Chapter 6 Plano
Taas-noo akong pumasok ng SI bitbit ang isang kahon ng gamit ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na sa Design and Construction team. Pagkapasok ng kuwarto ay lahat sila napatingin sa direksyon ko.
“Tasya!” Tumakbo si Reneigh at sinalubong ako. “Dito ka na ba ulit?” galak na galak niyang tanong at tumango ako bilang tugon saka siya nginitian.
Kumapit siya sa braso ko at taas-noo naming tinungo ang desk na nasa pinakaharap. Ang mga kapwa ko engineers, mga draftsmen, and office girls at boys naman ay napayuko lang. Binaba ko ang kahon sa ibabaw ng desk ko at inikot ang tingin.
“Sana hindi ma apektuhan ang trabaho natin dahil sa hindi pagkakaintindihan.” Binigyan ko sila ng isang napakatamis na ngiti ngunit walang ni isang nangahas na tingnan man lang ako. “Lahat ng pinagawa ko sa inyo bago pa ako nag-resign which was three weeks ago, I want them all at five o‘clock sharp in the afternoon, today. No exceptions. The sooner the better,” anunsyo ko.
Lahat sila napatingin sa katabing desks nila at hindi maipinta ang mga mukha. Reneigh Torres on the other hand went to my table with a folder in her hand. Binuksan at inusisa ko ang laman nito. Napangiti ako nang malamang natapos na niya pala ang pinapagaws ko.
“Good job, Miss. Torres. As a reward, you could spend the rest of the day with your family.” Kinindatan ko siya at napatili siya sa narinig.
“Maraming salamat, engineer. Mapapanuod ko ang inihanda ng kapatid ko sa paligsahan sa kanilang paaralan.” Dali-dali niyang inayos ang mga gamit.
“I’ll give you a ride.” Dinampot ko ang susi. She was about to refused but I insisted. “I’ll drop you by. Madadaanan ko kasi ang paaralan ng kapatid mo papuntang site.”
Wala siyang nagawa kundi ang pumayag. Tinungo namin ang site at bago lumabas ay tinapunan ko silang lahat ng tingin.
“I’ll be back before five. Tick-tock,” sabi ko at ngumisi bago lumabas.
Kilala ko silang lahat. Maliban kay Reneigh ay iisa lang ang ugali nila, they are fond of procrastinating. Their system is filled with lazy cells forming a mañana habit that is hard to get rid of.
“Paano nagbago ang isip ng daddy mo?” Naramdaman ko ang pagtinging niya sa ‘kin. Nakaupo siya ngayon sa passenger’s seat habang ako naman ay nagmamaneho.
Nagkibit-balikat ako. “I really don’t know. Narinig ko lang ang usapan nila ni Mom na ibang proyekto na lang daw ang ipapahawak nila kay Ella.”
“Mabuti kung gano’n. Congratulations nga pala. Narinig kong naipanalo mo ang bidding ng gusali na ipapatayo ng Mont De Corp,” aniya.
“Salamat. Speaking of Mont De Corp, nababggit ni Mom ang Monteverde sa usapan nila last night.” Sandali ko siyang tiningnan bago ibinalik ang mga mata sa daan.
“Hindi kaya?” Lumingon siya sa ‘kin at tiningnan ako nang hindi makapaniwala. Tinangoan ko lang siya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
Ngayon alam ko na kung bakit binalik sa ‘kin ang proyektong hotel. Ibibigay nila ang pinapagawa ng Mont De Corp kay Ella. Nakakalungkot. Mom and Dad worlds are revolving around Ella.
Ella, Ella, Ella!
Huminga ako nang malalim. Siguro okay na rin ‘to. Giving the project to Ella means distancing me away from Xeonne and his kalandian. I’m engaged and I love my fiance, my first and last boyfriend. Hindi sa pag-aassume pero obvious namang hinaharot ako niyong Xeonne. Akala niya siguro masisilaw ako ng kayamanan at kagwapuhan niya.
“Gano’n na ba kababa ang tingin mo sa ‘kin?”
Bumalik sa isipan ko ang mga katagang binitawan niya. I could clearly picture out his face while saying those words. He sounded hurt. His brown eyes were filled with nothing but pain. Napakagat ako sa ilalim na labi.
“Uy! Lumampas tayo!” Sumilip sa nalulunod kong konsensya ang boses ni Reneigh na siyang humatak sa ‘kin pabalik sa kasalukuyan.
I stepped on the break and spun the steering wheel counter clockwise making a u-turn. Inihinto ko ang kotse sa harapan ng gate ng paaralan.
“Salamat ulit,” wika niya bago lumabas ng kotse.
“No worries.” I waved my hand at her and she did the same.
Sinara niya ang pinto at muling iwinagaway ang kamay sa bintana. Tumango ako at pinaharurot ang kotse paalis.
Pagkalipas ng ilang minuto ay inihinto ko ang kotse sa gilid ng malawak na bakanteng lote. Pagkababa ko ng kotse ay agad akong sinalubong ni Mang Kanor. Nilahad niya ang kamay sa ‘kin na ani mo’y makikipag kamay. Tinapik ko ang palad niya saka binangga ang likuran nito gamit ang likuran din ng palad ko at nag-fist bump bago bigyan ng dalawang thumbs up at isang kindat ang isa’t isa.
