CHAPTER 42: Hide

Avery

Bigla akong napahawak sa aking tiyan habang naglalakad kami ni Ate patungo sa bahay na sinasabi niyang pag-aari ng parents ng kanyang partner noong nabubuhay pa ito. Medyo malayo-layo ito sa mainroad at kailangang lakarin dahil ito nakapasok ang sasakyan doon.

"Are you okay Jade?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ni Cameron.

"Yeah I'm fine teh. Sumipa lang kasi ang kambal," sagot ko sa kanya.

"Siguradong ayos ka lang ha? Malayo-layo pa ang bahay dito, Jade. Pwede tayong magpahinga," sabi pa niya.

"Hindi na ate. Dumiretso na tayo," sagot ko.

Pagdating namin sa bahay ay hingal na hingal ako. Binuksan ni ate ang bahay gamit ang susi na iniwan sa kanya ni Abigail, ang kanyang partner bago ito nangibang-bansa.

"Wala tayong pagkain dito at malayo-layo rin ang city mula rito. Are two okay na maiwan kayo dito?" tanong niya sa akin matapos kaming magkapasok sa loob.

The house is obviously built during invasion era base na rin sa ayos at disenyo ng bahay. Maliit lang ito, bungalow style na nasa tuktok ng burol. Kung hindi ako nagkakamali ay dating farm house ito. Sa labas ay makikita ang malulusog na grassland at mga buhangin. May mga mangilang-ngilang mga tupa ang nanginginain sa mga damo at may mga pastol na nakaupo sa carpet at nagkakape. Ayon kay Ate ay disyerto na raw ang kasunod ng bayang pinuntahan namin.

"Bring Cameron with you, ate," sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit? Baka kung mapano ka? You need someone to be with you," sagot niya

"I'll be fine. Sige na ate. Humayo na kayo para makarating kayo bagon magdilim," sagot ko sa kanya.

Kahit na halatang-halata ang hesitant ni ate na dalhin si Cameron ay nanaig pa rin ang pagpupumilit ko. Cameron is trying to understand everything but he's just a kid. At may limit rin ang pang-una ng bata.

Inihatid ko sa pintuan ng bahay ang dalawa.

Ayon rin kay ate ay may taga-linis ng bahay. Dalawang beses sa isang linggo kung ito ay pumunta. Sabi niya ay isa raw itong omega na malayong kamag-anak ng nanay ni Abi. Malinis ang bahay. Halatang bagong palit ang mga sapin ng mga upuan at mga kama sa bawat kwarto na naroon. Matapos kong mai-lock ang main door ay pumasok ako sa isang kwarto at nagpasyang magpahinga matapos hubarin ang abaya na aking suot. Halos tatlong araw rin kaming nagbyahe ni ate mula sa kapital city ng Bremix. Nakakapagod ang byahe at nakaka-stress na rin. It's been like one month since palipat-lipat kami ng lugar na mapagtataguan. Ilang linggo na lang ay due date ko na. Ramdam na ramdam ko na ang pagnanais na makalabas ng aking mga anak sa aking tiyan. Marius hasn't contacted us yet at hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala.

What if naisipan nina Haize at Sebastian na ipapatay si Marius? What if sa galit nila na hindi ako mahanap ay siya at ang mga magulang niya ang mapagbuntungan ng galit nila rito.

Habang nag-iisip ay biglang nag-vibrate ang bagong keypad phone na binili sa akin ni ate. Agad ko itong sinagot.

"Hello Jade? Ipad-lock no ang pintuan sa labas ng bahay. Doon ka lumabas sa secret door na nasa loob ng kusina. Kapag nakita mo yung lumang ref diyan, buksan mo iyon at doon ka pumasok palabas ng bahay. May nakasalubong kami ni Cameron na itim SUV. Bihirang magkaroon ng ganoong uri ng sasakyan dito. Magtago ka at huwag na huwag kang lalabas o mag-iingay kahit anong mangyari. I have bad feelings about them," bilin niya sa akin.

Agad kong ginawa ang sinabi sa akin ni ate. Just why the hell did those bastards know something like this place? Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan sa loob ng bahay na hindi ako mahahanap kung sakali mang buksan nila ang bahay. Nakita ko ang isang malaking kabinet na natatakpan ng puting kumot sa huling kwarto at doon ako nagtago. Halos kakasara ko lang ng pintuan ng marinig kong may mga nag-uusap sa labas.

"Seriously? Just how far this stupid house from the main road?" narinig kong tanong ng isang lalaki. "And then what? Look! Naka-padlock ang bahay at mukhang walang tao," sabi pa niya.

"Ano ba Athan? Puro ka reklamo. Mabuti nga at may nagtip sa atin na may tatlong omega na nagpunta dito," sagot ng isa pa.

"Tip? Ni hindi wala ngang katao-tao dito. Maybe we got the wrong persons?" tanong ng isa.

"Damn this only the eye can see costumes for omega. Pahirapan pa!" inis na sabi ng isa.

"What are we going to do? Sirain ang padlock at tingnan kung may tao na sa loob?" tanong ng kasama nito.

Bigla akong napalunok sa suwestihiyon ng isa sa kanila.

"Are you stupid? May magpapadlock ba ng bahay kung nasa loob ka?"

Biglang na akong nakarinig ng tunog ng cellphone mula sa isa sa mga ito.

"Hello, boss?" sabi ng isa sa kanila.

"Go back. We lost track on the target's omega," narinig kong sagot ng kausap nila na nasa kabilang linya.

