Chapter 7 Kuwarto

“Mang Kanor, kayo na po ang bahala rito ha.” Paalam ko at tinungo ang kotse.

Dumaan muna ako sa bahay para magpalit. Pagkarating ko ng bahay ay saktong paalis naman ang bruha kong kambal na nakaayos mula ulo hanggang paa. Nakaitim siyang tube-dress. Halos kita na ang singit sa sobrang ikli nito at halos iluwa na nito ang dibd*b sa sobrang sikip. Naka-bun naman ang buhok niyang pinalibutan ng kumikinang na dyamante at perlas. Suot na naman nito ang mamahaling sapatos.

Umikot-ikot siya sa harapan ko na tila pinipresenta ang magarang suot. Tumama naman sa braso ko ang branded niyang bag. “Hey... watch it! Baka magasgasan,” sita niya sa ‘kin.

Napangiwi ako. “Ako na nga ang tinaman, ikaw pa ang galit?”

“Whatever!” Pinaikutan niya ako ng mata. “Magdi-date kami ng boyfriend ko,” deklara niya.

“Edi enjoy.” Tumalikod ako at papasok na Sana ng bahay.

“Sabi ko may date ako,” ulit niya na may bahid ng inis. Hinarap ko siya nang magkasalubong ang mga kilay. “Ang susi ng kotse.” Nilahad niya ang palad sa harapan ko.

Napangiti siya nang ilabas ko ang susi ngunit agad ding nabura nang iniwas ko ito sa pagkakahablot niya.

“Bumili ka ng sa ‘yo total masmahal pa naman ‘yang sapatos mo kaysa proyektong hinahawakan ko.” Nagkibit-balikat ako at ibinulsa ang susi.

“Isusumbong kita kay Daddy!” pumapadyak-padyak niyang singhal. “Let see... I’m going to tell Dad to give that car to me. As if it’s yours.” Kinalkal niya ang laman ng itim na bag at nilabas ang cellphone.

“Go ahead. Para lang malaman mo, pera ko ang pinanggamit ko sa pagbili ng sasakyang ‘yon, galing mismo sa bulsa ko,” banggit ko na ikinasimangot niya.

“Let me borrow it. Just today. Where do you want me to ride? Taxi? Paano kung mabastos ako?” aniya sabay tingin sa sarili, sa suot.

“Sino ba ang nagsabing ‘yan ang isuot mo?” umiiling-iling kong wika.

“I’ll wear what I want. At a time like this I shouldn’t wear longer than this dress. Huhubarin din naman.” Pumaskil ang isang ngisi sa kanyang labi. “This is suitable anywhere. Pwede sa kotse, sa kusina, sa sala, sa ilalim ng mesa...” matalinhaga niyang sabi saka kinagat ang ilalim na labi.

“Edi magpasundo ka sa boyfriend mo. Isa pa, gagamitin ko ang kotse. May date rin ako,” banggit ko na ikinanganga niya.

Akala mo ikaw lang ha...

“Okay, sabi mo eh.” Ngumisi siya. “Don’t go there, sissy, or else you’ll regret it.” Lalong lumapad ang ngisi niya.

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob. Naligo ako at saka nag-ayos. Habang nag-aayos ay narinig kong may humintong kotse sa harapan ng bahay. Lumapit ako sa bintana at sumilip dito. Kusang umangat ang kaliwa kong kilay. Ang kotse ay gaya ng kotseng ineregalo ko kay Zander. Binuksan ni Ella ang pintuan ng backseat at bago pumasok ay lumingon siya sa gawi ko sabay ngiti nang matamis at maarteng ginalaw-galaw ang mga daliri habang binanggit ang salitang ‘bye’. Mabilis kong hinanap ang cellphone at tinawagan si Zander.

“Nasaan ka?” bungad ko pagkasagot niya ng tawag.

“Unit,” maikling sagot niya.

“Talaga? Bakit nakahinto ngayon ang kotse mo sa harapan ng bahay namin?” Humigpit ang pagkakahawak ko sa kabilang linya.

“S-sigurado ka? Baka parehong model lang? Inutusan ko si Mang Tino na ipaayos sa talyer ang kotse,” paliwanag niya. Duda ako kasi hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pag-uutal niya.

“Hmm... gano’n ba? Sige, ako na lang ang susundo sa ‘yo.” Inilabas ko ang isang above the knee emerald green dress mula sa aking wardrobe.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Lalabas tayo ngayon ‘di ba? Nakalimutan mo?” malungkot kong saad.

“Nawala lang sa isip ko- ahh...” Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang impit niyang ungol.

“Ano ang ginagawa–”

“S-Sige na. Mag-ayos ka na. Hihintayin na lang kita rito.” Mabilis niyang binaba ang tawag.