“Mabuti at binalik sa ‘yo ang proyektong ‘to. Parang may lamay dito pagkatapos ipakilala sa ‘min ni Boss Huebert ang kakambal mo na siyang bagong mamamahala sa proyekto. Siguradong matutuwa sila pagnakita ka na nila. Hindi ko pa kasi pinaalam na sa ‘yo na ulit kami magtatrabaho,” masayang kuwento ni Mang Kanor habang naglalakad kami pareho papasok.
“Surprise pala ito kung gano’n,” natatawang Saad ko.
Si Mang Kanor ay ang fore man na namumuno sa grupong nabuo ko sa tatlong taon Kong pagtatrabaho sa SI. Tuwing may proyektong akong hinahawakan ay sila ang mga trabahador na kinukuha ko. Malapit kaming lahat sa isa’t isa at kung tutuusin ay maituturing ko pa silang pamilya kaysa mga taong kasama ko sa opisina kasi sila totoong makisama.
“Engr. Tasya, napadalaw kayo?” salubong ni Kuya Pablo, isa sa mga laborer, pagkapasok namin.
Ang tahimik at ang tamlay nilang tingnan. Kitang-kita ko kung paano bumuo ng ngiti ang mga labi nila nang makita ako.
“Kompleto tayo ahh...” puri ko nang tumatango-tango.
“Syempre kahit hindi kami sa inyo nagtatrabaho ay dadalhin namin ang katangiang ipinamalas namin sa pamumuno mo,” sambit ni Mang Puldo.
“Nanghihinayang man ay wala kamjng magagawa,” hirit naman ni Kuya Raenier.
“Ang totoo niyan ay may i-aanunsiyo si Engr. Tasya sa ‘ting lahat,” panimula ni Mang Kanor.
Huminga ako nang malalim bago magsalita, “ako na ulit ang hahawak nang proyektong ‘to!”
Katahimikan ang sandaling namayani sa buong lugar pero mabilis na sinundan ng mga hiyaw. Nakakataba ng puso ang saya na pinapakita nila.
“Ano magsisimula na ba tayo?” tanong ko at sabay-sabay silang sumigaw ng oo. “Teka... kumain ba ng agahan ang lahat?” pahabol ko at isang malakas na oo ulit ang natanggap ko. “Ano ang dapat tandaan bago pumasok sa pinagtatrabuhan?” usisa ko.
“Pumasok na may laman ang tiyan!” sabay-sabay nilang hiyaw.
“Ano ang mga bagay na dapat dalhin sa site?” sigaw ko.
“Sipag, tiyaga at PPE!” sigaw nilang lahat pabalik.
Nilagay ko ang nakakurbang mga palad sa magkabilang dulo ng labi ko. “Ano ang pangunahing patakaran?!”
“Kaligtasan!” Bawat pantig ng salita ay sinabayan nila ng malakas na palakpak.
“Ano pang hinihintay niyo? Sugod na!” deklara ko at nagsikalat sila sa lugar.
Dahil sa mga pagbabago ay naantala ang clearing and grubbing kaya ngayon pa lang nasimulan. Lahat ng mga debris, mga may kalakihang bato, mga nagsitaasang damo, mga basura at iba pa ay itinabi nila. Ang malaking bato naman nakalibing ang halos kalahati ng parte nito ay ginamitan namin ng excavator.
Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay nakatanggap ko ng tawag mula kay Drizelle. Lumayo ako nang kaunti at pumwesto sa ilalim ng puno.
“Dinig kong sa ‘yo na raw ulit ang proyekto,” bungad niya mula sa kabilang linya.
“Kakapirma ko lang ng kontrata kaninang umaga. Ang saya ko, Drizelle. Worth it lahat ng pagod at hirap na dinanas ko sa loob ng tatlong taon. I am now handling millions worth of project.” Hindi ko naiwasang mapatalon habang nagkukuwento.
“Yeah... yeah... whatever. So ano’ng plano? Ika-cancel ko na lang ba ang reservation sa cruise?” Pag-iiba niya ng usapan na ikinangiwi ko.
“There’s no need for that. I could make it this weekend since we just started clearing the site. Sa umaga na lang ako bibisita sa Sabado at sa hapon naman sa Linggo,” paliwanag ko.
“Ang dami pang sinasabi... oo o hindi lang naman ang kailangan ko,” reklamo niya. “O siya bye na at may aasikasuhin pa ako.” Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at mabilis na pinatay ang tawag.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakatanggap ako ng text message mula sa kanya.
“Girl, tutuloy daw siya this weekend? Ano tuloy ba natin ang plano? Reply ASAP. Mag-reply ka muna bago makipag chukchakan,” mahina kong basa sa text. Halos magdugtong ang kilay ko dahil dito. “Wrong send ba ‘to?” Napailing ako at tiningnan ang oras bago ibinulsa ang cellphone.
Mag-aalas dose na kaya naman ay pinatawag ko silang lahat at nagtipon-tipon kami sa ilalim ng malaking puno.
“Sabay-sabay tayong manananghalian ngayong araw at libre ko!” nakingiti kong pinaalam sa kanila.
“Ayon!” hiyaw ng karamihan sa kanila.
“Lalong gaganahan tayo sa pagtatrabaho nito mamayang hapon,” komento ng isa.
“Syempre may lebre eh!” sinundan naman ng isa pa.
Tumawa kaming lahat at nagpahinga nang kaunti bago tinungo ang malapit na kainan.