Chapter 52: Secret Reveal
Val's POV
Gusto kong magwala sa galit pero hindi ko magawa because i don't want to provoke Thalia's patience. Kaya pigil ko ang sarili na mainis o magalit para hindi ko ito mabulyawan.
"Ano? A_anong mga pinagsasabi mo na naman ba ha?"
Marahil hindi pa nito alam kung ano ang tinutukoy ko pero alam kong alam niya na may nililihim siya sa 'kin.
"F*ck! Damn! Sh*t!" Napapamura nalang ako sa inis habang ito ay napapahalukipkip naman sa harap ko.
"Bakit ba ang hilig-hilig mo mag mura sa harap ko Valkyrie?"
F*ck! She called me again by my full name and sh*t! It sounds sweet but hot. F*ck! Bakit kapag kaharap ko siya nagiging manyak ako. Tang'na naman!
"Just answer me!" Ani 'ko rito. Mas lalong kumunot naman ang noo nito sa 'kin.
"Ano nga ba kasi 'yang tinutukoy mo ha!?"
She asked confused. So i take a deep breath and calm myself.
"Listen! Bakit mo nilihim sa 'kin ang tungkol riyan sa stretch marks at tahi mo sa tiyan!? Bakit itinago mo sa 'kin ang tungkol sa anak natin!? Bakit Thalia Sanchez!?"
I call her by her name kapag naiinis ako sa kanya. Kaya alam kong alam niya na naiinis ako ngayon. Napatigagal naman ito at parang nabuhusan nang nagyeyelong tubig sa kanyang kinatatayuan.
"Magsalita ka!" Turan ko, habang napapaatras na ang boses sa rito. Kitang-kita ko ang kanyang paglunok habang napapakurap, saka umawang ang labi.
"How did you know?" Tanong naman nito sa 'kin.
"Bakit ako naman na ang tinatanong mo! Ang tanong ko ang sagutin mo babe."
Naiinis kong turan. Bigla namang umayos ang hitsura nito at parang kinakalma rin ang sarili.
"Bakit kailangan mong malaman ang tungkol sa anak natin? eh' masaya kana man na sa anak mo diba? So why should i bother telling you those things about it?"
Marahan nitong sabi sa 'kin habang malumanay akong tinitigan. I look at her and see sadness on her beautiful tentalizing eyes. Kaya mabilis naman nito napawi ang inis na nadarama ko at napalitan nang awa para sa kanila ng anak ko.
'F*ck! Bakit niya nilihim sa 'kin ang tungkol sa bata? Bakit tinago niya ang anak namin ng tatlong taon? Alam naman nito kung gaano ko kagusto na magkaroon kami ng anak tapos 'yon pala ililihim niya lang sa 'kin!
"F*ck! Babe alam mo naman kung gaano ko kagusto na magkaanak sayo diba!? Tapos ngayon sasabihin mo na why bothered? Hindi mo man lang ba naisip kung gaano ako ka magiging masaya kapag nalaman ko no'ng mga panahon na 'yon na nagkaanak tayo. Babe naman!"
Pagpipigil kong mapamura muli at mainis sa kanya. Kaya napapahilamos nalang ako sa palad ko at napapamasahe sa batok ko, to calm myself.
"Ayokong makasira nang masayang pamilya Val, hindi ako gano'ng klaseng babae!" Giit nito.
"Anong pamilya ba ang sinasabi mo? Wala akong pamilya okay! Ikaw ang pamilya ko at ang anak natin." Saad ko.
"Ano pala si Kelly at Zion? Hindi mo pamilya? So anong role nila sa buhay mo? Illegal na pamilya ha! Option lang gano'n ba!?"
"Bakit parang mas nag-aalala kapa sa kanila ha? Hindi mo ba inaalala ang sarili mo at ang anak natin ha Thalia? Dapat mas iniisip mo ang kalagayan natin kesa sa kanila, f*ck!"
Naiinis kong turan habang ang isang kamay ko napapameywang at ang isa naman ay napapamasahe na sa sintido ko.