"What do you mean you lost track? We're in the middle of tracking them down, boss," sagot ng isa sa mga ito.

"Track them down? Are two stupid or what? Where did you get the idea to track them down when you don't have the direction to follow? Just where are you two?"

"Ah uhm we don't know, boss. Nagtanong-tanong lang kami at nagbabakasakali na may nakakita sa kanila gamit iyong picture na ibinigay ninyo," sagot ng isa.

"Idiots! Don't you have any idea that the country you're in is Bramix? Both of you are dumb. Get back here idiots. You can't find a needle of the same kind in a hay!" galit na sabi ng nasa kabilang linya.

"Okay boss. We're going back," sagot ng isa sa kanila.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag noon wala na sila at sinilip ko sila sa bintana. Agad akong tumawag kay ate na wala na sila at pwede na silang umuwi. Ilang oras din akong naghihintay sa kanila at hindi ako naglakas loob na buksan ang ilaw. Paulit-ulit akong tumitingin sa relo sa aking wrist watch at hinihintay ang mga segundo sa kanilang pagdating.

Muli akong tumawag sa kanya.

"Ate asan na kayo? Maghahating-gabi na," nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"On the way na kami Jade. Pasensya na medyo nag-enjoy kasi ang pamangkin ko sa ferris wheel. Namili na rin kami ng pagkain at mga damit," sabi pa niya.

"Okay sige ate. Mag-iingat kayo sa pag-uwi," sagot ko sa kanya.

"Matulog ka na lang muna. Gigisingin ka na lang namin kapag nakauwi na kami," sabi pa ni ate. "Bawal magpuyat ang buntis at ma-istress," dagdag pa niya.

"Sige, Ate. Ingat ulit sa pag-uwi," sabi ko.

Nagpasya akong mahiga sa kama. Hindi ko intensyon makatulog ngunit dahil na rin siguro sa stress at pagod, hindi ko na napigilan ang antok.

Kinabukasan ay amoy ng ginisang corned beef at bacon ang aking naamoy. Nakalimutan ko pa lang nag hapunan dahil kakahintay sa kanila kagabi.

"Good morning," bati ko kay Ate habang nagluluto ito.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Bakit parang hapung-hapo ka?" tanong niya.

"Okay lang ako ate. Pagod lang siguro. Penge naman ako ng niluluto mo," sabi ko sa kanya.

Nilagyan niya ang isang plato ng pagkain at saka toasted bread. Kumuha na rin siya ng fresh milk at saka isinalin sa baso.

"I think that those bastards had tracked us," sabi ni Ate habang nagtitimpla ng kape. "Kasi kung wala, paano nila nalaman ang lugar na ito gayong gatuldok lang ito sa mapa ng Bramix," sabi pa niya.

"Iyon nga rin ang narinig ko kahapon. Sabi nila nawala daw nila ang tracking device nila. Hindi ko lubusang maintindihan kung ano iyon," sagot ko sa kanya. "Nakausap mo na ba si Marius?" tanon ko pa sa kanya.

"No. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang number niya ngunit hindi ko na siya ma-contact," sahot niya sa akin bago sumubo ng bacon at ngumuya pagkatapos.

"Nag-aalala ako, Ate. What if my nangyaring masama na sa kanya? What if-"

"Hey hey. Marius can defend himself at saka Duke siya hindi ba? Napapalibutan siya ng mga taong pumoprotekta sa kanya. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Masama iyan sa kalagayan mo," sagot niya sa akin.

"Hindi ko lang talaga mapigilan ate," sagot ko sa kanya.

"I know that you are worried for him but think about your situation.”

Magsasalita pa sana si Ate ng biglang nagring ang kanyang smartphone na nakapatong sa mesa. Hindi naka-registered ang number na tumatawag kay ate kung kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Sagutin mo ate baka si Marius iyan," sabi ko sa kanya.

Kahit na nagdadalawang-isip ay sinagot niya ang tawag at saka pinindot ang loud speaker.

"Belle? Why the hell I can't contact your other number?" bungad sa kanya ng boses babae.

"Abi?" tanong niya sa nasa kabilang linya.

"Yes, it's me. Where are you, Love? Why can't I contact your other number? Why are you using this number?" sunod-sunod nitong tanong.

"Abi, I can't explain to you right away but I hope you'll understand me," sabi ni Ate.

"What? I don't understand you? Someone called my number and they were asking about you. He said that he was your cousin that's why he was looking for you but when he went to our house, you weren't there. He said he wanted to see you so I thought maybe you're in my parents' house so I gave him the address. Are you in there?" tanong niya na.

Napalunok akong napatingin kay ate.

"Cousin? I don't have any cousin, Abi! Omg!" sagot ni Ate na kinakabahan.

"What? Did I do something wrong?" naguguluhang sabi tanong ni Abi.

"Gravely wrong, love. Please do not answer anyone who pretends to be my cousin when you know I only have a brother. That man is after us, especially Jade. Have you watched the news about the bombing of Marius' house and the failed abduction of his omega? That's them. We've been running away from them for weeks, love," sabi ni ate.

"Holy shit! Get out of that house now!" sabi ni Abi.

Pagkatapos maibaba ang tawag ay nagmamadali naming ilagay sa isang bag ang mga pagkain na binili nila kahapon.

"Go and wake up Cameron. We need to leave ASAP," utos ni ate.

Kahit na nahihirapan akong maglakad ay sinubukan ko pa ring maglakad ng mabilis para lang makalayo sa bahay na iyon.

Jesus, how long will I endure before everything ends? I... I can't go on anymore.