nito.

Huminga ng malalim si Andy bago nagsalita.

"Humihingi ako ng pasensya sa ginawa ni Kino." seryosong wika ni Andy. "Sana huwag mo kaming iwan, kailangan talaga namin ng tulong."

Hindi kumibo si Denum at kaagad siyang tinalikuran. Hahakbang na sana ito ngunit nahinto nang magsalita pa si Andy.

"I was the one you saw that day in your Clubroom." pag-amin ni Andy.

Hindi kumibo si Denum at sa halip ay humarap sa puwesto niya.

Umiwas kaagad ng tingin si Andy bago muling nagsalita.

"Wala na talaga kaming mahihingian ng tulong kaya nagawa ko iyon. Pasensya ka na." yumuko siya bilang paghingi ng tawad.

"Alam ko.."

Mabilis siyang tumingin kay Denum at tinaasan ito ng kilay.

"Alam mo?"

Tumango ang binata.

"Yes, nung una ay hula ko lang pero nang makita ko kung anong kababalaghan ang meron ka ay nakasigurado na ako." sagot ni Denum bago dahan-dahang lumapit kay Andy. "May gusto lang ako malaman kapag nasagot mo ay babalik ako sa loob,"

Kumunot ang noo ni Andy.

"Ano naman iyon?"

Nang iisang hakbang na lang ang pagitan nila ay napalunok si Andy sa posisyon nilang dalawa.

Napangisi si Denum bago magsalita.

"Naghalikan ba tayo?"

Namilog ang mata ni Andy bago umiling.

"H-hindi."

"Kung ganoon, saan lumapat yung labi ko? Ang natatandaan ko ay sa isang malambot na bagay." pagpapaalala ni Denum.

Kumunot ang noo ni Andy.

"Sa pisnge ko.." pinipilit niyang hindi kabahan.

Tumango si Denum bago lumayo sa kanya.

"Mabuti, akala ko ay nahalikan ko ang isang kaluluwa."

Umiling si Andy.

"Hindi ah, sa pisnge lang talaga iyon." pagtanggi ni Andy. "Ngayong nasagot ko na, pwede na bang mag-usap muli tayo sa loob?"

Hindi kumibo si Denum at nauna ng pumasok. Tahimik siyang sinundan ang binata.

Nagsalubong ang kilay ni Kino nang makita silang papasok ng pintuan.

"Akala ko ba hindi na tutulong ang demonyo na iyan?" mapang-asar na tanong ni Kino.

Hindi kumibo si Denum. Si Andy naman ay sinamaan ng tingin si Kino.

"He will help us, AGAIN. Huwag mo muna pairalin yung pagka-childish mo, Senior." saway ni Andy.

Parang bata na napanguso si Kino at sinamaan ng tingin si Andy.

"Bago tayo magsimulang muli. May isang kondisyon lang ako sa inyong dalawa." panimula ni Denum na ikinataas ng kilay ni Kino.

"Aba, parang utang na loob pa pala namin ang pagbalik mo rito." naiirita na sabi ni Kino.

Hindi siya pinansin ni Denum at sa halip ay kay Andy tumingin.

"Gusto ko na walang makakaalam na tinulungan ko kayo. Kapag hindi kayo tumupad, sisirain ko ang Club niyo agad-agad."

Kumunot ang noo ni Andy at balak magprotesta pero mas pinanatili na kalmado.

"Okay, deal. Ako ang mananagot kapag nag-ingay si Kino." pagsang-ayon ni Andy.

Napairap sa kawalan si Kino.

"Asus, ayaw mo lang matawag na baliw ka rin." bulong ni Kino pero sapat na para marinig nina Denum at Andy.

Binato ni Andy ng unan si Kino upang matahimik ito na nangyari naman.

"Siguradong nasira na nila lahat ng ebidensya na meron and to think that the case was ten years ago, maswerte tayo kung makakahanap tayo ng testigo na makakapagpatunay na si Eros ang huling kasama ng mga namatay."

