EPILOGUE

ISANG linggo na rin ang lumipas. Abala kong sinusubuan ng mainit na lugaw si Carmein.

“Busog na ko.”

“Nakaka-tatlong subo ka pa lang, adi.”

Kumunot ang noo niya.

“Busog na ako Lea. Kanina mo pa ako tinatawag na adi, sino ba si adi? Carmein ang pangala ko. Makakalimutin ka na ba, Lea?” natatawa niyang tanong.

Mapait akong ngumiti sa kaniya. Umiiyak ang puso ko sa tuwing nagiging ganiyan siya. Marami na ring bagay ang nakakalimutan ni Carmein. Siguro ay epekto ‘yon ng cancer niya.

Siguro kung mas maaga at naagapan agad, hindi na sana kumalat ang cancer sa utak niya. Tumikhim ako dahil ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

“Sige, mamaya ulit kumain ka ah? M-magpalakas ka para makauwi na tayo.”

Tumango lang siya sa akin at umayos na ulit siya ng higa at inalalayan ko. Hinalikan ko siya sa noo at labi bago siya pumikit para siguro magpahinga.

“Lalabas lang ako sandali, papunta na si Mom. Siya muna ang magbabantay sa’yo.”

Marahan siya tumango. Paalis na sana ako nang hawakan niya ako sa kamay. Bumaling ako ng tingin sa kaniya at agad na nagtama ang paningin namin.

“Mahal na mahal kita, Azalea.”

Parang pinalakol ang puso ko. Imbis na kiligin o matuwa ay nasaktan ako sa pagbanggit niya ng katagang ‘yon. Pumatak ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Agad ko ‘yong pinunasan at tumawa ng marahan. Lumapit ulit ako sa kaniya at hinalikan ang likod ng kamay niya.

“Sobra kitang mahal. Mahal na mahal na mahal kita, Carmein.”

“Kung mawala man ako. Sana sa next life makilala ulit kita at sa pagkakataong ‘yon, masaya at wala ng hadlang sa buhay natin. Lea, gusto kong malaman kung ano na ang gagawin mo kapag wala na ako?” umiiyak niyang tanong.

Umupo ulit ako sa tabi niya. Nag-unahan na naman ang mga luha sa pisngi ko.

“Shh . . . wag mong sabihin ‘yan kasi magsasama pa tayo ng matagal,” pagpapalakas ko ng loob niya.

“M-malapit na akong bumitaw, Lea. Pero lalaban ako hangga't kaya ko pa. Para sa’yo at para sa parents natin.”

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Habang patuloy kaming umiiyak. Ibang-iba na ang hitsura niya kumpara noon. Mas kitang-kita ang panghihina niya nang dahil sa cancer.

“K-kung hindi mo na talaga kaya,” napahagulgol ako ng iyak at nahihirapang tapusin ang sinasabi ko. “P’wede mo na akong bitawan, Carmein.”

Dumating na si Mom at naabutan niya kaming umiiyak kaya agad siyang nag-alala at lumapit sa amin ni Carmein.

“Mga anak, bakit kayo umiiyak?” bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“W-wala po Mom, ay nga pala! Mag-picture naman tayong tatlo.” Magiliw kong sabi kahit patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko.

Kinuha ko ang cell phone sa bulsa at nag-picture kaming tatlo. Mas lalo akong umiyak nang makita ko ang mga mata nilang malungkot.

“Ahh, Mom? Aalis lang po muna ako. May bibilhin lang ako.”

“Oh sige anak, ako muna ang magbabantay kay Carmein. Bumalik ka agad. Mag-iingat ka!”

Tumango lang ako kay Mom. Sa huling pagkakataon ay tumingin ulit ako kay Carmein. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako ng tipid. Lumabas na ako ng hospital at sumakay na sa motor.

Pinaharurot ko ‘yon malapit sa park. Gusto ko munang huminga at makalanghap ng sariwang hangin. Nang makarating ako roon, umupo ako sa bakanteng upuan at pinagmasdan ang mga tao na may mga masasayang mukha.

