Chapter 10
NANG makarating ako sa bahay niya ay agad ko siyang hinanap. Nakita ko siya sa kusina na umiinom ng tubig. Walang emosyon ang mukha niya kaya sobra-sobra ang kaba ko nang lumapit ako sa kaniya.
Alam kong ramdam niya ang presensya ko pero hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
“I’m sorry adi, hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka ng gano’n.”
Hindi pa rin siya tumitingin sa akin pero sinagot niya ang sinabi ko.
“Sadya man o hindi. Hindi mo na maibabalik ang masakit na salitang pinaratang mo sa akin,” malamig niyang sabi.
Lumapit ako sa kaniya para mas maipaliwanag ko ang side ko pero umiwas siya at lumabas ng kusina. Napahilamos na lang ako ng mukha at nagtiim ako ng panga dahil sa nararamdang frustration.
Hanggang sa nag gabi ay hindi niya pa rin ako pinapansin. Nakahiga na kami sa kama at hindi pa rin siya kumikibo. Bumaling ang ulo ko sa kaniya para tingnan siya pero nakatingin lang siya sa kisame. Bukod tanging lampshade lang ang tumatanglaw na ilaw sa aming dalawa.
“Galit ka pa rin ba sa akin?” halos pa bulong kong tanong sa kaniya.
“Hindi ako galit, masama lang ‘yong loob ko dahil sa sinabi mo,” mahinahon niyang sabi pero may diin.
“Alam kong hindi ko na maibabalik ang oras o kahit sabihin ko pa ang salitang patawad ay hindi ko na maibabalik ang mga nabitawan kong salita pero gusto ko pa ring humingi ng tawad sa nagawa ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon at selos ko. Mahalaga ka sa akin Carmein at ayokong may ibang makakuha sa atensyon mo. Kase natatakot akong mawala ka sa akin. Ikaw na lang ang mayroon ako Carmein sana maintindihan mo rin kung bakit nagawa at nasabi ko ang mga bagay na ‘yon,” mahabang paliwanag ko.
Tumulo ang luha sa gilid ng mata ko. Ngayon ay bumaling na siya sa akin at binigyan niya ako ng malamlam na tingin.
“Sorry kung hindi rin kita naunawaan. Sorry kung sariling feelings ko lang ang napagtuunan ko ng pansin. Sorry kung nasaktan din kita.”
Tumingin ako sa mga mata niya at bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Unti-unti akong lumapit sa kaniya hanggang sa magtagpo ang mga labi namin.
Nang maghiwalay ang mga labi namin. Doon ko na patunayan na nagmamahal na nga talaga ako. Lalo kong naramdaman kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal. Nang dahil kay Carmein marami akong bagay na natututunan.
"I love you."
"Mahal din kita, adi."
KINABUKASAN ay maaga akong nagising, nang bumaling ako sa tabi ko ay natutulog pa rin si Carmein. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo bago ako bumangon. Dumiretso ako sa banyo para maligo at nang matapos ay agad din akong lumabas. Naabutan ko si Carmein na kalalabas lang ng k’warto habang nagkukusot ng mata. Ngumiti ako sa kaniya at binati siya.
“Good morning mahal kong Carmein, kumusta ang iyong tulog?” magiliw kong tanong.
Lumapit siya sa akin at ikinawit niya ang dalawang braso sa balikat ko kaya gahibla na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa.
“Maganda ang tulog ko kasi nagkaayos agad tayo. Salamat sa’yo kase, hindi mo ako hinayaang matulog na may sama ng loob,” nakangiti niyang paliwanag.
Napangiti rin ako. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa kaliwang pisngi bago siya bumitaw.
“Wala akong gagawin ngayon, gusto mo bang pumunta na tayo sa secret house mo?”
“Hindi ka na busy?” natutuwa kong tanong.
Umiling naman siya. “Hindi na.”
“Ayos!”
Nailing at natawa siya sa naging reaksyon ko. Naligo muna siya at kumain muna kami. Matapos no’n ay umalis na kami papuntang secret house na pinatayo ko. Gusto ko kasi ay sabay naming makita ‘yon.
Nang makarating kami sa secret house ay agad siyang napamangha sa naging resulta kaya napangiti ako dahil alam kong nagustuhan niya.
“Ang ganda ng bahay mo,” papuri niya.
“Ang galing naman no’ng nagplano nito, ang astig! Paano niya nagawa ito?”
“Ano’ng pangalan ng architect na nagplano ng secret house mo? Ang galing niya Lea!” Natutuwa niyang tanong.
“Azalea Montemayor ang pangalan niya.”
Lalong nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat.
“Ikaw ang nagplano nito adi?!”
“Yup.”
“Wow! Ang galing mo talaga!”
Namamangha niyang sabi at niyogyog ako dahil sa tuwa kaya natawa ako sa naging cute niyang reaksyon. Busy na siya sa pagtingin sa buong paligid at alam kong nag-e-enjoy siya.
“Para sa future natin.”
Binalik niya ang tingin sa akin. Biglang nangilid ang luha sa mga mata niya kaya agad ko siyang inalo at alam kong nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ko.
“Talaga? Para sa future natin ‘to?” naiiyak niyang tanong kaya tumango ako.
“Oo, bakit ayaw mo ba? Hindi mo ba nagustuhan?” pangangamba ko.