"Valkyrie makinig ka! Masaya na kami ng anak mo ng wala ka, nasasanay na rin siya na walang ama. Dahil may mga magulang ako na kayang higitan ang pagmamahal ng isang ama! At dapat maging masaya kana rin sa buhay mo kasama si Kelly at Zion. At 'yong nangyari sa'tin kagabi it was just all lust! Libog lang ang lahat nang 'yon! Walang pagmamahal na namamagitan 'ron."
Mabibigat na salitang binitawan nito sa'kin na halos durugin nito ang puso ko sa sobrang sakit nang kanyang mga binitawang salita. F*ck! How her little shit words affect me this much!
"No! Hindi ako papayag, i need to see our child! Sa ayaw at gusto mo kukunin ko ang anak natin at ibabalik kita sa 'kin!"
Saka malalaking hakbang na tinungo ang kanyang pinto ngunit huminto muna ako at nagsalita.
"And what had happen all night is true! My love for you is true at walang kalibugan 'don, at dahil sa biglang pag-alis mo kanina paparasuhan kita balang araw. And before i forget we are still married kaya legal pa kitang asawa, so our child was still have my surname!"
Pagkasabi ko ay mabilis akong lumabas nang apartment niya at madaling tinungo ang kompanya ko at kinausap ang legal department.
Gusto kong malaman kung ano ang gender nang anak namin pero hindi ko na nagawang alamin dahil alam kong wala rin namang balak si Thalia na sabihin 'yon sa 'kin sigurado.
And thanks to my source dahil nalaman ko rin ang totoo kung bakit may stretch marks at tahi ang asawa ko. Si Kent! Siya ang nagtanong kay Seren kung bakit mayroon no'n si Thalia and Seren asked Stella if why she has that kind of marks, and Stella didn't notice that she had given us a clue. Kaya mabilis naman akong nagtanong sa mga kakilala kong doctor kung bakit nagkakaroon nang gano'n ang babae and all their answer's are equal! Kaya sinadya ko agad siya na komprontahin at hindi naman ako nahirapan na paaminin siya.
'F*ck! Sobrang hilig niya maglihim sa 'kin, and it's really driving me insane. Para akong mababaliw sa pagiging malihim niya. Hindi ko alam bakit niya ito ginagawa sa 'kin, f*ck!
Marahil kahit kaibigan niya walang alam sa anak namin, kasi kahit si Seren hindi niya alam kung bakit nagkaroon nang marks at tahi si Thalia. Damn! She's so secretive. Tanging turan ko sa sarili. Kinuha ko ang phone sa bulsa at tinawagan si Kent, sumagot naman ito.
"What?" Tanong agad nito.
"I want a private helicopter now!"
"Edi bumili ka! Baliw" Marahas nitong sagot.
"F*ck dude! I need it immediately, may kukunin ako f*ck!" Naiinis at namumura kong sabi sa phone.
"Sino ba kasi 'yang kukunin mo?" Naiirita nitong tanong na halata sa boses niya.
"Ang anak ko dude!" I bluntly said.
"What! You f*cker! Ang dami mo namang anak Val! Kaninong babae ba yan ha!" Tila gulat nitong turan sa kabilang linya.
"Anak namin ni Thalia Kent, f*ck! We have a child." Halos mapabulyaw na ako sa phone sa sobrang tuwa ng maisip kong may anak nga kami ng asawa ko.
"So it's true you and Thalia has a child? that's good to hear Val, sige ipapakuha kita riyan sa taas ng building mo. "
"Okay, thanks dude!"
Saka sabay naming binaba ang tawag at ilang minuto pa ay dumating na ang helicopter ni Kent kaya madali akong sumakay rito at nilisan ang building ko. Sa pagkakataong ito may pahintulot man o wala ni Thalia, kukunin ko ang anak ko at isusunod ko siya, para mabuo ko ang pamilya na matagal ko ng pinapangarap at hinahangad.
------------
Wow ah! May anak pala sila? :P ano naman kaya gender nang anak nila. At paano nalang kaya si Zion? Ugh! Pa share nang opinion beh 😊