Chapter 6: Kabanata 5

JAXON'S POV

I'm here in my room.. Alone. Thank God nakapag isa din. Busy ang asungot na yon para sa debut nya bukas.

Habang nakahiga ako ay naalala ko ang nangyare kanina..

--

Shit! Muntik na kame makabangga. Agad agad akong lumabas at hihingi ako ng pasensya.

'I'm sorry Sir. Are you alright?' nag aalala kong tanong.

Umangat ang kanyang tingin. Parang nakita ko na sya... Somewhere?

Bigla syang ngumiti at hinawakan ako sa balikat. 'It's okay young man. Be careful next time. Okay?' agad naman akong tumango at umalis na sya.

Kita ko na sa kabilang daan ay may babaeng may edad na din ang nag iintay sakanya sa kabilang kalye, asawa nya siguro yun, dahil humalik ito sa pisngi nya at pinulupot ang braso.

---

Familiar talaga ang mukha nya. He looks like a wealthy man and he seems nice, dahil kung sa ibang tao yon, malamang ay nag file na yon sa police station.

*toot*

1 message receive

(Open)

From: CALIkot

'Baby Jax, still awake?'

(reply)

'No I'm sleeping'

Delivered

*toot*

'Baby Jax naman e! Can I sleep dyan sa inyo? Di kasi ako makatulog. Kinakabahan ako para bukas. You know.'

Reply

'A big NO.'

Delivered.

Pshh.. Kilalang kilala ko na ang babaeng to baka kung ano nanaman gawin nito sakin.

Nilagay ko na ang phone ko sa table at natulog na.

---

October 17, 2009 Cali's Debut.

Lahat ay busy sa kanilang mga ginagawa, from the decorations and table designs.

At exactly 6 pm. ay mag sstart na ang party ni Cali.

Nasa kwarto ako ng venue at katabing kwarto ko lamang si Cali. Sinisimulan na syang ayusan dahil marami pang gagawin sakanyang kung ano ano.

Nang naging all set na ay nag simula nang papasukin ang mga bisita, ang mga school mate namin ay imbitado at iba pang kamag anak nila Cali.

Isinuot ko na ang aking coat at humarap sa salamin, saka inayos ang aking relo at hagod nang kaunti sa buhok.

'Anak halika na, may pictorial pa kayo ni Cali.' tawag sakin ni mama.

'Okay ma'

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong tapos na din ayusan si Cali, lumabas na sya at inaalalayan sya ng mga nag ayos sakanya. She's wearing beautiful Royal Blue gown.

'Lovely' bulong ko.. Nag angat sya ng tingin at nginitian ako. I smiled back.

She looks like a princess. A fragile girl.

'Hehe so... How do I look?' nasa harapan ko na sya.

'Hmm.. Okay lang' pang aasar ko.

Kumunot noo nya. 'Yun lang?!!'

'Hmm..' nag kunwari akong nag isip 'Muka ka nang tao, hindi kabute'

She pouted.

'Let's start na sa pictorial' sabi ng photographer.

Nag punta kami sa may hagdan ng venue at nag take ng pictures.

'Okay, hold each others hand' utos ng photog.

Bigla namang hinila ni Cali ang kamay ko.

'Okay sir, tingin po kayo kay Miss Cali' huminga ako ng malalim. I looked at her, her eyes are glowing.

Yung batang bungi, buo na ang ngipin ngayon. Natatawa ako sa pag tingin ko sakanya.

*click*

'Nice.' sabi ng photog. 'Okay we're done. Mag sstart na po ang program.'

Humarap sakin bigla si Cali at pinisil ng madiin ang kamay ko.

'Jaxonnn! I'm nervous!' nag aalala nyang sabi.

'Walang kakain sayo dyan sa baba tsk' sabi ko.

Ngumiti naman sya ng nakakaloko. 'Syempre ikaw lang pwede kumain sakin e!' nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

'Shut up! Baka may makarinig satin. Pasalamat ka Birthday mo ngayon' masungit kong sabi.

'Ma'am Cali, mag sstart na po' sabi ng babaeng organizer. 'At ikaw po Sir Jaxon, sa baba po kayo ng hagdan, sasalubungin niyo po si Ma'am Cali while she's going down the stairs.'

Tumango naman ako. At lumingon kay Cali.

'Smile....

... Princess Cali'

Nagulat sya sa sinabi ko. Pero bumaba na ko sa hagdan.

'Let's start!' sabi ng organizer.

CALIXTA'S POV

This is it pancit!!

'Ladies and Gentlemen, tonight we will witness the very important milestone of a girl's life, from a baby now a beautiful Lady, I am proudly to present to all of you, our debutant, CALIXTA MARTINEZ!'

I heard the guests clapped.

Inhale... Exhale.. Inhale... Exhale...

Dahan dahan akong nag punta sa hagdanan at nginitian lahat ng taong nakatingin saakin.

Humawak ako sa hagdanan at dahan dahang bumaba, napatingin ako sa baba at nakita ko si Mommy na nag pupunas ng luha pati ang Mama at Papa ni.... Jaxon... There he is.. He looks so handsome, as always, nakatingin din sya sakin. I wonder what's running in his mind right now.

'May I? My Lady?' sabi nya at nilahad ang kanyang kamay.

Nginitian ko naman sya. 'Yes you may, Baby Jax' at hinawakan nya ang kamay ko.

Nag palakpakan naman ang mga tao, my family is in tears. Sobra akong nao-overwhelmed sa nakikita ko, pero nawala ang kaba, at napilitan ng saya sa dibdib ko.

Inalalayan ako ni Jax sa stage kung saan ako uupo, ang gwapo nya talaga.

Nag start na ang program sa paninimula ng isang panalangin.

----

JAXON'S POV

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Cali, well yun naman talaga ang personality nya e, masiyahin syang tao, palangiti at madaling pakisamahan.

'Okay, let's start for the opening remarks from the mother of our debutant, Mrs. Martinez.'

Lahat ay tahimik at nakikinig sa sasabihin ni Tita.

'Uhm.. Goodeveing everyone, maraming salamat po sa pag punta sa kaarawan ng aking nag iisang anak na si Cali' humarap naman sya kay Cali ' ang masasabi ko lang sakanya ay sobrang proud ako because you are my daughter, I may not be the best mother but atleast I have you my princess..' nag punas ito ng luha nya, pati si Cali ay naluluha na din.

'I wish all the happiness in this world will be given to you, I love you so much anak.' at hinalikan nito si Cali sa pisngi at nag palakpakan lahat.

'What a touching message from the mother of our debutant' emcee.

'Let's now move on to the first part of this exciting moment, the 18 dance.'

'Anak ayusin mo ha!' paalala sakin ni mommy.

'Yeah, pang huli pa naman ako e' sabi ko.

Nauna ang mga kamag anak ni Cali, mga pinsan nya, pero kadalasan ay sa mother side, di kasi sya close sa father side nya.

Unti unti nang napupuno ang hawak nyang mga bulaklak.

Umikot naman ang tingin ko sa paligid, may biglang nag bukas ng pinto sa entrance, walang ibang nakakapansin dahil nakatuon ang atensyon ng lahat kay Cali.

Nakaformal na babae at lalake, teka familiar... Napansin kong napatingin din si Tita Bea at nag iba ang expresyon ng kanyang mukha at dali dali syang lumapit sa mga ito.

Parang galit ang aura nilang tatlo.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil maingay.

Nagulat ako ng biglang sampalin ni Tita Bea ang lalake,

Teka... Sya yung...