Umiling siya habang may ngiti sa mga labi. May bahid pa rin ng luha ang mga mata niya.
“Gusto ko. Gustong-gusto ko adi,” wika niya at tuluyan na ngang naglandas ang mga luha sa pisngi niya. Agad kong pinunasan ang tumulong luha kaya napangiti siya sa ginawa ko.
“Thank you.”
“No, ako dapat ang mag thank you dahil sinama mo ako sa plano mo,” naiiyak niya pa ring sabi. Kinagat niya ang ibabang labi dahil sa panginginig nito.
“I love you.”
“Mahal na din kita Lea.”
Mahigpit na yakap ang hinandog niya sa akin kaya malugod kong tinanggap ‘yon. Nagpalipas muna kami ng oras sa secret house. Puro tawanan at kulitan ang ginawa namin dito sa loob at parang ang bilis lang ng oras dahil tanghalian na.
May iilang gamit pa lang ang nasa loob ng secret house at hindi pa siya totally kompleto pero ayos na rin dahil ‘yong mga kailangan namin ay nandito na.
Sinamahan ako ni Carmein na mamalengke malapit sa bayan. Masaya pa rin kami habang namimili. Bawat minuto ay binibigyan namin ng halaga para sumaya kaming dalawa.
Nang matapos kaming makapamili ay agad kaming bumalik sa secret house at si Carmein ang nagluto dahil siya ang mas expert sa kusina kumpara sa akin.
Habang nagluluto ay patuloy pa rin kami sa k’wentuhan at tawanan. Kung minsan ay nagkukulitan.
“Nga pala adi, malapit na ang graduation ko at binalita sa akin ni ma’am na kasama ako sa mga ga-graduate ngayong school year,” natutuwa kong balita sa kaniya.
“Talaga adi?! Congrats! Pupunta ako sa graduation mo ha? At isa ako sa mga taong papalakpak sa’yo. Sobra akong proud sa’yo,” dahil sa sobrang tuwa ay napatalon-talon pa siya at hinalikan niya ulit ako sa kabilang pisngi.
“Salamat adi! Kung wala ka, hindi ko magagawa ang mga bagay na ‘to. Salamat sa’yo dahil dumating ka sa buhay ko.”
“Gano’n din ako adi. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita.”
Pinatay niya ang stove bago ulit siya lumapit sa akin at sa pagkakataong ito ay sa mga labi niya ako hinalikan. Pinalalim ko ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa. Napadaing siya nang kagatin ko ang ibabang labi niya.
Bumaba ang mga halik ko sa leeg niya at dito na ako nagliyab. Tumingin ako sa mga mata niya at nakipag-usap do’n kung pahihintulutan niya ang gusto ko.
Siya ang kusang gumalaw. Hinila niya ang kamay ko at dumiretso kami sa isang k’warto kung saan may isang kamang nandoroon at doon mismo namin bininyaan ang secret house. Saksi ito sa pag-iisa at pagmamahalan naming dalawa.
MATAPOS ang mainit naming pag-iisa ay agad na rin kaming kumain. Parehas kaming napagod pero hindi niya inalintana ‘yon bagkus ay siya pa ang nag-asikaso ng aming makakain.
Ang makilala si Carmein ay ang pinaka masayang araw sa tala ng buhay ko. Tumingin ako sa kaniya habang masagana siyang kumakain. Naramdaman niya siguro ang titig ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin. Binigyan niya ako ng malawak na ngiti na nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Ngumiti rin ako sa kaniya at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
“Sana ay lagi na lang tayong ganito. Masaya at walang problema,” bigla niyang sabi.
“Hindi man tayo perpekto pero sisikapin nating maging masaya kahit may dumaan mang problema,” seryoso kong hayag.
Hinawakan ko ang isang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa kaya napaangat ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid para pagaanin ang kung ano man ang gumugulo sa isipan niya.
“Walang sino man ang p’wedeng makapag papahiwalay sa ating dalawa. ‘Wag kang mag-alala, hindi ako bibitaw at hindi kita kayang bitawan.”
“Maraming salamat sa pagmamahal mo, adi.”
“Salamat din sa’yo.”
Napabitaw siya sa kamay ko dahil bigla siyang napahawak sa ulo niya.
“Aray!”
Bumalatay ang pag-aalala ko kaya agad akong tumayo at nilapitan siya. Hawak-hawak pa rin niya ang ulo niya habang umiinda sa sakit ng ulo niya.
“Carmein, ano’ng nangyayari sa’yo?” nag-aalala kong tanong.
Halos mamaluktot na siya sa upuan dahil sa iniindang sakit.
“Ano’ng masakit sa’yo? Saan ang masakit adi?” hindi na ako mapakali at sobra na akong nag-aalala.
Napayakap siya ng mahigpit sa akin habang umiiyak dahil sa nararamdamang sakit. Hinagod ko ang likuran niya habang pinapakalma siya kahit pa sobra na rin akong nag-aalala at natataranta.
Hanggang sa kumalma na siya at tanging paghikbi na lang sumasabay sa katahimikan. Hinagod ko ang likod niya habang yakap-yakap niya pa rin ako ng mahigpit bago ko siya hinalikan sa sentido.
“Tahan na mahal ko.”