Napatingin ako sa dalawang babae na nasusubuan ng street food at bigla kong naalala ang masasayang alaala namin ni Carmein.

Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko na inalintana ang mga tingin sa akin ng mga tao. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng pantalon ko at pinanood ko isa-isa ang mga video naming dalawa ni Carmein.

Para akong sinasaksak at walang patid ang luhang umaagos sa pisngi ko. Napahilamos ako sa sarili kong mukha dahil sa nararamdamang sakit, pagod, pangamba, frustrated at takot.

Nang med'yo kumalma na ako ay sumakay ulit ako sa motor para bumalik na sa hospital. Habang nagmamaneho ako, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa cell phone ko kung saan nando’n ang mga litrato naming dalawa ni Carmein.

Ilang sandali pa ay may malakas na pagbusina ang narinig ko. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang sasalpok na ako sa malaking truck. Agad kong iniwas ang motor ko pero huli na ang lahat dahil malakas ang naging pagsalpok ng motor ko sa truck.

Agad akong tumilapon sa gitna ng kalsada. Hindi ko maramdaman ang buong katawan ko at nagdidilim na rin ang paningin ko. Puro dugo ang nakikita ko, naliligo na ako sa sarili kong dugo. Naririnig ko ang sigawan ng mga tao at ang pagpaligid nila sa akin. Ang lahat ay natataranta, nagsisigawan at nag-aalala. Napatingin ako sa gawing gilid ko at nakita ko ang aking braso. Naputol ang isa kong braso dahil sa lakas ng pagsalpok ko sa truck.

Bigla kong naalala si Carmein bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Third person’s P. O. V

TUNOG ng ambulansya ang paparating sa hospital. Agad na naalarma ang mga staff ng hospital. Agad na sinugod sa ER si Azalea. Agad na nag-alala at umiyak ang mga magulang nito nang makita nila si Lea na sinugod sa ER.

“Azalea!” Sigaw ng tunay na ina.

Kitang-kita sa mga mukha nila ang takot habang naghihintay sa waiting area. Hindi ang mga ito mapakali sa sinapit ng anak.

“Magiging maayos din si Lea, kilala ko siya. Malakas ang anak ko,” pangungumbinsi ni Zion kina Carlos, Cristine at sa asawang si Amira.

Umiiyak na sina Cristine at Amira dahil sa pag-aalala sa anak. Hindi nagtagal ay may nagsalita sa speaker. Narinig nila ang pagtawag sa k’warto ng anak nilang si Carmein at kitang-kita rin nila ang pag takbuhan ng mga nurse at doctor papunta sa k’warto nito.

“Ang anak ko!” sigaw ni Amira.

Agad na tumakbo sina Cristine at Amira papunta sa k’warto ni Carmein. Nakikita nila kung paano sinu-subukang i-survive ang anak nilang si Carmein.

Napayakap si Amira kay Cristine habang umiiyak silang pareho at nang marinig nila ang tunog ng machine ay tuluyang napaluhod si Amira dahil sa nararamdang panghihina.

Kitang-kita nilang dalawa ang pagguhit ng linya sa makina at kitang-kita rin nila kung paano tuluyang nawalan na ng buhay ang kanilang anak na si Carmein.

“Time of death 3:09 PM,” bigkas ng doktor.

Malakas na humagulgol si Amira at gano’n din si Cristine. Inalalayan ni Cristine si Amira para makalapit sila sa walang buhay nilang anak.

“Carmein, anak ko!” Sigaw ni Amira habang yakap-yakap ang tunay na anak.

NAPATAYO si Zion nang lumabas ang doktor sa ER. Agad silang lumapit ni Carlos.

“Doc, kumusta na ang anak ko?” tanong ni Carlos sa doktor.

Hindi ito sumagot ng ilang segundo. Huminga ang doktor ng malalim bago ito sumagot sa tanong ni Carlos.

“Ginawa na namin ang lahat pero hindi na kinaya ni Azalea. Sorry for your lost Mr. Padilla.”

Lumapit ang isang nurse sa doctor. “Time of death 3:10 PM.”

