Chapter 1: Circle of friends

Thalia's POV

Gusto ko ang buhay na mayron ako ngayon dahil may maayos akong trabaho, sumasahod nang naayon sa gusto ko, nabibili ang mga bagay na gusto kong bilhin, naabutan ko rin ang pamilya ko kahit hindi naman talaga nila kailangan dahil may kita din naman ang mga magulang ko at may maayos na trabaho din ang dalawa kong kapatid at higit sa lahat may savings ako for my future pinaka-importante para sa'kin.

Masaya ako sa buhay ko kahit NBSB ako. 'Oo NBSB- No Boyfriend Since Birth' ewan ko ba kung bakit hangang ngayon wala pa akong jowa, dahil siguro sa mailap ako o talagang walang trip na jowain ako! pero kahit ganun 'di naman ako ignorante sa mga gimikan o anong kalokohan dahil sa mga best friends ko since college. Kaya kahit wala akong boyfriend masaya naman college life ko magpa-hangang ngayon.

"Thalia, may trabaho kaba bukas?"

Tanong ni Stella sa'kin.

Isa sa mga best friend ko. By the way andito kami sa bahay ni Serenity na isa rin sa mga BF's ko.

"Bakit may plano ka bukas?"

Sagot ko rito habang kumakain ng sliced pizza na pinagsasaluhan naming anim.

"Gigimik na naman yan!,"

Mabilis na sabat ni Tracy habang nakaupo at nagpapatugtog ng gitara.

"Sama ako diyan, wala akong gagawin bukas." Ngiting turan naman ni Kathalina habang nagpapa-manicure kay Samara.

"Lagi ka naman talagang sumasama sa mga gimikan kathalina eh."

Tawang turan ni samara sa kanya kaya napatawa na rin kami sa pagiging practikal nito.

"Alam mo sam kulang ka lang talaga sa lakwatsa, kaya ka ganyan."

Mapang-asar na ganting sagot ni kathalina rito. Sila naman din kasi talaga ang laging nag-aasaran pero sobrang close dahil kahit may pagka-seryoso si Samara palagi nitong pinag-tatanggol si kathalina sa mga naging ex nito o nakaka-away kaya ganun rin siya kamahal ni Kath bilang kaibigan.

"Alam mo naman siguro na kailangan kong kumita diba? Pinaalalahanan lang kita ulit baka kasi nauntog kana naman at nakalimutan mo kung anong pamumuhay mayroon ako kathalina."

Seryosong turan ni samara, kaya wala nang nasabi pa si kath dahil alam naman talaga niya o namin, kung anong pamumuhay ang mayron si Samara.

"Ang KJ niyo naman talaga! Saturday bukas dapat may night-out tayong mag bf's ano ba naman yan!?"

Nadidismayang turan ni Stella sa'ming lahat habang nakapameywang pa.

"Sige sasama ako bukas,"

Sagot ko sa kanila.

"Okay fine, sasama na rin ako at nang hindi maghimutok ang butchi nitong si Stella," sagot din ni Tracy.

"Basta ako! sasama talaga ako bukas, kaya ikaw Sam sumama kana."

Turan naman ni kath habang hinihila nito si sam dahil natapos na ito mag-manicure sa kanya.

"May trabaho ako bukas ng gabi, remember?" Sagot naman ni Sam.

"Ano kaba! don't worry babayaran ko ang bawat oras mo, kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala." Sabay kindat kay sam.

"Ikaw Seren, sama ka bukas?" Tanong ko sa pinaka-mahinhin naming kaibigan.

Kunbaga siya ang pinakamarikit sa'min at dalagang pilipina pero supistikada dahil anak mayaman ito at kilala ang pamilya nito sa may pinakamaraming pag-aari ng kalupaan at negosyo.

"Oo naman, sasama ako matatanggihan ko ba kayo?" Nakangiting anito sabay lingon sa'ming lahat dahil abala ito sa kanyang bini-bake na cupcakes.

"Okay! gigimik tayong anim bukas, dapat 7pm sharp magkita tayo sa Santana's Bar."

Masayang turan ni Stella na halatang excited dahil muli kaming magkakasama. Dahil this fast few weeks masyado kaming abala sa aming mga trabaho.

"Ako bahala sa drinks!" Mabilis na sabat ni Stella.

"Ikaw nagyaya eh' kaya ikaw talaga dapat ang magbayad ng drinks natin." Isang mapagbara din na si Tracy.

"Naku Tracy kung 'di lang kita kaibigan sasapakin talaga kita!" Naiinis ngunit pabirong ani Stella.

