Chapter 23
“Nakakaloka, saan ka natulog?” bungad ni Sarah sa akin ng pumasok ako sa silid kung saan kami natutulog kaya lang kagabi hindi ako dito natulog kaya’t sigurado akong magtatanong siya hanggang mamaya.
“Please lang ‘wag ka muna mag isip ng kung ano-ano pag sinabi ko.” pangunguna ko sa kanya dahil kilala ko ang ugali niya.
Namewang pa siya bago humarap sa akin at parang nanay ko kung umasta na naghihintay ng kasagutan.
“Okay, natulog ako sa kwarto ni Liam.” I said directly.
“WHAT!?”
Alam kong ganito ang magiging reaksyon niya, “Ano ba ang ingay mo.”
“Baliw ka ba? Malamang natulog ka lang naman sa kwarto ng isang lalaki.” mahinahon ngunit may diing wika nito. “Hey, babae ka-”
“Shh.. Baka may makarinig sayo!” sabi ko bago umupo sa kama.
Hinawakan niya ang kanyang sintido bago umupo sa tabi ko, “Be honest, ito ba ang unang pagkakataon na natulog ka sa kwarto niya?”
Parang sirang plaka na nag re-rewind sa utak ko kung anong nangyari noong nakaraang linggo kung saan nakipagtalik ako kay Liam. but that's not intentionally at pareho kaming nadala ‘nung gabing iyon.
“Hey, ‘wag mo sabihin sa akin na-”
“Okay, aaminin ko hindi ito ang unang gabi na kasama ko siya sa isang kama.”
Tumayo siya sandali at umikot sa harapan ko, “Last question, may nangyari na ba sa inyong dalawa?”
Agad na nag init ang pisngi ko nang marinig ang huli niyang katanungan, anong sasabihin ko? Na may nangyari sa amin pero alam kong magagalit siya kahit pa na naging kami ni Liam. Hindi tama ang mga sitwasyon ngayon at sobrang gulo kaya marapat lang na ayusin muna bago gumawa ng mga hakbang.
“I’-I’m so sorry, Sarah.”
“So, it’s true na may nangyari sa inyo? Ano ka ba naman Ira hindi mo ba inisip na sobrang gulo ng sitwasyon ngayon at higit sa lahat hindi pa natin lubos na kilala si Liam.” muling naupo si Sarah sa tabi ko habang nakahawak sa ulo niya.
“Anong ginawa mo Ira, bakit ka nagpadala. Let say magkasintahan kayo ngayon p-pero hindi muna dapat-”
“I know but- babae lang ako na natutukso din.” putol ko sa sasabihin niya.
Alam ko naman na hindi ako dapat nagpadala dahil magiging malaking gulo kung mabuntis ako lalo pa’t masyadong magulo sa ngayon at kaliwa’t kanan ang mga taong gusto pumatay sa amin.
“Narinig ko kagabi na pupunta ang daddy mo rito at kasama si Greth.”
Nagulat ako sa sinabi ni Sarah, “B-bakit daw?”
“Ang sabi ni Nanay Lea ay babawiin ka daw ni Tito Joseph dito.” kinakabahan na sabi ni Sarah habang paikot-ikot sa harapan ko at hindi alam ang gagawin.
“What!? Pero paano nila nalaman na nandito ako, sinong nagsabi?”
Pareho na kaming kinakabahan ni Sarah at hindi alam ang gagawin, “Hindi ko alam kung sino ang nagsabi.”
“Siguradong malaking gulo ‘yan.” sabay kaming napalingon ni Sarah sa nagsalita at bumungad sa amin ay si Jarus pala na nakasandal sa pintuan.
“Anong gagawin natin.”
Ayokong pareho mapahamak ang dalawang lalaking sa buhay ko lalo pa ngayon na minahal ko si Liam at si daddy naman ay may edad na. Paano kung mag kainitan sila tapos dinagdagan pa ng madrasta ko.
“Nalaman ko na isasama ka ni bro sa Seaview Hotel para doon muna kayong tatlo nila manang habang siya naman ay inihahanda ang mga tauhan para sa pagdating ng daddy mo.” mahabang pahayag nito.
“Ikaw? Paano ka,” tanong ko.
Namulsa pa ito bago sinarado ang pintuan dahil may maliit na uwang, “May susundo sa akin dito at mismong mga tauhan ni bro ang maghahatid sa akin patungo sa kabilang village para sa kaligtasan ko.”
Kung lahat kami ay pinoprotektahan ni Liam ibig sabihin hindi malabong may malaking kaguluhan ang mangyayari dito. Ano ang gagawin ko paano ko sila mapipigilan.
“I have an idea.” sabi ni Jarus bago lumapit sa aming dalawa ni Sarah.
Maya maya lamang ay tumunog na ang phone ko kung saan ibinigay ni Liam sa akin para daw may contact kami sa pupuntahan namin. It was from Liam.
“Sagutin muna tapos magkita-kita na lang tayo sa Hotel.” dagdag pa ni Jarus bago umalis sa kwarto at dumaan sa secret na lagusan.