Dahan-dahan kong binaba ang cellphone. Nanginginig ako. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip. Nabitawan ko ang damit. Kumapit ako sa hangganan ng dressing table para suportahan ang bigat ko at umupo. Bumuntong hininga ako at pinakalma ang sarili.

“Hindi magagawa sa ‘yo ni Zander ‘yang iniisip mo, Anastasia,” pabulong kong pangungumbinse sa sarili.

Dinampot ko ang damit saka nagpalit. Nilabas ko rin ang itim kong stilettos na halos ilang buwan ko nang hindi nagamit. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I only applied a nude make-up. I grabbed my phone, cards, and carkey. I shoved them in my purse and left. Kalahating oras din bago ako natapos sa pag-aayos. Dali-dali akong bumaba at nagmaneho papuntang condo ni Zander.

I was about to enter the pin when the door opened on its own. Inuluwa ng pinto ang lalaking mapapangasawa ko. Hanggang tenga niya lang ako. Napakaguwapo at napakilinis niyang tingnan sa suot na itim na suit. Tinapunan niya ako ng malamig na tingin. Pinasada niya ang mga mata sa ‘kin at agad ding ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya. Hindi ko ito pinansin at tumingkayad na lamang para ayosin ang hindi nakasentro niyang kurbata.

“Tara na.” Sinara niya ang pinto at tila walang ganang naunang maglakad.

Susundan ko na sana siya nang mapansin ko ang putol na alahas sa sahig, sa harapan ng pinto niya. Yumuko ako at kinuha ito. Dalawang kumikinang na dyamante ang pinagigitnaan ng isang puting perlas. Pamilyar ito sa ‘kin. Nakita ko na ito pero hindi ko maalala kung saan.

“Tatayo ka na lang ba d‘yan?” naiinip niyang sabi.

Tumakbo ako sa direksyon niya kahit na naka-highheels. Pasimple kong pinasok sa purse ang napulot. Ako na ang nagmaneho papuntang pier dahil hindi ko sinabi sa kanya kung saan kami pupunta. Pagkalabas ng kotse ay tila nagulat na lamang siya sa lugar. Binigay ko ang susi sa chauffeur at pinaubaya sa kanya ang sasakyan ko. Sampung minuto na lang ay mag-aalasais na, aalis na ang cruise. Pansin ko ang mabilis na pagtutok sa ‘min ng camera. Mabilis naman akong hinigit ni Zander at nilagay ang kamay ko sa braso niya.

Pinakita ko sa nakabantay ang pinabili kong ticket kay Drizelle. Buong pag-iingat akong inalalayan ni Zander paakyat ng cruise. Ginaya kaagad kami ng usher papuntang dining area. Ang silid ay pinuno ng pabilog na mesa na sinasakluban ng puting tela. Sa gitna nito ay isang magarang plorera na may hawak na iba’t ibang kumpol ng tila kakapitas lang na bulaklak. Sa gilid ng silid ay nakapwesto ang mga tagatugtog.

Pinaghila ako ni Zander ng upuan. Lumapit naman kaagad ang waiter sa mesa namin at ibinigay sa ‘min ang menu. Una akong um-order ng red wine, steak at strawberry shortcake.

“How do you like your steak, ma’am?” magalang na tanong ng waiter sa ‘kin.

“Medium rare,” sagot ko sabay ngiti.

“How about you, sir?” tanong nito kay Zander.

“Gano’n na rin,” tila nabuburyo niyang sagot.

“Red wine, steak, and strawberry shortcake for two coming up.” Umalis na ang waiter.

Inikot ko ang tingin sa paligid. Halos lahat ng mga mesa ay okupado ng mga magkasintahang masayang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang kanikanilang mga order. Nanatili namang nasa screen ng cellphone niya ang mga mata ni Zander. Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas. Mula rito ay kitang-kita ang citylights na paliit nang paliit dahil sa paglayo ng barko sa syudad.

Hindi nagtagal ay dumating na ang order namin. Sadyang ang mesa lang namin ang tahimik habang kumakain na ani mo’y may kanyakanyang mga mundo. Pagkatapos naming kumain ay tinungo na namin kaagad ang kuwarto. Huminto kami sa harapan ng room 808.

I swiped the cardkey and the door opened. The moment it opened, Zander pulled me inside and swiftly closed the door. He even locked it. I gasped when he pushed me against the door and claimed my lips. I closed my eyes. Inangat ko ang mga braso at pinulupot ang mga ito sa leeg niya. Hinapit niya ang batok ko at nilaliman ang hal*k. Bumaba ang isang kamay niya sa likuran ko at sa bewang ko. Ang mga hal*k niya ay napakapusok. Para siyang liyon na hayok na hayok sa mga labi ko.

“Ibibigay mo na ba sa ‘kin ngayong gabi?” tanong niya sa pagitan ng mga halik namin.

