Kabanata 6
CALIXTA'S POV
'Now for the 16th rose, the debutant's cousin'
Kasayaw ko ngayon ang aking pinsan at habang patagal ng patagal ay naeexcite na ko dahil malapit na ang last dance. Si baby Jaxon kooo..
'Happy Birthday Pinsan!' sabi ng pinsan ko sa father side.
'Salamat at nakadating kayo nila lola, bat pala wala sila tita?'
'Ahh ehhh... Kasi umalis sila..'sabi nito at tumango naman ako.
'and now for the 17th rose...'
Nasa gitna kami ng pag sasayaw ng bigla kaming may narinig na nabasag.
Napunta ang atensyon ng lahat kung saan nang galing yon.
Teka si mommy-- at sino yung dalawa nyang kausap? Napaupo yung babaeng nakapula at tinulungan naman syang tumayo nung lalake, familiar sya?
*pak!* nanlaki ang mata ko ng biglang sampalin ng babae si mommy.
'Tamana!' sigaw ng matandang lalake.
Nakita kong tumakbo sila Tito Robert sa direksyon nila mommy. Napatigil ang lahat sa nangyayare.
'Anak ko din sya kaya may karapatan akong pumunta dito!' sigaw ng lalake.
'Napaka kapal ng mukha mo! Sa ganitong oras pa talaga ha?! Anton?!' sigaw naman ni mommy.
Wait.. --- Anton? Si D-daddy?
Nag karoon ng mga bulong bulungan.
'Teka sabi patay na daw yan'
'Oo nga. Naaksidente daw'
'E bakit buhay?'
'Hala, may tinatago silang sikreto.'
Halong emosyon ang nararamdaman ko, sino ang babaeng sumampal sa mommy ko, di nya pwedeng basta basta gawin yon! Kumirot ang dibdib ko sa pangyayareng nasasaksihan ko ngayon, biglang lumingon sa direksyon ko ang matandang lalake, may kaunti nang wrinkles ang kanyang mukha pero makikita mo padin ang itsura nya..
Ang itsura ng lalaking nasa picture.
Ang Daddy ko..
Pero bakit?
Bakit nag sinungaling sakin si Mommy?
---
JAXON'S POV
I am confused.
What's happening?
Kaya ba sya pamilyar. Sya ang lalake na may buhat buhat kay Cali nung baby pa sya, yung picture na ipinakita nya sakin dati.
But we thought he's dead. That's what tita Bea said.
Ang mga bisita ay halatang nagulat din sa nangyayare, nilapitan nila mama si Tita Bea.
Ano bang nangyayare? Bakit ngayon pa?
Lumingon ang lalake kay Cali at mabilis na lumapit dito.
'Cali... My daughter...' sabi nito at hinawakan si Cali sa kamay.
Sunod sunod ang pag tulo ng luha nya.
'H-hindi.. ' nauutal nya sabi Cali ' Sabi ni mommy wala kana.'
Agad namang lumapit si Tita Bea. 'Anak, let mommy explain.'
'Ano m-mommy? Totoo ba ang sinasabi nya?'
'Anak please.. '
Umiling si Cali at tumakbo ito, nadapa pa sya dahil sa laki ng gown na suot nya. Agad naman akong tumakbo sa direksyon nya at tinulungan ko syang tumayo.
'Cali... H--- di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng muli syang tumakbo.
Muli ko syang sinundan.
'Cali wait!!'
'Wait!'
'Cali!'
Ngunit hindi nya ko pinakinggan.
Ang direksyon nya ay papunta sa kwarto kung saan sya inayusan kanina. Bago nya pa maisara ang pinto ay hinarang ko ang kamay ko dito.
'Cali! Teka' napabitaw sya sa pinto at umupo sa sahig at dun na sya humagulhol habang takip takip ang kanyang mukha.
Umupo ako para mag kapantay kami. At niyakap ko sya ng mahigpit.
'I'm here...' sabi ko at hinayaan syang ilabas ang emosyon nya, I hugged her so tight to make her feel safe.
---
JAXON'S POV
Habang patagal ng patagal ay humihina na ang kanyang pag iyak hanggang sa mga hibi nalang ang naririnig ko.
Patuloy ko pading hinahagod ang kanyang likod. At ramdam kong basang basa na ang suot kong damit, but it's okay. The more important is to make her feel better.
'Uhm.. Cali? Do you want to change? Para mas komportable ka.' sabi ko. Ramdam ko naman na tumango sya. At dahan dahan akong humiwalay sakanya.
Binuksan ko ang pinto at nakita kong napalingon sya sakin.
'Don't worry babalik ako, ikukuha kita ng damit ko, para mas komportable ka'
'Sasama nalang ako sayo' malungkot nyang sabi.
'Okay okay' inalalayan ko sya sa pag tayo.
Pag labas namen ay nakita ko si mama. She mouthed 'Ikaw muna bahala kay Cali anak' at tumango ako.
Nilock ko na ang pinto samantalang sya ay nakaupo sa kama.
Kinuha ko sya ng jacket at short.
'Here Cali...' pero nakatulala sya, kaya lumuhod ako sa harap nya.
Ang magandang ayos sakanya at nabura na ng mga luha nya, kumakatat na ang make up nya, kaya kumuha ako ng basang panyo at pinunasan ito.