Wait, bakit wala akong alam sa lagusan na ito samantalang matagal na ako dito. Kaya pala nakakabit ang flower vase at nang subukan ko diligan ay hindi ko matanggal sa magkapatong sa maliit na mesa kaya hinayaan ko na lang. Isa pala itong sikretong lagusan.
Sinagot ko ang tawag at sinabi ni Liam na nasa labas na daw siya at nakahanda na ang sasakyan na gagamitin papuntang Hotel. Sabay kaming lumabas ni Sarah ng silid.
“Magbabakasyon tayong lahat ngayon sa Seaview Hotel.” masayang pahayag ni manang.
“Let’s go?” pukaw ni Liam sa akin. Kaya tumango na lang ako at sumakay sa kotse niya kung saan kaming dalawa lang habang nasa Van si manang at Sarah.
Habang naka focus siya sa pagdi-drive pinagmamasdan ko ang buong mukha niya para malaman ko kung anong ekspresyon ‘nun. Gusto ko malaman kung ano bang balak niya.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya pero naka focus ang tingin niya sa pag di-drive.
“A-ah, wala naman.”
Kunot ang noo niyang hinawakan ang kamay ko, “Are you okay? Bakit parang may gumugulo sa isip mo.” aniya.
Mabilis ko ibinaling ng ibinaling ang ulo ko hudyat na okay lang ako at saka pinilit na ngumiti dahil baka mahalata niyang may balak na naman ako. “I’m fine, excited lang ako sa pupuntahan natin.” pagdadahilan ko.
“I’m sure mag eenjoy ka sa pupuntahan natin.” he said then smiled sweetly.
Bakit ang galing niya magtago ng emosyon at sobrang linis nang pinapakita niya na ekspresyon sa aming lahat, para nakahanda na ang plano nila dahil kahit saan ko banda tignan kampante sila.
Ngayon ko napatunayan na lahat kami ay pinoprotektahan niya lalo na ako.
“We are here.” pukaw niya sa diwa kong nag iisip kanina pa.
Pinagbuksan niya ako nang pintuan ng kotse at hinawakan niya ang kamay ko para sabay kaming pumasok sa Seaview Hotel. Kunwaring hindi ko alam na dito talaga kami pupunta, “Teka, andito-”
“We are the owner of this Hotel.” mas ikinagulat ko pa ang sinabi niya.
“Kaya mo ba alam kung saan ako dinala ni Greth ay dahil sa CCTV.”
“Yes, nalaman kong nag check in ka sa hotel na ito kaya nagkaroon ako ng hint upang rewind ang mga CCTV at na find out naming kidnap ang naganap sa pamumuno ni Greth Madrigal.
Hindi ko mapigilan na yakapin si Liam dahil sa mga sacrifice niya for my safety. “Thank you, love.” bulong ko sa kanya habang mahigpit ko siyang yakap.
Ramdam kong humaplos ang dalawa niyang kamay sa likod ko hudyat na niyakap niya ako pabalik. “Always welcome, my love,” he said.
I’m so blessed to have a man with a good heart, malaking tiwala ang ibibigay ko sa kanya dahil nararamdaman ng puso ko na hindi niya kayang saktan si daddy.
“Boss!” bungad ni Vincent sa amin na parang may emergency na nagaganap.
Agad na bumitaw si Liam at sinabing mauna na daw kami sa loob ng Hotel dahil may gagawin lang siyang importante. Sinimulan na akong kabahan paano kung nandiyan na si daddy tapos hindi sila magkaintindihan.
“Anong gagawin ko, Sarah.” hindi ko kayang tumayo na lang dito sa isang sulok habang may dalawang taong importante sa akin ang naglalaban.
“Hija, magtiwala ka na lang sa diyos at kay Liam na hindi niya kayang saktan ang daddy mo because of you. He loves you so much.” segunda ni manang.
Lumapit si Manang sa akin at niyakap ako para mabawasan ang pangamba ko habang si Sarah naman ay hawak ang kanang kamay ko para i comfort ako.
“Everything will be fine,” sabi ni Sarah.
Isa na lang ang paraan at iyon ang plano ni Jarus para masaksihan ko ang mangyayari dahil hindi ko naman ma eenjoy ang lahat dito kung may iniisip ako. Walang saysay ang pagpunta namin dito, sana lang ay tumupad si Jarus sa usapan na tutulungan niya kami.
“Halina’t pumasok sa loob.” pag aaya ni manang sa amin.
“Sige po manang, mauna na po kayo bibili lang kami diyan sa may kanto.”
“Nako, ang sabi ni Liam ‘wag na ‘wag ko daw kayo iwan kaya nga marami tayong bantay dito ay para sa kaligtasan ng lahat.” wika ni manang.
No choice kami kundi ang isama si manang bumili pero ang totoo ay hihintayin lang namin si Jarus kung saan ang usapang magkikita, bahala na mamaya na kami magpapaliwanag kay manang kung sakaling magulat siya na nandito pa si Jarus.