Chapter 15

Nalaglag ang panga ni Leandro sa kaniyang narinig. Sinundan niya ang dalaga. Hindi niya alintana ang ibang taong nasa showroom. May nagbubulung-bulungan na mga sales representatives samantalang ang mga kustomer nila ay bumalik na sa pagsusuri ng mga sasakyan. Ang iba naman ay may itinanong na impormasyon sa kani-kaniyang sales representative.

“Huddle room!” mariing aniya sa dalagang napaangat ng tingin sa mukha niya. Nagtitigan sila. Pagkatapos ay iniwan niya ito.

Pumasok siya sa huddle room at ilang minuto ang lumipas bago sumunod sa kaniya ang dalaga. Pagpasok pa lang nito ay agad niyang isinara ang pinto at isinandal ang dalaga roon. Nagulat ito sa ginawa niya.

“B-bakit ba?” nauutal nitong sita.

“Dalawa na ang utang mo sa ‘kin. Paano mo ‘ko babayaran, ha?” Unti-unti siyang napangisi rito. He enjoyed watching the emotions play across her face. Simula sa pagkagulat ay naging amused ito at nanunuya sa kaniya.

“Huh! Ito ba ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon?”

Pansin niyang hindi na pormal ang pagsasalita nito sa kaniya. He thought it was progress in their relationship. Nakikita na siya ng babae bilang lalaki at hindi lang kasamahan at boss sa trabaho.

Hinagod ng kaniyang mga mata ang mukha ng dalaga. Pinipigil niya talaga ang sarili na huwag itong halikan ngayon na siyang gustong-gusto niyang gawin.

“Naghihintay ako sa sagot mo.” Nanghahamon ang tono niya. Sinadya niya talagang itigil ang paningin sa mga labi nito. Her scent alone was driving him crazy, but he had to play it cool.

“Wala kang mapapala sa ‘kin. Kung tutulong ka sa isang tao, dapat hindi ka maghihintay ng kapalit o kabayaran.”

Itinabig na siya nito pagkasabi niyon. Napatawa siya nang mapakla. Baka naman ay tama nga si Mindy. He and Estelle were playing a game. But he would be damned if it was tug-of-war! Hinawakan niya ito sa braso bago pa man nito mabuksan ang pinto.

Isinampa niya ito ulit sa dingding. Ibinilanggo niya ito sa pagitan ng matigas niyang katawan at ng kongkretong pader. Ang mga kamay nito ay nakadikit din sa dingding. Sinadya niya talagang maramdaman nito ang katawan niya at kung ano ang epekto nito sa kaniya. Nahuli niya ang pagkasorpresa nito nang maramdaman ang matigas na harapan niya at napasinghap ito.

“I was just asking for dinner, Estelle. Hindi ba puwede ‘yon?” Inihagod niya ang mga mata sa mukha nito pababa sa dibdib ng dalaga na may ngiti sa kaniyang mga labi. Pagkatapos ay inilapit niya ang mukha sa dalaga. Their breaths mingled with each other. At kapwa bumibilis ang kanilang paghinga na animo’y tumatakbo sila sa isang marathon.

“Leandro…” mahinang sambit nito.

Napamura siya sa isipan. Ang sarap pakinggan ng pangalan niya nang sinambit nito iyon sa unang pagkakataon. Para siyang mababaliw sa kakaibang pakiramdam na ito. How could his name sound so sexy coming from those sweet lips?

“You know damn well that I’m craving you, Estelle,” pabulong niyang kumpisal.

Napalunok ang babae sa narinig. Hindi ito makaiwas sa malagkit niyang tingin at tila wala na itong ganang labanan pa siya. Batid niya ang panghihina nito pero alam niyang pilit nitong nilalabanan ang nadarama para sa kaniya kahit alam niyang pareho sila ng nararamdaman ngayon. Sparks flew the moment they met. They were clearly attracted to each other. Pero sa hindi niya malamang dahilan ay pilit pa rin iyong idini-deny ng dalaga gayong wala naman na itong nobyo ngayon.

Bago pa ito makapagsalita ay narinig nila ang isang katok kaya binitiwan na niya si Estelle. Agad ding bumukas ang pinto ng huddle room. Sumilip si Mindy. Kahit hindi nito nakita ang kanilang magkadikit na katawan ay tila alam na nito ang nangyayari sa loob. Lalo na’t obvious na nagbu-blush si Estelle at hindi nito sinalubong ang mga mata ng kaibigan.

“Ano ‘yon, Mindy?” marahang tanong niya na tila wala lang.

“May naghahanap sa ‘yo, Leandro. Daddy mo raw?”

Hindi niya ito inasahang pupunta sa mismong pinagtatrabahuhan niya. Napasulyap siya kay Estelle na lumipad ang paningin sa mukha niya. Napatingin silang dalawa kay Mindy na nag-sidestep at nasa likuran lang pala nito ang itinukoy.

Halos kasing-tangkad niya ang medyo stocky na may-edad na lalaki. May ilang uban na ito sa ulo, mestiso, at may awra itong maawtoridad. Nakasuot ito ng pormal, minus the jacket.

“Hello, son,” ang bati ng ama niya. “If you’re not busy?”

Nag-iba ang kaniyang ekspresyon sa mukha. Naging malamig iyon. Umeksit si Mindy at susunod sana si Estelle pero pinigilan niya ito. Ayaw niyang maiwang mag-isa kasama ang kaniyang estranged father.

Nagtatanong ang mga mata ni Estelle pero hindi ito nagprotesta. Tila nabasa nito sa mga mata niya ang gusto niya.

“What do you want?” ang pilit na patay-malisyang sita niya sa ama.

Sumulyap muna ang ama sa babaeng kasama niya. Tila sinusuri nito si Estelle na para bang isa itong diamante na ina-appraise nito. Nang tapos na ito sa pagsusuri ay napangiti sa kaniya ang ama. Makahulugan ito. Hindi man siya sigurado ay may ideya na siya kung ano iyon.

“Sigurado ka bang ayos lang tayong mag-usap na kasama siya? Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong magtrabaho para sa ‘kin, Leandro? Palagi mo na lang na hindi siniseryoso si Atty. Mendez kapag kinakausap ka niya.”

Napatawa siya nang mapakla sa narinig. “Hindi ko man lang kapamilya si Atty. Mendez,” he murmured, pointing it out.

“Leandro, kailangan nating mag-usap—”

“Hindi ba ‘yan ang ginagawa natin ngayon?” agaw niya, hindi man lang ito tinawag na “Dad.” Kumumpas din siya sa ere gamit ang isang kamay dahil ang isa ay nanatili pa ring nakahawak sa kamay ng dalaga.

Marahang napangiti ang ama pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Bakit ka ba nagmamatigas? Alam mong wala kang kawala sa ‘kin, Leandro. I’m your father—”

“With whom I’m not proud of!” agaw na naman niya rito. Nag-aapoy ang mga mata niyang nakatingin sa ama. Nang-uusig.