Chapter 53: Status Revealed

Thalia's POV

Talagang kinatakot ko ang mga huling binitawang salita ni Val sa 'kin, kaya madali akong bumyahe pauwi ng probinsya namin dahil panigurado akong pupuntahan niya ang anak namin.

Sa loob nang tatlong taon itinago ko ang anak ko sa kahit na kanino. Kahit sa mga bestfriends ko inilihim ko ang tungkol sa baby namin ni Val. Dahil ayokong mas magalit sila sa kanya o kung hindi naman ipaalam nila kay Val ang tungkol sa bata para mapilitan si Val na bumalik sa 'kin na hindi ko naman nanaisin na mangyari. 'Yong mapilitan siyang pakisamahan ako dahil lang sa magiging anak namin.

Tapos lahat ng 'yon malalaman niya lang dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na nagkaanak kami. Matagal kong tinago ang anak namin at talagang magulang ko lang ang nakakaalam sa existence ng anak ko.

Pagdating ko sa bahay nang mga magulang ko, hinanap ko agad ang anak namin.

"Ma, nasaan si baby Arabella?" Nag-aalala kong tanong habang hinahagilap ng mata ko ang buong bahay.

"Bakit Thalia may problema ba?"

Tila nagtatakang tanong ni mama sa 'kin.

"Basta ma! Nasaan si baby Bella?"

Halos maluha-luha ko ng tanong sa kanya.

"Nando'n siya kay Adrian, bakit ba?"

Bakas ang kaguluhan sa mukha ni mama. Ngunit hindi ko siya sinagot sa halip, hinanap ko sila sa aming munting lupain. Agad naman napako ang tingin ko sa isang lalaki na kanlong-kanlong ang aking munting prinsesa. Kaya marahan akong napabuga ng malalim na paghinga at kaagad na napangiti. Seeing Adrian having my baby was so cute. Kaya dahan-dahan ko silang nilapitan at mahinang tinawag ang pangalan ni Arabella.

"Baby Bella?" Hindi ito lumingon, kaya tinawag ko itong muli.

"Baby Ara?" Hindi pa rin ito lumingon, kaya tinawag ko siya sa pangalawang pagkakataon.

"Baby Arabella?"

Buong pangalan kong tawag sa kanya. Saka pa ako nito nilingon and smiled on me adorably. Napalingon rin sa 'kin si Adrian saka ako nginitian at nilapitan habang buhat-buhat nito si Arabella.

"Kumusta?" Bati ni Adrian sa 'kin ng nakangiti. Hindi ko muna ito sinagot sa halip kinuha ko sa kamay niya si Arabella at ako na ang kumanlong rito. Saka bumaling ng tingin sa kanya.

"Okay naman Adrian, napauwi lang ako kasi na miss ko ang baby Arabella ko."

Sabay lambing at dampi ng halik sa pisngi nito. Napatawa naman si Arabella ng napakakyut, habang napasambit sa pangalan ko.

"Mommy, mommy!" Kyut nitong sambit, nang biglang nagsalita si Adrian.

"Ako hindi mo na miss?" Ani 'to habang may bahid ng pilyong ngiti sa labi. Napaikot naman ang mata ko sa sinabi nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang paghanga sa 'kin ni Adrian, kaso hangang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"Whatever Adrian, alam mo naman na----"

Natigil ako sa pagsasalita at napaangat ang tingin sa helicopter na nasa himpapawid at talagang sa kinaroroonan namin ito lumilipad. Ilang saglit pa at unti-unti ng bumababa nang bahagya sa lupain ng magulang ko ang helicopter. Pagbaba nito ay halos lahat ng mata namin ay nakaabang sa kung sino ang lulan nang helicopter. At lumabas na nga ang taong lulan nito.

"Valkyrie!"

Tanging nasambit ko, habang si Adrian ay napahawak sa beywang ko at si Arabella naman ay napayakap sa 'kin.

"Kilala mo ba yan Thali?"

