CHAPTER 1
Destiny will lead you to him.
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdamang tila umaalog ang kinahihigaan ko.
Sa pag dilat ng aking mga mata ay dilim lang ang sumalubong sa akin. Nang maka- adjust ang paningin ko sa dilim ay napagtanto kong nasa sasakyan ako.
Ngunit bumundol ang kaba sa puso ko nang maalala ang nangyari bago ako mapadpad sa kinalalagyan ko ngayon.
--------------
Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin. Nakakagaan ng pakiramdam ang kapayapaang dala ng kagubatan. Maaga akong nagising kanina at naisipang maglakad-lakad.
Hindi ko alam ngunit dito ako dinala ng mga paa ko. Dito sa kagubatang pinagbabawal ng mga matanda na puntahan namin.
Ang sabi nila ay may mga mababangis na hayop na namamalagi raw dito. Pero hindi ganoon ang naramdaman ko, bagkus ay natuwa pa ako na pumunta ako dito dahil sa mga nakikita ko.
Nawala ang bigat ng dinadala kong problema sa buhay. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Puro puno lang ang nakikita ko. Mga huni nang ibon lamang ang naririnig ko at pagaspas ng mga dahon ng mga naglalakihang puno sa bawat gilid.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kanina pa ako palakad-lakad dito at hindi ko namalayan na napalayo na ako sa kalsada.
Naisipan ko na nang bumalik na ngunit hindi ko na mahanap ang daan pabalik dahil na rin magkatulad lang ang mga punong nakikita ko.
Ngunit sa aking paglalakad ay bigla akong natigilan nang may naramdaman akong kaluskos. Napatingin ako sa punong nasa kaliwa ko nang mapansing doon nanggaling ang kaluskos.
Umakyat sa sistema ko ang takot nang maalala na may mga mababangis na hayop na namamalagi dito sa masukal na kagubatan ng San Diego.
Ngayon ko lang napagtanto na maling pumunta pa ako dito. Huminga ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad.
Ang sabi ng mga kakilala ko ay nasa dulong bahagi pa ang mga mababangis na hayop kaya hindi ko maiwasang magtaka. Nandito na ba ako sa dulong bahagi?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang hinahanap ang daan pauwi.
Sa paglalakad kong iyon ay napunta ako sa isang lugar na ngayon ko lamang nakita. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa gulat at pagkamangha sa nakikita ko.
Tila paraiso ang lugar na napuntahan ko, hindi ko kailaman nalaman na may lawa pala sa gitna ng kagubatang ito. Sobrang linaw ng tubig at may malalaking tipak ng mga bato sa gilid ng lawa. Nakakahalina ang dala ng kapayaan sa lugar na ito. Maririnig ang mga huni ng mga ibon at ang ingay nga mga palaka sa paligid.
Dahan-dahan akong lumapit sa lawa. Nakita ko ang repleksiyon ko sa tubig sa sobrang linaw nito. Sinasalamin ng lawa ang langit sa kalangitan.
Ngunit ang payapa na ninanamnam ko kanina lamang ay nawala nang biglang magsiliparan ang mga ibon. Napansin ko ring tumakbo ang usa na nagpapahinga sa ibabaw ng puno.
Naging alerto ako dahil doon at sinuyod nang tingin ang paligid. Nahinto ako sa pagmamasid nang makarinig muli ng mga kaluskos sa paligid. Naisipan kong umalis na dahil sa kabang nararamdaman ko. May mali sa mga nangyayari ngayon at nararamdaman ko ang pagkabahala sa tila paraiso ngunit mapanganib na dala na kagubatang ito.
Mabilisan akong lumisan sa lugar na iyon. Lumipas ang ilang minuto na walang nangyayari. Patuloy lang ako sa paglalakad at pagmamasid sa paligid.
"Damn it!" napasigaw ako sa gulat ng ang tahimik na paglalakad ko ay nagimbala dahil sa panang bumulusok sa harap mismo ng mukha ko. Nanlalaking mga mata kong tinignan kung saan tumama ang palaso at nakita kong sa malaking puno ito tumama.
Nakita kong may papel na nakaipit sa palaso. Sa kuryusidad ko ay nilapitan ko ito at hinila mula sa puno. Bimasa ko ang nakasulat doon at natigilan nang mapagtantong dugo ang pinangsulat sa papel.
Ngunit hindi lang iyon ang nagpatigil sa akin. Ang nakalagay mismo sa papel ang kumapos ng hininga ko. Nakasulat ang salitang 'takbo' doon.
Nilibot ko nang tingin ang buong lugar. Umaasa na makita ang pangahas na umasinta non. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay napatalon ako sa gulat nang may tumama muling palaso sa punong nasa likod ko. Doon ko lang napagtanto na nasa panganib ang buhay ko.
Mabilis akong naglakad palayo, mula sa paglalakad ay naging takbo na ito dahil sa pagmamadali ko. Tinignan ko ang nasa harapan ko at halos madapa nang makitang may sumusunod sa aking lalaki. Naglalakad lamang ito ngunit makikita sa mga mata nito ang kapahamakan.
"Bilisan mo, Lily!" pangungumbinsi ko sa sarili. Hindi ako tumigil sa pagtakbo at panay ang tingin sa likod. Mas binilisan ko pa ang takbo nang makitang hinahabol na niya ako. Pagod na pagod na ako at tumatagaktak na ang pawis sa mukha ko, pero hindi ko hahayaang naabutan ako ng lalaking iyon.
Ngunit sa kasamaang palad ay bigla akong natalisod, tinignan ko ang paa ko at nakitang may nasabit na kahoy doon. Nanghina ako nang makitang may lumabas na dugo matapos kong hilahin ang nakatusok na kahoy
"Huwag mo nang subukang tumakbo! Wala kang kawala sa akin!" malademonyong sigaw ng lalaki. Tumingin akong muli sa likod at halos mapaatras nang makitang malapit na siya. Kahit nahihirapan sinimulan kong muli ang pagtakbo.