Sobra akong naninibago na makitang malungkot ang mga mata nya.
This is her day, pinag handaan nya to. Tapos mauuwi lang sa ganito.
'Here's my clothes Cali.' sabi ko. 'You want me to help you to remove your gown?' tumango lang sya.
I unzipped her back.
'Sige tatalikod muna ako, mag bihis kana ha'
Tumalikod ako at narinig kong inaalis na nya ang kanyang gown. Mga limang minuto din ang tinagal nya sa pag bibihis.
'Done.' mahina nyang sabi.
Humarap na ko sakanya at muli nanamang tumulo ang kanyang luha, lumapit ako at pinunasan ko ito.
It hurts seeing her like this.
'Are you hungry? You want me to get some food?'
Umiling sya.
'Water?' tanong ko muli.
Umiling padin sya.
Tinabihan ko sya sa at inilagay ang ulo nya sa may dibdib ko at niyakap syang muli.
She's crying again.
All I can do right now is to be with her.
'Shhh.. Hush now Cali...'
'S-sabi ni mommy w-wala na daw si daddy pero b-bakit g-ganito?' sabi nya habang umiiyak padin.
Kahit ako ay hindi ko alam ang isasagot sa tanong nya dahil naguguluhan din ako.
'You should listen to Tita Bea, para maliwanagan ka' sabi ko.
Pero umiling sya. 'Ayoko, ayoko baka mag sinungaling nanaman sya.'
'Shhh... She's your mother Cali, we don't know the reason behind this, sila lang ang makakasagot ng tanong mo.' pag papaliwanag ko.
---
Halos isang oras din kami na nasa gantong posisyon tiningnan ko sya at nakapikit, mukhang nakatulog sya.
Dahan dahan ko syang inihiga sa kama ko at di ko napigilan na hindi sya titigan.
I feel sad for her.
She don't deserve this.
She's so fragile.
I put a blanket on her at binantayan sya buong mag damag.
---
4:45 am.
I heard a knock.
I immediately open the door.
'Tita Bea.'
'Where's Cali?' pugtong pugto ang mata nya.
'Natutulog po.' at tinuro ko sakanya si Cali.
Huminga sya ng malalim at parang pinipigilang umiyak. 'Salamat iho sinamahan mo si Cali. Anong nangyare sakanya?'
'Iyak po sya ng iyak tita, ayaw nya din pong kumain.' sabi ko.
'Okay lang ba kung bantayan mo muna sya? Sobrang kahihiyan sa mga bisita ni Cali' napahilot sya sa sentido nya 'Hindi ko na alam ang gagawin' dagdag ni tita
'Ako na po ang bahala sakanya tita'
'Salamat ng marami Iho, pag dating kay Cali, ikaw lang mapag kakatiwalaan ko sakanya'
Biglang dumating sila mama at papa.
'Anak, kami na ang bahala sa mga gamit dito, pag gising ni Cali, asikasuhin mo sya ha? May kailangan lang kaming kausapin ng tita Bea mo' sabi ni mama
'Opo ma.'
---
6:18 am.
'Hmm..' napatingin ako kay Cali, she's awake.
Umupo sya sa kama.
'Hey, Cali.. How do you feel?' tanong ko at lumapit sakanya.
Umiling sya.
*kruuu kruuu* napatingin kami pareho sa tyan nya.
Hinawakan ko sya sa kamay 'Come on let's eat' nag aalangan syang tumingin sakin.
'Wala nang tao sa baba, come on.' tumayo naman sya at nag suot ng tsinelas.
Bumaba na kami sa parking at ang tahimik padin sya, hindi ako sanay.
'Anong gusto mo kainin?' tanong ko at pinag buksan sya ng kotse.
'You.' maikli nyang sagot.
Hay nako. Kahit kelan talaga. That's my Cali.
'Seriously Cali?'
'Kahit ano nalang, ikaw bahala' sabi nya at tumingin sa labas.
I think she needs a fresh air
---
45 mins. na kaming nasa biyahe, nag tataka na ata sya dahil ang tagal namin, at sunod sunod na din ang ingay ng tyan nya.
Plano ko kasi syang dalhin sa pribado naming resthouse. Para marelax sya.
---
'Bakit tayo dito?' tanong nya.
'Basta, halika na.' binuksan ko ang pinto at agad na dumiresto sa kusina.
I'll prepare some food for her.
Tahimik naman syang nag iintay.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ko sa pag luluto, nakita ko naman na umayos sya pag kakaupo at sinalin ang mga pagkain sa pinggan.
'Kain na' sabi ko. At hinalo ang gatas na tinimpla ko para sa kanya.
Halatang gutom na gutom sya dahil naubos nya ang niluto ko.
*buuurrrffff* napatakip sya sa bibig nya dahil ang lakas ng dighay nya.
'I think kailangan mo na maligo, amoy kana kasing muta e.' pang aasar ko.
Sinamaan naman nya ko ng tingin at inamoy nya kili kili nya.
'Maliligo ako.' sabi nya saka dumiretso sa banyo.
---
Damit ko nalang uli ang ipapasuot ko sakanya, wala naman kasing iba na pupwede e. Inilagay ko na sa kama ang aking tshirt at boxer pati brief ko, hay nako.
Habang naliligo sya ay may naisip akong plano.
I hope magustuhan nya...
----