Umiling si Andy.

"Ang testigo na nakita namin ay ang sinuhulan ng isang pulis para ipatigil ang imbestigasyon, wala ng iba." tugon ni Andy.

Tumango si Denum.

"Pwede natin siya magamit kapag nakahanap na tayo ng ebidensya na si Eros Buenavista ang may sala." ngumisi si Denum. "Pero kung wala talagang mahanap, tayo ang gagawa."

Nagkatinginan sina Kino at Andy.

"Paano?"

Umupo si Denum sa sofa bago mas lumawak ang ngisi sa labi.

"Magpapanggap tayo na mayroon."

Mas naging interesado ang dalawa sa pakikinig kay Denum.

"Sinabi niyo na mayroong tattoo na kupido ang salarin. In Roman mythology, Eros is the Greek god of Love and Sex. His counterpart is Cupid." paliwanag ni Denum.

"So?" tanong ni Andy.

"We need to do a Reverse Psychology. Kailangan niyang malaman na may lead na ang Detective Club sa totoong salarin at may testigo na nahanap upang magturo kung saan nakatago ang mga bangkay. We will use his counterpart Cupid." paliwanag ni Denum.

"How can you be so sure na matri-trigger siya kapag narinig ang salitang iyon?" naguguluhang tanong ni Kino.

"When you think that everything is okay then after ten years, an emergency will come to ruin your imagination? What will happen? "

Namilog ang mata ni Andy bago ngumiti.

"Magpapanick siya."

Tumango si Kino.

"At kapag nagpanick siya, posible na hindi siya makapag-isip ng maayos."

Tumangong muli si Denum.

"Yes, we need to do it properly to create the possible outcome. At iyon, ay ang malaman kung saan nakalagay ang mga nawawalang katawan." sabi ni Denum.

"So, sino ang makikipag-usap sa kanya?" tanong ni Andy.

Nagkatinginan ang dalawang lalake bago ibinalik ang tingin sa kanya. Nanlaki ang mata ni Andy bago tumango.

"Ah, okay.."

Pagkatapos ng klase ni Andy ay kaagad niyang binuksan ang cellphone na pinahiram ni Kino. Marahan niya itong itinago sa bulsa.

Nang makarating sa Clinic ay agad niyang nakita ang Nurse na may inaayos na gamit. Kumatok si Andy kaya nakuha niya ang atensyon ng nurse.

"Hello po, Sir Eros." bati ni Andy at paika-ikang lumapit dito.

"Hi, anong maipaglilingkod ko sa iyo?" nakangiting bati nito sa kanya.

Tinuro ni Andy ang kaliwang paa.

"Nanakit po bigla. Mukhang napwersa nung nahulog po ako sa puno."

Pinaupo siya ng nurse sa hospital bed bago sinuri ang kanyang kaliwang paa.

"Ano namang ginawa mo sa puno? Nanguha ng manga?" nakangiting sabi nito.

Umiling si Andy.

"Hindi po, gusto ko kasing malaman kung ano ang kaso ang tinututukan ng Detective Club lalo na't kalaban sila ng Club namin." nahihiyang sabi ni Andy.

Tumango ang nurse.

"Ano namang nalaman mo?" pinanatili nito ang ngiti sa labi bago galawin ang paa niya.

Umakto si Andy na nasasaktan habang dahan-dahan na inilalagay ang cellphone sa ilalim ng unan.

"Ah, Aray!" daing ni Andy bago nakangiwing sumagot. "Huwag niyo pong sasabihin sa iba 'to, ha?"

Tumango ang nurse bago hinilot ang paa ni Andy.

"Narinig ko po na may iniimbestigahan silang kaso ten years ago," nahinto ang nurse sa paghilot sa paa ni Andy bago muling nagpatuloy.

"Yung kaso ni... Sino ba iyon? Hmm.. Ah, si Recca Mae Perez."

Naging mahigpit ang paghilot ng nurse sa paa ni Andy kaya mas napangiwi siya.

