Chapter 2: Where am i?
Thalia's POV
Alas-dose na at halos kaming anim ay tinatamaan na nang kalasingan, dumagdag pa ang mas matinding ingay sa loob ng bar kaya talagang mas mabuburyong ka. Nagpatuloy pa rin kami sa pagsayaw sa dance floor nang biglang may lumapit sa'king lalaki at sinabayan ako sa pagsasayaw, unti-unti nitong hinahawakan ang aking beywang at dahan-dahan akong pinapalapit sa kanya hangang sa naglapat na nga ang aming katawan. Ramdam ko na ang bawat paghinga nito at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi man lang ako nagpumiglas rito, hindi kaya dahil ito sa tama nang alak sa'kin o gusto ko rin ang ginagawa nito? Alin man dun ay nalilito ako at mas pinapalala pa nito ang buryong ko.
Nang biglang may komusyong nagaganap sa labas ng bar at gulat na gulat naman kaming lahat dahil nagsipasok na ang mga taong gumawa ng gulo, kaya ang mga tao dito sa loob ay takot na takot, at sila naman na ang nagsilabasan, hangang sa may nagpapaputok na nang baril at hindi ko alam anong gagawin ko dahil nahihilo na ako, habang ang mga tao ay nagsisigawan at nagkakagulo na. Sinubukan ko namang hanapin ang mga kaibigan ko ngunit dahil sa lumalala na ang pagkahilo ko halos hindi ko magawang maglakad nang maayos at kung kani-kanino ako bumabanga nang kamuntik pa akong hampasin nang upuan ng isang lalaki na isa sa mga nagkakagulo ngunit may bumaril rito mula sa likuran ko. biglang napahandusay ang katawan nito sa sahig at duguan, halos hindi naman ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko kaya natulala nalang ako at halos nanlalambot ang tuhod ng biglang may humila sa akin at madali akong binuhat saka pumanhik palabas ng bar.
Nagising ako nang may maramdaman akong kamay sa likuran ko kaya bigla akong nagmulat tsaka dahan-dahan na bumangon. Tila 'di ako makapaniwala sa mga nakita ko, isang hindi pamilyar na lalaki ang katabi ko sa iisang kama kaya napatili ako nang matindi dahilan para magising ang lalaki at mapadaing.
"Hey! anong problema mo?"
Tuluyan na itong bumangon and this is the first time of my life na makakita nang lalaking hubo't-hubad at may mga tattoo's ang katawan, nilapitan naman agad ako nito at tinitigan.
"What's wrong?" Tanong nito in his husky voice. Mabilis kong tinakpan ang aking mga mata at halos namumula ako sa hiya dahil sa pagiging lantaran ng lalaking nasa harapan ko.
"S_sino ka!? bakit ako nandito? At nasaan ba tayo?"
Nanginginig kong tanong sa kanya dahil sa awra palang nito nakakatakot na. 'Anong klaseng gulo ba itong pinasok ko!? 'dahil ramdam ko gulo talaga ito eh! Ngunit sa halip na sagutin ako nito, iniwan ako nito at pumasok sa isang kwarto na sa tingin ko banyo o walk in closet? Nang narinig ko ang patak ng mga tubig nakompirma kong banyo nga yun, tinignan ko naman ang sarili ko at nagulantang ako lalo dahil naka bra't panty lang ako, 'Ano toh!? oh my gosh!' bulong ko sa sarili ko.
Nagmadali ko namang hinahanap ang damit ko sa kung saan but nowhere to be found, kaya hinila ko ang comforter tsaka tinakpan ang katawan ko habang nakatayo sa gilid ng kama 'Nasaan ba ako? Sino ba yung lalaki na yun!? Yung phone at bag ko nasaan na? Kailangan ko tawagan sila Stella!' bulong ko sa sarili.
Ngunit kahit anong hanap ng mata ko sa gamit ko hindi ko talaga mahagilap, pinilit kong maalala ang lahat ng mga nangyari kagabi then nag-flashback nga sa'kin ang lahat 'Oh my gosh!' ilang sandali pa lumabas na ang lalaki mula sa banyo at laglag panga akong nakatitig sa lalaking parang artistahin at model ang dating kung hindi lang siya matattoo. Ngunit kahit mayron siya nun malakas pa rin ang dating nito at talagang gwapo. Hindi ko naman namamalayan na unti-unti niya na pala akong nilalapitan at napapaatras nalang ako ng hindi alam na nasa pagitan na pala ako ng silid nito. Mabilis naman ang dalawang kamay nito na nakasampa sa magkabilang balikat ko kaya halos takot akong gumalaw dahil baka ano ang gawin nito sa'kin.
"Maligo kana honey! you smells bad." then he suddenly smirked.
Gusto kong magwala pero nangibabaw ang takot ko dahil hindi ko alam kung nasaan ako at kung sino ang lalaking ito! i need to know where the hell am i.
"N_nasaan ang damit, bag at phone ko!?' Kinakabahan man ako pero sinubukan ko pa ring magtanong.
"Nasa laundry ang damit mo, marahil mamaya pa yun matutuyo! pero ang bag at phone mo hindi ko alam nasaan." Sarkastikong sagot nito.
'Naiwan ata sa bar ang bag at phone ko! ‘Bulong ko sa sarili ko kaya di na ako nagtanong pa ulit. 'Maligo?'
"A_anong susuotin ko!?" Tanong ko ulit kahit kinakabahan ako.
"I have many clothes on my closet, you can choose any of those clothes."
Anito habang walang hiya na nagbibihis sa harapan ko, ako na tuloy ang hiyang-hiya sa ginagawa nito.
"A_Ahmp! how about bra and underwear?"
Ayoko man itanong dahil nakakahiya pero kailangan, He grimaced before answering me 'how sarcastic! 'Pagtawanan ba naman ako!' inner me says.
"Mayron diyan, nanghiram ako sa mga kasamahan ko." Sagot nito.
'Ano? Hiniram! Baliw ba siya? Ipapasuot niya sa'kin ang gamit na bra at panty! Oh my gosh! malay ko ba kung kanino ang mga undergarments na yun!'
Tila hindi ako makapaniwalang sa mga sinasabi nito kaya nagngingit-ngit ako sa inis.
"Baliw kaba! Ipapa-suot mo sa'kin mga gamit ng undergarments?" Hindi ko mapigilang turan rito. Mabilis naman ako nitong nilingon at matalim na tingin ang binigay nito sa'kin. 'Naasar ko ata!'
"What do you think of my closet? Maglalabas ng undergarments dahil may babae ako dito sa loob ng kwarto ko! Your starting to annoyed me, get the hell your butt off through the shower, before i f*ck you here at my room honey!"
Galit nitong turan habang nagtatagis ang mga panga. Hindi ko alam pero it sends chills on my spine at bigla akong kinilabutan kaya hindi na ako nakaimik at nagmadaling tinungo ang banyo. Pagkapasok ko halos nangangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba.
'Oh gosh! ano tong napasok kong gulo? Yung nangyari kagabi! binaril niya yung lalaki sino ba tong lalaking kinasama ko! ba't ba ako sumama sa kanya! kailangan ko ng tulong. I need to call one of my Bf's im really in danger. 'Bulong ko sa sarili.
Gusto kong maiyak sa loob ng banyo pero tinatagan ko ang sarili ko, kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis rito, ba't ba kasi ako nagtitili kanina nagising tuloy siya. Binuksan ko ang shower at hinayaan ang tubig na dumaloy nang marahan sa katawan ko, ninanamnam ko ang lamig na dulot nito sa'kin.