Nilayo ko ang mukha at tinanguan siya nang nakangiti. Bumuo ng napakagandang ngiti ang labi niya. Matagal na rin nang huli kong masilayan ang mga ngiti niya.

“Yes!” hiyaw niya at inangkin na naman ang mga labi ko. Binuhat niya ako at hinihiga sa kama nang hindi pinuputol ang hal*k.

Pumaibabaw siya sa ‘kin. Hinaplos niya ang pisnge ko at tinitigan ako sa mata. Kumikinang sa pagnanasa ang mga mata niya.

“I’ll give it after the fireworks end. Can you wait ‘til then?” paghahamon ko.

Lalong umalab ang mga apoy sa mga mata niya. “Syempre, halos limang taon ko ‘tong hinintay ngayon pa ba ako susuko?” galak na galak niyang wika at sinunggaban ako ng hal*k.

Buong magdamag kaming nag-makeout lang sa kuwarto. Napagpasyahan naming lumabas para panuorin ang fireworks sa lido deck.

“Let’s watch the fireworks together.” Nginitian ko siya.

“Sana magsimula na at matapos agad.” Tinaas-babaan niya ako ng kilay. Tumawa ako at bahagya siyang itinulak. Tumawa rin siya at sandali akong siniil ng halik.

Hinapit niya ang bewang ko at hinigit ako papalapit sa kanya. Marami sa mga sakay ang nandito sa area, karamihan ay magkasintahan. Pumwesto kami sa bandang sulok ng railings. Pumwesto siya sa likuran ko at humawak sa railings sa magkabilang gilid ko. Tumingala ako at ngumuso. Yumuko naman siya at ginawaran ako ng mabilis na hal*k sa labi.

Binalot niya ang mga kamay sa bewang ko at pinatong ang baba sa balikat ko. Napapikit ako nang halikan niya ang leeg ko. Napatuwid siya ng tayo nang tumunog ang cellphone niya.

“Manager,” aniya at mabilis na umalis nang hindi hinihinatay ang sasabihin ko.

Nagsimula na ang fireworks display pero hindi pa rin siya bumabalik. Lumiwanag ang langit na tila nilatagan ng itim na tela ngunit kahit gaano pa ito kakinang at kaganda ay wala ring silbi dahil wala si Zander sa ‘king tabi. Lumingalinga ako para tingnan kung parating na ba siya pero ni anino niya ay hindi ko nakita.

Pumunta ako sa direksyon na nilakad niya kanina. Napasinghap ako nang may tumapik sa balikat ko.

“Kanina pa kita hinahanap,” aniya.

“Drizelle? Ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko ba may blind date ka?” nagtatakang tugon ko.

“Well... sinuwerte ako ngayon. Ang yaman ng ka-date ko at dinala niya ako rito!” Timili siya at tumalon-talon na kinikilig. “Join us!” Hinila niya ako.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Umupo kami sa isang table na puno ng drinks. Katabi niya ang ka-date habang ako naman ay nasa harapan nila at pinanuod silang naglalampungan. Ginala ko na lamang ang tingin. Natapos na ang fireworks pero hindi pa rin bumabalik si Zander. Napangiwi ako nang maghalikan ang mga magkasintahan sa paligid ko. Mabilis kong hinablot ang nakahandang isang baso ng wine sa harapan ko at diretsong ininom ito.

“Una na ako, Drizelle. Sumama bigla ang pakiramdam ko.” Pagdadahilan ko at mabilis na nilisan ang lugar.

Nakasimangot kong tinungo ang kuwarto. Napahawak ako sa pader nang bigla akong nahilo. Wala akong maaninag, umiikot ang paningin ko.

“Anastasia, kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Okay ka lang ba?” Agad akong inalalayan ni Drizelle.

Sa ‘di kalayuan ay may lalaki at babaeng naghahalikan ang papasok sa isang kuwarto. Nakapulupot ang mga bente ng babae sa bewang ng lalaki.

“Zander?” bigkas ko.

“Teka... dito ang kuwarto niyo oh.” Pinigilan niya ako at tinuro ang kuwartong nasa harapan ko.

Tiningnan ko ang room number. Hindi ko ito maaninag nang maayos pero mukhang tama naman. Ginamit ko ang card ngunit ayaw nitong bumukas. Pinihit ko ang hawakan at nakabukas pala ito. Nagpaalam ako sa kanya at agad na sinara ang pinto sa likuran ko.

Nakaramdam ako bigla ng matinding init. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang palad. Bigla yatang lumaki ang kuwarto namin. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang sofa sa harapan ko. May nakaupong lalaki rito habang nanunuod ng palabas.

Zander...

Napangisi ako nang may kalukohang pumasok sa isip ko. Tumayo ako sa harapan niya pero tiningnan niya lang ako. Tumalon ako sa kandungan niya at sinunggaban siya ng hal*k.