"Anong nangyari sa kaso?" pag-uusisa nung Nurse.

Malungkot na nagsalita si Andy.

"Narinig ko na nagkaroon na sila ng lead patungkol sa killer, they kept on saying the word 'Cupid'. Nakakalungkot lang na makakalutas na naman sila ng kaso."

Huminto ang nurse sa ginagawa mo.

"Paano mo nasabi?"

Napakibit-balikat si Andy.

"Narinig ko kasi na mamaya ay ituturo ng nakuha nilang testigo kung saan nakalagay ang mga katawan. How I wish na prank lang iyon para hindi sila magmukhang bida sa paningin ng lahat." naiinis na sabi ni Andy.

Ngumiti ang Nurse sa kanya.

"Ayos na.." wika nito.

Tumayo si Andy at tiningnan kung maayos na ang paglakad. Nakangiti niyang tiningnan ang Nurse.

"Maraming salamat po!" nakangiting bati niya bago mabilis na umalis.

Nang makalayo siya ay kaagad siyang nagtago. Naghihintay ng signal mula sa dalawang kasama na nasa Detective Club, hindi kalayuan sa Clinic.

Habang nasa Clubroom sina Kino at Denum ay naririnig nila ang mga sinabi ni Andy. Nagpipigil ng tawa si Kino habang si Denum ay pinanatiling walang reaksyon.

"She nailed it, huh? Alam na alam niya ang sasabihin." nangingiting sabi ni Kino.

Maya-maya pa ay narinig nila na nagpaalam na si Andy at sa isang iglap ay nabalot ng katahimikan.

Ilang minuto na ang nakakaraan ay nakarinig sila ng tawag di-nial na numero.

"Papa, ilipat mo na ang mga laruan ko. May didispatsahin pa ako." maawtoridad na sabi ng nasa linya bago ibinaba ang tawag.

Nagkatinginan ang dalawa bago parehong namilog ang mga mata.

"Si Andy..." sabay nilang sabi bago mabilis na tumakbo palabas ng Clubroom at nagmamadaling pumunta sa Clinic ngunit walang tao ang naroon.

Inikot nila ang paningin ngunit walang Andy na nagpakita. Napasuntok sa pader si Kino bago masamang tingin ang ipinukol kay Denum.

"Alam mong mangyayari 'to ano? Pinlano mo 'to." naiinis na wika niya bago kuwelyuhan si Denum. "Sa oras na may mangyari sa kanya, hindi ko alam ang pwede kong magawa sa iyo." banta ni Kino bago itulak si Denum.

Ngumisi si Denum bago ipinakita ang hawak na phone.

"Inaasahan kong mangyayari 'to kaya nilagyan ko ng isa pang phone ang bag niya at binuksan ang GPS."

Nakahinga ng maluwag si Kino bago ginulo ang buhok.

Nagising si Andy sa isang madilim at may hindi kaaya-ayang amoy na lugar. Napahawak siya sa noo na dumudugo bago inalala ang nangyari.

Balak niya ng puntahan ang dalawa para tanungin kung ano ang nangyari ngunit bigla na lang may tumamang matigas na bagay sa kanyang noo.

Habang inaalala ang mga nangyari ay nakarinig siya ng tunog ng isang bakal na ikinataas ng balahibo niya.

Napaatras siya nang makita ang Nurse na may hawak na scalpel habang nakangisi sa kanya.

"Maling-mali na nakalimutan mong kaliwa ang paa na masakit sa iyo.." wika nito na ikinapangamba ni Andy.

Napaluha siya ng buksan nito ang ilaw at tumambad sa kanya ang hindi mabilang na buto ng mga estudyante na suot pa ang kanilang uniporme.

Napailing siya nang mabasa ang pangalan ni Recca sa isa sa mga ID ng mga buto. Kaagad siyang napapikit at napatakip ng mukha.

"AHHHHHH!!!!" tili niya dahil sa sobrang takot.

—————END OF CHAPTER 08———