"Ako bahala sa foods natin, ano ba gusto niyong pulutan?" Saad naman ni Seren.

"Kahit ano basta masarap at bagay sa inumin natin." Sagot ni Tracy.

"Okay, Let me handle it." Nakangiting wika nito.

Ang ganda talaga ngumiti ni Serenity para itong anghel na bumaba mula sa langit sa pagkakaroon nang angelic face.

"Ako sa Hotel na tutulungan natin! Haha." Sagot ni Kathalina.

Halos mapalingon kaming lahat sa sinabi nito at napahakbang naman si Sam papalayo sa kanya habang siya nagtataka sa naging reaksyon naming lahat.

"Oh bakit!? Is there something wrong?"

"Bakit tayo maghohotel?" Nagtataka kong tanong rito minsan talaga itong si Kath napakadelikado kasama.

"Duhh! Bakit kapag nalasing kayo sa tingin niyo ba makakauwi kayo nang bahay niyo!? diba mas safe kapag naghotel tayo after we get drunk!" Kibit balikat nitong depensa.

Wala na kaming masabi pa sa pagiging advance nito, tama rin naman siya dahil ayaw naman namin magmukhang wasted sa mga bahay na uuwian namin.

kinabukasan.

Sinuot ko ang bago kong bili na damit kanina para sa night-out namin, naka plain top black ako na medyo kita ang cleavage with matching highwaist short white na hapit sa legs ko at 3 inch na black boots. nagmamadali akong lumabas ng apartment dahil tiyak akong naroon na silang lima, at hindi nga ako nagkamali dahil pagkababa ko ng taxi nasa labas na sila ng Santana's bar.

"Sorry gals, late ako" Buntong-hininga kong turan.

"Okay lang Thali, tara na party na tayo." Mabilis na ani Stella.

Pagkapasok namin ng bar marami nang tao at halos nakakabingi na ang ingay na dulot nang musiko dito sa loob. kumuha ng table para sa'min si Stella at nasa gilid kami napunta kung saan hindi kami masyadong naaaninag ng disco light. umorder agad ng 2 bucket na beer si Stella habang si Serenity ang umorder ng pulutan, pagbalik ni Stella at Seren ay sinimulan na namin ang inuman.

"kumusta na pala kayo ni Kairos kath?"

Tanong ni Tracy kay kathalina habang iniinom ang beer.

"Duhh! as usual magulo pa rin ang relasyon naming dalawa hindi ko nga alam bakit ang bilis nagbabago ng mood niya this fast few weeks." Sabay inom sa beer nito.

"Ano ba yan! girls night out 'toh, tapos topic niyo jowa?! nubayan! nakakasira yan ng gabi eh!" Sabat naman ni Stella.

"Oo nga naman tsaka hindi ako makaka-relate kasi wala akong jowa!." Patirik matang turan ko ngunit nakangiti.

"Hanapan kaya kita nang jowa ngayon dito sa bar Thali,"

Malapad na ngising suhestiyon naman ni Stella. Kamuntik naman akong mabilaukan sa sinabi nito.

"Ako maghahanap ng jowa? no way!" Mabilis kong tanggi.

"Besides okay na akong single, isa pa hindi hinahanap ang love! kusa yang dumarating." Dagdag kong sagot.

Napalingon naman silang apat sa'min ni Stella habang ito ay natatawa sa sinabi ko, kinataka ko naman ang kanilang mga naging reaksyon.

"May nasabi ba akong mali?" Tanong ko sa kanila.

"Thali naman! Huwag masyadong OA! LOVE agad hanap mo? Ang sabi ko jowa, hindi LOVE!"

Mariing turan ni Stella na natatawa pa rin habang si Kath, Tracy at sam ay nagtatawanan din.

"Tumigil nga kayo pinagloloko niyo talaga si Thalia." Marahan na wika ni Seren.

"Paano naman kasi ang bigat ng salitang LOVE! 'Di yun bagay sa'tin!"

Mabigat na pagbigkas ni Tracy ng salitang Love sa'min, kaya sa kanya na naman bumaling ang aming atensyon.

"Oh my god! jowa lang ang hahanapin natin hindi yang love na binabanggit niyo ngayon."

Sabay inom ng beer ni Stella. nang biglang humiyaw ang DJ ng bar para sa matinding sayawan sa dance floor at dahil sa nakainom na nga rin kami kaya tanggal ang hiya namin at tinungo ang dance floor tsaka sabay-sabay kaming sumayaw habang naghihiyawan, just like the old times.