Pumatak ang luha sa mga mata ni Carlos at gano'n din ang

kay Zion. Niyakap niya si Carlos na walang patid na humahagulgol sa sinapit ng tunay na anak.

Hinaplos ni Zion ang likod ng buhok ni Carlos habang sabay silang umiiyak.

“A-ang anak ko, Zion! Ang anak ko! Kawawa ang anak ko."

Humahagulgol ng iyak si Carlos habang yakap-yakap siya ni Zion. Nakadukmo si Carlos sa balikat ni Zion habang pinapakalma siya nito.

“Nakalaya na rin siya sa magulo nating mundo. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya at hindi na masasaktan pa,” bulong ni Zion kay sa dating kasintahan.

PURO hagulgol ang maririnig sa sementeryo. Magkatabi ang kabaong nina Carmein at Azalea habang unti-unting binababa ang mga kabaong nila. Naghahagis na ang mga ito ng puting bulaklak sa kani-kanilang mga anak.

Umiiyak na lumapit si Cristine sa anak niyang si Lea.

“Patawarin mo ako anak, ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit sobra kang nagdusa. Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa’yo. Mahal na mahal kita, anak ko.”

Hinagis nito ang puting bulaklak sa kabaong ng anak bago ito lumipat sa kabaong ni Carmein. Gaya ng sinabi nito kay Lea ay humingi ulit ito ng kapatawaran sa anak bago nito hinalikan ang bulaklak at marahang hinagis sa kabaong.

Sunod naman na lumapit ay si Carlos.

“Ang sabi ko, ihahatid ko ang anak ko sa simbahan pero hindi ko hiniling na ihatid kayo sa simbahan ng walang buhay. Sobrang sakit sa akin bilang isang ama na ihatid ang dalawa kong anak dito mismo sa sementeryo imbes na sa reception.”

Umiiyak ito habang nagdadasal ng mataimtim bago nito hinagis ang dalawang bulaklak sa dalawa nitong anak.

Pagkatapos ay si Amira naman ang lumapit sa kabaong ni Carmein. Humahagulgol siya habang binubuhos ang hinanakit sa puso.

“Sa maikling panahon, sa wakas nayakap na rin kita. Patawarin mo ako kung maikling panahon lang ang na ibigay ko sa’yo pero pangako. Hanggang buhay babaunin ko ang masasayang araw na nakasama at nayakap kita. Pangakong habang buhay akong magiging ina ako sa’yo kahit wala ka na,” hinalikan niya ang bulaklak at marahang hinagis ‘yon sa kabaong na anak.

Lumipat naman ito sa kabaong ni Azalea.

“Anak, patawarin mo ang Mommy kung hindi ko naparamdam sa’yo ang isang kalinga ng ina. Patawarin mo ako kung naging mahina ang Mommy. Patawarin mo ako, Lea. Mahal na mahal kita.”

Lumapit si Zion sa kabaong ni Carmein. Humingi siya ng kapatawaran sa anak bago hinalikan ang bulaklak at hinagis ‘yon sa papalubog na kabaong. Sunod ay lumapit ito sa kabaong ni Azalea. Pumatak ang luha sa mga mata nito bago kinausap ang kabaong ni Lea na papalubog na rin.

“Habang buhay akong dadalawin ng konsensya ko sa’yo, Azalea. Sana napatawad mo na talaga ako ng tuluyan. Patawarin mo ang Daddy, patawarin mo ako sa mga masasamang nagawa ko sa’yo. Kung nasaan ka man ngayon alam kong magkasama na kayo ni Carmein. Nakatakas na rin kayo sa magulong mundo. Kung nasaan man kayo, sana maligaya na kayo sa piling ng isa’t isa.

Hinalikan niya ang puting bulaklak bago nito marahang hinagis ang bulaklak sa kabaong ni Azalea.

Author's notes

I just want to promote my story (Fireflies). Magiging libro po ito very soon at sana po ay suportahan niyo ako sa librong ito. Sa libro lamang po mababasa ang mga Special Chapter nitong istorya. I-a-announce ko ang update sa librong ito sa aking Wattpad account. You can also follow me on Wattpad. Thank you!