Hindi na kasing bilis nang takbo ko kanina ang pagtakbo ko ngayon dahil sa iniinda kong sakit sa paa. Napatingin ako sa gilid nang makitang may tumamang palaso sa isang usa. Halos masuka ako nang makitang sa mismong sa isang mata nito tumama ang dulo ng palaso.
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo sa pagtakbo! Dahil pag ako nainis, sa bungo mo na makikita ang palasong iyan!" sigaw nito at nakuha pang tumawa, nagdala iyon ng takot sa akin pero hindi ako huminto sa pag lakad-takbo.
Hindi ako tumigil. Hindi ako titigil. Napatingin ako sa harapan at halos mabuhayan nang masilayan ko ang kalsada mula rito. Binilisan ko pa ang pagtakbo ngunit halos mapasigaw ako nang may humila sa buhok ko.
"Talagang ginagalit mo ako! Ngayon, subukan mong sumigaw nang maitarak ko sa lalamunan mo ang palasong hawak ko," bulong nito sa tenga ko na nagpatayo ng balahibo ko. Mabilis ang bawat aking pag-hinga at halos gusto nang lumabas nang puso ko sa kaba.
Nanatili akong tahimik. Habang nagsasalita siya ay busy ako sa paghahanap ng paraan kung paano ako makakatakas sa lalaking ito. Konti nalang ay malapit na ako kalsada. Siguradong may makakarinig agad sa sigaw ko pag nandoon na kami dahil maraming nakatira doon.
"Bakit hindi ka nagsasalita?! Natatakot ka na ba?!" tanong nito habang natatawa.
"Hindi," malamig kong tugon. Hawak pa rin nito ang buhok ko. Pag tumakbo ako ngayon nang nakahawak pa siya sa buhok ko sa tingin ko 'y mapupunit ang anit ko.
"Anong sabi mo?!" singhal nito at nilapit ako sa kaniya gamit ang buhok ko. Kagat-labi kong tiniis ang sakit nang pagkakahila nito. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay pwersadong nilagay nito ang braso sa leeg ko. Napadaing ako nang bigla niyang higpitan ang pagkakasakal.
"Nasasaktan ako!" sigaw ko.
Nagbabakasaling baka luwagan niya ang pagkakasakal pero mukhang wala talaga siyang puso dahil tila hindi niya narinig ang sinabi ko. Nakaisip ako nang paraan kanina kung paano ako makakatakas sa lalaking ito at ang unang plano ko ay ang inisin siya at nasunod naman iyon.
Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita at biglang niyuko ang ulo ko. Segundo lang ay bigla ko itong hinead bang patalikod sanhi nang pagkakabitaw niya sa leeg ko. Ininda ko ang sakit ng aking paa at tumakbong muli. Narinig ko pang sumigaw ito ngunit hindi na ako tumingin pa sa likod at tumakbo lang ng tumakbo. Konti nalang at makakatapak na ang mga paa ko sa kalsada nang biglang may bumulaga sa harapan ko.
"Saan ka pupunta?" seryong tanong ng panibagong lalaki sa harapan ko. Napamura ako sa isipan nang tumingin ako sa likod ay palapit na rin ang lalaking humahabol sa akin kanina.
Akmang tatakbo akong muli nang bigla itong pumunta sa akin at tinutok ang hawak na kutsilyo nito na ngayon ko lamang napansin na hawak niya. Nanlalaking mga mata kong tinignan kung saan tumarak ang kutsilyo at nakitang sa tagiliran ko ito. Nanghina akong napaupo at nakitang umaagos ang dugo mula doon.
"Bakit mo sinaksak?! Ang sabi ko huwag mong hayaang makatakas hindi iyong sasaksakin mo, bobo!" sigaw nang paparating na lalaki.
"Tatakas pa, eh. Mabuti nang gawin iyan. Sa iyo nga nakatakas pa."
Iyon ang huli kong narinig bago magdilim ang paningin ko.
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang pag-uusap sa harapan ko.
Tinignan ko ang sugat sa tagiliran ko at nakitang may benda na ito. May puso pa pala sila kahit papaano.
Napatingin ako sa harapan nang may makitang konting liwanag mula sa telang natatakpan non.
Pinilit kong tumayo. Umaalog ang sasakyan kung nasaan ako ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi ako makatayo. Pinasadahan ko nang tingin ang buong lugar. Ngayon ko lang natapagtanto na hindi maganda ang amoy dito. May nakita pa akong mga damit ng mga babae sa gilid ko.
Kahit nahihirapan ay nagsimula akong maglakad. Dahan-dahan nang hindi nila malaman na may malay na ako. Nang makarating sa may tela sa harapan ko ay sumilip ako doon. Hirap kong binalanse ang katawan dahil sa pag alog ng sasakyan.
"Maganda iyong babae , ano? Bakit hindi muna natin laruin bago ibenta sa mga hangal na kaluluwa doon sa bayan ng Friego?" narinig kong sabi nito na nagpakaba sa akin.
"Tumigil ka, Galeng. Noong nakaraang araw ay wala tayong nabentang babae dahil diyan sa pagiging hayok mo sa laman."
"Siya ang may gustong mamatay na lang siya, hindi ako."
Nanghihina akong napaupo nang marinig ang pinag-uusapan nila.
Nasaan ako? Tiyak kong malayo na kami sa bayan namin. Nilagay ko ang ulo ko sa tuhod at pinikit ang mga mata. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa halo-halong emosiyon na nararamdaman ko.
Saan ako dadalhin ng kapalaran ko?