Tila nagtatakang tanong ni Adrian sa 'kin, habang papalapit sa 'min si Valkyrie mataman kami nitonh pinagmamasdan. Ako naman ay halos magwala ang puso sa sobrang lakas ng pagtibok nito, at hindi ko na mawari itong nadarama ko ngayon.

"Si--"

Hindi pa man lang ako nakapag-umpisa sa pagsasalita ay biglang nasapo ng malakas na suntok ang pisngi ni Adrian mula kay Valkyrie. Kaya nanlaki ng husto ang mata ko at napaawang ang labi sa sobrang gulat.

"Ohh gaad!"

Tanging nasambit ko habang napapaisip kung paano tutulungan si Adrian na ngayon ay napaupo na sa lupa at himas-himas ang pisngi nito. Habang si Valkyrie naman ay nakatayo lang sa harapan nito na tila binalot nang kadiliman na tinitigan si Adrian.

"Valkyrie!"

Sigaw ko rito. Ilang sandali pa ay biglang lumambot ang anyo ng hitsura ni Val saka binaling ang tingin sa 'min.

"A _ano ba 'yang ginawa mo ha!?"

Galit kong tanong rito. Umayos naman ito sa pagtayo at mataman kaming pinagmamasdan ni Arabella. Habang si Adrian naman ay nakatayo na at akmang susuntukin sana si Val nang bigla siyang pinigilan nang mga body guards nito.

"Sino ba siya Thalia? At bakit bigla nalang itong nanununtok!?" Bakas sa boses ni Adrian ang galit sa ginawa ni Val sa kanya. Kaya nilingon ko siya at sinagot.

"Siya ang dating asawa ko!"

Tanging nasabi ko rito, habang binaling muli ang tingin kay Valkyrie na ngayon ay nasa harapan namin and stared at us.

"Siya ba ang anak natin my wife?"

Mahinang tanong nito sa 'kin habang nakatitig kay Bella. I'am tongue tide right now at halos 'di ko alam kung paano siya sasagutin.

"Babe! Is she our kid?" Tanong muli nito sa 'kin.

"Humm, mommy, dadadaada!"

Arabella mumbled and giggled. Kaya mas lumapad ang ngiti sa mukha ni Valkyrie kung saan kitang-kita ko ang naluluhang mata nito habang nakatitig sa anak namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o ikilos sa pagkakataong ito, kaya ang tanging nagawa ko ay tingnan lamang si Val kung paano niya titigan nang buong pagmamahal si Arabella.

"Can i hold her babe?"

Paghingi ng pahintulot sa 'kin ni Valkyrie, bigla naman akong tumango sa kanya kaya kinuha niya ito sa akin at binuhat. Habang si Arabella naman ay panay haplos sa mukha nang kanyang ama na tila ramdam ang lukso ng dugo sa kanyang ama.

"F*ck! My baby" Ani Val.

Biglang kumunot ang noo ko rito at mabilis itong inirapan.

"For the baby Val, can you stop cussing!"

Ani 'ko rito. Bahagya naman itong napangiti at muling tinitigan si Arabella. Gusto kong magalit sa kanya ngunit hindi ko magawa lalo pa't nakikita ko kung gaano siya kaligaya ng makita ang anak namin.

Kung paano niya ito niyayakap, hinahalikan at tinititigan. It feels fulfilling on me bilang isang mommy, dahil nakikita ko at nararamdaman ko kung gaano kaligaya at kasaya si Arabella ng mahawakan at mabuhat siya ng kanyang ama.

"Can i take you home?"

Biglang tanong ni Val sa 'kin. Napataas naman agad ang kilay ko sa kanya.

"No! Dito lang si Arabella,"

Giit ko sa kanya saka mabilis na binawi si Bella sa kamay niya.

"Hindi mo kami maiiuuwi sa Manila, kung gusto mo ikaw mag-isa ang uuwi!"

Inis kong turan sa kanya, habang humakbang papalayo rito. Mabilis naman akong sinundan ni Adrian na kanina ay parang naging pipi at statwa dahil hawak-hawak siya ng mga tauhan ni Val.

"F*ck!"

Biglang mura ng malakas ni Val, habang mabilis ding nakasunod sa amin. Bigla namang nagsulputan ang aking mga magulang at nagulat nang makita si Valkyrie na nakasunod sa amin.

"Sino siya Thalia?" Mabilis na tanong ni mama, habang nasa sala na kaming lahat.

"I'm Valkyrie Fontana madam," Mabilis na sabat naman agad ni Val na halatang napipilitan lang na ngumiti.

"And?" Dugtong naman agad ng papa ko.

"Papa, he’s just my--"

"Im her husband sir,"

Mabilis na pagsabat ni Val na dapat ako ang sasagot. At talagang sinabi pa nito na asawa ko siya.

"What!? Akala ko ba nag live-in lang kayo Thalia?"

Bakas ang gulat sa mukha ni papa ng makita si Val at malaman ang katotohanan sa amin ni Val. Buong akala kasi nila nagsasama lang kami nito noon at wala akong binanggit sa kanila na kinasal kami, kahit mga kaibigan ko pinigilan kong ipagsabi ito sa mga magulang ko.

"No madam, kinasal talaga kami ni Thalia at may proof ako no'n." Talagang pinanlandakan pa nito ang legality nang kasal naming dalawa.

"Kinasal naman pala kayo, bakit nagsinungaling ka sa 'min ng mama mo? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Thalia!" Bakas ang pagka-dismaya sa pananalita ni papa sa 'kin. I feel small and ashamed for what i have done.

"I'-im sorry papa, naisip ko kasi no'n para sa ikabubuti nating lahat 'yon kapag nilihim ko ang tungkol do'n," Pagtatanggol ko sa aking naging desisyon noon.

"Hindi 'yon sa ikakabuti ng lahat Thalia! Im really disappointed on you! Akala ko nirespeto mo kami at mahal mo kami, yo'n pala ginawa mo kaming tanga."

Tila puno ng hinanakit na sabi ni papa sa 'kin sabay hakbang papalayo sa 'min. Pinagmasdan ko lang ang paglayo nito habang tahimik lang si mama saka agad na sinundan si papa. Samantalang si Val at Adrian naman ay natahimik lang at pinagmasdan lang ako na napayuko.

"Masaya kana ba ha!?" Galit kong tanong kay Valkyrie.

"Ano!?" He asked unknowingly.

"Dismayado at galit si papa sa 'kin dahil sa bunganga mong hindi mo kayang matikom!"

Matatalim na titig ang pinukol ko sa kanya habang buhat-buhat pa rin si Bella na sa ngayon ay nakatitig lang sa aming lahat at nagbi-baby talk.

"Bakit mo naman kasi nilihim na kinasal tayo babe? Im sorry hindi ko naman kasi alam na wala pala silang alam 'ron."

Tanging nasabi nito habang napapa-gulo sa kanyang buhok.

"Ewan ko sa'yo! Pinahiya mo talaga ako sa harap nang magulang ko." Pagkasabi ko ay iniwan ko silang dalawa ni Adrian sa sala.

Talagang galit ang namumutawi sa 'kin ngayon. Gusto kong umiyak dahil sa pagkadismaya ni papa sa 'kin pero hindi ko magawa dahil mas nangibabaw ang emosyon ko sa ginawa ni Val. Kahit kailan puro gulo talaga ang dala niya sa buhay ko. Wala talaga siyang pinipiling lugar kapag nambu-bwisit! At kung sino ang makita niya na gusto niyang suntukin talagang susuntukin niya.

Issh! Mapipilitan talaga akong bumalik nang Manila nito dahil kilala ko si papa kapag disappointed. Hinding-hindi niya talaga ako papansinin at baka pati si Bella madamay pa.